03
CHAPTER THREE | STRAWBERRIES AND CIGARETTES
HINDI ko na mabilang sa kamay kung pang ilang party na ba ito na nadaluhan ko kasama si Summer. Gaya noong una sa The Hudson River, masama pa rin ang kutob sa mga nangyayari sa paligid. Pakiramdam ko ay muli na naman mapapaaway ang kinakapatid ko. And that's a job for me because I'm her greatest alibi after all. Muli na naman kasi akong naunahan ni Summer na mag-paalam sa mga magulang ko kaya heto ang ending ko.
Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin si Summer ngunit ni-anino niya'y hindi ko makita. Nasaan na naman kaya ang isang iyon? Huwag naman sana siya manghila ulit ng buhok gaya noong unang labas ko matapos ang ilang buwang pag-iwas sa mga ganitong kasiyahan. Six going seven months na ako dito sa Brooklyn at ngayon ulit gumulo ang aking mundo. Dahil pa iyon sa kinakapatid ko na ubod ng tigas ng ulo.
"Nasaan na kaya iyon... ay palaka!" sigaw ko ay dagling tumingin agad sa nakita kong tao na nabungaran ko sa loob ng pinasok ko na kwarto.
"It's you, again," sambit ng boses na medyo pamilyar sa aking pandinig. Unti-unti ko nakilala ang lalaki sa aking harapan. He was the guy who approached me in the yacht party at The Husdon River. It took me a minute to recognized him because something is different.
The cigarette in between his lips!
"Must you smoke?" Hindi ko mapigilang magtanong sa kanya.
"Everyone here does, Bonnie. So, why can't I?"
Oo nga naman. Bakit ang iba p'wede? I'm quite delusional due to Summer's sudden disappearance. Bar nga pala itong kinaroroonan namin at hindi bawal manigarilyo. Kanina pa nga ako nahihilo sa amoy noon. I'm not a saint and I tried smoking once, but since the smoke choked me, I never tried it again.
Malalim ako napahugot ng buntong hininga.
"I'm sorry," I said, bowing my head slightly.
He chuckled. "Are you aware of how cute you are right now?" Is that a compliment? Hindi naman tunog papuri ang sinabi niya. "If you're looking for Summer, she already left with a guy a minute ago."
"What?!" I couldn't believed Summer left me here alone. Sabi niya, hindi siya lalayo sa akin at aalis ng walang paalam. Pero ang ending ako pa rin mag-isa dito sa gitna ng maraming tao na hindi ko naman mga kilala. "I have to go," sambit ko at agad na tumalikod sa kanya.
"At least give me your name!"
I heard that, but I don't have time to chit-chat especially when Summer's not around already. Ang isang iyon lang naman ang dahilan bakit ako dumalo sa ganitong event. At kung ako ang pipili, mas gusto ko talaga mag-stay sa apartment ko buong magdamag at pagnilayan ang tanong ko sa lalaking kausap ko kanina.
What is his name again?
It's sounds like a chocolate, but I forget what brand. Maalala ko siguro kapag hindi na ako naiinis kay Summer. Buwisit talaga ang isang iyon kahit na kailan! I'm going to make her pay for what she'd done to me tonight! Hinding-hindi na ako sasama sa kanya kahit na kailan!
Hinding-hindi na talaga kahit mamilit pa siya.
TRUE to what I've told myself the other night, I didn't let Summer persuade me to go with her in a night club. Hinahayaan ko na lang siya mag-isa pero hindi pala niya kayang maki-party na walang chaperone. Ang ending, nakadikit lang siya sa akin buong mag hapon ngayon. Hindi naman literal na nakadikit pero mukhang wala siyang plano na umalis ngayon at magwalwal.
"Do you know why I love reading about these royals?" tanong niya sa akin na hindi ko naman sinagot. "Because I want to know how boring their lives inside the royal box." Tinugon na rin niya ang tanong sa akin.
Sobra siyang interested sa mga gano'n ngayon at pati movie preference ay bigla nag-iba. Gusto ko siya tanungin kung bakit pero sigurado naman ako na nonsense lamang ang kanyang sasabihin.
"Go visit a library to read them, Sum. Baka may mas mapala ka pa diyan kaysa maki-party nang maki-party."
Nakita ko ang pagliwanag ng mga mata niya pagka-rinig sa salitang party na binitawan ko. "May party ako ulit pupuntahan, Lauren. Samahan mo ako, ha?"
"No." I firmly answered. "Mag-isa ka pumunta doon, okay? Magta-trabaho na ako kaya lumarga ka na."
"Have a life, Lauren."
"I already have, Summer."
Meron naman talaga akong ibang pinagkaka-abalahan bukod sa pagta-trabaho. Bukod din sa mga charity works at attitude improving seminars. Nakakaumay din naman kung iyon lang ang mga gagawin ko sa araw-araw kaya nagdesisyon ako na mag-enroll sa isang yoga class. First class ko mamaya kaya nga pinapaalis ko na si Summer para makatapos na ako sa aking ginagawa.
"How do you see yourself three years from now?"
"Fetching you in jail, Summer."
"Ang KJ nito. Diyan ka na nga at makapunta na sa library."
"Bye, Summer. Ingat sila sayo!" Umirap lang siya na kinatawa ko naman. Sabi nang sabi na pikon ako gayong pareho lang naman kami. Pero iba ang wavelength niya talaga. Summer's purpose to my life is to lighten it up because for her it's dull.
Tinuloy ko na ang pagta-trabaho pagka-alis ni Summer at nang matapos ako ay agad ako nag paalam na uuwi na. From the café, I walked the streets towards the yoga clinic. Before I could enter the clinic, I went by a strawberries stand where I saw Ritter. Yes, I already remembered his name all of a sudden.
Siya na naman? Naghihinala na talaga pero maliit lang naman kasi ang lugar na ito. Prenteng nakain ito ng strawberries sa loob ng stand habang may lalaking bumubuhat ng ilang box palabas.
Aktong lalakad na ako ulit ngunit kamalas-malasan ko naman ay nakita pa niya ako.
"What a small world, Bonnie?" Hindi niya makapaniwalang sabi sa akin.
"Yeah, small world. Bye!"
Mabilis ako lumakad at pumasok sa loob ng yoga clinic agad. Dire-diretso akong pumunta sa locker at nagpalit ng damit saka sumali na sa mga kasama ko sa session. Nakita ko lang ito sa TV noong isang araw at may kung ano sa isipan ko ang nag sabi na bakit hindi ko subukan. Wala naman mawawala kung gagawin ko dahil marami naman itong benefits sa katawan lalong-lalo na sa aking isipan. This will lessen the stress I'm feeling right now caused by endless stereotyping incident that I experienced.
Hindi kasi lahat kumbinsido sa oplan pagbabago ko. Ako pa rin iyong Lauren na matigas ang ulo, sunod sa layaw at war freak sa kanilang isipan. Malalim ako huminga at sinimulan ko sundin ang sinasabi ng instructor sa harapan. Bawat sabihin at gawin niya'y ginagawa ko rin. Pati na iyong sandaling pag-clear sa aking isipan ng mga negative thoughts.
"Breathe in... and breathe out." Another routine comes with another until we're all done. I thanked the instructor, and he introduced me to my yoga classmates. After a few chit-chats, I bid my goodbyes to them.
Paglabas ko sa clinic, hindi ako makapaniwala na naroon pa rin si Ritter sa kung saan ko siya nakita. Thirty minutes ang yoga class ko tapos hindi 'man lang siya umalis? Was he really into me?
Oh, Lauren, don't get your hopes too high. He possessed everything I hate - strawberries and cigarettes, and I will probably hate him too. I need to mind my own business now, which I did.
From the clinic, naglakad ako palabik sa café dahil nasa harapan noon ang sasakyan ko. Napadaan ako sa isang clothing boutique malapit lamang sa clinic na aking pinanggalingan. May isang damit doon akong nagustuhan agad kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na pasukin sana iyon ngunit hindi nangyari ang aking balak.
"Are you close or something?" tanong ko sa staff na nasa labas.
"We're open... but not to people like you." I was offended by the staff's remarks. What does he mean by that? Was it because I was not well dressed today?
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya nang may papasukin siya na halos kasing simple lang ng aking suot. Bibili naman ako pero mukhang wala silang pakialam sa pera na meron ako kaya nonsense din ang pakikipagtalo. I stepped backwards and decided to go back to where Ritter was.
"Am I allowed to enter this stand?" tanong ko agad kahit hindi naman ako mahilig sa strawberries. Hindi lang kasi iyon ang prutas doon kaya na-engayo ako bumili.
"What happened there?" tanong na aking narinig habang namimili ako ng mga orange. Ibibili ko rin ang mga magulang ko at paborito nila ang mga ito.
"That's a few steps away, yet you still see me from here?"
"All thanks to my 20/20 vision, Bonnie." Inirapan ko siya nang marinig ang tinawag niya sa akin. "Are you always like that? Aloof, cold and loves to kill the vibes?"
I scoffed.
"Excuse me? Who are you to say that, huh?"
"I already told you my name, but you haven't told me yours. You know that's rude to refuse to give your name when someone asks."
"Oh yeah, but not to a stranger like you, mister,"
"We're not strangers anymore. We have a circle of friends, and you know my name." Isa rin mahirap kausapin. Masyado naman feeling ang isang ito. No wonder why he belongs to Summer's circle of friends. "You know, I already stopped smoking."
"I don't care,"
"It's because you hate it," umarko ang isang kilay ko. "Whenever I feel like wanting to smoke, I eat strawberries. That's why I ordered a lot from this stand."
"Good for you, then. But I hate to tell you, I'm not too fond of strawberries. Sorry..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro