01
CHAPTER ONE | FREEDOM
TAKOT NA TAKOT ako nang makita ko kung paano tumilapon ang katawan ni Dreya nang mabangga siya ng isang pulang sasakyan matapos ko siyang itulak palabs sa bahay nina Dashiel. Paulit-ulit ko siniksik sa utak ko na aksidente at hindi ko sinasadya ang nangyari.Nadala lamang ako ng bugso ng aking damdamin. I hate Dreya for stealing the only man whom I love. Right! It was for love.
Instead of calling 911, I packed my things and leave the house immediately. Wala namang nakakita na tinulak ko si Dreya kaya siya nabangga ng pulang sasakyan. Hindi ako dapat maabutan ninuman lalong-lalo na ni Dashiel dahil baka ipakulong niya ako. Wala namang nakakita sa ginawa ko pero abot-langit pa rin ang kaba ko. Ano ba'ng ka-demonyohan ang sumapi sa akin para gawin ang bagay na iyon? My father will be mad if he will know what I've done.
I cannot imagine what kind of life awaits for me inside jail. Alam ko na agad na doon ang punta ko kaya lalo akong kinabahan. Pa-ulit-ulit ko kiniling ang ulo ko. Ayokong i-imagine dahil hindi ako makukulong. I am dear to Dashiel and his family. They can't afford send me in me jail.
They can't do that to me.
Nagpatay ako nang cellphone nang makarating ako ng hotel. But I didn't plan to stay here for long. Magpapalipas lang ako nang araw dito bago lumipat ulit ng lugar. I never talked to anyone since Dreya's accident occurred. Wala akong ideya kung ano ang nangyayari at ayoko rin naman alamin.
I have to think of myself and how will I excape this mess that I created. Hindi ako pwedeng mag tagal sa hotel na ito dahil kakilala ni Daddy ang may-ari nito. Nakagat ko ang kuko sa aking hinlalaki nang wala akong maisip na paraan paano matatakasan ang ginawa ko. Nagpa-uli-uli ako sa hotel room at pinilit ang sarili na mag-isip ng mga paraan hanggang sa maisipan kong tawagan si Abby.
I know this isn't the best time to call a dying friend but I need someone who can listen to me now. Kahit paulit-ulit ko isiksik sa isip ko na aksidente ang nangyari, bumabalik-balik pa rin iyong eksena nang mabangga si Dreya dahil sa akin.
"What have you done, Lauren? Why did you do that?" Mga tanong ni Abby sa akin na hindi ko naman magawang sagutin.
Dapat inasahan ko na ito dahil alam ko na tatawagan siya ni Dashiel para tanungin kung nasaan ako. Bukod kasi kay Dashiel, best friend ko rin si Abby at kaya ako pa-balik-balik sa Pilipinas ay para samahan siya. Iyon kasi ang hiling niya sa akin lalo't nasa advance stage na ang sakit niya. Abby is suffering from AML (Acute Myelogenous Leukemia) and she refused any kinds of treatment now.
"You have to be accountable for what you have done. Mabait si Dashiel at pamilya niya kaya nasisiguro ko na hindi ka nila pababayaan, Lauren. Face the consequences now and don't hide from it. Mas mahirap kalaban ang konsensya,"
Binalewala ko ang mga sinabi ni Abby at nang makapag-book ako ng ticket ay umalis ako ng bansa. I flew back to Brooklyn. Hindi ako lumapit kay Daddy o kay Mommy at tinaguan ko silang dalawa. Mag-isa ko hinarap ang buhay at iniwasan ang tao nilang naghahanap sa akin. But hiding in Brooklyn isn't the best idea. Nahanap pa rin ako ni Daddy at inuwi sa bahay namin para sermunan.
Nalaman ko sa mga kaibigan namin na nabulag si Dreya kaya lalong tumindi ang dagok ng konsensya sa akin. Bumalik ang mga sinabi ni Abby bago ako umalis ng Pilipinas. That I should be accountable and face the consequences of what I've done. Naisip ko na tama si Abby at literal na mas mahirap nga kalaban ang konsensya. Walang gabi na hindi ko napanaginipan ang nangyari at sa bawat lugar na linungin ko ay nakikita ko si Dreya.
Sinisisi niya ako dahil nabulag siya. Nasira ko ang buhay niya na hindi ko naman intensyon. Ang gusto ko lang ay lumayo siya kay Dashiel. Nadala ako ng selos at galit dahil inaagaw niya sa akin iyong pinaka-importanteng lalaki sa buhay ko.
"Abby..." Mahina kong sambit saka dahan-dahan na lumapit sa kaibigan ko. She was sitting in her favorite chair, facing the view of the sunset. Lumuhod ako sa harapan niya saka masuyong ginagap ang kanyang kamay. Nang tawagan ako ni Tita Emily at sabihin na hindi na maganda ang kondisyon niya, nagdesisyon ako agad na bumalik ng Pilipinas para sa kaibigan ko. "I'm sorry."
"D-did you talk to D-Dashiel a-already?" tanong ni Abby at nababakas sa boses niya ang panghihina. Umiling ako at marahang hinaplos ang kamay niya. "Talk to him, Lauren and tell them that I will donate donate my eyes,"
"Don't say that, Abby. Pati ba naman ikaw iiwan mo rin ako?"
"W-what did I say to you before? D-do you still remember that?"
Hindi ko maiwasang maiyak nang alalahanin ang sinabi niya.
I sniffed.
"T-that I shouldn't fear loneliness because feeling lonely don't mean I'm alone. W-we're just passerby in this world. D-dapat sulitin ang bawat araw ng buhay natin."
"A-and w-wherever you go, I-I'll always be with you. G-give my eyes a c-chance to see the world's beauty and witness a miracle."
"A miracle?" Mahina kong ulit sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon pero kailangan ko na gawin itong huling hiling ni Abby. My friend and I watched the sunset and just before it set, Abby told me that she wanted to sleep. Hinayaan ko siyang matulog sa balikat ko at iyon na ang huling beses na narinig ko ang boses ni Abby.
She died peacefully while holding my hands...
After being with Abby and her family, I gathered myself and did my best friend's last wish. Kinumbinsi ko si Tita na i-donate ang mga mata ni Abby at sinabi ko sa kanya na gusto iyon mangyari ng kanyang anak. It's not an easy conversation because we both cried while reminiscing Abby's life. Marami pa sana gusto gawin ang kaibigan ko kaso nawalan na nang pagkakataon dahil nagkasakit siya. But she never forsake God and I admire her because of that strong faith of hers. Abby already surrendered her life to Him. At nanatili siyang kaibigan ko kahit spoiled brat ako saka masama ang ugali.
Hindi tumagal ang funeral ni Abby dahil ayaw na siya pahirapan pa lalo ng mga magulang niya. Tita Emily decided to cremate her remains and bring it back home to Manhattan. Hinarap ko si Dreya na mag-isa matapos ko tulungan si Tita Emily. Sinabi ko na ibibigay ko ang hustisya na gusto niyang makamit. I apologized for what I've done but I know it wasn't enough. Tinanggap ko ang galit niya pati na iyong kay Dashiel at nangako na hindi ako tatakbo saka magtatago.
And I have to face the consequences of the mess that I created.
One year later.
Correctional Institution for Women, Manila, Philippines.
DINIG NA DINIG ko ang kalansing ng bakal na gate na dahan-dahan bumubukas sa aking harapan. Sa magkabilang gilid ko ay dalawang naka-unipormeng mga pulis. Walang posas ang aking kamay at naka-sukbit ang bag ko sa balikat. Binaling ko ang tingin sa labas. I don't want to keep my hopes up.
Sigurado naman akong walang naghihintay sa akin sa labas pero hindi rason upang 'di gawin iyong pinangako ko kay Abby bago harapin ang kapalaran ko. I promised to continue being good no matter how cruel the world will be to me. After facing all the consequences I'd made in the past, finally am about to embrace freedom. My parents are both busy person. Pero sa totoo lang, umaasa talaga ako na sila ang sasalubong sa akin sa labas.
"Ms. Ricaforte." Tawag na nagpalingon sa akin matapos mag-fill up sa log book ng pulis na naka-upo sa front desk. "Sir Christian send me to fetch you today," aniya sa akin saka akmang kukuhain ang aking bag. Iniwas ko ang bag ko agad sa kanya. Kaya ko naman buhatin ito at kasama sa plano ko na huwag na magpa-baby pa sa kahit na sino.
Hindi ko inisahan na gagawin ito ni Daddy. Pinasundo pa niya ako talaga sa reliable niyang secretary dito. Michael politely ask me to give him my bag. Sinabihan ko na sila ni Mommy na wala nang ganito paglaya ko kaso mukhang hindi naman nila sineryoso ang aking hiling. Sana silang dalawa na lang ang sumundo sa akin kaysa ganito na dati na ngang ex-convict, may sundo pa na magarang sasakyan. Kailangan ko na naman silang kausapin ngayon at ilatag sa harapan ang mga plano ko.
Huminga ako nang malalim at binigay na nang tuluyang kay Michael ang aking bag.
Nauna akong lumakad palabas ngunit huminto bandang gitna saka nilingon ang pinanggalingan ko na lugar. Marami akong natutunan sa loob nitong lugar na ito na dadalhin ko sa labas. Pili ang mga gaya ko na nabibigyan ng pagkakataon na lumaya na may babalikan pa na pamilya. I'm still lucky but fear start creeping in now. May pamilya nga ako na babalikan kaso paano naman kung iyong society naman ang hindi tumanggap sa akin?
Ah basta, mananatili lang ako lagi sa tama kahit ano pa ang mangyari.
"Lauren." Nahinto ako sa akmang pagsakay sa sasakyan nang marinig ang pagtawag na iyon sa aking pangalan. I missed being called by my first name. Sa loob kasi kung 'di sa PDL Number, sa apelyido naman ako tatawagin ng mga kasama ko.
May gumuhit na ngiti sa aking mga labi nang makita ko si Dashiel at Dreya na magkatabing nakatayo sa harap ng sasakyan nila. Their car was parked adjacent to my Dad's car. Isinara ko ang pintuan ng sasakyan at mabilis silang nilapitan dalawa.
"H-how did you know?" tanong ko.
"Papa told me," tumango-tango ako. Of course Dad will tell him. Sobrang close nilang dalawa kaya naging malapit din ako sa kanya. Dad became Dashiel foster father for four years. Hanggang ngayon, mag-ama pa rin ang turingan nila kaya parang kapatid ko na rin talaga itong si Dashiel.
Aamin ako na ang awkward ng meeting na ito. Ngayon ko lang siya ulit nakita at wala pa rin naman nagbago lalo na kay Dreya. I smiled when I met Dreya's eyes. Those were Abby's and somehow I can still feel her presence through Dreya. Pareho sila nang personality na dalawa kaya tingin ko magkakasundo kami kung hahayaan niya akong makalapit sa kanya. I remember her face full of fear when she and I had a talk. Hindi ko naman masisi si Dreya kasi traumatic talaga iyong nagawa ko sa kanya.
"How are you both?" tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan sila at kitang-kita ko ang pagbakas ng kasiyahan sa kanilang mga mata.
"We're fine and happy. Very happy," Dashiel answered. "How about you?"
Sinuklay ko ng aking kamay ang buhok ko. "I'm fine as well." Tugon ko sa kanya. "I'm glad to know that know you both fine and happy, Dash."
"What's your plan now, Lauren?" tanong ni Dreya sa akin. She still possessed that sweet voice of hers. Kung dati'y naiinis ako na marinig iyon, ngayo'y nag-iba na.
"I have a lot, but I must go home first and talk with my parents."
"In Brooklyn?"
"Yes." Sa Brooklyn ko gusto mag-umpisa ulit at gawin iyong mga plano na meron ako. Maaari naman ako bumalik dito pero kung kailangan na lang. "You both don't need to worry about me. Kaya ko na ang sarili ko at marami akong natutunan sa loob."
"You can stay here if you want. Papa will be delighted if you handle his hotel branch here," Dashiel said.
"May iba akong plano at huwag kayong mag-alalang dalawa, nagbago na ako. And I want to start over again in Brooklyn. I will embrace this freedom there." Ngumiti ako at lumapit kay Dreya saka hinawakan ang kamay. "Salamat sa pangalawang pagkakataon na binigay mo sa akin, Dreya. I will show you both that I already changed and learned my lessons."
Hindi kumibo si Dreya bagkus ay niyakap lang ako nang mahigpit. Sandali akong napapikit at dinama ang init nang yakap niya. Parang kayakap ko na rin si Abby ngayon dahil nanatiling buhay ang kaibigan sa mga mata ni Dreya. Dashiel tossled my hair after his wife let me go. I smiled then bade my goodbye to them.
Freedom at last.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro