Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Prologue

"Ayos nadaw si Norma. Kailangan lang daw mag pahinga kasi nag ka altapresyon daw kaka trabaho."

Napasapo ako sa aking nuo habang patuloy na umaagos ang luha sa aking pisngi. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip nuong nahimatay si Nanay!

Tumango ako kay Auntie Fely at mabilis na tumungo sa kama ni Nanay. Naramdaman ko naman ang pag sunod niya sa akin. Tahimik kong hinawakan ang kamay ni Nanay at mumunting pinatakan ito ng halik.

Sobrang laki ng itim sa ilalim ng kanyang mga mata at tila pagod na pagod na sa pag hahatid ng itlog sa araw araw. Kasalanan ko ito dahil ngayong may sakit pa siya ay napapa bayaan ko siya.

Bumuntong hininga si Auntie. "Ako nalang ang mag babantay kay Norma bukas,  Marisela. Pumasok ka sa eskwelahan."

"Aabsent nalang po ako. Mas kailangan po ako ni Nanay bukas." Tanggi ko.

"Pumasok ka. Tingin mo ba matutuwa ang nanay mo diyan? Ako na ang bahala."

Hindi ko na sumubok mag salita at muling tumingin sa aking nanay na mahimbing na natutulog. Bakit niya pa kasi kailangan mag trabaho para sa akin? Matanda na siya at nag aalala ako. Kung hindi lang siguro kami iniwan ni Papa ay baka hindi siya ganito... hindi kami ganito.

Wala akong masisi kundi siya lang! Siya ang dahilan kung bakit ganito kami ngayon. Pinangakuan niya kami pero sa huli ay iiwan niya rin pala lahat ng pangako at sumpa niya sa amin.

Nag sisisi ako na tinanggap pa namin siya tapos ngayon ay eto, nawawala na naman tangay ang perang pinag hirapan namin!

"Pumayag ka na kasi! Sideline lang naman toh. Hindi naman mahirap 'tong trabahong eto."

Mabilis ang ginawa kong pag tanggi sa trabahong inaalok sa akin ni Isabel. Hawak hawak niya ang kanyang notes habang walang pasensyang nakatungo sa'kin. Huminga lang ako ng malalim bago muling ibalik ang paningin sa isinusulat na weekly report.

"Hindi ako interesado sa ganyan. Tsaka hindi 'yan legal diba? Hindi ko pinangarap maging prostitute." Madiin kong sambit.

"Hindi naman prostitute 'toh! Malaking sweldo rin bawat costumer! Dito nag tratrabaho ate noon. Malaki ang kitaan lalo na puro babae ang costumer, Sela."

"Hindi ako nag papagamit ng sarili. Kahit ilang beses mong ialok sa akin 'yan. Ayaw ko manira ng puri ng iba."

Ang sabi sa akin ni Nanay ay kahit anong trabaho ay pasukan ko huwag lang ang mapanirang puri. Kahit nakailang tanggi na ako sa inaalok ni Isabel, kasama ko siya sa inuupahan kong apartment sa tabi ng campus namin. Block mates ko din siya sa maraming subject kaya malapit na ako dito.

Kakaiba ang inaalok niyang trabaho sa akin. Kahit ilang beses na niya sinabi ang sweldo ay hindi ko maiwasang mag taka kung bakit sobrang laki.

"Private personalities ang costumer dito, Sela. Safe naman ito eh walang sampahan ng kasong magaganap dahil lahat ng usapan at plano doon ay confidential. 'Tsaka diba nangangailangan kayo ng pera sa gamot ni Tita Norma?"

"Oo pero may part time job naman ako sa sa Club ni Brent,"

"Bilang Waitress? Hindi kaba nababastos doon?"

"Hindi naman..."

Sa totoo ay maraming beses na pero nakatagal naman ako dahil mabait at malaki mag bigay si Brent. Kung siguro ay masama at malupit ang mga tao doon ay nakatagal na ako pero hindi. Bukod doon ay maayos naman ang pag we waitress ko kaysa sa trabahong hindi mo sigurado na ibinibigay sa akin ni Isabel.

"Basta kapag nag iba ang isip mo. Andito lang lagi ang offer ko. Malaking pera at personalidad ang nag hihintay sa'yo."

Kahit ilang beses pa ang laki ng pera ay imposibleng kunin ko yan. Maayos na ang buhay ko at baka ma dagwit pa ako sa kung anong kasamaan ng trabahong iyon. Mag papagamit ka para sa isang masamang plano? Gumagawa ba sila ng sarili nilang hukay?

Ang sabi sa akin ay may nag aalok daw ng halos isang milyon sa tatanggap ng offer. Wala pang tumatanggap noon dahil halos fully book daw ang agency nila. Sinubukan akong alukin ni Isabel pero wala naman akong balak na kunin ang ganoong trabaho.

Nang iniuwi namin si Nanay galing sa hospital ay mawawalan parin siya ng malay. Ang sabi naman ng doktor ay antabayanan mabuti at huwag makampante. Sobra akong nag aalala at naaligaga tuwing nakikita ko si Nanay na umuungol sa sakit. Hindi ko alam kung bakit pero nahihirapan din ako.

"Bilin ng doktor pag nakitang napapadalas na ang pag sakit ng dibdib niya at pag kahimatay dalhin nadaw sa espesyalista."

Marahan akong tumango. "Ako napong bahala, Auntie."

Malungkot siyang napatingin sa akin habang inaayos ang banig ni Nanay. Pinilit ko lang ngumiti bilang senyas sa kanya na ayos lang talaga pero tingin ko ay hindi siya kumbensido doon.

"Mangungutang nalang ako kay kapitana pambili ng gamot ni Norma. Handa naman siyang tumul-"

"Auntie, ayaw ko pong pati kayo ay nagigipit na dito. Kaya ko naman pong pag sabayin ang  trabaho at pag aaral. Kailangan nyo din po mag pahinga."

Nahihiya na ako kay Auntie dahil buong buhay niya ay sa amin lang siya nakatuon. Wala siyang pamilya o kaya anak kaya sama sama kami nila Nanay dito. Parati siyang handang tumulong at mag bigay ng pera sa amin kahit sa totoo ay walang wala na siya.

Dapat kong patunayan sa kanila na kaya ko silang bigyan ng magandang buhay. Hindi itong ganito...

"Marisela.."

Mumunti ang aking hikbi at tuluyan na iyong bumuhos ng niyapos ako ni Auntie Fely. Ramdam ko ang pagod at lungkot sa aking pisikal at emosyonal na pag iisip. Natatakot ako na isang araw ay mawala sa akin sa Nanay dahil sa kapabayaan ko!

Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Magiging ayos lang ang Nanay mo. Huwag ka ng mag aalala."

"P-Paano po kapag inatake siya ulit at wala ako? Natatakot ako, Auntie. Pakiramdam ko ay wala akong magawa para kay Nanay.. para sa inyo."

"Anak, para sa amin ni Norma ay ikaw ang napakahalagang bagay. Huwag kang mag isip ng ganyan."

Naiisip ko na kung ngayon pa ako susuko ay paano si Nanay at Auntie? Gusto kong patunayan sa magaling kong ama na ang pag iwan at pag nanakaw niya sa amin ay isang malaking katangahan. Hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya oras na makita ko siya.

Mahal na mahal ko si Nanay.. ayaw ko siyang pang hinaan ng loob tuwing nakatingin sa akin. Gusto ko ako ang maging lakas at sandata niya sa oras na nahihirapan siya

Pero paano 'yon kung ganito ako kahina?

"It's actually okay if you advance your salary this month, Sela. I know your situation."

Marahan akong tumango kay Brent. Nakayuko ako habang mahigpit na hawak ang aking palda. Narinig ko ang mabibigat na hininga niya habang sinusuri ako.

Tumikhim ako. "Kahit kalahati lang ay ayos na. Nakakahiya din... kasi minsan lumiliban ako sa trabaho."

"You're not anybody to me. You know i can help you with that, right?" Marahan niyang sambit.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Ganuon din ang ginawa niya bago muling ngumiti. Mabait talaga ang amo ko, hindi ko alam kung saakin lang o sa ibang waitress pa pero ang alam ko ay napaka considirate niyang tao.

Pag labas ng office ay nakita ko kung paano umirap ang iilang kasamahan kong waitress sa akin. Huminga lang ako ng malalim sa makahulugan nilang tingin bago kinuha ang tray.

Iniisip ng iba kapag binabanggit ko trabaho ko ay isang nakakahiyang trabaho. Hindi tulad ng iniisip nila, iba ang aking suot. Dalawang klase ng waitress ang nandito sa club. Ang iba ay nag papa table at ang iba ay para lamang sa pag hahatid ng pag kain sa vip rooms.

Maayos ang suot namin at wala bakas ng kahit anong paninira. Hindi ko rin naman kayang husgahan ang ibang waitress dahil sa trabaho nila, ang iilan doon ay para lamang sa pamilya o sarili.

"Ano namang ginawa niyo ni Sir Brent sa loob? Pinerahan mo ano?"

Umiling agad ako sa grupo ni Palette na taas kilay na nakatingin sa akin.

They chuckled. "Oo nga naman. Paano ka magugustuhan e 'di ka naman type."

"Nag usap lang kami tungkol sa trabaho."

"Huwag kang ambisosiya. Kung ganyan lang ginagawa mo dapat ay nag papa table ka nalang din."

Mariin akong pumikit at nilagpasan sila. Mabilis akong humalubilo sa maraming tao para hindi nila mahabol o ano pa. Mukhang epektibo naman dahil 'di nga nila ako naabutan.

Papunta na dapat ako sa beer counter ng humarang sa akin ang kasamahan ko. May dala siyang isang malaking tray. Sigarilyo at iilang beer at wine ang laman noon. Ngumiwi siya habang mabilis na ibinagay sa akin ang tray.

"Marisela! Hatid mo nga ito doon sa VVIP. Ingatan mo ah. Naiihi na talaga ako e,"

"Huh? Ang kaso-"

Huli na nang naibigay niya na sa akin ang tray. Suminghap ako at dismayadong hinabol ito ng tingin hanggang sa humalubilo sa maraming tao. Wala na din akong nagawa at tumungo sa kwartong 'yon.

Nakakagulat na sa labas palang ng kwarto ay wala akong marinig na kung anong malakas na tugtog. Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa guard na pinag mamasdan ako sa gilid na agad ding nag iwas ng tingin sa akin.

"Papasok na po ako." Ani ko at pinihit ng door knob.

Tama nga ako. Mabagal na kanta lamang ang pinatutugtog sa luob at tila seryoso ang usapan. Hindi ko magawang mag angat ng tingin sa dalawa o higit pang tao sa may couch.

"I don't know. Daila didn't say anything."

"Don't mind her. Let her drop the project if that's what she wants. She's no professional." Ani ng isang malaki at mababang boses sa harap.

Hindi ko alam kung bakit naging kabado ako ng maabot ko ang lamesa nila. Bigla kasi silang tumahimik at parang nakatuon ang tingin sa akin.

Kakaibang hangin ang dumadapo sa akin ngayon. Parang mas tumalas pa ang kabog ng dibdib ko ng medyo itinaas ko ang tingin ko sa harapan.

Medyo nayupo ang bibig ko ng mapansin ang mabibigat na tingin sa akin ng tao sa harapan. Malaki at halos sinasakop ng kanyang binti ang buong couch. Suot niya ang isang itim na slacks at puting button dowm long sleeves, kung 'di ako nag kakamali. Kunot nuo at madilim siyang nakatitig sa akin, halatang iritado at galit.

Mas kumabog ang dibdib ko sa pamilyar na mukhang tinignan ko. Halos mag landas din ang aking kamay ng biglaan niyang kinuha ang packs ng sigarilyo sa tray.

Inayos ko ang aking tayo. "Enjoy your meal, Sir."

"Thank you." Ani ng isa sa mga kasamahan niya.

Mabilis kong inayos ang aking tayo at pumihit paalis nang maramdaman ang pag haplos sa aking palapulsuhan.

"You can stay here for a moment. I'll give you a large tip." A man in his mid 30s said.

Mabilis kong binawi ang aking kamay at yumuko sa kasamahan nila.

"We have entertainers, Sir. I can call them for you."

"I want you-"

"Travis." Pigil nung lalake kanina.

Ilang beses pa akong lumunok bago tuluyang umalis sa kwartong iyon. Mabilis akong yumuko at lumiko para makalabas na. May iilang halakhak pa akong narinig bago walang pasensyang lumabas sa pintuan.

Para akong nabunutan ng tinik at mariing pumikit nang makalabas. Bakit ganoon! Parang nakakatakot naman ang tao sa loob? Pero bakit parang pamilyar ang isa sa kanila.

"Tapos ka naba? Pu pwede ka nang umalis diyan."

Umawang ang aking labi at natarantang umalis sa harap ng pintuan dahil sa sinabi ng guard. May guard din sila? Ganuon pa ka importante ang tao diyan?

Nang makalabas ay sinalubong ako nung kasamahan namin. Naiiyak siyang tumingin sa akin at sinamahan pa ng iilang padyak. Kumunot ang nuo ko at nag aalala siyang tinignan.

"Ayos ka lang?"

Medyo tinampal niya ang aking balikat dahilan para mas kumunot pa ang nuo ko.

"Dapat ako nalang pala yung nag hatid! Nakakainis!"

"H-huh? Sabi mo kasi gusto mo mag cr kaya ako nalang."

"Marisela, Anong itsura? Gwapo ba sa personal? Suplado?" Ani pa ng isa.

Sumunod nadin ang iilang waitress saakin. Huminga ako ng malalim bago ilapag ang mga tray at ayusin iyon. Kuryosong nakasunod sa akin ang iba.

"Ayos lang naman kaso nakakatakot medyo suplado." Tipid na sambit ko.

Narinig ko ang pag singhap at pag tili ng ilan kong kasamahan. May iilang tanong pa silang ibinato sa akin pero wala na akong naintindihan dahil sa lakas ng tugtog. Tinawag nadin sila ng head waitress kaya nag sibalikan sila sa kani kanilang lugar.

Huminga ako ng malalim nang biglang tumunog ang cellphone ko. Rumehistro doon ang pangalan ni Auntie Fely kaya agad akong nag hanap ng tahimik na lugar bago sagutin 'yon.

"Hello, Auntie?"

Napahinto ako nang marinig ang iilang hikbi ni Auntie. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang sumunod na sinabi niya.

"Marisela ang nanay mo... Inatake...Sinugod sa hospital... Kailangan ka namin dito.."


















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro