Chapter 9
Chapter 9
Tama nga siya dahil ilang minuto lang ay dumating ang tauhan ng pinaka malapit na gas station. Agad din kaming nakaalis at nag pasalamat naman ako dahil doon. Muntik na akong bumigay kanina habang pinag uusapan si Nanay.
Miss na miss ko na kasi siya. Gusto ko siyang mayakap ulit, sila ni Auntie.
Umiwas ako ng tingin sa harapan at napahawak sa aking dibdib. Hindi ako mapakali tuwing naalala kung paano siya tumingin sa akin. Parang may kung ano sa mata niya na nag pakaba sa dibdib ko.
"Dito na lang ako. Hihintayin kita." Ani ko.
Tumigil siya at tumingin sa akin na parang may mali sa sinabi ko.
Nag dikit ang kilay niya. "You don't know this place. You might get loss if i let you roam around."
"Pwede naman ako mag-"
Iritado si Zacid na humarap sa akin. "Ano susunod kaba?"
Oo na nga. Sabi ko nga.
Sumunod ako sa kanya at palihim na tinitignan ang lugar. Bato bato ang lugar na ito sa labas pero moderno sa luob. Pumasok kami ni Zacid sa isang pasilyo at sa luob nuon ay parang maliit na restaurant.
Natanaw ko ang dalawang amerikanong lalake sa isang upuan. Kami lang ang nandito at tila trabaho talaga ang ipinunta ni Zacid. Dapat pala ay hindi na ako sumama!
Pinindot pindot ko ang aking daliri at sumilong sa malapad na likod ni Zacid nang makaramdam ng hiya.
"Mr. Casciano! I'm glad ya' made it today!" Ani ng amerikanong lalake.
"And i apologize for being late, Sir. Shall we start?" Matigas na ingles ni Zacid.
Napahalakhak ang lalake. "It's alright! Oh You're with someone?"
Itinaas ko ang tingin ko sa kanila at medyo ngumiti sa banyagang lalake. Nang sumulyap ako kay Zacid ay kita ko kung paano siya nag buga ng iilang buntong hininga at inagaw ang pansin nito.
"Zacid!"
Isang tili ang nag paagaw ng pansin namin. Humarap ako sa paparating tao. Isang babae ay mabilis na umangkla sa braso ni Zacid at niyakap ito. Nakasuot ito ng maikling dress na halos kita na ang kanyang kaluluwa. Blonde ang buhok nito at hula ko'y amerikana din.
Sumimangot siya. "I missed you, babe!"
Babe?
"Kylie! Where have you been?" Ani ng matandang banyaga.
"I love this place, Dad. Aren't you surprised to see me again, babe? it was almost 4 months!"
Medyo humiwalay si Zacid. "Kylie."
Nag iwas ako ng tingin at medyo lumayo sa kanila. Para tuloy akong extra dito. Mali talaga yung desisyon kong sumama pa sa kanya. Nang mag taas ako ng tingin ay namataan kong nakatingin sa akin si Zacid sa aking direksyon. Umayos ako ng tayo at ngumiti dito.
Kumunot ang nuo nung Kylie nang makita ako. Taas kilay niya akong sinipat. "Who's that girl? Are you a server here?"
"A-Ano?" Mahina kong tanong.
Server daw ako? Mag sasalita na sana ako nang maramdaman ang presensya ni Zacid sa gilid ko.
"She's with me, Kylie. She's here to accompany me. Let's stop wasting our time and be professional here." Mariing sambit ni Zacid.
Tinaasan ako ng kilay ng babae at masamang tumingin sa akin. Huminga ako ng malalim at sinubukang huwag nalang suklian ang masamang tingin na binibigay niya.
Buong oras ay matatalim na titig lang ang naibibigay sa akin nung babae habang nasa harapan ko siya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila na patungkol sa negosyo kaya mabigat ko nalang dinadala ang talim ng titig nung Kylie sa akin.
Kagat labi akong uminom ng tubig at iniwasan ang tingin sa kanila. Nakita ko pa kung paano idikit nung Kylie yung dibdib niya kay Zacid kaya mas lalo akong nairita. Parang halos ibigay niya ang sarili niya dito. Ganito na ba ang mga uri ng babae ngayon?
"Thank you for today, Sir. I'd like to discuss my investment to your company but it seems like we're already running out of time." Ani ni Zacid ng matapos ang meeting
Tuluyan akong nakahinga ng malalim. Sumulyap sa akin si Zacid at kunot nuo itong pinanuod ang aking ekspresyon.
Tatayo na sana ako nang biglang nag salita yung babae na nasa harapan ko. Nang aasar siyang ngumisi sa akin.
"You have no manners, girl. We're not done yet here. What is your name?" Mataray na sambit nung babae.
"Stop it that, Kylie.." Si Zacid.
"What? I'm just asking for her name, babe"
Tumingin sa akin si Zacid. Alam kong sa mata niya ay pinag babantaan akong huwag na mag salita pero parang namamaliit ako kay Kylie. Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa babae. Kumunot naman ang nuo nito at parang mas nairita pa sa'kin.
"Stephanie Zamora.." pakilala ko.
Tumigil siya saglit at pinagmasdan ako. Parang gulat sa aking nasabi.
Kumunot ang nuo niya. "Stephanie Zamora?"
"Do you know her Kylie?" Ani ng isa sa matanda.
Matagal bago sumagot ang babae. Medyo umiling siya at matalim akong tinignan. Nag iwas ako ng tingin dahil medyo sinisipat ako nito.
Nang matapos ang meeting ay hindi ako makatingin kay Zacid habang pauwi kami. Ni hindi man lang niya ako nagawang ipag tanggol sa babaeng 'yon.
Andami niyang babae. Si Ma'am Daila... yung Chaira tapos may Kylie. Ano namang susunod?
Humahaba na ang nguso ko habang nakatingin sa labas ng binatana. Wala akong imik simula kanina. Tuwing naiisip ko ang babae sa restaurant ay naiirita ako ng walang dahilan. Siguro dahil sa inasta niya sa akin at sa pag ka babae niya.
"You're so quiet."
Napatingin ako kay Zacid nang mag salita ito. Siya ang unang nag basag sa katahimikan.
Maliit akong ngumisi. "Woah. Ikaw ang unang nag salita. Improving ata ako ha,"
Ngumiwi siya. "Nevermind. Just shut up."
"Dapat pala hindi na ako sumama sa'yo. Nakita ko pa tuloy yung babae mo duon."
Medyo napangiwi ako sa nasabi. Bakit kakaiba ang boses ko? Ah! Mali. Dapat pala ay hindi ko na sinabi. Huli na ng makita ang reaksyon ni Zacid sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang tela ng aking damit at muling nag iwas. Ramdam ko tuloy ang kaba sa dibdib ko ngayon.
"She's no one." Pag sisinungaling niya.
"Pero bakit tawag sa'yo babe? Ano 'yon lahat ng babae tawag sa'yo babe? Kung sa bagay ikaw si Zacid Casciano."
Asawa ng lahat. Boyfriend ng lahat. Kaaway ko.
"She's just a friend from states. We met a few years ago. Sanay na siyang tawagin ako nun dahil gusto niya ako." Pag papaliwanag pa nito.
Okay na sana ang kaso ay dinugtungan niya ng salitang 'gusto niya ako'
"Hindi naman kita pinag papaliwanag."
"Okay." Nag kibit balikat pa.
Huminga ako ng malalim at 'di nalang siya pinansin. Nakanguso ako habang pinapanuod ang nadadaanan namin. Nasa ibang way na kasi kami pauwi kaya eto na naman ako at namamangha sa nakikita.
"Gusto ko pumunta doon!"
Napangiti ako at itinuro sa kanya ang nag sisi lakihang rock formations sa ibaba. Ang ganda non dahil malalaki at maliliit iyon!
"Then go. Explore by yourself." Masungit siya.
Sumimangot ako. "Hindi ko alam kung paano pumunta..."
"Ask someone from the hotel to guide you."
"Hindi ako magiging kumportable."
"Kung ganoon ay tumungo ka nalang doon mag isa."
"Wala nga ako kasama."
"Then don't go! What is your problem?" Naiinis na siya.
Bumuntong hininga ako. "Samahan mo ako."
Sumulyap siya sa akin at hindi pa rin nabubura ang inis sa mukha niya. Ngumisi naman ako sa kaalaman na napatahimik siya. Tama din ang ginawa ko!
"I'm not interested." Ani ya.
"Gusto ko lang talaga malibot ang buong Isla. Baka pag umuwi ako ay hanap hanapin ko. Sa'yo ako kumportable kaya sa'yo ako mag papasama."
Nag tiim ang kanyang panga at sinulyapan ako sa rear mirror. Nag iwas lang ako at napangiti ng palihim.
"Bukas. Alas-dos ng hapon. Sa cliff side. Pag nalate hindi na tutuloy." Mariin at sunod sunod na sambit niya.
Inayos ko ang aking buhok habang bukas ang speaker ng cellphone. Kasalukuyan ko ngayong kinakausap si Isabel para kamustahin ang lagay niya at nila Auntie.
"Mahina ang signal dito kaya hindi masyadong napapatawag." Ani ko.
Umirap siya. "Ilang araw ka pa ba dyan? Mukhang mas mahirap pa 'yan sa mga pinapagawa sa akin."
"Ayos lang naman. May bago ka bang raket ngayon?"
"Tama lang. Araw araw dumadalaw ako kay Tita Norma para kamustahin ang lagay niya. Utang ko din naman yan sa'yo, e." Ani niya.
"Kung 'di naman dahil sa'yo ay baka di ako makabayad sa hospital. Salamat, Isabel."
Ngumiti ako habang pinapanuod ang ulap sa ilabas. Maswerte din naman akong may kaibigan akong handang tumulong sa akin sa kahit ano mang oras. Hindi ako nabigo ni Isabel at natutulungan niya ako.
Inilapag ko ang aking cellphone at tinignan ang oras. Halos mag aala una na ng hapon. Usapan ay alas dos. Hindi pa ako lumalabas ng hotel room ko para kumain. Para ata akong naaligaga sa itsura at damit ko ngayon.
"Nasuot ko na 'toh e..." Tapon ko sa bestida.
Ubos na ata ang halos sampung bestidang baon ko. Wala akong nagawa kundi suotin ang maong na shorts doon at simpleng floral sando. Itinirintas ko din ang aking buhok at nag lagay ng kaonting pulbo sa mukha.
Napangiti ako sa salamin pero agad ding nawala ng maisip kung bakit ba ako nag papaganda ngayon?
Umayos ako ng upo at binaliwala ang sarili sa salamin. Ano naman kung humarap akong pangit sa kanya. Hindi ko naman kailangan magpaganda kasi parang 'di naman uubra.
Napahawak ako sa dibdib nang makaramdam ng halo halong emosyon sa akin.
"Kalma, Marisela..." Hinga ko.
Ilang oras ko pang ikinukumbinsi ang sariling wala lang ito hanggang sa pumatak ang alas dos ng hapon. Agad kong kinuha ang aking bag at lumabas ng kwarto. Sumulyap pa ako sa kwarto ni Zacid na tingin ko'y walang tao ngayon.
Tumungo ako sa cliff side. Medyo nalalayo masyado sa hotel. Mababaw lang ang cliff dito at puro dagat na ang nasa ibaba. Hinawakan ko ang dibdib at pinigilan ang pag kaba sa dibdib.
Gusto ko nang umalis para makapunta agad doon! Kaso antagal ni Zacid. Akala ko ba ay alas dos ang usapan? Bakit hanggang ngayon ay wala pa siya.
Ngumuso ako at napatingin sa paligid. Walang tao at tanging malakas na hangin lang ang kumakausap sa akin. Halos lumipas na ang trenta minutos ay wala pa siya.
Tumingin ako sa kalangitan at namataang wala nang ulap iyon. Madilim na ang buong kalangitan at parang mabigat bigat iyon. Medyo kabado akong napatingin sa oras at talagang wala pa siya.
May nangyari kayang masama doon?
Bumibigat ang dibdib ko sa pag hihintay sa kanya. Isang oras at kalahati na at sobrang dilim na talaga ng kalangitan. Parang pinag bibigyan nalang akong umuwi.
Pero ayaw ko. Pag ka kataon din ito. Paano kung dumating siya?
Dito lang ako.
Tinanaw ko ang lumalakas na alon sa dagat. Medyo nanghihina na rin ang tuhod ko sa kakatayo kaya mas pinili Kong umupo sa tabing halamanan sa gilid.
Kagat labi akong nag hihintay. Hindi ko alam pero nararamdaman kong parang gusto ko nang umuwi. Hindi na ata siya pupunta.
Patayo na sana ako nang maramdaman ang iilang patak ng tubig sa itaas. Tumingala ako para tignan ang langit at napapikit sa tuluyang pag buhos ng ulan. Malamig at malakas ito kaya tuluyan na akong nabasa.
Wrong timing ka naman, ulan.
Wrong timing ka din, Zacid! Nakakainis ka. Akala mo kung sino ka.
Nagagalit ako at napaiyak sa sobrang inis. Mukha akong tanga ditong naghihintay! Bakit ba ako iiyak para sa lalakeng 'yon. Ang lakas mang asar akala mo kung sino. Sana ay sinabi nalang niya o nag text siya! May numero naman niya ako. Naabutan tuloy ako ng ulan.
"Ang sama niya.."
Malakas pa din ang ulan at wala akong paying pauwi. Basa na ang bag ko at nanalangin naman akong sana sa luob ay hindi kundi lagot ako.
Wala akong nagawa kundi umuwing basa. Tulala akong tinahak ang daan pauwi. Hindi ko alam bakit ko ginagawa ito. Desperada na talaga ako sa lahat. Pupwede naman akong umayaw para sa ngayon pero tuwing naiisip ko ang ipinunta ko ay naiiyak nalang ako.
Napa yakap nalang ako sa kawalan.
Lumunok ako at hahakbang na sana papasok ng hotel nang makita si Zacid. Nanlaki ang mata ko at mabilis na nag tago sa kabilang banda ng pader. Kumabog ang dibdib ko sa kaba.
"I had a such a great time with you, babe. See you next time." Matamis na tinig ng babae ang nag pahinto sa akin.
Nakita ko kung paano mag paalam ang babae nung nakaraan kay Zacid at halikan ito. Kaya pala hindi siya pumunta dahil kasama niya ang kapwa niya may sungay.
Mag sama sila!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro