Chapter 8
Chapter 8
Mahirap.
Mahirap tumakbo at gumising ng pag ka aga para sa kanya. Halos mag iilang linggo na ako dito pero ang distansya niya sa akin ay nasa malayo pa rin sa akin. Wala lang naman sa akin 'yon ang kaso ay paano ako makakauwi kung ganito pa din siya?
Ano bang dapat kong gawin?
Umaga pa lang ay nakaalis na ito sa suite niya at pumunta ng gym ng hotel. Napaisip tuloy ako kung susunod ako dahil hindi naman ako nag gy-gym at parang mapapahiya lang ako habang nandoon dahil sa kawalang kaalaman tungkol sa equipments pero sa huli ay nilunok ko nalang lahat ng sinabi ko at agad siyang sinundan.
Ang prinoblema ko lang ay ang susuotin ko. Wala akong pang gym!
Napasapo ako sa nuo. "Bakit ba kasi hindi ko naisip na ganito.."
Humugot ako ng hininga at muling kinalkal lahat ng gamit ko. Sa huli naman ay nakakita ako ng isang lumang hapit na pulang racer back at itim na jogging pants mula pa nuong bata ako. Nakunteto na ako kahit medyo may mantsa ang sando kong 'yon.
May dala akong isang bag na nag lalaman ng tubig at pamalit pero 'di ko naman naisip na suotin 'yon kapag umuwi marahil baka 'di naman ako mag gym. Itinali ko ang buhaghag na buhok hanggang sa makuntento.
Nang makarating sa gym ay inosente kong pinalibot ang tingin sa buong paligid. Medyo kakaunti lamang ang mga tao at karamihan ay lalake. Inilagay ko ang aking gamit sa locker at nag simulang libutin ang lugar para makita si Zacid.
Halos lumundag ang puso ko sa saya ng makita ang puwesto niya. Siguro ay dahil napagod ako kakahagilap sa kanya at tila parang nag lalaro nalang ako ng tagu taguan at sa tuwing natataya ko siya ay natutuwa ako.
Marahan akong tumungo sa treadmill katabi niya at sinimulang sumakay din doon. Medyo kinabahan pa nga ako dahil akala ko'y papalpak ako sa pag sakay pero dahil mabagal lang 'yon ay nagawa ko naman.
"Goodmorning!" bati ko.
Sumulyap ako dito nang 'di niya ako sinagot. Tamang takbo lang Ito at simangot na nakatungo sa harap. Kinagat ko ang aking labi at nag iisip ng sasabihin.
Anong itatanong ko? Kung kamusta siya o bakit pa siya andito? Saan siya pupunta mamaya? Medyo gasgas na lahat ng tanong kong 'yon, e.
"Andito ka pa pala. Hindi ka nauwi ng manila? Dito ka ba muna mag ii-stay?" Tanong ko.
"You already asked that a multiple times. It's annoying me." Medyo hinihingal na sambit niya.
"Gusto ko lang naman makasigurado. Parehas pala tayo, kung ganoon. Dito din muna ako mag ii-stay. Ibig sabihin ay matagal tagal pa pala tayo mag kakasama."
Medyo pawis na din pala siya. Siguro ay kanina pa siya andito para mag gym. Nag tagal ang tingin ko sa kanyang mukha. Bakit ba parang inilikha siya para sambahin? Pero mga tanga nalang siguro ang sasamba sa lalakeng ito. Kahit gaano ka perkpeto ang mukha niya, kahit gaano katangos ang ilong niya, kahit gaano kahaba ang pilik mata o kaganda ng mga mata niya, masama pa din ugali niya.
Mas okay na yung lalakeng simple at di gaanong me itsura basta ay mabait at may pinapatunayan.
"You're rude."
Duon ko lang napansin na medyo bumagal ang takbo niya at nakatingin na sa akin ngayon. Tumaas ang kilay ko at inilibot ang tingin.
Tumaas ang kilay niya. "Stating is rude, young woman."
"H-hindi naman ako nakatingin."
Ang kapal ng apog nito.
"Yeah? almost thought that i was melting earlier because you keep on staring at me."
"Naiilang ka ba kung ganoon? Gusto lang naman kita titigan."
Umigting ang panga niya at nag iwas ng tingin. Agad akong napanganga nang iwan niya ako at agad na bumaba ng treadmill. Sumunod naman ako dito.
"Zacid..."
Huminto ako sa pag lalakad ng may tumawag sa kanya. Nang ipinilig ko ang aking ulo ay nakita ko ang kabuuan ng lalake.
"Alastair."
Mag kamukha sila pero ang pag kakaiba lang ay naka salamin at mukhang malinis ang lalakeng tinawag ni Zacid. Pormal ang suot nito at halatang hindi gym ang ipinunta. Walang kangiti ngiti ang kanyang itsura habang nakatingin kay Zacid.
Sumulyap siya sa akin bago mag salita pero ni hindi man lang ako pinansin.
"I've been looking for you. I'm surprised that you stayed at the hotel. Mama is waiting for you, aren't you going home?"
"Not yet. I'll visit you tommorow if i have free time."
"Free time? Malapit lang ang mansion sa hotel, Zacid." Muling napatingin ang lalake sa akin.
"Why are you here?" Kalmadong tanong ni Zacid at sumulyap sa akin.
Kagat labi akong nag iwas ng tingin at humalukipkip. Haharap na sana ako nang makita si Zacid sa aking harapan. Mukhang hirap na hirap siya at pagod na tumingin sa akin.
Anong problema nito? Kunot nuo ko siyang tinignan.
"Dito ka lang." Mariin na sambit niya.
Nakaurap ako. "Ha?"
Hindi niya na ako pinansin at tuluyang nag laho sa harap ko. Lumaglag ang panga kong sinundan ng tingin si Zacid. Bakit dito lang ako? Bakit niya naman ako uutusan? Ang hirap niya talaga basahin.
Ilang minuto siyang nawala sa harap ko. Nakaramdam ako ng lungkot sa pag kakaupo sa kawalan kaya binaliwala jo nalang ang ini utos ni Zacid. Medyo nag lakad lakad ako at tinignan ang iilang nag gy-gym.
"Paano kaya 'toh?" Nguso ko sa isang bench press.
Humiga ako doon at sinimulang ipwesto ang sarili. Hindi ko man alam ang bagay na ito ay baka pwede ko namang subukan. Wala naman akong magawa dito.
Sinubukan kong buhatin ang barbell sa aking harapan at medyo mabigat iyon para sa akin pero nakayanan ko namang buhatin.
"Mali ka ata ng pwesto, Miss."
Gulat akong napatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Mukhang isa din siya sa mga turista dito. Pwumesto siya sa harap ko at hinawakan ang aking kamay.
"H-hindi ayos lang ako. Hindi naman talaga ako seryosong gumagamit nito." Ani ko sa lalake.
Malugod siyang ngumiti sa akin. "Isipin mo nalang free instructor mo ako."
Inayos niya ang aking kamay sa barbel at medyo hinawakan ang aking binti. Tumikhim ako at tinignan ang lalake na ngayon ay nanatili sa aking harapan.
"Ayos na pero hahawakan ko parin. Subukan mong iangat at huwag mong isasagi sa dibdib mo. I-relax mo lang, Miss."
Tumango ako at sinubukan iyon. Wala akong interes pero nahihiya nalang talaga ako sa lalake dahil sa pag tulong niya. Kagat labi kong ginagawa iyon pero maingat. Muli ko sanang iaangat pa iyon ng may boses na nag pahinto sa'kin.
"She don't need an instructor."
Isang baritonong boses ang nag pahinto sa akin at kung 'di ako nag kakamali ay sa kanya iyon. Agad akong napatayo at gulat na napatingin kay Zacid. Iritado itong nakatangin sa akin hanggang sa bumaba sa aking binti na ngayo'y nakahawak ang lalake.
Lumayo ako doon at tumayo. Medyo hinihingal pa nga ako marahil dahil sa aking ginawa.
"Oh, Zacid!" Bati ng lalake at tinignan ako.
"Tinutulungan ko lang siya kasi parang hindi siya marunong dito. Girlfriend mo? Sorry, pare."
Nanlaki ang mata ko at iiling na sana ng bigla akong hinawakan ni Zacid sa palapulsuhan. Hinila niya ako kung saan kaya kumabog ang dibdib ko. Ngayon ko lang napansin na papunta kami sa locker room.
"Hindi ba't sabi ko huwag ka aalis?"
Napangiwi ako ng bitawan niya ang pulso ko. Sa sobrang pag kaka diin ng hawak niya ay medyo bumakat iyon nang di sinasadya. Iritado ko din siyang tinignan. Galit siya! Ano tingin niya sa akin? Bakit ko naman siya kailangan sundin?
"Nainip ako sa'yo." Maikli kong tugon.
"So that's why you chose to instruct by that pervert, huh?"
Napatingin ako sa kanya at nakitang kahit sarkastiko ang pag kasabi niya ay galit pa din siya.
Ang gulo nito.
"Anong pervert? Tinutulungan lang ako ng tao." Inis kong sambit.
Pumameywang siya. "Helping his ass. It's very clear from afar that he's looking at your boobs, you brat!"
Nag init ang aking pisngi at napatingin sa aking dibdib. Mabilis kong niyakap ang sarili at tumingin sa pinanggalingan kanina. Aba't napaka tarantado talaga ng mga tao ngayon! Ang kapal nun.
Napa suklay ako sa aking buhok at bumalik ang tingin kay Zacid na nakatitig pa din sa akin. Medyo kumabog ang dibdib ko nang mag tama ang tingin namin. Agad akong nag iwas at lumayo.
Bumuntong hininga siya. "Change your clothes."
"T-teka. Saan ka pupunta?" Nauutal ako.
"I'll go change my mine too. Stop asking questions and go back at your room."
Hindi na ako nakapag salita nang umalis na siya. Duon lang ako nakahinga ng maluwag ng mawala siya. Napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman ang di normal na pag kabog ng dibdib. Kabado lang siguro ako.
Pero dapat ba ako mag pa salamat sa kanya?
Matapos makapag palit ng maayos na damit ay lumisan na ako sa gym. Uuwi nalang muna ako siguro. Baka umalis si Zacid tapos mag tatanong tanong na naman ako. Ang hirap kaya!
Inilugay ko ang aking buhok at pinulbuhan ang sarili. Sinuot ko ang cardigan at mahabang sleeveless bohemian dress na dala ko. Gusto kong mag lakad ngayon sa tabing dalampasigan at gumuhit!
Ngiting ngiti akong lumabas ng gym nang makita ang pamilyar na rebulto ng isang lalake. Si Zacid iyon habang nakahilig at nakapamulsa sa isang SUV. Umawang ang labi ko sa pagka bigo. Mukhang hindi na matutuloy gusto kong mangyari.
Nang makita niya ako ay tuluyan siyang bumangon sa pag kakahilig at pumasok sa kanyang kotse.
"Saan ka pupunta?" Mabilis na tanong ko.
Hindi siya tumingin. "Somewhere."
"Sama ako."
"No."
"Dali na! Sama na ako. Sige ka, Baka sundan pa ako nung lalake kanina hanggang suite ko. Tapos bigla niya akong gawan ng masama at pag namatay ako..." Seryoso ko siyang tinignan, kunwari lang. "... Ako mismo ang maghihi-"
"Damn." Bulong niya.
Tumingin siya sa akin at mariing napapikit. "Get in! You're pissing me off!"
Namangha ako sa mga nadadaanan namin. Kitang kita ko ang ganda ng buong Isla dito.
Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Wala akong kaide ideya pero sumama pa rin ako.
Sinulyapan ko siya. "Saan ba tayo pupunta?"
"I have an appointment somewhere."
"Appointment? Mag tratrabaho ka?"
"Yes. I'll be fast. Hindi naman ako mag tatagal. He just need my presence." Aniya habang nakatingin sa daan.
Tumango tumango ako at hindi na muling nag salita. Ilang minuto lang ay bigla kaming huminto. Kumunot ang nuo ko at napatingin kay Zacid. Nakita ko lang siyang nag paulan ng mura at malakas na hinampas ang manibela.
Nanlaki ang mata ko. "T-teka nasiraan tayo?"
"No. I forgot to fill my car. Ah shit! Why now?" He said with frustration.
"Ano? Ang yaman yaman mo tapos wala kang pampa gas?"
"Stop complaining. Wala ka namang maitutulong." Ani niya.
"Wow ha,"
Umalis siya na hindi man lang chinicheck kung full gas ba ang kotse niya. Tapos ngayon eto kami at na stuck sa gitna ng kawalan. Humugot ako ng hininga bago lumabas ng kotse. Nandito kami sa isang cliff at unang labas ko palang ay sinalubong na agad ako ng malakas na hangin.
Buti nalang ay naka cardigan ako kaya medyo di ako nalamigan. Medyo lumapit ako doon at tinanaw ang makintab na dagat at magandang tanawin. Ang bughaw at berdeng mga tanawin ay pinapalakas ang tibok ng puso ko at pinapakalma din.
Muli akong lumingon ng marinig ang muling pag bukas ng kotse. Nakita ko si Zacid na papalapit sa aking pwesto. Sumimangot ako at muling humarap sa tanawin.
"Tumawag na ako. They will be here as soon as possible. Let's wait a minute here." Mababang boses na sambit niya.
Tumango tango ako at niyakap ang sarili sa hangin.
"Ang ganda dito. Ibang iba sa maynila. Gusto ko din ng ganitong lupain tapos alam mo kahit araw araw ako sa dalampasigan ay ayos lang. Kasi tignan mo sobrang ginagawa ng pakiramdam dito." Wala sa sarili kong sambit.
Pumamulsa siya. "You'll get bored here. I know girls like you, you can't live without your whims."
"Talaga? Hindi mo naman ako kilala." Tawa ko.
Kumunot ang nuo niya sa akin. Medyo nawala ang ngisi ko dahil doon. Totoo naman. Hindi mo pa ako kilala, Zacid.
"Kung ako mas pipiliin ko dito. Tapos mag papatayo ako ng bahay malapit sa dalampasigan. Duon ako titira kasama ang pamilya ko. Mas maganda yung malayo sa gulo at ingay ng tao, yung mamumuhay ka lang ng simple at tahimik." Napangiti ako.
Huminga ako ng malalim "Kase alam mo... Kung mamumuhay ka sa puro kasinungalingan at gulo, hanggang duon ka nalang pero kung mamumuhay ka ng mapayapa at tapat parang nasa iyo na lahat kahit wala kang pera o kagamitan sa'yo."
Pinapakinggan niya lang ako. Hindi siya sumasagot sa mga sinasabi ko pero alam kong pinapakinggan niya ako. Mas lalo kong niyakap ang sarili habang napangiti sa aking mga iniisip.
"Gusto ko din dalhin si Nanay dito nalang araw. Gusto kong pumunta kami dito at manirahan.." mahinang sambit ko.
"Then bring her here.."
Napatingin ako kay Zacid na ngayo'y seryosong nakatitig sa akin. Kumabog ang dibdib ko sa minutong nakatingin siya. Lumunok ako bago nag iwas ng tingin. Ngumiti ako at pinigilan ang sariling lumungkot nang masabi si Nanay.
"Sana nga madali. Sana nga pwede pa."
Sana....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro