Chapter 6
Chapter 6
Hindi mapakali ang aking mata at mahigpit kong niyakap ang aking katawan. Hubo't hubad ako kanina at nakita niya iyon. Ano ba itong pinasok kong gulo? Naiiyak ako dahil ito ang pinaka unang beses na isang lalake ang nakakita sa aking katawan.
Matalim kong tinignan si Zacid Casciano na naka hilig sa aparador katapat ko na nakaupo ngayon sa kama. Hindi ko mapigilan ang inis ko sa kanya. Mabuti nalang at nakabit ko kaagad ang aking bestida non!
Napalunok ako. "A-Anong ginagawa mo sa kwarto ko? D-diba sabi ko umalis ka!"
Madilim ang kanyang mukha na nakanuod sa aking ginagawa. Ang kanyang mga braso ay nakakrus na tila minamasid ako. Mumunting bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan na ngayon ay wala pa ring pang itaas. Bakit ba tuwing nakikita ko siya at wala siyang damit!
"You get out. this is my room." Madiing sambit niya gamit ang baritonong boses.
Umurong ang pananalita ko dahil doon. Mahigpit kong pinagsakop ang aking braso at binti.
"K-kwarto ko kaya! Basahin mo yung room number!"
Pumilig ang ulo niya. "Do i need to drag you out of here? Your face looks familiar. Are you one of my obsessed stalkers?"
Nag init agad ang dugo ko dito. Sinasabi ko na nga ba na lahat ng nasa telebisyon ay hindi makatotohanan. Ang mga balita! Ang arte ng mga artista kahit ugali ay ibang iba din.
Hindi ko man kilala itong isang ito pero andaming umiidulo sa kanyang kabataan! Ang yayabang.
Kalma, Asunscion Marisela! Umarte ka! Habaan mo ang pasensya mo kundi ay papalpak ka.
"E-eh ano naman kung ako nga? Bakit? Natatakot ka bang malaman ko ang mga.." umikot ang mata ko sa kwarto. Wala na akong maisip sabihin.
"S-Sikreto mo?"
Tumaas ang kilay niya parang 'di kumbinsido sa mga sinasabi ko. Ako pa ata ang naasar! Kumabog ang dibdib ko sa mabilis niyang galaw at tumungo sa telepono.
"I'm gonna call the guard." He said with finality.
At eto naman ako ngayon ay agad na nataranta. Nanlaki ang mata ko at napatayo. Wala akong pake ngayon kung sumisilip ang suot kong pulang pang luob. Bigla siyang napatigil at umangat ang tingin aa akin.
"Pag tumawag ka ng guwardiya ay ikaw din! Baka malaman ng mga fans mo na may babae sa kwarto mo. S-Sira ang career mo pag nag kataon!" I stuttered.
Hindi ba tama naman ako? Kapag nag kataon ay malalaman ng mga tiga suporta niya. Ngunit ayun din ang plano! Teka? Mali ata ako.
Nanginginig akong nag taas muli ng tingin at nakitang naibaba niya na ang telepono. Ang kanyang kulay abong mata ay dumeretso sa akin. May kung anong sa aking nag paatras lalo na nang marahan siyang tumungo sa aking pwesto.
Gumuhit ang ngisi sa labi. "Are you trying to blackmail me?"
"H-ha?"
"What to do you want from me, huh?"
Ilang beses akong napalunok. Kaonti nalang ang layo ng kanyang mata sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ang malamig na simento ng pader sa aking likuran.
Katapusan ko na! Mali ata talagang nakipag laban pa ako!
"Ms.... Stephanie Zamora?" He whispered.
Hindi ko na ata kaya! Alam ko na sobrang lapit na niya sa akin. Ang init ng kanyang katawan ay ramdam ko na din. Hindi ako makahinga sa kaba at takot.
Hindi ko alam pero biglang tumaas ang aking kamay at tuluyang na isampal iyon sa kanya. Nakita ko kung paano siya napahinto at napahawak sa kanyang pisngi. Nanlumo ako ng makitang nag tiim ang kanyang panga at namula.
Ginagalit ko ata. Bakit ko ba siya sinampal?!
"S-Sorry.." Mabilis ko siyang itinulak at kinuha ang gamit ko sa kama. Kailangan kong makaalis! Sobrang kabado ako ngayon at parang tumatambol ang puso ko sa halo halong emosyon.
Namula ako sa pag iisip ng ginawa niya. Nang tiningala ko ang room number sa gilid ay mali nga ako!
"Room 845.."
Ibang kwarto ang napasukan ko at ibig sabihin ang katabing kwarto ay sa akin! Napasabunot ako sa sarili dahil sa katangahan. Parang nag aaway away ang cells sa utak ko kung paano matatakasan ang katangahang ginawa ko ngayon para bukas.
"What did you do! You slapped him, Marisela?"
Mariin akong napapikit dahil sa sigaw ni Ms. Daila sa kabilang linya. Sinabi ko sa kanya ang ginawa ko at tila di niya nagustuhan.
"S-Sorry po, Ma'am. Hindi na po mauulit."
"Hindi na talaga mauulit! I told you to just seduce him not to hurt him! You don't know him! Akala ko ba ay mapag kakatiwalaan kita!" Sigaw niya.
"Nadala lang po ako ng emosyon. Hindi ko naman po sinasadya,"
"If you keep doing stupid things ay baka putulin ko na ang planong ito at ipapa ban kita sa agency."
Nanlamig ang aking buong kalamnan ng marinig ang salitang binitawan ni Ms. Daila. Ayaw kong mangyari iyon. Ito nalang ang alam kong trabahong maisasalba si Nanay. Kapag nawala ito ay baka tuluyan na din akong mawalan ng pag asa.
"G-Gagawin kopo ng maayos ang trabaho ko."
She sighed heavily. "Huwag puro salita, do it."
Bumuhos ng tuluyan ang luha ko at napayakap sa sarili. Ayaw ko ng ganito pero lahat ay gagawin ko para sa'yo, Nay. Hindi ako susuko.
Iniayos ko ang aking sarili at sinikap lagyan ng kolorete ang aking maputlang mukha. Ipinadala ko na'din ang iilang gamit Kong natira sa Coast para idala sa hotel. Marahan ang aking galaw at pinag aaralan ang pag lagay ng pulang lipstick sa aking makurbang labi.
Nang tinignan ko ang aking sarili ay 'di ko maiwasang malungkot. Ang mga mata ko.. tuwing tinitignan ko ito parang may kakaiba at nakatago dito. Parang mabibigat Ito tuwing nakatanaw sa malayo.
"Pag butihin mo.." Ani ko sa hangin.
Kalahati kong itinali ang aking mahabang buhok at nakita kung paano nahulog ang iilan dito. Kulay ulap naman ang suot ko na bago tuluyang hawakan ang camera.
Susubukan ko ulit ngayon.
Halos buong gabi ko pinag aralan ang background check ni Zacid Casciano. Hindi na ako nagulat ng malamang totoong makapang yarihan sila at halos kalahati ng lugar ay pag mamayari nila. Natatakot ako sa kaalamang mas mayaman siya kay Ms. Daila, kilala ang pangalan sa industriya ng business at pag aartista. Protektado sila at respektado ng mga tao.
Pinagmasdan ko ang larawan ni Zacid Casciano at marahan iyong kinuha at inilagay sa folder.
Nag sisimula palang ako at alam kong mag tatagumpay ito.
Kinaumagahan nang makababa ako ay tanaw ko ang team ni Zacid Casciano sa labas. Pangatlong araw na ng kanilang beach shoot at tila nag eenjoy sila ngayon sa labas.
"Stephanie Zamora? I'm surprised that you're here. Akala ko ay nag paiwan ka sa coast. Matibay ka pa din talaga hanggang ngayon." Nang lingunin ko ang aking likuran ay namataan ko si Veronica Reyes may tatlo siyang kasama na gulat ding nakatungo sa akin.
"Stephanie Zamora? Oh my god! Can i have your autograph? I'm a big fan. I'm Diana."
Kinagat ko ang aking labi at ngumiti sa kanya. Tinanggap ko ang kanyang kamay ganuon nadin ang dalawang babae sa gilid.
"Actually, akala din namin hindi kami makakapasok sa private property ng mga Casciano. Luckily, iniba naman nila ang venue for reporters."
Tumango ako at nilibot ang paningin sa buong paligid. Hindi ko nakitang bumaba ng kwarto si Zacid kaninang umaga. Nasan kaya siya kung ganoon?
"I really love your articles and you're the best selling paparazzi of all time. You're kinda private and mysterious and it's my pleasure to see you first time in personal! Totoo nga ang sabi nilang maganda ka."
Ngumiti ako. "Thank you, Diana."
"What happened last day. Zacid did really do that to you?" Ani ng isa sa kanila.
Napahinto ako at naalala ang unang pag kakataong nagkita kami ni Zacid. Kung ganoon alam talaga nila iyon? Nakakahiya talaga.
Pilit akong ngumiti. "Ayos lang ako."
Narinig kong napatawa si Veronica sa gilid habang sumisimsim ng kape. "Oh really? I see that."
Hindi ko alam kung ako lang pero rinig ko ang pagiging sarkastiko sa boses niya. Hindi ko nalang pinansin iyon at pinagpag ang aking damit para makapag paalam. Marami akong bagay na dapat gawin.
Hindi nga ako nag kamali ng makita si Zacid Casciano. Sa malayo palang ay kita ko na ang lkkuran niya. Nakaupo siya sa isang sun lounger habang nakatanaw sa dagat. Naka suot ito ng itim na shorts at gray na pang itaas habang may shades naman sa kanyang mga mata.
Kahit ganito siya ay malakas pa din ang appeal na nagagawa niya. Grabe, iba talaga pag mayaman.
Bukod doon ay may iilang tao ding nakatingin sa kanya. Nang makaisip ng paraan ay marahan akong tumungo sa puwesto niya at inignora ang mga taong nasa paligid.
Kumulo ang isip ko nang maisip ang nangyari kahapon. Pakiramdam ko ay tatapakan ang pride at ego ko dahil dito. Baliwalain mo nalang, Marisela. Nakakainis pa din isipin!
Itinaas ko ang aking camera at tumungo sa harap. Walang pasabing agad kong iclinick iyon pero sa oras na ito'y walang flash.
Hindi ko man makita ang emosyon sa kanyang mata ay nakita ko naman kung paano umigting ang kanyang panga diretso sa akin. Sinubukan kong suklayin ang aking buhok gamit ang mga daliri at ngumiti dito.
Bahala na. Ayan lang ang tanging iniisip ko nang makaupo sa sun lounger na katabi ng sa kanya. Pinagsakop ko ang aking buhok at sinadya kong ipakita ang aking binti. Ilang lunok pa ang ginawa ko kahit iilang mata ang nakamasid sa amin.
"What do you think you're doing?" Malalim na sambit niya.
"Tinatabihan ka? Mukha kasing mag isa kalang at kailangan mo ng kasama. I wonder why you don't have any bodyguards around you? Lalo na't baka may iilang stalkers sa tabi tabi." Ngumiwi ako at inayos ang aking pag kakasandal.
"You mean like you?" He said sarcastically.
Luminya ang aking labi at napatingin sa kanya. Naalala ko ang nangyari kahapon. Naalala ko kung paano lumakas ang loob ko at inasar siyang isa nga akong stalker.
"O-ofcourse i'm not! Mali lang talaga ng nabigay sa aking number ng room. I meant no harm, Zacid. As you can see. It's normal to see me here because i'm a paparazzi of you." turo ko sa aking sarili.
Inuubos ko ang pag iingles ko sa lalakeng ito pero 'di siya kumakagat sa mga rason ko! Baka may mali sa mga salita ko?
"You think i would buy that reason? I hate paparazzi. They're disgusting. " Malamig at buong boses na sambit niya sa akin.
Sumulyap ako bago kabadong ngumisi. Nanatili pa din ang tingin niya sa akin na parang 'di makapaniwala sa mga ginagawa ko.
"Look, i'd like to say sorry 'bout what happened last day. I didn't mean to slapped you."
He chuckled. "It's okay. You mean you're just embarrassed because i saw you naked."
Iniyukom ko ang aking nakatagong kamao at maasim na ngumiti dito. Hinubad niya ang kanyang salamin sa aking harapan kaya agad nag tama ang paningin namin. Nakaramdam ako ng pag kailang ng tumagal iyon. Para talaga siyang nang aasar!
I have practiced this last night!
Huminga ako ng malalim at umayos ng upo parahap sa kanya. "And you already fantasize me because of what you see? You know what? I think dapat wala 'di ako umalis ng kwartong 'yon.."
Meydo nanginginig akong lumapit sa kanya at nakita ko ang pagiging iritado sa kanyang mga mata. Tila nababanas na ata sa ginagawa ko. Kahit nasa malayong parte kami ay nangingibabaw pa din ang bulungan ng mga tao.
"So i can be with you until night.."
Umigting lalo ang kanyang panga at nag iwas ng tingin. Nakita ko kung paano nag dilim ang istura niya sa sinabi ko. Merong parte sa aken na gusto ko bawiin at may parte din sa akin na sinasabing ang galing ko.
Kumindat ako dito at muling umayos ng hilig. Nakakarindi pero ayos lang dahil mukhang napatahimik naman siya. Huminga ako ng malalim at medyo nairita sa suot kong bestida. Nawala ata sa pag kakatali!
Agad akong napaupo at inayos ang tali sa likod ang kaso lang ay medyo malayo iyon at gipit ang kamay ko para abutin.
Maabot ko na sana iyon ng naramdaman ko ang mainit na palad na sumakop sa hubad na parte ng aking likod. Nanigas agad ako nang isang mainit na hangin ang lumandas na bandang tenga ko.
"How can i fantasize you when you don't even have anything to be fantasize with.." paos niyang sambit sa aking tenga.
Tumaas ang buong balahibo ko bago nag init ang buong mukha. Pinanuod kung paano siya kalmadong umalis sa aking harapan. Iniligay niyang muli ang kanyang salamin sa mata at ang kamay sa kanyang bulsa nang maglakad siyang tila walang nangyari.
Sinasabi niya bang wala akong puwet at...dibdib?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro