Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5

"Do whatever you need to do to catch his attention. If you did it successfully, then maybe i can change my mind and pay the whole hospital bill for your Mom. Do it, Sela."

Nang tumawag sa akin si Ma'am Daila para kamustahin ang aking ginagawa ay hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Naging tapat ako sa sinabi ko at mabuting 'di siya nagkaroon ng init ng ulo doon. Ayos lang daw dahil kahit papaano ay may atensyon na si Zacid Casciano na naibigay sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating sa suite ko. Parang gusto ko nalang muna mag tago dito kahit ilang araw! Mali ata talaga yung ginawa ko. Hindi ko naman talaga alam na ganoon pala kasungit iyon! Akala ko ay mabait dahil pala ngisi sa set.

Nakakahiya dahil madami pa namang tao ang nakasaksi ng gawa ko!

Napag pasyahan kong tawagan si Isabela para balitaan siya sa pangyayari. Ni hindi ko pa matawagan si Auntie ngayon dahil hindi ko alam ang sasabihin. Mabuti naman at agad ding sumagot ito.

"Hello?"

Narinig ko ang malakas na pag tili sa kabilang linya dahilan para ilayo ko nang kaunti ang aking cellphone. "Marisela! Akala ko kung napano ka na! Ano, Nandyan ka naba? Nakita mo naba yung ipinapatrabaho sa'yo? "

"O-Oo. Kakarating ko lang kaninang umaga."

"Kamusta naman? Pang una mo 'yan kaya mag iingat ka! Bumisita ako kay Tita Norma kanina at ipinakakamusta ka sa akin."

Mariin akong napapikit. Tila kumirot ang aking dibdib sa narinig.

"A-ayos lang ako dito. Bibilin ko muna sa'yo si Auntie at Nanay. Makakabalik ako ng ligtas. Mabilis lang naman siguro ito, Isabel." Marahang ani ko.

"Oo naman! Kaya natin ito. Andito lang naman kami e, basta mag iingat ka dyan!"

Ngumiti ako. "Salamat..."

Muling nag paalam sa akin si Isabel at tuluyan ng ibinaba ang telepono. Napasapo ako sa aking nuo at ipinikit ang mata. Siguro ay uulitin ko nalang bukas ang mga plano. Hindi na siguro papalpak kung ano man 'yon.

Para kay Nanay ay gagawin ko lahat ng ito.

Kinabukasan ay halos pagod akong tumungo sa beach. Malas ko nalang nang malamang wala pala ang team sa Coast Cicero at tumungo sa labas nito para gawin ang shoot. Umagang umaga ay wala akong kain para magtanong sa mga staff kung paano tumungo doon.

"Sumakay po sila ng yate kaninang umaga papuntang private beach. Duon po ata ishoshoot yung advertisement ng clothing line." Ani ng isang staff.

"Pwede ko po ba malaman kung paano pumunta doon? May iba pabang sasakyan patungo sa private beach?"

Nang magkatinginan ang dalawa ay tingin ko ay hindi nila pwedeng sabihin iyon. Pero dahil desperada na ako ay mabilis kong hinawakan ang kamay ng lalakeng staff ay nag mamakaawang tumingin dito.

"Sige na, Kuya. Kailangan ko lang po talaga malaman. Kapag sinabi niyo sa akin ay tatanawin kong utang na loob ito!" Pag mamakaawa ko.

Napatingin ito sa aking kamay at medyo napakamot sa kanyang ulo. Nakita ko pa kung paano siya sikuhin ng kasamahan niya pero mas hinigpitan ko ang kapit sa lalakeng staff.

"M-Meron naman, Ma'am. Pupwede po kayong mag arkila ng bangka patungo doon."

Lumiwanag ang mukha ko doon at agad na nag pasalamat sa dalawang staff. Katulad ng sinabi nila ay may nakita nga akong nag papa arkila ng bangka doon. Hindi ko siya makumbinsi dahil hindi daw ako pupwede doon kung 'di ako isa sa kanila.

Pribado iyon at pwede daw siyang kasuhan pag dinala niya ako doon. Medyo natakot ako sa salitang kasuhan. Pero kailangan kong tumungo doon! Malaki ang tiwala sa akin ni Ms. Daila na magagawa ko ito.

"Pasensya na ka'yo, Ma'am. Pag aari iyon ng mga Casciano at hindi basta basta tinutungo. Pupwede ko po kayo dalhin doon ang kaso baka masisante ako."

"Saglit lang naman ako, kuya. Tsaka po kasamahan po nila ako doon." Pag sisinungaling ko.

Mariin akong napapikit ako at kinuha ang dalawang libo sa bag ko at ipinakita sa matandang lalake. Nagtagal ang pagtingin niya dito at inilibot ang tingin sa buong paligid. Suhol ito at alam kong mali pero wala na akong maisip na paraan!

"Wala naman pong makakaalam."

Gaya ng nangyari ay mukhang nakuha ko naman ang gusto niya. Mabilis kong iginaya ang aking paa sa bangka. Sa isang iglap ay umandar na ito kaya lakas luob akong tumingin sa paligid kung saan puro tubig nalang ang aking namamasid.

Sa totoo lang ay takot ako sa tubig. Takot ako sa malalawak na bagay na tila wala na akong makikita sa katapusan. Takot ako sa malalim at matataas na lugar. Madami man akong kinakatakutang pisikal pero ang aking emosyonal na lakas ay pilit kong ipinapatibay dahil alam kong pag napatibay ko ito kasunod na rin non ang pagiging matapang ko sa lahat ng bagay.

Isa lang naman ang kinakatakutan ko. Ang mawala sa akin si Nanay at Auntie, ang pamilya ko.

Nang makaapak ako sa buhangin ng pribadong pag aari ng mga Casciano ay labis na lamang ang kaba ko. Parang may kung ano sa aking bumubulong kung tama ba talaga ang pasya ko dito.

"Ingat kayo, Ma'am. Mag tanong tanong nalang po kayo. Ang alam ko lang po e, sa likod ng mga pormadong batong 'yan pag aari naman ng mga Velazquez at public beach naman ang katabi. Malawak po ang lupain ng mga Casciano sa Isla kaya kung sakali ay dapat may koneksyon ka kapag umaapak dito."

Ngumuso ako at sinipat ang rock formations na tinutukoy ni Manong. Wala naman akong nakikita pagkatapos non dahil dumami na ang bato at malalaki iyon.

"Salamat po, Manong." Sagot ko.

Inilibot ko ang buong paningin sa lugar. Puti at pinong buhangin ang nandito kaysa sa resort na tinuluyan ko. Malinis at tahimik na lugar din ito! Kaya paano ko makikita kung saan ang mga team nila Zacid Casciano dito?

Inilagay ko ang aking takas na buhok sa likod ng tenga at nagsimulang mag lakad. Plano ko ang mag panggap bilang nawawalang kasamahan ng team nila Zacid Casciano. Sigurado akong sa paraang iyon ay sasagutin ako ng iilang katiwala dito.

Itinaas ko ang tingin ko sa malaking mansyong naka harap sa dagat. Tangay parin ng alon ang aking paang nasa dalampasigan. Kabado akong tumungo doon at mapansing mukhang mayayaman ang may ari non.

Napaawang ang aking labi sa laki at ganda ng bahay sa aking harapan. Moderno at halatang naalagaan. Sa mga Casciano ito? Ganoon na lamang ba kayaman ang mga Casciano? Hindi ko sila kilala pero baka nga sobrang makapangyarihan sila.

"Hey, are you lost? Sorry, but this is a private property and you shouldn't be here."

Halos mapatalon ako sa gulat at napatingin sa babaeng nasa aking likuran. Lumandas agad ang kaba sa aking dibdib nang makitang takang taka at taas kilay itong nakatungo sa akin.

Mahaba ang kanyang buhok at matangkad ngunit alam kong mas matangkad ako ng kaonti. Sumisigaw ang puti sa kanyang katawan. Maganda at mukhang mayaman ito kaya mas lalo akong nangamba.

Anong sasabihin ko?

"Miss?" Pag gising niya.

Tumikhim ako. "Uh. Sorry ano k-kasi nawawala nga ak-"

"Oh! Sabi na nga ba. Are you somehow part of Zacid's photoshoot team? Behind the scene Photographer?" Ngiting ngiti tanong niya.

Kumunot ang nuo ko. Hindi ako photographer! Napatingin ako sa aking camera at siguro'y akala niya isa ako dito dahil sa aking camera. Bumuhos ang lamig sa aking katawan at pilit na ngumiti sa babae. Sa susunod ko na iisipin ang lahat ng kasinungalingang gagawin ko ngayon.

"I'm Gabriela Casciano." Lahad niya ng kamay.

Kabado akong ngumiti ako at itinanggap 'yon. "Stephanie Zamora."

Cacsiano? Kapatid ba siya? Kaano ano siya ni Zacid Casciano? Baka asawa? May asawa siya!

"I'm the wife of Darius Casciano. Just saw here and i think you're lost. Should i escort you back to the hotel?"

Ilang Casciano ba ang meron dito? Dapat pala ay humingi ako ng kaonting background para sa mga Casciano. Wala ako masyadong alam sa kanila.

"H-hindi. Ayos lang kahit sa mismong venue nalang ng shooting."

"Sure." Sambit ni Gabriela.

Sinundan ko siya at tumungo sa luoban. Medyo iilang sinabi siya sa akin pero hindi ko naintindihan kaya tanging tango lang ang nasambit ko sa kanya. Hindi ko naman siguro kailangan mag salita?

"Bumalik ka nalang ng hotel kapag wala sila. It's a bit far to here. I really need to go, Stephanie. I have a flight e,"

"Salamat." Marahan kong sabi.

Itinali ko ang aking buhok at hinayaang lumipad ang aking puting bestida. Puro bestida lamang kasi ang ibinigay sa aking damit ni Ma'am Daila at iilang pormal habang ang mga damit ko naman sa bahay ay tila 'di aangkop sa lugar na ito.

Sinuyod ko ang buong paligid at namataan na walang tao dito bukod sa iilang mangingisdang dumadaong. Akala ko ba ay dito ang shooting? Bakit wala naman!

Bumagsak ang aking balikat at pagod na tinignan ang iilang taong naroon. Wala ang team at si Zacid Casciano. Mariin akong napapikit sa pag iisip na baka naligaw ako o mali si Gabriela ng lugar na ipinagdala sa akin.

Nang biglang tumunog ang phone ko ay agad kong sinagot 'yon.

"Hello? Is this Marisela Alejo?" Ani sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim. "Ako nga po. Sino po ito?"

"I'm the Personal Assistant of Ms. Daila. We text you the whole schedule of Mr. Zacid Casciano for this week. Just check it."

"S-sige po..."

Nang buksan ko ang mensahe ay nakita ko ang buong detalye ni Zacid Casciano. Andoon din ang schedule niya kasama ang ngayon at laking pasasalamat ko nang makita ko ang pangalan ng hotel at room number nito.

Ngumiti ako sa receptionist at ibinigay ang aking I.D. "Stephanie Zamora."

"Please wait a second, Ma'am."

Tumango ako at suot ang aking shades, pinagmasdan ang buong paligid. Unang pumukaw ng aking atensyon ang magarabo nitong marble at kakaonti lamang ang taong aking natatanaw. Muli akong tumingin sa receptionist at kasabay non ang pag bigay niya sa akin ng card para sa aking kwarto.

"Room 484, Ma'am..."

Tumango ako at dala ang aking maliit na bag at camera ay tumungo na sa elevator. Medyo malaki ito kesa sa Coast Cicero na tinutuluyan ko. Naalala kong anduon pa ang mga gamit ko kaya siguro'y ipapadala ko nalang dito.

Hinagilap ko ang kwarto ko sa pangvapat na palapag ng Hotel. Ang room number ni Zacid Casciano ay parang kapareha ng aking palapag kaya 'di na ako mahihirapan nito.

Sana lamang talaga ay lahat ay kumagat sa plano. Sana'y gumaling na si Nanay at mapag papatuloy ko na ang kolehiyo ko. Makakapag tapos ako sa aking kurso at matutustusan ko silang dalawa. Naniniwala akong buong buhay ko ay sa kanila lang dapat umiikot ang mundo ko. Ni hindi sumagi sa isip ko ang pag ibig.

Laging nababanggit sa akin ni Nanay na gusto niya na mag ka pamilya ako o makapag asawa ako ng taong mamahalin ako ng higit pa sa lahat. Ngunit kung papipiliin ako sa dalawa ay parang ang hirap mag mahal ng iba bukod sa aking pamilya. Gusto ko lang muna gumanda ang buhay namin...

buhay ko ng mag kakasama.

Nang tumapat ako sa aking pintuan ay laking gulat ko nang nakabukas ito ng kaunti. Kumunot ang aking nuo bago tuluyang pumasok.

Hindi ba nila nilolock yung pintuan? Para saan pa ang card na ito kung iniiwan nilang naka bukas?

Napagod ako sa kakahanap ng taong 'yon. Zacid Casciano. Mukha namang mayabang at walang maipag mamalaki bukod sa mukha niya? Ang akala niya siguro ay sobrang kagandang lalake niya. Ngayon ay alam ko na kung bakit ang laki ng galit ni Ma'am Daila dito.

"Ang ganda!"

Napanganga ako sa laki ng kwartong ito. Kulay itim at puti ang tema ng buong paligid ganuon din ang iilang gamit. Sa itaas, gitna ng malawak na kama ay nanduon bilog na modernong ilaw. Malaki ang telebisyon sa aking harap at may kusina sa dulo.

Namangha din ako sa aking harapan at sa gilid non ang balcony na tanaw ang buong Isla.

Mabilis akong tumungo doon at nilanghap ang hangin ng Isla. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala kagandang lugar sa Pilipinas. Kung marami lang akong pera'y palagi ko nang dadalhin si Nanay at Auntie dito.

Sandali ko iyong kinuhanan ng letrato bago muling bumalik sa kwarto at sumalampak sa kama.

Napasinghap ako. "Ang bango naman dito."

Amoy panglalake. Ganito pala yung ginagamit nilang pabango sa kwarto. Pahiga na sana ako sa kama nang maamoy ang sarili. Amoy araw na din ako at pawis. Mamaya ay balak ko na namang hanapin si Zacid Casciano para masimulan na lahat.

May dala naman akong damit pero maikling kupas na maong ito at itim na sando. Napangiwi ako sa pag iisip na hindi ako nag susuot ng ganito pero wala na akong magagawa dahil sa pag mamadali ay ito ang na kuha ko.

"Saan ba banyo dito?" Bulong ko sa sarili.

Kusang tumayo ang aking paa at hinanap ang banyo. May dalawang pintuan doon sa hallway ng kwarto at paniguradong isa ddon ang banyo. Ngumuso ako at binuksan ang pang unang pintuan pero ni hindi ko na pinakeelaman ng naka lock pala.

Ako ang may ari ng kwarto tapos ilolock?

Ngumuso ako at marahang tinanggal ang tali ng aking bestida sa leeg. Tamad kong inihubad iyon at inilabas ang pang ilalim na two piece ko. Nakaramdam ako ng maluwag na pakiramdam ng tanggalin ko iyon. Sobrang lamig at kumportable.

Hindi ko pa binubuksan ang pintuan ay tuluyan na itong may iniluwang kung sino. Napahinto ako sa aking kinatatayuan at laking matang tumingin sa taong kakalabas lang ng banyo.

Tanging pang ibabang towel lang ang meron ito at wala na siyang saplot sa itaas na nag lalabas sa kanyang buong basang katawan. Kalmado niyang pinupunasan ang kanyang basang buhok habang napako ang tingin sa akin.

Paano siyang !akapasok sa kwarto ko! Anong ginagawa niya dito?

Mas lalong nag tahip ang kaba sa aking dibdib ng makita kung sino iyon. Nakita ko sa mata niya ang iritasyon at galit ng mahanap ang akin. Mabilis kumunot ang nuo niya at mumunting bumaba ang tingin sa aking katawan.

Naalala kong wala pala akong suot na damit ngayon at eto ako nasa harap ni..

Zacid Casciano!

________

Please vote and follow me for more stories! Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro