Chapter 16
Chapter 16
"May mga reporters dito, hindi kaba natatakot?"
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Nag iinit pa din ang pisngi ko sa kadahilanan ng hiya. Pero atleast ngayon ay ayos na! Nasabi ko na sa kanya. Pupwedeng may hangganan ito ngunit bahala na.
Gusto ko lang siya titigan ng titigan. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Ngumisi siya at tumingin sa malayo. "Hindi sila pupwedeng gumala gala habang may conference. They will be discussing about the event."
"Balita ko nga ay maraming dadalo. Isa ka na doon."
"I am thinking about not attending that event.."
Nag tataka akong tumingin dito. "Bakit?"
Pinanood ko siyang tumungo sa aking likod at medyo sinandal niya ang kanyang baba sa aking balikat tuluyang nayakap ang aking bewang. Medyo nadinig ko pa ang pag buntong hininga niya sa aking likuran.
"You didn't bring your camera with you, huh?"
May halong pang aasar sa kanyang boses ng banggitin 'yon. Hindi ko nga dala ang camera ko dahil para saan pa? Bukod sa ginagamit ko lang 'yon bilang props sa pag papanggap ko ay parang mas nagiging kumportable na ako sa kanya. Ang mga letrato doon ay susubukan kong ilipat.
Huminga ako ng malalim nang maalalang lahat ng letrato doon ay siya. Kapag nawala na siya sa tabi ko ay atleast may baon akong aalala mula sa kanya.
"Mabigat sa leeg, e. 'T-tsaka diba madami namang tao ang may dalang camera sa labas. Bakit 'di ka nalang sa kanila mag pa picture?" Tukoy ko sa mga reporters.
"Nevermind. Your eyes capturing me are enough." Mas lalo niyang dinikit ang sarili sa akin.
"Zacid..."
Marahan ko siyang tinawag at narinig ko ang pag ungol niya bilang sagot. Kagat labi akong tumingin sa malayo at hinayaan siyang yumakap sa akin.
Nakakatakot maging masaya, pero ngayon parang gusto ko nalang muna maging maka sarili. Kung gaano siya kalapit ngayon sa akin ay baka susunod ay ganoon na din siya ka distansya. Gusto kong magising, paano kapag panaginip?
"Bumalik kana sa loob. Malamang hinahanap ka na ng iilang press..." Magaang sambit ko.
"You're not coming?" Tanong niya.
"Syempre, hindi! Sa mismong event nalang ako pupunta. Bumalik ka na doon."
"Alright." Tumango siya habang nanatili sa aking balikat. "Maybe, i'll attend too."
Natulala ako ng biglaan siyang ngumiti diretso sa akin. Hindi ko alam ang pupwede kong maramdaman. Parang may pader sa aking biglang haharang tuwing may magandang mangyayari at ang pader na 'yon sa gitna ay may salamin at pinapaalala kung sino at ano ako sa posisyong ito.
Nang napilit ko si Zacid ay bumalik na siya sa venue. May press conference kasi mamaya eksklusibo para lamang sa kanya. Dumating na ang iilang malalaking artista at paparami na ang mga tao kaya wala akong choice kundi ang mabilis na bumalik sa aking suite.
Tulala akong nag lakad nang bumukas nang tuluyan ang elevator. Pumihit ako papaharap pero agad ding napako ng makita ang tao sa harap ng aking pintuan.
"Oh that's why no one is opening the door."
Matangkad siya at elegante. Suot ang mga mamahaling damit ay lumalabas lalo ang kagandahan niya. Nabalisa ako ng matamis siyang ngumiti at marahang tumungo sa aking puwesto.
Sunod sunod ang malakas na tunog ng kanyang takong papalapit sa akin. Ganoon din ang ginawa ko at lumapit sa kanya.
"Ma'am Daila..."
"Let's talk inside your room. I don't want someone see us."
Marahan akong tumango. Sumunod ako dito at pinapasok siya sa kwarto. Nakita ko kung paano niya pinag masdan iyon. Wala masyadong gamit ang kwarto ko at malinis. Umupo siya sa couch at tila pinag aaralan pa 'yon.
Yumuko ako at ilang beses lumunok, nanatiling nakatayo sa harap niya. Nang mapansin niyang nakatayo ako sa harap niya ay medyo ngumiti ito.
"So nice, we met again. This place is actually good. I bet you enjoy staying here." May kung ano sa kanyang boses.
"Mabuti naman at nakarating ka'yo ng ligtas dito." Ani ko.
Humalakhak siya. "When i heard that the event will be held here, i got excited and i bet you know why!"
Pinanuod ko kung paano siya tumayo at inilibot ang mga mata sa buong lugar ko. Humalukipkip siya hanggang makatungo sa kusina ko. Pirme lamang akong nakatayo habang tinitignan ang bawat galaw niya. Sinimulang niyang umupo si counter.
"Maraming media ang a attend tommorow evening." Tumingin siya sa'kin. "Zacid will also attend the event."
Hindi ako sumagot at yumuko. Ngayong nasambit niya ang pangalan ni Zacid ay hindi na ako mapalagay ngayon. Huminga ako ng malalim at hinihintay ang mga susunod na sasambitin niya.
"Why are you so quiet? You didn't happy to see me, noh?"
Umiling ako. "Hindi naman. Naantok kasi ako dahil hindi ako nakatulog kagabi..."
"Hindi ka nakatulog? Anong rason at hindi ka nakatulog kagabi?"
Umangat ang tingin ko at taas kilay siyang nakasuri sa'kin. Gumagalaw ang kanyang daliri sa counter at hinihintay ang sasagutin ko. May kakaiba sa kanyang boses. Hindi 'yon tanong, mas may panunuya doon.
"Tinawagan ko kasi sila Nanay. Nangungulila lang ako kaya buong gabi 'di ako nakatulog kakaisip."
Mukha namang nakuha niya agad ang sinabi ko at matamis na ngumiti. Pwumesto siya at dumekwarto sa upuan. Bawat galaw niya ay nakaka pangaliit. Hindi ko alam kung bakit ako ganito pero may kakaiba talaga at 'di ko alam kung ano.
"Anyways, i'm hungry. Umalis kasi kami kanina sa manila ay wala pa akong kain. Can you cook right?" Sambit niya.
Hindi ako nagulat sa tanong niya. Hindi naman pakiusap 'yon at parang inuutusan niya ako. Wala na akong nagawa kundi parang robot na pumayag sa kanyang ipinag uutos.
Marami siyang ikinu kwento sa'kin ngunit walang pumapasok sa utak ko. Wala naman din akong interes sa kanyang sinasabi. Andaming pumapasok sa isip ko at dahil doon parang 'di ko na maintindihan lahat. Muntik ko panga mahiwa ang aking darili habang nag luluto dahil sa pagiging balisa.
"By the way, i can see that you're really doing your job well. Talagang naloloko mo si Zacid sa mga pekeng galaw mo."
Napahinto ako dahil sa salitang binitawan niya. Parang may kung ano sa aking loob ang nahiya. Marahan akong nag patuloy kahit sinasaksak ako ng salita ni Daila pa talikod.
Humalakhak pa siya. "He really thinks you love him so much! That you're into him! Can't believe he baited the trap so easy."
"Ma'am Daila..."
"Why, Marisela? Hindi ba totoo ang mga sinasabi ko?"
Kinagat ko ang pang ibabang labi at pilit na pinipigilan ang sarili para makapag salita pa ng kung ano. Gusto kong sambitin na hindi 'yan totoo ngunit hindi ko magawa. Hindi ko kayang gawin 'yon.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag tayo ni Ma'am Daila. Sinundan ko 'yon ng tingin at namataang pakuha niya na ang aking camera na nasa gilid ng kama. Biglang kumabog ang dibdib ko at mabilis na tumungo doon para agawin sa kanya.
Nakita ko ang pag kagulat niya dahil sa naging aksyon ko. Marahan kong itinago ang camera sa likuran at lumayo sa kanya.
"Pasensya na po kayo pero kasi madami na pong laman 'tong camera.." sambit ko.
Natawa siya. "That's yours. Wala naman akong balak kunin. Actually, you can have the phone too if you want! kahit ang mga pera sa'yo na din."
Tumango ako at muling nag angat dito. Buong akala ko ay nakangiti siya pero ngayon ay matalim na siyang nakatingin sa akin. Medyo sinulyapan niya pa ang camera sa aking likuran at ipinilig ang ulo.
"Ayon lang naman ang kailangan mo, e. Ang pera ko pag katapos mo lokohin at paikutin si Zacid." Diin niya.
"Ginagawa ko lang po ang trabaho ko.."
"Oh yes, darling! I know that. But do you remember my last words before you left manila?"
Mumunti siyang nag lakad papalapit sa akin at kinuha ang iilang hibla ng aking buhok para pag lauran 'yon. Pigil hininga akong nakatingin sa harapan kahit pinipiga na ang aking pagka tao.
"Do you remember?" Tanong niya pa ulit.
"Oo..." Mahinang sambit ko.
"Good or else you know what i can do, right?"
Nang tuluyang makaalis si Ma'am Daila ay napapikit ako. Muling sina saksak ang puso ko dahil sa mga salita niyang tumagos sa akin.
Ang perang 'yon ay gagamitin ko para sa pang gamot ni Nanay at hindi para sa sarili kong luho. Kung alam ko lamang na aabot sa ganito ay 'di ko na itinuloy ngunit huli na para sisihin ang lahat at pag pag sisihan ito.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko higit sa lahat pero alam ko sa sarili kong na iipit din ako.
Tanga ka, Marisela! Minahal mo pa ang taong sasaktan mo rin sa huli.
Buong hapon ay blanko ang tingin ko sa aking cellphone. May iilang text doon si Zacid ngunit mas pinili kong 'di na replyan dahil alam kong nagiging busy siya. Humilig ako sa kama at marahang kinuha ang notebook ko sa maleta.
Balak ko sanang mag aral habang nandito ako sa Casceres ngunit dahil naging abala ako sa pagiging manloloko ay nakakalimutan ko na 'yon.
Paniguradong kung wala ako dito ngayon ay nag aaral ako sa kursong gusto ko, malapit na ang exam kaya nag hahanda na ako o 'di kaya nag tratrabaho ako sa bar ni Brent. Sa oras na din na ito kung wala si Nanay sa hospital ay baka nasa bahay kaming tatlo ni Auntie, masayang kumakain at nag lolokohan.
Mapait akong napangiti sa mga alaalang mahirap na ibalik. Hindi na magiging normal ang buhay ko. Hahabulin ako ng kosensya dahil dito.
Karma siguro ang tawag sa ganito, ano? Na kahit anong libing ko sa alaalang ito ay palagi pa din akong mumultuhin.
"You didn't tell me that you're in relationship with Zacid Casciano."
Bumuntong hininga ako. "Mag kaibigan lang kami ni Zacid, Brent."
Mas lalong nadaplisan ng gulat ang mga mata ni Brent sa nasambit ko. Tumingin ako sa malayo at nang muling tumingin dito ay nakita ko ang biglang sumeryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
"You don't know him, Marisela. He's a well known playboy. I heard he's just playing women with his hands without even trying." Pag babala niya.
"Wala naman siyang gusto sa'kin. Mag kaibigan lang kami, Brent." Ulit ko.
"I know you, Marisela. You're so kind and pure."
Mas lalo kong niyakap ang aking sarili at wala sa sariling ngumiti. Kasalukuyan kaming nasa beach front ni Brent. Naka salubong ko kasi siya kanina at gusto niya daw makipag usap sa akin. Hindi ko na na tanggihan.
"Uuwi na ako sa malakawa ng maynila. Kailangan na din ako ni Nanay para sa pag papagaling niya." Hinga ko ng malalim.
"Then go home with me. I'll wait you, i can stay her until the next weekend." May pag kumbinse sa kanyang boses.
Umiling ako at tumingin sa kanya. "Ayos lang. Babalik na din naman ako sa bar. Kailangan ko ring ipag patuloy ang halos dalawang buwan kong pag kawala sa klase."
Hindi naman siya muling nag tanong. Balak ko na talagang umuwi sa makalawa at buong buo na ang desisyon ko. Buong gabi kong inisip ang kalalagyan ko kung 'di ako tumigil sa ilusyong meroon ako. Baka totoo ang sinasabi ni Brent, mas maraming babaeng mas nababagay kay Zacid at eto lamang ako.
Mas lalo lang akong nahihibang tuwing nakikita ko siya.
Hindi niya naman ako kilala, e! Hindi ako si Stephanie Zamora na nakilala niya. Isa lamang akong waitress sa bar ng kaibigan at nangangailangan ng pera para sa kanyang pamilya.
Tahimik akong tumungo sa private pool. Ang mga guest lang ng hotel ang pupwedeng magsi labas pasok doon. Sumilip pa ako doon bago nakumbinse na Wala talagang tao. Huminga ako ng malalim at umupo sa gilid.
Naramdaman ko ang lamig sa aking paa ng tuluyang naibabad 'yon. Hindi ako makababad dahil wala akong balak maligo sa pool. Inilagay ko ang buo kong buhok sa gilid at pagod na tumingin sa tubig.
Kitang kita ang repleksyon ko doon at kung paano kalungkot ang aking mata. Mabilis kong ipinikit 'yon at nang muli akong dumilat ay napako ang tingin sa aking harap.
"Zacid.."
Napakurap kurap ako dahil andito nga siya sa harapan ko. Naka pamulsa siya habang nasa kabilang banda ng pool, diretsong nakatingin sa akin.
"I've been looking for you. You didn't reply to my texts since yesterday." Baritonong boses ang sumalubong sa akin.
Napalunok ako at muling nag iwas ng tingin. Umusbong ang kaba sa aking dibdib ngayong nasa paligid siya. Mabilis akong humahon at tumayo. Naramdaman ko ang pag lapit niya sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.
"Malapit na mag start ang event, ha? Baka hanapin ka na doon." Iwas ko.
"I missed you.."
Napatigil ako at ngumiti. "Parang kahapon lang nag kita tayo."
Sumimangot siya. "I can't even stand not seeing you in 5 minutes."
"Masamang habbit 'yan."
"Yeah, i feel like i'm totally addicted to your presence." Lumunok siya at tuluyang nag iwas ng tingin.
Ngayon ko lang napansin na pormal ang suot nito. Naka itim na slacks siya at kulay maroon na button down habang naka bukas ang panguna hanggang pangatlong butones. Hanggang dito ay naamoy ko ang pang lalakeng pabango niya at 'di ko maiwasang mapikit dito.
Wala sa sariling lumapit ako dito. Hinawakan ko ang kanyang polo at medyo inayos 'yon. Nararamdaman ko ang mabibigat na hininga niya habang andito ako. Matangkad siya at halos hanggang bibig lamang niya ako.
Muli akong lumunok at lalayo na sana nang mahuli niya ang aking pala pulsuhan.
Nang tumingala ako ay nakita ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Malumanay din siyang tumingin sa akin pero agad ding naputol ng lumayo ako.
Tumingin ako dito. "M-madami na namang fans ang mababaliw sa'yo ngayong gabi."
Nag kibit balikat siya. "You mean maraming ikaw."
"Woah, ha. Ang hangin mo talaga." Irap ko. "Bumalik ka na nga doon at baka kung ano lang magawa ko sa'yo."
Nag dikit ang kilay nito sa nasabi ko. Napahinto din ako dahil dito dahil mukhang mali ang pag kakaintindi niya. Medyo nag init ang aking pisngi at umiling.
"Ang ibig kong sabihin-"
Ngumisi siya. "You gave me a reason to stay here."
Ayan, Marisela! Nag isip na naman!
"Manyak ka!"
"Hmm." Umarte siyang nag iisip. "Baka ikaw."
Ang kapal talaga ng apog nitong lalakeng 'toh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro