Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13

Mabilis akong kumalas sa hawak niya at humanap ng puwesto papalayo. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya kusang gumalaw ang paa ko patungo sa kabayong sinakyan niya kanina.

Nakita kong nanginginig ang aking kamay habang hinaplos iyon. Maamo iyon at hinayaan akong hawakan ang kanyang pisngi.

Sa utak ko ay gusto kong sumigaw at kumawala sa pakiramdam na ito. Para akong mababaliw sa kakaisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ako pupwedeng maging ganito. Hindi ako pu pwedeng umasa.

"G-Gusto kong sumakay dito." Nang hihina kong sambit.

Agad siyang lumapit sa aking harapan at marahan ding hinaplos ang kabayo. Sinusulyapan ko lang ang bawat galaw niya.

"You're hurt. I can't let you ride this. Not until you go to the hospital with me."

"H-Hindi nga malala 'toh. Ilang beses ko bang ipapaliwanag?"

"I'm not buying that."

"Sige. Kung ganoon ay aalis nalang ako."

Narinig ko ang pag dating niya sa likod ko. Ngumuso ako at pinigilan ang sarili nang hawakan niya ang aking palapulsuhan para pigilan. Ilang beses ang lunok ko bago humarap sa kanya ng tuluyan.

Nanatiling mapupungay ang mata niyang diretsong nakatingin sa akin.

"Stephanie.."

May kung anong kumurot sa dibdib ko ng sambitin niya ang pangalang 'di sa akin. Unang beses, ngunit hindi sa akin.

"Alright. You win."

Marahan akong tumango. Ilang beses siyang may ibunulong na kung ano habang nag lalakad. Ngumuso ako sa pag iisip na baka nagalit ito o labag sa kalooban na isasakay ako. Mag sasalita na sana muli ako kung 'di niya ipinalupot ang kamay sa aking bewang at tuluyang isakay sa kabayo.

Kabado akong lumingon sa ibaba at ramdam kong sobrang nakaka lula iyon. Lalo na tuwing gumagalaw ang kabayo natatakot akong matumba.

Tumigil lang ang takot ko nang maramdaman siya sa likod ko. Tuluyan na siyang nakaupo at marahang dinulas ang kanyang braso sa aking mag kabilang gilid.

"Hold on." Lumandas ang mainit niyang hininga sa aking tenga.

Halos mag dugo ang aking labi habang tinatanaw ang tanawin mula dito kung saan ako nakasakay. Kahit naasiwa ako ngayon dahil nasa likod ko siya ay 'di ko padin maiwasang mamangha.

"You like it?"

Marahan akong tumango. "Ang ganda dito."

"Kung gusto mo libutin natin ang buong lugar. Hindi ka pa nakakapunta dito sa lupain namin."

"Hindi naman na kailangan. Baka busy ka din. Ayaw kong maistorbo ka."

Natawa siya. "Ngayon mo pa nasabi kung kailan tuluyan mo na akong naistorbo."

Kumunot ang nuo ko at medyo humigpit ang hawak ng bumilis ang takbo ng kabayo. Narinig ko lang ang mahihinang tawa ni Zacid sa aking gilid dahilan para ma irita ako.

"Tinatawanan mo ba 'ko?" Sipat ko.

"You're trembling." Ani niya.

"N-ngayon lang kasi ako nakasakay sa ganito. Natural ay mangangatog ako!"

"Alright, Stephanie."

Ilang minuto din kaming nalibot sa buong lugar ng mga Casciano. Malawak at talagang naalagaan ito. Ibang iba sa labas ng lugar. Wala ni isang taong napapadpad at paniguradong pribadong pribado ito.

Ni hindi ko alam bakit ako nakapasok dito, gamit ang katauhan ni Stephanie Zamora pero kahit ngayon ay gusto ko lamang sulitin ang pag kakataong ito. Ang pag kakataong kasama ko si Zacid Casciano.

"Dito nalang tayo. Palubog na yung araw oh."

Inalalayan ako ni Zacid pababa ng kabayo. Nagka tinginan pa kami habang ibinababa niya ako kaya nag simula na namang magwala ang kalamnan ko.

Siguro'y mag aalas sais na ng gabi dahil malapit na naming masaksihan ang pag lubog ng araw. Gustong gusto ko talagang gawin ito unang araw ko palang sa isla pero dahil sa pinapagawa ni Ma'am Daila sa akin ay nakakalimutan ko ito.

Napaawang ang aking labi habang pinapanuod iyon. Mamaya maya ay tuluyan na din itong mag tatago sa ilalim ng dagat.

"Sabi ng professor ko dati, kahit anong panget at mali ng simula mo paniguradong sa huli ay maganda pa din ang kakalabasan non." Ngumiti ako.

"A wisdom words from a paparazzi, e?"

Matalim akong tumingin kay Zacid. Ngising ngisi ito habang nakatingin sa akin. Nasisinagan kami ng araw kaya kahit ganoon ay nakikita ko ang kakaiba sa kanyang mata. Ibang iba nuong una kaming nag kita.

"Hindi ka maka paniwala? Kahit kailan ba ay talagang kinamumuhian mo ang trabahong ganito?"

Umiksi ang ngisi niya. "I don't really care. They hired to meddle to other people's private life. They're just wasting their time for that."

"Hindi naman nila kayang pakeelaman ka. Tignan mo ang puro balita sa'yo ay ang bait bait mong tao pero sa totoo ay..." Umirap ako.

"What?" Kunot nuo niyang tanong.

"Wala." Irap ko.

"The thing i hate about this thing is people are playing victim. They're using people to become their slave and ask them to ruin someone's life. That's sucks."

Huminto ako at napatingin sa kanya. Bumagsak ang aking balikat at agad na nag iwas ng tingin. Natatakot ako ngayon.

"They're disgusting and pitiful. Paparazzi are like that."

"P-pero isa din ako sa kanila." Nahihirapan na akong sambitin 'yon.

"Yes, baby. You're one of them but you're an exception. i can't even take my eyes off you already." Napapaos niyang sambit.

Paano kapag nalaman mong meron akong bagay na gagawin na paniguradong hindi mo magugustuhan? Paano mo ako mapapatawad?

Handa akong mag pakalunod sa abo niyang mga mata. Ngunit kapag naiisip kong lahat ng ito'y may kalalagyan ay nanghihina ako't nababalisa. Hindi na ako pupwedeng umurong o umalis. Si Nanay, sobrang kailangan niya ako ngayon.

Ngayon pa ako nag kaganito at sa taong dapat hindi. Mariin akong napapikit at iniyukom ang kamao. Minsan din may mga magagandang bagay na magaganap lang kapag huling paalam na.

Blanko akong kumakain ngayon. Sa hotel na ako napag pasyahang kumain dahil wala ako sa tamang huwisyo para mag luto sa sarili. Ang adobo naman ay napanis na dahil nakalimutan kong ilagay sa ref.

Paano kaya kung huwag ko na ituloy itong plano. Pupwede pa kaya akong tumanggi at lumayo layo nalang? Baka pupwede akong humeram nalang ng pera kay Brent o kahit sumidline sa call center.

Pero kailangan ko ng malaking halaga para sa pampagamot kay Nanay at kulang na kulang ang mga naiisip ko para sa perang hinihingi ng hospital.

Napahawak ako sa aking dibdib at pinigilan ang luhang nag babadya sa aking mukha. Hirap na hirap na ako. Gusto ko nang umuwi kay Nanay at Auntie para yakapin sila pero paano? Wala na akong takas. Nagawa ko na ito. Nakilala ko na siya. Nagiging malapit na siya sa akin.

Sumasakit ang dibdib ko tuwing nakikita ko siya.

Tulala akong tumayo at nag lakad pabalik sa aking kuwarto ng hindi sinasadyang may nakabunggo ako. Napaawang ang labi ko ng maramdaman ang malamig na tubig sa aking dibdib.

"Shit! Sorry, Miss."

"Ayos lang! Ayos lang!"

Nakita kong kinuha niya ang tissue sa kabilang table at nag simulang tulungan ako sa pag pupunas. Nang iniangat ko ang tingin ko'y halos mapalayo ako sa gulat.

"Are you okay-" humarap siya sa akin. "Sela?"

"Sir Brent.."

Umusbong ang kaba sa dibdib ko nang makita ko kung sino iyon. Ngiting ngiti siya ngayon habang tinitignan ako. Mabilis akong napalibot ng tingin sa buong restaurant at pilit na ngumiti.

"Why are you here? I thought your mother is at hospital right now?" Kunot na tanong niya pero nakangiti pa din.

Nakasuot ito ng puting khaki shorts at puting polo. Halatang kakadating lang dito.

"Ano kasi..."

Anong sasabihin ko ngayon? Paano kapag nakita kami dito?

"M-may trabaho kasi ako dito. Kailangan kong iwan muna sila Nanay sa maynila para makaipon ng pampa opera ni N-Nanay." Nag iwas ako ng tingin.

"I missed you. That's why you resigned, huh? Sabi ko naman sa'yo ay pupwede kang humingi sa akin ng tulong."

"A-Ayos lang, Sir Brent." Pilit akong ngumiti dito. "B-bakit ka nga pala andito?"

"We can't talk like this. Umupo muna tayo at sumabay ka na sa aking kumain. Let's catch up." Ngiti niya.

Agad akong nag sisi na nag tanong pa ako. Gusto kong tumanggi ngunit nahila na niya ako sa isang table. Nababalisa ako habang nakatingin sa labas ng restaurant at pasukan nito dahil baka may makita ako. 

"Sela.."

"Hah?"

Huminga ako ng malalim at tumango sa sinabi ni Brent kahit sa totoo'y hindi ko naintindihan.

"Merong upcoming beach event dito sa mismong resort. Napili kami bilang head team ng gagawing event. Actually, i'm looking forward to this big thing." Ngiti niya.

"Event?"

"Some biggest filipino artist will gathered for this one event." Humilig siya sa lamesa. "Do you know Zacid Casciano? He's one of our biggest guest."

Kumabog ang dibdib ko at mas lalong kinabahan.

"Media will be there too."

Umusbong ang takot sa aking dibdib. Maraming tao at personalidad ang pupunta. Makikilala siguro ang pangalan ko doon kung pupunta pa ako. Paniguradong kailangan ko nalang muna mag kulong muna sa kwarto ko.

Muli akong napatingin kay Brent. Pero andito din siya. Posibleng makita at maka salubong ko siya dito.

Anong dapat kong gawin?

"G-ganun ba... Ang saya siguro non."

Masaya nga, Marisela.

Marahan akong tumayo. Napahinto si Brent at pinanuod lang ako. Kailangan ko nang umalis at bumalik sa kwarto ko. Kailangan kong mag isip.

Pilit akong ngumiti. "Pupunta na ako sa kwarto ko. Enjoy ka muna dito."

"Are you in rush?" Tanong niya.

"H-hindi. Naantok na kasi ako kasi kanina may pinuntahan ako."

Hindi siya nag salita at litong lito sa mabilis kong pag alis. Hindi ko na inisip kung anong iisipin niya sa ginawa ko basta ang alam ko ay kailangan kong makaalis. Balisa akong tumungo sa kwarto at agad na napasapo sa aking nuo.

"Paano na 'toh?"

Andito si Brent. Andito ang amo ko sa maynila. Kilala ako non! Andito ako bilang si Stephanie Zamora. Buong akala ko'y walang makakakilala sa akin, na walang taong mag sususpetsa sa akin dito. Andito si Sir Brent sa Isla at nasa iisang hotel kami!

May event pa. Ano nang gagawin ko? 

Ayaw ko. Ayaw kong mahuli at umuwi nang hindi gumagaling si Nanay, paano si Auntie?

Paano si Zacid... Anong iisipin niya sa akin?

Buong gabi akong hindi nakatulog. Kung makakatulog man ay iglip iglip lang pag ka tapos non ay magigising na naman ako't mag aalala.

Kung haharapin ko man si Brent bukas sana'y wala kaming maka salubong o makita lalo na siya. Para akong napag laruan ng tadhana ngayon, kailangan kong mag isip at mamili. Hindi ako pupwedeng mangamba lamang sa buong oras na 'yon.

Kasalukuyan ako ngayong nag kakape at tulalang kumakain. Okay na ako't kampante dahil alam 'kong kahit itanong niya kung saan ang kwarto ko'y di niya makikita dahil nasa ibang pangalan ang gamit ko.

Hindi ko ginustong mag sinungaling. Sana ay maintindihan niya.

Wala na akong pinag sisihan. Hindi ko pag sisihan na ginawa ko ito, siguro'y may parte sa akin na iniisip na sana'y di ko ito ginawa ngunit wala naman na itong magagawa.

Nangyari at nag bunga na ang lahat ng katangahan ko.

Itinali ko ang aking buhok at inayos ang pag kakasuot ng nalawlaw kong shirt. Tinanggal ko ang iilang takas na aking buhok at pagod na tumingin sa aking pag kain.

Andami ko palang naluto, e ako lang naman ang kakain. Wala akong pag pipilian kundi ubusin lahat ng ito dahil ang bilin sa akin ay bawal mag tapon ng pag kain kahit onti lamang iyon.

Tumayo ako para mag unat unat nang iilang katok ang sumalubong sa pintuan ng kwarto ko. Nag taka ako dahil wala naman akong inaasahang tao ngayon. Baka staff? Pero kakapunta lang nila kanina para mag hatid ng essentials.

Lumapit ako doon at agad na binuksan iyon.

"Goodmorning."

Napaayos ako ng tayo ng makita si Zacid sa aking harapan. Nanlaki ang mata ko dahil dito. Hindi ako makapaniwala na nandito siya?

Bumaba ang tingin niya sa aking suot at agad nag init ang aking pisngi ng namataang t-shirt at shorts nga lang pala ang suot ko ngayon kesa bestida.

"Anong ginagawa mo dito?"

Ngumisi siya. "I'm hungry. I brought food."

Napatingin ako sa dala niyang pag kain at dalawang paper bags iyon. Ngumuso ako nt maalalang kakatapos ko lang at marami pang pag kain na natira sa lamesa ngayon.

"Kumain na ako." Ayun lang ang nasabi ko.

"I said i'm hungry. I want to eat." Pagod niyang sambit, nanatiling nakapako ang mga mata sa akin.

Nag iwas ako ng tingin. "H-hintayin mo nalang ako..."

Kabado kong isasarado na sana ang pintuan ng bigla niya iyong hinarangan ng kanyang braso. Umurong ang dila ko ng medyo pumasok siya sa aking kwarto. Gusto ko mang mag salita pero pinangungunahan ako ng kaba.

Huminga siya ng malalim bago muling mag salita.

"We're not going out. Let's just eat here at your suite."

Nanlaki ang mata ko. "Dito?"

Huminto siya at takang takang tumingin sa akin pero mumunti ay napalitan iyon ng panunuya.

Ngumisi siya. "Yes, baby. We're going to eat here. Alone. Is there any problem with that?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro