Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12

Ngumuso ako habang pirmeng hinihintay ang aking naluluto. May parte sa aking nag iisip na kung magugustuhan niya ba ito. Marunong naman akong mag luto pero parang 'di pa rin ako mapakali at gusto ko maging perpekto ang lahat.

Habang inilalagay ko sa lalagyanan ang aking putahe ay bigla akong napatigil. Naalala ko ang nasabi niya kagabi. Tuluyang nag dabog ang aking dibdib at napatulala.

Gusto niya akong makilala? Anong ipapakilala ko? Sinong ipapakilala ko.

Natatakot ako. Natatakot ako sa pupwedeng mangyari. Natatakot ako sa haharapin kong problema. Sa tuwing naiisip ko 'yon ay andaming bagay na pumapasok sa isip ko. Ang pamilya, ang pangarap at ang buhay ko.

Ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko. Para ito sa Nanay ko, sa taong pinaka mahalaga sa akin. Bakit ako nasasaktan? Bakit ngayon ay namomoblema ako sa kakalabasan? Bakit iniisip ko ang iisipin sa akin ni Zacid?

Bakit nasasaktan ako sa tuwing naiisip kong kakamuhian ako ni Zacid kapag nalaman niya ang tunay kong intensyon sa kanya?

"Marisela... Ang tanga tanga mo!" Mariin akong napapikit at ilang beses pinalo ang aking ulo.

Sandali kong tinitigan ang pintuan ni Zacid. Nag dadalawang isip ako kung kakatukin ko. Ilang beses akong lumunok bago tuluyang katukin ang pintuan.

Hawak hawak ko ngayon ang niluto ko kanina. Gusto ko sanang ibigay sa kanya kaso nakakapag taka na wala pa ding bumubukas galing dito.

Baka wala? Umalis kaya?

Muli pa akong kumatok ang kaso ay wala talaga. Hindi kaya umalis? Wala naman siyang schedule ngayon. Wala din nabanggit sa akin na aalis siya ngayon. Saan siya nag punta?

"Ma'am?"

Napalingon ako sa aking likod at namataan ang isang staff na kuryosong nakatingin sa akin at sa pintuan ni Zacid.

"Nakacheck out napo ang may ari ng kwartong 'yan." Aniya.

Check out?

"Check out po? Kailan pa po?"  

Tumango siya. "Opo. Kagabi pa po, Ma'am."

Bumagsak ang balikat ko at muling napa sulyap sa kwarto niya. Ramdam ko ang bigat sa dibdib habang hawak ang aking luto. Para sa kanya dapat ito ang kaso ay wala na pala siya dito.

Nang makabalik sa kwarto ay agad kong kinuha ang aking cellphone para tignan kung may mensahe ba ito galing kay Ma'am Daila kaso ay wala pa din. Paano ko malalaman kung nasan si Zacid?

Mabilis kong kinuha ang aking cardigan at lumabas ng kwarto. Tumungo ako sa receptionist at nag tanong.

Ngumiti ako. "Hello. May idea ba kayo kung saan nag punta si Zacid Casciano?" 

"Sorry, Ma'am but we don't actually have information about our guest and if incase we know we still don't any rights to tell it. Also, Mr. Casciano is a very special guest." Ani ng receptionist.

Wala nalang akong nagawa at tuluyang lumabas para hanapin siya. Hindi ako pupwedeng tumunganga lang dito hanggang sa masabi nila kung nasaan si Zacid. Mas bumibigat ang puso ko sa oras ng aking pag hahanap.

Ayaw ko siyang nawawala sa paningin ko.

Kung wala siya sa paligid ng buong hotel ay paniguradong umuwi na siya ng Maynila. Napatayo ako ng maayos. Paano kung umuwi nga siya ng Maynila? Paano din ako makakauwi doon?

Umuwi siya ng 'di man lang ako sinasabihan! May palaman laman pa siyang gusto niya akong makilala kagabi pero aalis naman pala siya! Napahinto ako. Paano kung dito na titigil lahat? Paano kung 'di ko na pupwedeng sundan si Zacid?

Umiling ako habang nag lalakad. Blanko ang aking isipan at dinadala na lamang ako ng aking paa kung saan. Gusto ko na din atang umuwi. Namimiss ko na ang pamilya ko.

Hahakbang na muli ako nang biglang isang malakas na busina ang nag patigil sa akin. Halos mapa upo ako dahil sa gulat. Duon ko lang napansin na malapit na pala ako sa highway ng resort.

Madali akong tumayo at ipinagpag ang sarili. Wala naman akong sugat dahil nagulat lang ako.

"Oh my goodness! I'm sorry! Oh my!"

Napakurap kurap ako nang lumapit sa akin ang babaeng tingin ko'y may ari ng kotse.

"A-ayos lang po ako. Pasensya na kasi ako yung 'di nakatingin-"

Hinawakan niya ang braso ko. "Are you hurt? I'm so sorry..."

Nagulat ako dahil sa pamilyar na mukhang bumungad sa akin. Gaya nung una naming pag kikita ay parang isa siyang anghel na nahulog galing langit. Suot ang isang itim na slacks at itim na coat ay halatang kaka galing lang nito sa trabaho.

"Stephanie?" 

Ngumiti ako. "Ako nga, Ms. Gabriela.."

Napatakip siya sa kanyang bibig at gulat na napatingin sa akin. Sunod niyang tinignan ang buong katawan ko na parang may sinusuri siya doon.

"Let's go to the hospital! I'm so sorry. Hindi kasi kita nakita." Aniya.

Umiling ako. "Hindi na! Ako kasi yung 'di nakatingin. Sorry..."

"I insisted. Paano kung internal injuries pala? I'm worried!" Nalulukot ang kanyang mukha ngayon.

"Ayos lang talaga ako."

Mukhang 'di siya kumbensido sa aking sinabi kaya medyo sinubukan kong mag lakad. Agad akong napangiwi ng medyo maramdaman ang sakit sa aking kaliwang binti. Narinig ko ang pag singhap ni Gabriela dahilan para agad akong bumawi.

"Look at you. Mako konsensya ako nito ng sobra! Pumunta na tayo ng hospital!"

"Huwag na. Kaya ko talaga."

Malayo sa bituka Ito!

"But..." Ngumiti ako. "Ayos lang talaga."

"Sige. Paano kung ihatid nalang kaya kita sa pupuntahan mo? Nag aalala ako baka may mangyari sa'yo."

Lumunok ako. Medyo itinaas ko ang tingin sa kanya at naalalang isa pala siyang Casciano. Sa unang tingin palang naman ay malalaman mong nanggaling talaga siya sa isang mayamang angkan. Kung ganoon ay baka malapit siya kay Zacid? Alam niya kaya nasaan Ito?

Kinurot ko ang aking kamay para tigilan ang pag tatanong.

"Please... Ako nalang ang mag hahatid sa'yo." Ngiti niya.

"Wala kasi talaga akong pupuntahan. Nag iikot ikot lang ako dito kasi may hinahanap ako." 

Nagsalubong ang perpekto niyang kilay. "Oh. Hindi ba tapos na ang shoot ni Zacid? Nag stay ka ba dito?"

"Oo. N-nagustuhan ko na din kasi." Pag sisinungaling ko.

Tumango siya at inalalayan ako nakapasok ng kotse. Malugod ko naman iyong tinanggap kahit medyo iniinda ang hapdi sa aking binti. Buong byahe ay naging magaan naman sa akin dahil kahit medyo tipid siyang mag salita ay halatang ginagawa niya ang lahat para hindi ako maasiwa sa kanya.

Kaonti lamang dahil napapansin kong maganda at mayaman talaga si Ms. Gabriela. Nahihiya nga ako dahil naabala ko pa ito.

"Actually, this place is kind of important to me. I met Darius here and this place is also where my life began, so i really considered this place as an important treasure." Kwento niya.

"Oo nga. Hindi panga ako makakapunta dito kung hindi siguro dahil kay Zacid.."

Sumulyap siya sa akin. "Zacid is very cold person, you know and sometimes he's kind of a jerk."

Tumingin ako dito nang magulat sa huli niyang salita. Nang mapansin niya iyon ay medyo natawa niya sa akin dahilan para mahiya ako sa naging reaksyon ko.

"Well, sa pag ka kakilala ko sa kanya ay sobrang papalit palit ang babae non, though he's very tipid mag salita."

"Oo nga. Tingin ko din." Natawa ako.

"He's like Darius but a jerk one. Siguro nga nasa daloy na ng dugo nila 'yon."

Parehas kaming natawa duon. Sa totoo ay hindi ko pa nakikilala yung asawa ni Ms. Gabriela pero sa tingin ko'y ang hangin niya ay parang kay Zacid. Agad din namang napalagay ang aking luob sa babae kaya nakapag kwento pa siya hanggang sa makarating kami sa lugar na sinasabi niya.

Nang huminto kami sa isang lugar ay namangha ako sa aking nakita. Ang laking mansion ito at halatang pag mamayari ng mayayaman. Pinapalibutan kami ng halaman at sa harap ay damuhan patungo sa luob. Ngumiti ako sa iilang kasambahay na kakasalubong namin ni Gabriela papasok.

"Where's Darius?" Tanong niya sa isang kasambahay.

"Andyan po, Ma'am. Nasa may kuwadra po."

Napasulyap ako sa halong gintong muwebles ng sahig at parang palasyong datingan ng buong bahay. Sa itaas ay may isang malaking chandelier na kaagaw agaw sa isang bisita tuwing darating. Maraming paintings at mamahaling gamit sa bawat gilid. Nanliliit ako sa bahay na ito.

Parang isang hawak mo lang ng bagay ay makaka basag ka na.

Nang makarating muli kami sa labas ay napasinghap ako sa lamig ng hangin na dumadaloy sa buo kong pag ka tao. Matirik ang araw pero hindi mainit dahil siguro nasa harap lang mismo kaming dagat.

Natanaw ko ang ang mismong kuwadra at napangiti nang makita ang mga kabayo doon.

Ngayon lang ako nakakita ng kabayo!

"Darius!"

Napatingin ako sa lalakeng papalapit sa amin sakay ng isang kabayo. Agad siyang bumaba dito at ipinulupot ang braso kay Gabriela.

Matangkad ang lalake at halos maalala ko si Zacid dito. Ngunit kahit parehas sila ng pustura ay mas madilim ang kanyang pag katao. Nakakatakot at tila siya isinisigaw niya ang kapangyarihan sa kanyang kamay.

"I told you to be careful, Gabriela." Magaan na sambit niya dito.

Ngumuso ang babae. "I'm still sexy! Look my baby bump is still not showing, Love."

Nawindang ako sa aking narinig. Buntis siya? Tapos kanina ay halos mabangga niya ako. Paano kung may nangyari sa kanya kanina?

Napatigil lamang ako sa pag iisip ng may kumabig sa aking kamay. Nakita ko si Gabriela na ngiting nakatungo sa akin habang hawak ang asawa.

"I told you i'm with my friend. This is my husband, Darius." Turo niya sa lalake.

Ngumiti ako doon at nakitang tumango naman ang lalake at binati ako.

"I'm glad my wife found a new friend. Natiis mo naman ang ugali hmm?" Aniya habang nakangisi kay Gabriela. Ngumuso naman ito at umirap sa asawa.

Napangiti ako at hindi maiwasang ma inggit sa dalawa. Napaka perpekto nilang tignan at tila walang kapintasan sa kanila. Idagdag mo pa ang buhay na mayroon sila dito.

Ilang yabag ng paparating na kabayo ang nag pahinto sa aming tatlo. Tumaas ang tingin ko sa harap at nawala ang ngiting kanina pa naka lapad sa aking labi.

"Zacid is here?"

Nang magtama ang tingin namin ay halos manlambot ang tuhod ko. Kumikislap ang kanyang katamtamang kutis marahil dahil sa araw na tumatama sa kanya. Matalim siyang nakatingin sa aking direksyon habang sakay sakay siya ng kanyang kabayo.

"Sorry, late." Mababang boses na sambit ni Zacid.

Yumuko ako at medyo lumayo sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng hiya ng dumating siya.

"Where did you go? I told you my wife is coming." Si Darius.

Suot ang kanyang puting shirt, kupas na maong at itim na bota ay namataan kong papalapit siya sa aking direksyon. Humarap ako dito at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

"Bakit ka andito?" Medyo marahan niyang tanong.

"You know her Zacid?"

Si Darius ang nag tanong. Halatang nag tataka sa pag lapit ni Zacid sa akin.

"Yeah." Tipid lang na sambit nito.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Kasama ko si Gabriela."

"You're with her?"

"Muntik ko na siya masagasaan kanina. I don't know if my injury siya o wala so para makasigurado ako, i bring her here." Biglang sambit ni Gabriela.

"You what? Why didn't you tell me earlier? You're pregnant!" Si Darius.

"Sucks. Are you hurt? Are you okay?"

Nahagip ko ang nag aalalang mata ni Zacid sa akin. Marahan akong tumango habang siya ay nanatili akong sinusuri.

"A-Ayos lang ako." Mahinang sambit ko.

"Darius, your wife is a stone headed. She's pregnant why you let her drive! Look what she did!" Halos manlaki ang mata ko bulyaw ni Zacid.

"Are you shouting on me? I'm pregnant!" Si Gabriela.

"Zacariah Cidro." Matalim na tumingin si Darius kay Zacid. Lumipat ang tingin niya sa akin at huminga ng malalim. "I'm sorry about my wife. I hope your fine."

"Ah? Hindi. Ayos lang ako. Hindi naman sinasadya ni Ms. Gabriela.."

"I didn't mean it. I'm sorry, Stephanie. You can just call me Gabriela nalang." Malungkot siyang ngumiti sa akin.

Nang mag paalam ang mag asawa ay naiwan kami ni Zacid sa luob ng kuwadra. Lumikot ang paningin ko at lumayo sa kanya. Sinubukan kong tumungo sa kuwadra ng iilang kabayo at hinaplos iyon.

Nang sumulyap ako sa kanya ay nanatili silang nakatingin sa akin. Kumabog ang dibdib ko at hindi namamalayan na tuluyan na pala akong napangiti.

"Hindi ako palagay sa sagot mo. Let's go to the hospital right now."

Palapit siya sa akin. Umiling ako.

"Hindi naman niya ako natamaan. Nadapa lang ako kaya medyo sumasakit ang binti ko. H-hindi naman kailangan na tumungo pa sa hospital, Zacid..."

"Saan ang masakit?"

"W-wala nga. Ayos lang talaga."

"Tell me or i'll drag you to the hospital?" Pag babanta niya.

Ngumuso ako. "Baka makita ka pa ng mga fans mo. Ayaw kong matsismis-"

"Don't use the words to me again. I don't care about them."

"Kung ganoon ay sa akin meron kang pake?" Mabilis akong humarap sa kanya.

Nanlaki ang mata ko nang pag harap ko ay halos mag dikit na ang aking katawan. Tumikhim ako at napatigil dahil doon. Hindi ko na maramdaman ang aking tuhod dahil sa aking nararamdaman ngayon. Sobra ang tibok ng dibdib ko ngayon at may kung ano akong nararamdaman sa aking tiyan.

"Don't move." Bulong niya.

Nakatingin pa din ako sa kanyang dibdib hanggang sa maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking baba. Unti unti niya iyong iniangat para pumantay sa kanyang mukha.

Parang tumigil ang paghinga ko ng tumingin ako sa kanyang namumungay na mata.

"I'm worried. Fucking worried about you and i don't even know why." Bulong niya sa akin.

"Zacid..."

"Do you feel it? Can you feel it?"

Nangangatog na ako. Iba na ang kaba sa aking dibdib ngayon. Gusto kong maiyak sa takot dahil sa nararamdaman ko.

"Wala akong pake sa ibang tao. Hindi nila kontrolado ang buhay ko... pero kapag ikaw baka maging sunod sunoran mo na ako.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro