Chapter Twenty-Two
CHAPTER TWENTY-TWO: ANO BA TAYO?
Jeni
"ANO BA'NG problema mo? Sigaw ka nang sigaw diyan!" Reklamo ni Czarina sa akin ng bigla akong sumigaw nang malakas. Imbis na sumagot ay nilakumos ko na lang iyong nasulat ko na reviewer kanina. Pero pinigilan ako ni Czarina at inukat iyong papel saka binalik sa harapan ko. "Mag-aral ka diyan. Huwag kung ano-ano iniisip mo."
"Czarina!" sigaw ko pa ulit kaya binatukan ako ng aking kaibigan.
"Ano ba iyon?" tanong niya ulit sa akin.
"Eh kasi. . ."
Huminto ako kasi hindi ko alam paano sasagutin ang tanong ni Czarina. I don't know how to explain what I feel about the meeting between Thirdy and Dani. Nasa Isabela pa kami noong makatanggap si Thirdy ng text galing kay Dani. And we're in the middle of steamy act when he suddenly stopped to entertain the message of his ex! Sobrang nakaka-confuse pero hindi ko magawang magtanong kung ano ba talaga kami para sa kanya.
"Eh kasi ano? Huy Jeni, ang labo ha! Puwede bang paki-kumpleto ng sasabihin mo?" Naiinis na sambit ni Czarina sa akin. "Ang dami mo ng utang na kwento sa akin. Grabe, sa social media ko na lang nalaman na umuwi ka pala sa Isabela."
"May mga kinuha akong gamit saka dokumento sa bahay." Hindi kumbinsido si Czarina base sa tingin niya sa akin. Kaya naman napilitan ako na magkwento na sa kanya. "Dapat kasi doon kami sa island na pag-aari ni Thirdy. Kaso naroon yung nanay niya na mukhang galit yata sa akin."
"So, na-meet mo ang mother bee ni Thirdy. Eh, teka muna, ano ba kayo?" Natigilan ako. Iyon din ang tanong ko kanina sa aking sarili na hindi ko pa nga nasasagot. "Hindi mo masagot kasi pahabol ka noong una, tama?"
"Kasi hindi pa siya nakaka-move on sa ex niya. Saka girl, sa trabaho natin bilang escort bawal iyong attachment. Ayoko na maulit iyong dati kaya ingat na ingat ako."
"Kaso itong si Thirdy De Luna, rule breaker. Lahat ng puwedeng labagin at tawirin ay ginawa niya para mapalapit sa 'yo, tama ba ako?" Dahan-dahan ako na tumango dahil natumbok niya kung ano ang laman ng isipan ko. "Pero sinabi ba niya kung ano kayo after niya mag-confess sa 'yo? By the way, ang cool noon ha. Parang eksena sa pelikula ang peg niyo. Sana maranasan ko rin na magustuhan ng isang De Luna."
Sinabunutan ko siya patahimikin ng bahagya. Ang lakas kasi makabanggit sa pangalan ni Thirdy tapos may apelyido pa. Nasa public place pa naman kaming dalawa at sobrang kilala noong tao na iyon pati na kanyang pamilya.
"So, ano na nga ang problema mo at sumisigaw ka kanina?"
"Gusto makipagkita ng ex niya sa kanya. She texted him while we were in the middle of steamy act." Nanlaki ang mga mata ni Czarina. "Siyempre ex iyon at may history sila kaya nabalewala ako bigla. Buti may back up akong dala at hindi sumama ang mood ko buong stay namin sa Isabela."
Hindi kumibo si Czarina. Maling tao ang napag-kwento-han ko lalo't 'di ko naman sigurado kung seryoso ba ang babaeng ito sa paghabol kay Clarence.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Mag-club tayo mamaya, Cha," pag-aya ko.
"Ayan! Mas gusto ko iyan kaysa iyang mga kwento mo na wala naman akong maipapayo."
I knew it. But still, I'll keep this woman beside me because she's reliable whenever I need help in other things. Iyong mga bagay na madali para sa kanya intindihin na dating tipo ko rin kaso nabago ng nang dumating si Thirdy sa buhay.
He wouldn't know how much change he cause my life now. Thirdy wouldn't know unless I'll say it. Bagay na hindi mangyayari.
Never!
PATULOY lang ako sa pag-scroll sa chatbox namin ni Thirdy habang nainom ng beer. Napansin ko na wala pa siya ni-isang na-reply-an sa mga chat ko mula kanina. Pasado alas nueve na ng gabi pero wala pa rin at talagang mas inuna ko ito kaysa humanap ng prospect sa dance floor.
Iyon na ang ginagawa ni Czarina ngayon at heto naman ako naupo sa may bar area. Kaunti lang ang tao dito saka hindi pa maingay gaano kaya 'di ako nabibingi.
"Hi Miss! Are you alone tonight?" Nag-angat ako ng tingin upang pasadahan ng tingin iyong nagtanong. Gwapo naman siya kaya lang hindi ko siya type. Sakto rin na tumunog ang cell phone ko.
"I'm sorry I have to answer this call," sabi ko saka tumayo ako at lumakad na palabas ng bar. "Hello? Hello?" Sumisigaw ko na bungad pagkasagot sa tawag na akala ko'y si Thirdy na ngunit nang luminaw ang linya ay nalaman ko na telemarketer lang pala.
Bagsak balikat akong lumingon sa bar.
Ayoko na bumalik sa loob at malaki na rin naman si Czarina kaya puwede na siguro akong umuwi. Marami na rin ako nainom pati kaya nakakaramdam na ako ng antok. Pero kailangan ko pa mag-withdraw at hindi ko alam saan uuwi ngayon.
Ever since the confession Thirdy had, he asked me to live with him in his hotel penthouse. Pero dahil wala siya paramdam mula pa kahapon, ayokong mag-assume at umuwi roon para magmukhang tanga. Kaya nagdesisyon ako na balikan si Czarina sa loob at ayain siya umuwi sa condominium niya.
"Isa kang sagabal, Jeni! Pati ako dinadamay mo sa katigangan mo."
"Inaantok na ako, Cha!" sigaw ko. Hinawi niya ang mukha ko at inalalayan akong maglakad papunta sa taxi bay kaso wala pa kami sa kalahati ay huminto na siya. "Huy, a. . . no meron?"
"Ikaw na lang umuwi mag-isa, Jeni. May sundo ka na. . ."
Kumunot ang noo at muntik pa mabuwal ng bitiwan niya ako bigla. Mabuti na lang at may maagap na kamah na sumalo sa akin. "Salamat! Kaya ko maglakad. . . kaya ko!"
"You're drunk. . . again. . ." Nilingon ko ang nagsalita at pilit na minukhaan. Pamilyar siya pero wala ako maalala. "Come on. Let's go home now."
Pinalis ko ang kamay niya. "Ayoko! M-may m-magagalit k-kapag inuwi mo ako!"
Lumayo ako ngunit huminto ng makaramdam ng hilo. I tried to collect myself but failed in the end.
"Iinom ta's hindi kaya ang sarili." Narinig ko iyon pero hindi ko na nasagot dahil dumilim na ang lahat sa paligid ko. . .
MASAKIT ang ulo ko nang magising. Wala akong ideya kung umaga pa lang ba o hapon na kasi madilim sa kwartong kinaroroonan ko. Pamilyar iyong amoy ng paligid kaya naman pinilit ko ang aking sarili na sipatin kung nasaan ba ako. I am sure that I was in the bar last night with Czarina. Iyong sumunod na pangyayari ay malabo na siyang nagpatindi sa sakit ng ulo ko.
"Good afternoon." Bati ng malagom na tinig na hindi ko nasino agad dahil halos mabulag ako sa liwanag na kumalat sa kabuuan ng kwarto. "I brought you your food and medicine for headache. I also prepared a bath for you."
Dahan-dahan ko hinayon ang tingin sa nagsasalita at bahagya na lang gulat ko ng masino si Thirdy. Wala akong maalala na tinawagan ko siya nang nagdaang gabi. All I remember was drinking the whisky bottle I bought for an unreasonable price.
"P-paano. . ."
"Paano ka nakauwi? Iniwan ka sa akin ng kaibigan mo kagabi."
"P-paano. . ."
"Paano ko nalaman kung nasaan ka? I searched all the places you most likely to visit. Then, I came acrossed the bar where I picked you up."
Huminga ako ng malalim. Madali lang naman ako hanapin lalo't alam na alam niya kung saan ako usually napunta kapag hindi kami magkasama. "Salamat sa pagkain. . . at sa gamot. Maliligo na lang muna ako baka sakaling mawala itong hilo ko."
"Eat first. You haven't eaten anything since last night."
"Maliligo nga muna ako -"
"Eat there." Hindi ako nakakibo ng masuyo niya hawakan ang magkabila kong balikat. "Stop being stubborn just this once, Jeni."
"Hindi naman ako pasaway," bulong ko saka pinagmasdan iyong pagkain na niluto niya para sa akin. Heto na naman kami, tatratuhin niya akong tama tapos sa susunod at babalewalain.
Pinili ko na hindi kumibo at kumain lang ng kumain. Nang matapos ay uminom na ako ng gamot saka naligo. Pagkatapos ko lahat gawin iyon ay kinuha ko na ang bag ko saka isa-isa sinilid ang mga gamit ko.
"What are you doing?" tanong niya sa akin.
"Babalik na ako sa apartment ko -"
"Iba na ang nakatira doon ngayon. I stored some of your things in a storage facility I owned." Hindi na ako nagulat na ginawa niya iyon.
"I'll stay with Czarina for a while. Kukunin ko rin iyong ibang gamit sa storage facility mo."
"Why are you doing this? Did I do something wrong?" Of course, he wouldn't notice it. Wala siyang pagkakataon na mapansin iyon dahil sino ba naman ako sa buhay niya. Ang hirap niya intindihin saka hindi para yata talaga ako sa ganitong klase ng set-up. Iyong klase na hindi ko naman alam kung ano nga ba.
"Ano ba tayo?" Hindi ko na napigilan magtanong imbis na sagutin ang tanong niya. Pero 'di naman ako nag-expect na sasagot siya agad sa klase ng tanong na pinukol ko sa kanya. Kaya naisipan ko na bawiin na lang. "Nevermind that. Babalikan ko na lang iyong iba kong libro diyan."
Iyon lang at tuluyan na ako lumakad paalis. Hindi na umaasa na susunod siya at sasagutin ang tanong ako. I shouldn't asked him what are we exactly. Hindi ako dapat nag-expect.
Hindi ko talaga dapat inasahan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro