Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Three

CHAPTER TWENTY-THREE: I LIKE YOU

Jeni

MALAPIT NA mag-lunch time ng makabalik ako sa cubicle ko. Pagkagaling ko sa penthouse ni Thirdy, sa opisina ako dumiretso. Inilagay ko muna sa locker ko iyong mga libro na kinuha ko doon kanina. And Thirdy didn't know that I move out already.

Akala ko lang pala na hindi niya alam.

Why?

Because in front of me is a note from him. May naka-sulat na 'I Like You' sa unahan tapos sa ibaba iyong pinaka-mensahe niya. Gusto ni Thirdy akong makita sa sikretong hide out niya dito kumpanya. Huminga ako ng malalim saka sunod-sunod na umiling. I ignored Thirdy's note and take my lunch out with me.

Ang sabi, may masarap na ulam sa cafeteria ngayon at iyon ang susubukan ko na kainin ngayon. Dire-diretso akong lumakad at hindi pa ako nangangalahati ay huminto na dahil nakita ko na pumasok si Thirdy sa main entrance.

He's not alone.

Kilala ko iyong kasama niya ngayon at base sa awra nilang dalawa, mukhang nagsisimula silang dalawa ulit. Hindi ko maintindihan bakit nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ngayon. Dapat talaga ay hindi ako rumupok kaysa naman ganito ang pakiramdam ko ngayon.

Malalim akong huminga saka nagpatuloy sa paglalakad na nahinto ulit ng may tumawag sa aking pangalan.

"Jeni!" Tili iyon at si Czarina lang naman ang gagawa noon na para laging excited na makita ako. Patakbo siyang lumapit sa akin at ng ilang hakbang na lang ang layo ay umikot pa aking harapan ipakita ang suot niyang damit. "May bago akong trabaho!"

"Role playing?" Diretsahan kong tanong.

"Gaga hindi! Clarence. . . I mean Atty. De Luna offered me a job to be his secretary! Magkikita na tayo araw-araw!" Hindi nagbago ang reaksyon sa mukha ko na dahilan para sabunutan ako ni Czarina. "Hindi ka ba masaya para sa akin?"

"Hindi naman araw-araw dito si Atty. Clarence. Lagi iyon na sa korte o 'di kaya ay dumadalo sa mga political meeting. Sigurado ka ba sa pinasok mo? Boring kaya ang maging sekretarya ng taong iyon."

Tumabang ang reaksyon sa mukha ni Czarina. Hindi tama na i-spoil ko ang achievements ng iba dahil lang sa ka-bitter-an na nararamdaman ko.

"Hayaan mo na. Ang mahalaga ay lagi kami magkasama. Madali naman ako mag-blend in sa mga pinupuntahan ko kaya huwag ka mag-alala, hm?"

"Congrats!" Bati ko pero hindi niya tinanggap.

"Halatang hindi ka masaya."

"Gutom lang ako. Tara na sa cafeteria."

"Inaabangan ko iyong boss mo - I mean boss ko na rin pala. May pupuntahan daw kaming kliyente sa labas ngayon." Napatango ako. "Ano ba ang kailangan ko gawin?"

"Listen and stop talking. Ayaw ni Atty. Clarence ng maingay kapag nagta-trabaho siya."

"Wala naman siya reklamo kapag maingay ako. Nanonood pa nga ako ng Kdrama sa loob ng opisina niya." Baka nagtitimpi lang? "Anyway, ayan na siya. Ikain mo na lang ako at huwag ka na bumusangot diyan. Hihintayin kita sa condo ko mamaya."

Ngumiti ako at bahagyang yumukod ng makalapit sa puwesto ng kaibigan ko si Atty. De Luna. Nang umalis sila ay tumuloy na ako sa cafeteria at pumila na ako pagkakuha ng tray.

Bahagya pa ako nagulat dahil marami-rami ang tao ngayon sa cafeteria kaya mukhang mahihirapan ako makahanap ng upuan. At siya ngang nangyari matapos ko kumuha ng pagkain.

The only seats available are those beside Thirdy and his acquaintances. Ayoko naman na makiupo sa kanila at lalong patayin ang sarili ko sa inggit. Akala ko ay dumiretso sila sa itaas para mag-meeting. Hindi ko sukat akalain na makikita ko pa sila dito.

"Miss Daria, you can sit with us," Thirdy offered, making glanced to the woman he's with. Ngayon ko lang natitigan siya at akala ko lang pala na siya iyong Dani Garduce na ex ni Thirdy.

Kaya naman tinanggap ko na ang kapalaran ko at inokupa iyong bakanteng silya sa tabi ni Thirdy.

"Kuya Clarence is busy kaya ikaw ang naisipan ko na lapitan at expertise mo rin naman ang mga civil cases, Thirdy." Iyon ang narinig ko na mahabang salita ng babae na kasama ni Thirdy ngayon. "You already got your license back, right? So, puwede ka na tumanggap ng mga kliyente."

"I'm enjoying my life as a floating consultant here. Nagtuturo pa ako sa mga senior high school sa Ateneo ngayon."

"Sige na, Thirdy. Pumayag ka na." Napaikot ang mga mata ko matapos marinig ang paraan ng pagsasalita ng kausap ni Thirdy.

"I'll think about it. Narito naman na lahat ng detalye, 'di ba?"

"Yes and please do consider this case, hm?" Bakit ba ako nakikinig sa kanila imbis na nakatuon sa pagbabasa ang buo kong atensyon. "So, maiba naman tayo. Are you seeing someone right now?"

Naubo ako bigla matapos marinig iyon. It's not intentional. Sadyang naubo lang talaga ako pagkarinig sa tanong noong babae.

"I'm sorry." Mahina kong salita saka nagpanggap na nagpatuloy sa pagbabasa habang nakain. Napukaw lang ang atensyon ko ng marinig ang pag vibrate ng aking cell phone.

When I opened it, Thirdy's text message popped up.

From: Thirdy De Luna
You okay?

Hindi ko iyon pinansin at patuloy na kumain habang nagbabasa ng aking reviewer. I heard him heaved a deep sigh. Ang galing ko na narinig iyon tapos iyong kausap niya ay hindi 'man umimik.

"There is someone and I think she's mad at me right now."

Huminto ako sa pagbabasa nang marinig ang sinabi ni Thirdy. Alam pala niya na galit ako. Pero hindi naman ako nagalit. Nagtatampo lang ako kasi parang nakalimutan na niya ako bigla matapos mag-text ng ex niya. Ano pa sense ng pag-amin ko sa kanya na gusto ko rin siya kung iiwan lang pala niya ako naka-hang sa dulo.

"Alam mo, Thirdy, in all fairness naman sa inyong mga magkakapatid na De Luna, alam niyo kapag may mali kayong nagawa. Kapag insensitive na ang dating niyo. Kaya maraming naghahabol sa inyo."

Narinig ko na mahinang tumawa si Thirdy bago nagsalita. "Let's go back to business, Prim. I need all the documents you gather and I'll let you know when can I meet you and your uncle to talk about this case."

"All right! Sabi ko na nga ba't papayag ka."

Kilalang-kilala nitong babae na ito si Thirdy. Samantalang ako ang alam ko lang ay anak siya ng dating presidente ng bansa, abogado na may teaching side job at iyong tungkol sa dark past niya. Other than that, I know nothing about him even his birthday.

Napukaw ako ng may marinig ko na nagba-vibrate ulit ang aking cell phone. I answered it when I read Atty. Maritana's name on the screen.

"Atty, yes po?" Pinakinggan ko ang mga bagong utos ni Atty. Maritana na pulos pag-uulit lamang sa nauna ko ng nagawa. "Sige po, Atty. Dadalhin ko na lang sa opisina niyo kapag tapos ko na i-revise." Iyon ang sabi ko at ng matapos ang tawag ay dali-dali ko tinapos ang pagkain saka niligpit ang mga gamit ko.

Bahala na kung sumakit ang tiyan ko. Thirty pages iyong uulitin ko at OT na naman ako nito!

"BAKIT kasi hindi ka na lang magpalipat as secretary ni Thirdy? Ayan tuloy, ginabi ka na naman ng uwi dahil sa pag-aalaga sa mga bagitong abogado ng firm."

Hindi ako kumibo sa mga rant ni Czarina na akala mo ay hindi rin ginabi ng uwi. Ang swerte ko nga na bumalik pa sila ni Clarence sa opisina kaya may kasabay ako ngayon na umuwi.

"Hindi pa naman siya working lawyer sa firm. Consultant lang siya at ayoko rin na mag-stay sa isang abogado lang." Kumuha ako ng isa pang stick ng isaw. Inaya ako ni Czarina na kumain ng street foods at sakto naman na bukas na iyong merkato na malapit sa firm kaya heto food trip ang inaatupag naming dalawa. "Kumusta ang pagiging sekretarya sa crush mo?"

Gusto ko masuka nang makita ang reaskyon ni Czarina na kilig na kilig. Naging ganito ba ako noong nagka-aminan kami ni Thirdy. Oh God, sana po hindi dahil nakakasuka iyong ganito.

"Okay naman. Nangangapa pa ako ng kaunti pero magagamay ko naman kapag tumagal na." Hinawakan ni Czarina ang braso ko. "May nakita ako noong nagkalkal ng mga files sa opisina ni Clarence."

"Ikaw talaga pati iyong hindi pinakakalkal sa 'yo ginalaw mo."

"Hindi naman sadya pero heto na nga. Dalawang beses pala kinasal si Clarence? Magkaiba iyong nanay ng dalawa niyang anak." Kumuha din ng isang stick ng isaw si Czarina saka binabad sa suka bago nilantakan. "Nakaka-curious ano nangyari sa dalawang naging asawa niya at bakit na-tsugi agad."

"Hoy Cha, tigilan mo iyan. Kung gusto mo na makasama ang crush mo, mag-behave ka at huwag mo na usisain iyong personal na bagay na hindi naman shine-share sa 'yo."

"Oo pero nakaka-curious lang kasi." Tama naman si Czarina pero personal na kasi iyon at gaya lang rin ni Thirdy, mas tama na hintayin na lang ni Czarina na mag-open up sa kanya si Clarence. "Kumusta kayo ni Thirdy? Hindi mo pa sinasabi sa akin bakit ka umalis sa penthouse niya."

"Ang complicated kasi, Cha. Sinabi niya na gusto niya ako, hindi dahil naawa siya. We shared the same feelings pero nakalimutan niya ako i-text ng isang buong araw matapos kausapin iyong ex niya."

Malakas na tumawa si Czarina. "Ang babaw ha. Teenager ba kayo? Alam ba niya ang kinaiinis mo?" Umiling ako. "Dapat sinabi mo para hindi nanghuhula iyong tao. Ay oo nga pala, dekada na ang lumipas mula noong huli ka na-involved sa lalaki. Hindi mo na alam mga galawan ngayon sa mundo ng pag-ibig."

"Ano ba ang naiba?"

"Na dapat pinapaalam mo sa karelasyon mo kung bakit ka nagtatampo. Dapat nag-uusap kayo kaysa ganyan na pareho kayong nanghuhula. Ilang beses mo inignora ang lolo mo ngayong araw?"

Ilan nga ba? Sa sobrang dami ay hindi ko na maalala kung ilan.

"Importante ba iyan? Saka tinanong ko siya kung ano ba kami na hindi naman niya sinagot. Kinunsidera ko na iyong pananahimik niya ang sagot sa tanong ko."

"Hay nako, Jeni. Dapat kausapin mo na siya at ipaalam mo ang mga kinaiinis mo. Saka hindi laging yes ang ibig sabihin ng silence. Minsan merong iba pang kahulugan."

"Sino ka?" tanong ko kay Czarina pero sinabunutan lang niya ako. "Nagka-crush ka lang ng matalinong lalaking gumanda na mga payo mo."

"Gaga! O siya, akin na ang share mo sa kinain natin at umuwi ka na sa penthouse ng jowa mo."

"Akala ko libre mo?"

"Hindi pa ako nasahod kaya KKB muna tayo." Umirap ako at humugot ng isang daang piso mula sa wallet ko. "Sige na uwi na at mag-usap kayong dalawa."

"Paano kung wala siya doon?"

"Nandoon 'yon. Narinig ko na after ng family dinner nila sa penthouse siya uuwi. Saka usap muna bago tikiman ha."

"Walanghiya ka talaga."

"Feeling virgin ka naman diyan."

"Tse!" Tumawa si Czarina na tinugon ko ng irap saka tinalikuran na siya.

Tinalunton ko ang daan papunta sa Imperio at ng makarating ako doon, dumiretso ako sa fire exit kung saan ako nalabas. Doon nakita ko ang guards ni Thirdy at sinamahan nila ako paakyat. Ewan ko ba bakit ako kinakabahan bigla gayong kakausapin ko lang naman si Thirdy.

Nang makarating ako, imbis na magmarunong na itype ang passcode, nag-doorbell na lang ako. Ilang beses ko pinindot iyon at nang bumukas ay bahagya pa ako napa-atras.

"You forgot na pin combination?" tanong ni Thirdy sa akin.

"Hindi. Nag-doorbell lang talaga ako." Niluwagan niya ang bukas ng pinto at sumandal sa dahon noon. "Puwede ba tayo mag-usap?"

"Come in," he said. Nag-alangan ako pumasok kahit may pahintulot naman niya. Tumindi kasi ang kaba ko nang maamoy ko siya tapos sobrang gwapo pa niya. Nakakainis na si Czarina at dinulutan na naman ng kamunduhan ang isip ko. "We cannot talk if you don't want to come in, Jeni."

"Mag-uusap lang tayo, Thirdy."

"Mag-uusap lang tayo."

"Seryoso ako, Thirdy."

"Mukha ngang seryoso ka." Ngumiti siya na lalo ko kinainis. "Come on in now, Jeni so we can talk properly and address all of the issues between us. . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro