Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Six

CHAPTER TWENTY-SIX: A RIFT

Jeni

HANGGANG ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nag I love you ako kay Thirdy. I don't have any idea if that's because of the numerous orgasms I reached before he said I deserve to be happy. Wala pang kahit sino ang nakapagsabi na karapatdapat akong sumaya.

Bata pa lang ako, pre-determined na ang kinabukasan ko. Which actually happened because I once was a prostitute.

Once.

Because someone saved me from hell and embraced every flaws I have that's waiting to revealed. And that guy is right there, standing in front of his car. May sumilay na ngiti sa labi ko at mabilis na lumapit sa kanya.

“Sabi ko, hindi mo na ako kailangan sunduin dito sa school,” sabi ko saka niyakap siya.

Hindi na ako takot ngayon o nahihiya na maging clingy sa kanya kahit sa pampublikong lugar gaya nito. Thirdy started it in the first place. Sinanay niya ako sa ganitong bagay na sa umpisang weird para sa akin.

But now it's different because there's something in between us. Something like love which became the very least in my life through the years.

“How's the exam?” tanong niya imbis na sagutin ang tanong ko.

Ngumiti ako. “Ako ang unang natapos pero kinakabahan pa rin ako baka kasi mali.”

“Malay mo mataas mo pa ang score ko noon.”

“It's like breaking a history if I did that,”

“History of what?”

“Your history of high grades in this school.”

“Break it then. I'm happy to giveway to you,” he said, pinching my nose slightly. “Come on. You deserved to be pampered since you finished your exam first.”

“Saan tayo pupunta? Hindi ba dapat mag-empake na tayo? Malayo iyong venue ng gathering na pupuntahan natin ngayon.”

“Kasama na sa buhay natin ang traffic. Besides, I like being stuck in traffic with you.”

Hinampas ko siya. Ngunit imbis na magreklamo ay hinuli lang niya ang kamay ko saka masuyo akong giniya papunta sa shotgun seat. He opened the door for me and waited until I settled inside. Lagi niya ginagawa iyon bago umikot sa driver's seat.

Pinanood ko siya na patakbong umikot papunta doon. Kaya naman hindi nakatakas iyong tatlong lalaki sa kabilang kalsada na naka-umang sa gawi namin ang camera.

“What's wrong?” tanong ni Thirdy sa akin.

“May kasama na bang secret photographers ang mga guards mo ngayon?” Nakita ko na kumunot ang noo ni Thirdy. Kaya naman tinuro ko iyong mga nakita na mabilis namang nagpulasan. “They're gone. . .”

“Sigurado ka na mukha silang photographers?”

“Yes and they're particularly pointing their cameras on us.” Hindi kumibo si Thirdy bagkus ay kinuha ang cell phone sa panloob na bulsa at may tinawagan. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng seat belt habang nakikinig sa pakikipag-usap ni Thirdy.

“Which way they go, Jeni?” tanong niya sa akin.

“That alley,” tinuro ko at siguradong-sigurado ako na doon sila pumasok. Bakit naman biglang may paparazzi na sumusunod sa amin? Ganito ba kasikat si Thirdy para sundan ng mga katulad nila? “Baka harmless article naman ang isulat nila.”

“You'll never known what might they write. I don't want to stress my mother.”

“Right. Mas okay na maunahan sila kaysa makarating pa sa nanay mo,” pumihit ako sa kanya. “Okay lang ba na kasama mo ako sa gathering? Iyong huli naming kita ng nanay mo, hindi maganda.”

“Lahat ng maririnig mo, pasok dito, labas sa kabila lang gawin mo. They cannot stop me from loving you. It's already late.”

“Because I bewitched you already?”

“More than that. You did more than bewitching me, Jeni.” He leaned closer and planted a pecked kiss on my lips which made me smile. “I love you.”

Pinagkiskis niya ang ilong namin sa masuyong paraan na lalong nagpalawak sa aking mga ngiti.

~•~•~•~

BAWAT damit na tingnan ko ay mahal kaya hinihila ko si Thirdy kung saan may murang mabibilhan. Ayokong abusuhin ang kapasidad niya na mabili iyong una naming nakita. Isang beses lang pati susuotin at iyong budget na meron ako, pambili ko iyon ng formal attire pati na sapatos. Mga gamit na magagamit ko sa school kapag nakapasa ako sa exam at interview sa law school.

“What exactly are you looking, Jeni?” tanong ni Thirdy sa akin.

“Murang damit at sapatos,” simple kong sagot sa kanya saka inisa-isa na iyong mga naka-hanger na bestida sa aking harapan. Naniniwala ako na may murang damit saka sapatos dito kaya naman hindi na namin kailangan pa lumipat ng store.

“Bakit ka naman naghahanap ng murang damit dito sa mall?”

“Hindi kasi praktikal kung mahal pa ang bibilhin. Isang beses ko lang naman susuotin.” Ngumiti ako nang may makita iyong damit na nagustuhan ko. Agad ko tiningnan ang presyo at nakita kong pasok naman siya sa aking budget. “Puwede ko ba ito sukatin?” tanong ko sa staff na agad naman sumama sa akin sa fitting room.

Mabilis ko sinukat ang damit na saktong-sakto naman sa katawan ko. Nakailang ikot pa ako sa harap ng salamin bago lumabas at ipakita kay Thirdy ang itsura ko.

“That's too simple,”

“Eh ano? Ang importante ay maganda ako.” Ngumiti siya at tingin ko ay pagsang-ayon iyon sa sinabi ko. “Ito na lang bibilhin ko tapos uwi na tayo, okay?”

“Let's pick up our gift for the celebrant after here.”

“Okay.” Pinili ko iyong sapatos na mura din ang presyo na bumagay sa suot ko na dress. Pagkabayad, dumiretso na kami gift shop ta's umuwi na sa penthouse ni Thirdy.

Eksaktong alas singko ng hapon ng makatutong sa SLEX ang sasakyan ni Thirdy. May nakasunod sa aming mga guard na normal naman ng nangyayari. Sanay na nga rin ako sa presensya nila lalo na kapag nasa opisina si Thirdy. Bahagya nga silang dumami dahil matunog na ang pagtakbo ni Clarence sa senado.

“Huwag mo ilipat,” reklamo ko ng akto niyang ilipat ang kanta kung kailan favorite singer ko.

“You didn't say you like Bruno Mars.”

“Sino ba ang may ayaw sa kanya? His songs are cool. Kahit sino makakasabay sa mga lyrics ng kanta niya.” Sinabayan ko sa pagkanta si Bruno Mars na nagpatawa kay Thirdy. Buong biyahe namin, iyon lang ginagawa niya hanggang sa makarating kami sa venue. “Sigurado ka na ayos lang ang itsura ko ha. .”

“In my eyes, you're always beautiful, Jeni.”

“Bolero,” sabi ko saka hinampas siya. “Oh? Nandyan na ang mga kapatid mo.”

Napatingin si Thirdy sa gawi ng tinuro ko na mga kapatid niya. Clarence is with an unfamiliar woman but I'm sure that she's a well-known model. Habang iyong lalaki naman na alam kong kapatid niya rin ay mag-isa lang. Kasunod nila ang doktor na kapatid at hipag ni Thirdy.

“Come on, Jeni. Let's greet them,” ani Thirdy saka hinawakan ang kamay ko kaso hinila ko siya.

“Dito na lang ako.” Ngunit imbis na makinig sa akin ay hinila pa rin niya ako papunta sa puwesto ng mga kapatid niya.

“Third, you do know that this is a family only gathering, right?” Iyon agad simula ni Clarence at pinahalata niyang hindi gusto makita, ni-maramdaman ang aking presensya. “Take her away before our parents arrive.”

Thirdy scoffed. “Too late, Kuya. They're here already.” Lumingon ako at nakita ko ang mag-asawang De Luna kasama iyong tiyuhin at tiyahin ni Thirdy. Grand entrance iyon ngunit hindi naman natakpan ang totoong sentro nitong event.

“Puwede bang huwag tayo mag-cause ng anumang eksena dito?” Pakiusap ko kina Thirdy at Clarence pero wala sa kanila ang nakinig sa akin.

There's a rift between them and I know it's because of my existence.

What shall I do now?

~•~•~•~

HINDI ko manguya ng maigi ang pagkain dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin na mga mata. Partida pa na nasa malayong puwesto na kami ni Thirdy ngayon. To avoid creating the rift big, I asked him again to listen to me. Nakinig naman siya sa akin at heto nga't nakalayo kami na medyo kumukunsensya sa akin. Alam ko kasi na mahalaga ang pamilya para kay Thirdy pero alang-alang sa akin ay humiwalay siya sa mga kapatid pati na mga magulang.

“Magbabanyo lang ako,” paalam ko kay Thirdy.

“I'll go with you.” Umiling at pinanatili siyang naka-upo. “Do you know where the comfort rooms are?”

“Of course. Hindi na ako bata, Thirdy.”

“I know, but I told you I in-charge of taking of you.”

Ngumiti ako at pinatakan ng halik ang pisngi niya bago tuluyang umalis saka iwan siya. Natumbok ko naman agad kung nasaan ang banyo at kahit paano ay nakahinga ang aking pantog. I felt relaxed after releasing all the pee I tried containing a while ago. Kaso paglabas ko naman ay sumalubong sa akin si Mrs. De Luna na abalang naghuhugas ng kamay.

“You're here. Clarence told me that Thirdy brought you as his companion. . . again.” Iyon ang panimula ni Mrs. De Luna nang tumayo ako sa tabi niya at aktong maghuhugas na ng kamay. “I felt something's off between my two sons.”

“Off?” Hindi ko sigurado kung tama ba ang aking narinig. Alam ko naman na malakas ang pakiramdam ng mga ina pero masasabi ko na kakaiba itong si Mrs. De Luna. Siguro dahil buong buhay niya ay ang naging trabaho lang ay panatilihing intact ang pamilya nila.

I've read an article about her sacrifices and achievements as a wife, a mother and the country's first lady before.

“Hindi nagkakasundo ang dalawa kong anak at alam ko na dahil iyon sa 'yo.” Hinarap niya ako matapos punasan ang kamay. “You created a rift that I know will affect my family. I have to step as the matriach of our family that you're about to ruin. . .”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro