Chapter Ten
CHAPTER TEN: A COMPANION
Jeni
"MAY laundry shop akong nadaanan kanina. Bakit hindi ka doon magpalaba?" tanong ni Thirdy na nagpatigil sa akin sa pagsasampay. Tumingin ako sa kanya at gano'n din siya sa akin. Para kaming ewan dalawa kaya nagsalita na ako.
"Hindi praktikal. Kaya ko naman maglaba saka konti lang naman ito. Iyong natipid ko, savings pa," sabi ko na nagpangiti sa kanya.
"You're not working two jobs a day?"
"Wala pa raket ulit. Pagkatapos noong kalat ko sa despida ng friend mo, wala na ako raket."
Pinagdiinan ko talaga na simula ng makilala ko siya wala na akong raket na matino. Kahit pa paldo din naman ang kita ko sa kanya. Biruin mo, kakausapin at pakikinggan ko lang easy ten thousand na. May libreng pagkain pa pero iba rin ang dala niyang frustration sa akin talaga lalo na ng amoy niya. Partida naglakad pa iyan ng malayo tapos gano'n pa rin ang amoy.
Hustisya naman sa gaya ko na nalulusaw sa init kapag naglalakad. I'm not a fan of walking and running. Pero parte ng trabaho ko bilang paralegal ang maglakad at tumakbo.
"So, why establish a law café after you practice law in a firm?"
Ay, pang-miss universe mga tanungan nito. Hindi ako prepared pero sige sasagutin ko siya since 'di ko masyado naipaliwanag ang goal ko kanina.
"Gusto ko na may matatakbuhan iyong mga taong walang kakayahan na maghire ng lawyer. Iyong law café ko, may free consultation siya at masarap ang kwentuhan kapag may café. Saka puwede na maging study place din para sa mga estudyante na nakatira sa ganitong lugar."
I am living in a depress area at the heart of Manila. Itong apartment ko, electric fan lang ang nagpapalamig sa gabi. May lamok pa kaya kailangan kasama sa budget ang off lotion. Kung wala ka lotion, mag-mu-mukbang ang mga bampira sa katawan mo.
"That's promising, and from how you talk, I'm impressed."
"May reward ba ako kasi na-impress ka?"
"Your reward is here. In front of you," aniya sa akin.
Reward na hindi ko gaano mahawakan kasi baka maglaho agad. Parang little mermaid lang, ayoko na maging bula siya na tinangay ng hangin.
Wait a minute. . . bakit ko ba iniisip iyon? Bakit ko nalimutan na may girlfriend nga pala itong mokong na 'to.
"Ang landi mo. Baka may magalit ha. Ayoko ng complications, Atty. Nilatag ko na ang plano ko kanina sa lunch at iyon ang gagawin ko."
"What do you mean by that?"
"Sa plano ko? Hindi mo ba na-gets na kapag may distraction, may disgrasya?"
"Not that. Who's going to be mad?"
"Girlfriend mo. Iyong morena na balinkinitan ang katawan sa picture." Tumingin ako sa kanya. "Hindi kita ini-stalk ha. Dumaan sa feed ko iyong tagged photos sa iyo kasi ni-like ni Miss -"
I stopped, and my eyes widened when he gave me a peck kiss.
"Why did you do that?"
"Because you talked a lot," he answered, creaking my forehead slightly. "I don't have a girlfriend. Kung gusto mo mag-apply, pirmahan mo lang iyong kontrata na bigay ko."
"Asa! Kakasabi ko lang 'di ba? Pag may distraction, mag disgrasya." Lumapit siya sa akin at sinapo ang magkabila kong pisngi saka hinalikan ulit ang aking labi.
This time it's passionate and a little demanding, releasing all the possiveness he has when it comes to me. Natangay ako ng halik niya at natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinutugon ang kanyang halik. I gently wrapped my arms around his nape to deepen the kiss we're sharing but he pulled away.
It made me groan aloud.
"Let's sleep now, Jeni," he said, pulling me back inside my apartment. Pero kinalas ko ang hawak niya at doon ako nahiga sa papag sa labas. "What are you doing?" tanong na nagpabangon sa akin ng bahagya.
"Dito ako matutulog. Mainit diyan sa loob. Presko dito sa labas at 'di naman gaano malamok." Huminga ng malalim si Thirdy at imbis na tumuloy sa loob o umalis, lumapit siya sa puwesto ko saka nahiga sa aking tabi. "Wala ka ba bahay?"
"I have."
"Bakit kung kailan gabi, pagala-gala ka?"
"I told you, I'm here to talk about the contract and hear your story."'
"Wala nga kasi interesting sa story ko." Ang kulit naman nito talaga. "Mag-isa lang ako sa buhay. May mga magulang naman ako kaya lang ayoko sila pag-usapan. Masyadong masakit pa iyong ginawa nila sa akin."
Naramdaman ko na pumihit paharap sa akin si Thirdy at masuyo akong kinabig. "Then, don't tell me about them."
"Maaga ako nagsimula bilang prostitute. Malaking bulas kaya walang nakahalata na underage pa ako. Iyon ang pinang suporta ko sa aking pag-aaral sa kolehiyo kaya nakapagtapos ako."
And I'm planning to continue this until I graduate in law school. Matagal pa dahil naghahanda pa lang ako para sa LAE kaya kailangan ko ng mas matibay pang loob.
"Hindi mo ba ako huhusgahan o sasabihan na marami naman ibang paraan para mapagtapos ko ang aking sarili?"
I heard nothing from Thirdy but his snoring. Tinulugan ako ng mokong matapos sabihin na gusto niya pakinggan ang istorya ko!
Wala akong nagawa kung 'di iunan ang kamay niya at pagmasdan siyang natutulog sa aking tabi. Ilang minuto ko rin iyon ginawa bago naisipang mag basa ng reviewer habang inaantabayan iyong mga lamok na sa dadapo sa balat ni Thirdy. Kapag ang isang ito nagka-dengue ay ewan ko na lang talaga.
Binigyan pa ako ng trabaho kahit gabi na.
"Kahit natutulog ang gwapo pa rin niya."
I ended up admiring Thirdy's beautiful face while he's a sleep imstead of reviewing for my exam. Grabeng distraction ito at mukhang sa disgrasya nga talaga mauuwi ang lahat dahil imbis na ituloy ang pagbabasa, heto ako at pinipikit na ang mga mata.
Iidlip lang ako. Iyon ang pangungumbinsi ko sa aking sarili na hindi naman umubra sa bandang huli. Basta sa panaginip ko, nasa isang malawak na field ako at nakatingin sa isang lalaki na nakatalikod sa akin.
I don't know what kind of dream it was, but it's one of the peaceful ones I had back when I was still a kid, where having hope was part of my mantra...
MALAKAS na tawa ang gumising sa akin kinabukasan kaya dagli ako bumangon. Doon ko napagtanto na nasa couch na ako at may kumot na at unan pa. Nakita ko rin na maayos na nakalagay ang reviewer ko at notebook sa kahoy na lamesa kung nasaan ang aking cell phone.
"Grabe naman ang sarap ng tulog mo, Sleeping Beauty." It was Czarina whom I didn't notice at first. Sa kanya rin pala galing iyong malakas na pagtawa na narinig ko at dahilan kaya ako kinakabahan ngayon. I unconsciously comb my hair as I hugged my legs. "May problema ka ba? Naabutan ko iyong Prince Charming mo at ito, pinabibigay niya."
Tumingin ako sa sobreng inaabot ni Czarina sa akin. Tinanggap ko iyon saka binukas upang silipin ang laman. Napabuntong-hininga ako ng makita na may pera sa loob at note.
Jeni,
I left early. I'll see you on Monday. I have some work to do somewhere else.
Thirdy
"Kanina ka pa ba rito?" tanong ko kay Czarina.
"Hindi naman. Naabutan ko lang na may tinatawag ka. Mga magulang mo yata iyon ta's nakatulog ka na."
Muli akong huminga ng malalim. Sabi ko na nga ba't may ibig sabihin ang panaginip ko na iyon. When I opened up to Thirdy, a door in me was also opened, causing me to dream like that and woke up in fear.
"Kumain ka na? Bakit ka narito?" Sunod-sunod na tanong ko sa aking kaibigan. Marahan ako tumayo at sinuksok sa aking bag ang pera. Mamaya ko na lang iyon idedeposito sa aking bank account.
"Hindi pa. Makiki-almusal nga ako kaya ako narito. Dito natulog iyong kliyente mo? Buti hindi inubos ng lamok?"
"Ikaw lang naman ang lamukin. Hindi siya gaano nilamok."
"May favorite iyong lamok dito ka ha. Nakaka-offend." Naiiling siyang nagpatuloy sa pagtitimpla ng kape nilang magkaibigan. "May crush akong bago. Ang gwapo niya sobra ta's iyong boses, nako dzai 'di ko mabilang kung ilang beses nalaglag ang panty ko."
May bago na naman siyang crush. Araw-araw may bagong nagugustuhan ang isang ito na parang nagpapalit lang ng damit.
"Sino iyan? Kliyente mo?"
"Boss mo." Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang sinabi niyang iyon. "Hindi iyong lalaki kanina ha. Ito oh!" Pinakitaan niya ako ng picture at bahagya akong kumalma ng makitang si Atty. Clarence ang tinutukoy niya. "Di ba ang gwapo? Kaso masungit at ang tipid magsalita."
"Kailan mo siya nakilala?"
"Noong hinatid ko iyong gamit mo sa opisina niyo. Noong hinila mo ako kasi kausap ko iyong kliyente mo. Pag-uwi ko, nakasabay ko siya sa elevator ta's nagkita kami ulit sa convenience store. Ayun araw-araw ko na siya inaabangan doon ngayon."
"Baliw ka na," sabi ko sa kanya.
"Hoy, minsan lang ako magkagusto sa lalaki kaya huwag kang KJ." Kinuha ni Czarina ang baso niyang tinimplahan ko ng kape. "Kapag ba nag apply ako sa opisina niyo, matatanggap? Nakapag college naman ako kaso 'di ko natapos."
"Ano a-apply-an mo?"
"Sexytary nitong si Clarence. Oh 'di ba! Magkatrabaho na tayo ta's magbilas pa. Ang saya naman nito." Umiling ako ulit. "Isipin mo ha, kapag naging boyfriend natin sila, hindi lang tayo buhay reyna kasi mayaman sila. Sagana pa tayo araw-araw sa alam mo na."
"Ang ingay mo at hindi mangyayari iyan."
"Ay ang nega mo naman!"
"May girlfriend si Thirdy." And I'm just a companion to him. Just a companion.
"Awts. Tara iinom natin iyan," pag-aya niya sa akin na 'di ko na tinanggihan. With Czarina around, my world shifted from peaceful to chaotic one.
Czarina is a chaos that I keep in my life because I can trust and run to her in times of difficulty...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro