Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixteen

CHAPTER SIXTEEN: CONFUSED MIND AND HEART

Jeni

“JENI!” Malakas na sigaw iyon na nagpalingon sa akin. A car stopped in front of me and there I saw Miss Angel. “Sama ka sa akin. May mga dadalhin ako na documents sa ospital.”

Mabilis ako na lumapit at sumakay sa shotgun seat. Inayos ko rin ang seatbelt ko saka tumingin sa mga documents na nasa passenger's seat. “Sino po ang nasa ospital?”

“Si Atty. De Luna.” Nanlaki ang mga mata niya bigla. “Chill ka lang, Jeni. Okay na si Attorney. Itong mga documents trabaho iyan ni Atty. Clarence na i-co-consult kay Atty. Thirdy. Silang dalawa ang bantay sa ospital ngayon.”

Kaya naman pala nagmamadali umalis ang mokong na si Thirdy kanina. Pakiramdam ko talaga lugi ako sa usapan naming dalawa. Siya pa ang magdedesiyon kung kailan ako tatawagan pagkatapos ko pakinggan iyong kwento niya.

Pero na-bother ako doon dahil may gano'n pala na nangyayari talaga. Iyong nanakit before and during sexual intercourse.

Mabuti na lang talaga at hindi ako naging kasing lala ng ex-girlfriend ni Thirdy. Na-adik lang ako sa sex pero never ako naging fan ng BDSM o kahit anong klase ng sexual intercourse na may kasamang pananakit.

Sabi ko pa noon gusto ko rin ng tinatali pero simula ng marinig ko ang kwento ni Thirdy, nagbago na isip ko. Mabuti na lang rin wala pa ako na-encounter na gano'n dati.

“Okay ka lang Jeni?” tanong na muling pumukaw sa akin.

“Ah. . . opo. Medyo masakit lang ulo ko pero kaya ko naman po magtrabaho,”

“May gamot diyan sa compartment. Uminom ka na bago pa magtuloy-tuloy iyan. Pahinga 'di minsan. Baka nilulunod mo sa pag-re-review ang sarili mo tapos sa opisina bida ka pa lagi.”

“Ayos lang naman po iyon pero iyong ibang kailangan ng junior associates, common sense na lang.”

Tumawa si Miss Angel. “Kaya ikaw sinama ko para mga boss lang susundin natin ngayong araw. Hayaan mo na kay Sandra iyong mga bagitong abogado.”

“Hala ka ma'am, baka pag-usapan na naman ako sa opisina.”

“Hindi iyan. Wala naman naka-alam na kasama kita ngayon kung 'di ang HR at mga boss. They can think that you just missed a day at work.”

“Alam ng mga boss?”

“Yes. Atty. De Luna particularly asked you to be with me today.” Hinawi ko ang buhok ko at inipit sa likod ng tainga ang ilang hibla noon. Ano na naman kaya ang gusto pag-usapan ni Atty ngayon? Sana hindi tungkol sa political stand ko kasi nakakabobo makipag-usap sa dating presidente ng bansa! “You impressed the owner, Jeni. Tuloy mo lang at may pupupuntahan naman iyang efforts mo.”

“Salamat po!” Ngumiti si Miss Angel at nagpatuloy na sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa ospital.

Ang sabi ni Miss Angel, sumailalim sa emergency operation si Atty. De Luna dahil sa appendicitis. Ngayon ayos na ito at ang mga bantay ay kailangan pa rin magtrabaho kaya narito kami ni Miss Angel.

“Ngayon lang kita uminom ng gamot, Thirdy,” narinig ko na salita ni Atty. Clarence kay Thirdy.

Bulag ba siya? Lagi ko kaya nakikita na umiinom si Thirdy. Laging ganitong oras pa siya nainom. Minsan itong si Atty. Clarence sa sobrang manhid marami na ang hindi napapansin kasama na si Czarina.

“That's the last one, Kuya. I have to go back and have my annual check up.” Kaya ba itetext niya ako kung kailan kasi marami siya gagawin.

“Third, make sure you follow whatever your doctor tells you to do.” Iyon naman ang bilin ni  Atty. De Luna kay Thirdy.

Makikinig pa sana ako sa pag-uusap nila kaso kinalabit na ako ni Miss Angel at inaya sa kabilang side para mag-umpisa sa research. Huminga ako ng malalim at sinipat ang aking cell phone. Awtomatiko akong ngumiti ng mabasa ang text ni Czarina na may kasamang picture nila ni Cruz.

Matagal graduate sa trabaho namin si Cruz at matino na ang buhay na meron siya. Nakakatuwa at nakaka-inspire kaya lalo akong napursige na ayusin ang buhay ko.

“May boyfriend ka ba, Jeni?” Tumingin ako kay Miss Angel. Nakita ko na nakatingin sa amin ang mga boss namin kaya pakiramdam ko ay naupo ako sa hot seat ulit.

“Wala po. Sakit sa ulo at wala akong oras,” hinawi ko ulit ang buhok ko at inipit ang ilang sa likod ng tainga ko. Nabaling ang tingin ko sa aking cell phone ng may pumasok na mensahe.

From: Thirdy De Luna
Sayang sa oras? I thought you know how to multitask?

Pasimple akong tumingin kay Thirdy at hindi na ako nagulat ng makitang nakatingin siya sa akin.

“She's a hardwork. Mapipilitan mag-effort ang manliligaw diyan kay Miss Daria.” Iyon ang komento ni Atty. De Luna na bumalik agad sa binabasa ang atensyon.

Sayang lang naman oras. Magkukwento ako tas's ang ending hindi naman pala kaya akong pakisamahan. Tapos magiging cycle na nakakasawa na kaya mas mainam na huwag na lang sumugal sa seryosohang relasyon.

From: Thirdy De Luna
I'm willing to exert efforts, Jeni

That text trigger something in me.

To: Thirdy De Luna
Please stop confusing me and my heart.

Hindi ko na pinansin ang sumunod niya text at nagtrabaho na lang ako. Hindi pa nga niya kinukumpirma kung sino iyong Solana. Hindi ako naniniwala na wala lang sila kasi sobrang lakas ng chemistry nila. Pero hindi ako nagseselos dahil wala akong karapatan. I only want sex, not a headache.

Iyon lang ang kailangan ko sa ngayon at wala ng iba pa.

“Jeni. . .” Nagitla ako ng may tumawag sa aking pangalan. Nakakapit pa ako sa dibdib ko ng lumingon sa pinanggalingan noon. “What do you mean by your message?” It's Thirdy and he's wearing that curious look I already memories whenever I tell riddles he couldn't understand.

“Wala iyon. Huwag mo masyadong isipin. Epekto lang iyon ng hangover ko,” palusot ko pero simula kagabi, iba na ang pakiramdam ko. I'm not drunk but I pretended to be one. Alam ko lahat ang narinig at ginawa ko pati na pag-disregard sa sarili kong batas.

“How long will you be going to use that as an alibi?”

Tumingin ako sa kanya. “Hindi kita ma-gets. Bakit ka ba narito? Mamaya may makakita pa sa 'tin dito.”

“Alibi again. . .”

“Jeni!” Hinayon ko ang tingin ko sa tumawag ng makita si Miss Angel agad ko naman binalingan si Thirdy. “Balik na tayo sa office.”

“Sige po.” I bowed my head when I met his eyes. Ano ba ang problema niya? Ang labo mo naman!

LUMIPAS ang mga araw at wala akong natanggap na text mula kay Thirdy. Wala rin siya sa office pero usap-usapan ang pangalan niya kahit saan ako lumingon. Hindi ko inusa kung anong isyu baka kasi iyon pa rin dati. Tinuon ko na lang oras at panahon ko sa trabaho at pag-aaral. At ngayong weekend nagbalak kami lumabas ni Czarina kasama ni Cruz.

“Ang sosyal mo na, Cruz! Talagang dito sa hotel mo kami dinala ni Jeni ha. . .” Iyon ang malakas na salita ni Czarina na nakaagaw sa atensyon ng marami. Minsan iyong pagiging maingay ni Czarina ay wala sa hulog lalo na't nasa high end hotel pa sila.

“Minsan lang naman ito kaya sulitin niyo ng dalawa. Saka matagal tayo 'di nag-usap-usap tatlo,” ani Cruz sa amin.

Pero ang atensyon ko ay bumaling sa paligid hanggang sa dumapo iyon sa paborito kong artista na si Mona Claveria.

“Uy, una na kayo, susunod na lang ako sa inyo,” sabi ko.

“Saan ka pupunta huy!” Czarina shouted but I didn't looked back. Kailangan ko makausap si Mona kasi matagal ko na siyang idolo. Sinubaybayan ko mga albums niya, teleserye tapos noong maghiatus siya, nakasuporta pa rin ako. Masaya nga ako na bumalik na siya ngayon at happily married pa.

“Mona?” Lumingon siya agad sa akin saka matamis na ngumiti. “I'm a fan. Gusto ko lang mag-hi at sabihin na masaya akong nakabalik ka na. Congratulations sa kasal mo.”

“Thank you! Uhm, you look familiar?” ani Mona sa akin.

“Ah. . . baka nakita mo lang ako sa mga gigs mo saka teleserye launch. Super idol kasi kita -”

“Right! I remember now where I saw you,” maang akong tumingin. “Thirdy!” Sinundan ko ng tingin iyong direksyon kung saan siya may tinawag. Mula sa kumpol ng mga tao at doon lumabas si Thirdy na gwapong-gwapo sa suot nitong damit. “You didn't told me that you're with your girl tonight. Saglit at isisingit ko ang pangalan mo sa listahan as Thirdy's companion.”

“Ay, hindi po. Ano. . . may kasama kasi ako,” tinuro ko ang gawi nina Czarina at Cruz.

Ngumiti si Mona sa akin. “Write down their names. Isisingit ko na lang din sa listahan.” Wala akong nagawa kung 'di sundin ang utos ni Mona sa akin. “I'm glad you bring her with you, Thirdy. Hihintayin ko kayo sa loob.” Iyon ang salita ni Mona pagkakuha sa pangalan namin ng mga kaibigan ko.

“I didn't know. . .”

“Go and get your friends now. Mamaya na tayo mag-usap dalawa,” utos sa akin ni Thirdy saka tumabi para matawag ko iyong dalawa.

Ang liit-liit naman talaga ng mundo ngayon para sa amin!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro