Chapter Nine
CHAPTER NINE: A DEAL
Jeni
PUMANGALUMBABA ako sa may breakfast counter at matamang pinagmasdan si Thirdy na abalang-abala nagluluto ng dinner namin. Alam ko na 'di ako puwede masanay sa ganito at isa pa may paalala sa akin si Miss Angel na inulit na naman niya kanina. Nagtext ang supervisor ko at may naka-attach na picture namin na nakita niya kami ni Thirdy sa grocery store kanina.
Nagitla ako ng may marinig na tunog ng cell phone. I'm pretty sure it's not mine so I look around and found Thirdy's ringing.
Tumayo ako at sinipat iyon. A caller named Miranda is calling Thirdy thrice in a row already. Pang-apat na tawag na niya at kitang-kita ko kung paano mamatay ang tawag.
"Who is Miranda?" tanong ko kay Thirdy. Tumingin siya sa akin. Pinakita ko naman agad ang phone kung saan naka-rehistro iyong apat na tawag ni Miranda na 'di nasagot.
"Hm, a client of mine. Pero tapos na ang kaso niya at nanalo pa ng sila ng anak niya dahil sa akin."
"Bakit siya natawag kung gano'n?" I sounded like a possessive girlfriend and I'm sure he's thinking the thing. Iyong ngiti sa kanyang labi ang ebidensya na hindi ko naman pinansin. I remain neutral and wait for his answer.
"She's asking a favour. A pleasurable favour, to be exact, but I am a man of honour. I don't mix business and pleasure."
"What about us? Basically, kinain mo lang rin ang kasasabi mo pa lang."
"This is purely business. We haven't reached the pleasure part, Jeni. I haven't fuck you. . . yet." Kumindat siya saka dinala iyong dalawang plato na may lamang niluto niyang pasta para aming dalawa. "Mainit ang mata ng kapatid ko sa atin kaya dito kita dinala. The company prohibit office romance for a reason."
"Ako ang una mong dinala dito?"
Tumingin siya sa akin matapos hilahin iyong upuan na para sa 'kin. Lumapit ako at umupo doon. His scent abuse my nose and the warmth of him makes me shut my legs close.
"What do you think?" Balik tanong niya sa akin kaya napaisip ako. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, puro lang siya salita at kulang sa gawa. Pero noong halikan niya ako may napatunayan siya sa akin pero ang lakas kasi ng self control niya.
"I think the answer is yes. Ang taas ng self control mo at nakakairita kaya ang ginagawa mo."
Tumawa ulit si Thirdy at napuno noon ang puwestong kinaroroonan naming dalawa. Lumayo siya sa akin at lumipat saka naupo sa katapat na silya na kinauupuan ko.
"How about we strike a deal?" tanong niya.
"Deal na naman. Wala ka nga isang salita diyan."
"With a written contract this time," aniya saka may nilabas na envelope mula sa bag niyang napatong sa ibabaw ng breakfast counter. "The first deal has no paper works. Puwedeng maputol o 'di matuloy. But this, once you signed the papers, it will last until you wave a white flag."
Umayos ako ng upo at tinanggap iyong envelope. "We will do it in your way but I will decide when to end the deal?" Tumango siya. And it sounds a little unfair but all favors point to my direction. Hindi na ako argabyado kung tutuusin.
"What do you say?"
Tumingin ako sa kanya. "I'll read it and definitely think about it."
I AM trying to concentrate with the reviewer Thirdy gave to me. Break time ngayon at para makatipid ako, nagbaon ako ng sandwich saka juice. Iyon ang nilalantakan ko habang nagbabasa. Karamihan sa mga kasama ko ay nasa labas nakain at mangilan-ngilan lang itong naiwan na abala pa sa pagtingin sa social media account nila.
"Kailan kaya magpapa-team building ang company diyan sa De Luna Empire?" Para akong nabuhayan kasi may tsismis na naman akong naririnig. "Girlfriend ba ni Atty. Thirdy iyong babae sa picture?"
It's Sandra. Malakas ang pagkakatanong niya na para bang pinaririnig sa akin. They knew the circulating issue about the budding romance between me and Thirdy. Gusto ko masuka doon sa salitang budding romance gayong wala naman kami sa gano'ng estado.
"Parang girlfriend niya nga. Bagay sila kaya huwag na umasa iyong iba diyan na makaka-score ng malaking isda." Si Mich iyon at nakakataka na malaki ang galit sa akin ng dalawang ito.
Kasalanan ko ba na kinulang sila sa enthusiasm sa trabaho kaya bihira mapansin? Dapat imbis na nagpaparinig sila, nagpapakabibo na lang para 'di ako lagi ang nakikita.
"Oo nga. Mas maganda itong nasa picture kaysa sa kanya." Si Sandra iyon uli at napipikon na ako.
Kaya naman marahas ako tumayo bitbit ang tumbler ko saka lumabas ng aking cubicle. Kipkip ko naman sa kili-kili ko iyong reviewer at kagat-kagat ko iyong sandwich na baon. Ganitong stress na stress na ako sa buhay at may kontrata pa ako na pinag-iisipan pirmahan. Idagdag pa na masyadong sensitve ang pangangatawan ko ngayon kagagawan ni Thirdy.
Wait. . . she has a girlfriend? Tapos may lumalandi sa kanya na Miranda ang pangalan. Ta's idagdag pa ako na binabaliw lang niya pero wala naman talaga balak na galawin.
Nakaka-frustrate!
"Aw!" sigaw ko ng maling button ang napindot. Pinagpagpag ko ang kamay na napaso gano'n ang pants ko na nabasa ng bahagya.
"You got yourself burn, Miss Daria?" tanong na nagpa-ikot sa mga mata ko.
"Yeah, obviously. Pero malayo naman ito sa bituka kaya buhay pa. . . ako." Agad ko natikom ang bibig ng makilala iyong nagsalita. In front of me are the holy trinity of this law firm and how dare I talked as if I'm talking to a normal people.
"I'm glad your alive, Miss Daria. The firm cannot afford to loose one of it's enthusiastic paralegal." Napatingin ako kay Thirdy pagkarinig sa sinabi iyon ni Atty. De Luna - the founder of this firm. Iyong tatay ng lalaking dahilan ng mga frustration ko noon hanggang ngayon. "Is that your lunch?"
I glanced next to the sandwich that already kissing the floor. Agad akong yumuko at niligpit ang kalat saka tinapon sa basurahan.
"Join us in lunch today," ani Atty. Clarence sa akin at magkasabay sila lumakad ng tatay.
Nahuli sa paglakad si Thirdy na huminto pa sa gilid ko. "Have think you think about it?"
"No. Not yet,"
"Be careful next time, and do follow us now." He tapped my shoulder. That simple touch sent many feelings, which frustrated me even more.
He's so frustrating!
I TURNED on my music player and press the shuffle button before doing my laundry. Pagkagaling ko sa trabaho ito agad ang ginawa ko dahil maya-maya pa naman ako dadapuan ng gutom. Sa isang buffet restaurant kasi kami nagpunta ng mga De Luna at sulit naman ang pinakain nila sa akin.
Why?
Because all their topics was about politics. I couldn't relate myself because I am in between pro-admin and opposition. Nakikisali ako pero madalang dahil puro kain lang ang ginagawa ko. Sariwa pa sa alaala ko nang tanungin ako ni Atty. De Luna kung ano plano ko kapag pumasa sa bar.
I bluntly told him that I am aiming to build a law café after working 2-3 years in a law firm. Hindi ko inasam na makapasok sa firm pero kung ma-aprubahan 'man ang scholarship, I will be glad working with the three of them.
Maybe two because I can't withstand Thirdy deadly charms.
"A law café, huh?" Dagli ako napakapit sa aking dibdib matapos marinig ang salita na iyon.
"H-how did you enter? Paano mo nalaman na dito ang bahay ko?" Takang tanong ko kay Thirdy.
"I use the door to enter and the power of money to make your friend speak."
"I hate you!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya saka sinundan ako palabas ng laundry area. "May dala kang kotse?"
"Meron pero naka-park malayo dito sa inyo. Naglakad ako mula doon dahil inabisuhan ako ni Czarina na maraming baklas kotse gang dito."
"Good decision, but why are you here?"
"I want to talk to you tonight about the contract and your story."
"Hindi ka ba makahintay? At ano na naman ba gusto mo malaman tungkol sa akin?"
"Marami kaya nagdala ako nito,"
"You're going to sleep here?"
"Yeah, by your side, Jeni." I rolled my eyes at the back of my head and turned my back off him. "I'm serious!"
"Good luck if you can sleep here, rich boy," I say, showing him my bedroom.
"Oh. . ." Gusto ko tumawa nang makita ang reaksyon ni Thirdy. "Do you want to sleep in my place instead?"
"No." Kung mataas ang self control niya, gagaya ako at magpapakipot ng konti lang. "I have laundry to do and books to read over the weekend so go away now, Atty. Matthias De Luna III." Tumalikod ako sa kanya pero maya-maya pa ay humarap ulit kay Thirdy. "You're the only child of Atty. De Luna who's name is less creative."
"No, I'm not,"
"John Dawson and John Clarence are not creative too. Hindi sila kambal pero parehong may John. Naging creative lang sila kay Ellis at Noelle."
"What are their names?"
"Marx Ellis and Noelle Maddison." Tumawa ako. "Okay. You're right. I'm the only child who don't have a creative name." Pag-amin niya na lalong nagpalakas ng aking pagtawa.
"You're cute, Atty. De Luna."
"I'm not a dog, Jeni."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro