15
15 // secret
>>
HINDI NA PUMASOK pa si Avery matapos ang araw na 'yon.
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong event. Hindi ko alam, at ni isa sa aming lima, walang ideya kung ano ang nangyayari.
Parang bumalik sa 'kin 'yung pakiramdam noong bigla na lang siyang nawala.
"Vescilia family is a very prestigious one. As you all know, they own a lot of land here in San Sebastian," sabi ni Ma'am Lucban habang nakatingin sa amin. Matinis ang boses niya at maliit, may suot din siyang salamin. Sa tantiya ko, nasa sixty na siya. "Rumors have it that they follow one tradition. Alam n'yo ba kung ano 'yon?"
Napatigil ako sa pag-doodle sa likod ng notebook ko at napatingin kay Ma'am Lucban. May nang-aasar siyang ngiti, dahil nakikita niyang interisado ang lahat sa sinasabi niya. Siya ang History teacher namin — pinakaboring na subject na na-encounter ko — at ngayon lang ako nagkaroon ng interes na pakinggan siya.
"May lima 'kong naririnig," sabi niya. Itinaas niya ang hinlalaki niya. "First, they only keep . . . a son."
May ibang pumasok sa isip ko pero agad din akong napailing-iling dahil imposible namang bakla si Avery.
"They say, it's luck." Kumibit-balikat si Ma'am Lucban. "Generation after generation, they only keep a son. That son will handle the Vescilia businesses, find a wife, and have a son. Many disregarded this tradition because of the recent Vescilia had a daughter — which is, our two weeks absent student, Avery."
Parang may kumurot at kumiliti nang sabay sa dibdib ko sa mention ng pangalan niya.
Tinaas naman ni Ma'am Lucban ang hintuturo niya.
"Second, their tradition is to only keep an only child, to prolong the luck. Third, if somehow they end up having a child more than one, they'll kill the older one."
Marami ang napasinghap doon, at maski ako, nagulat.
"Pretty morbid, huh?" sabi ng guro. "Fourth, they don't make children — they adopt."
Napakunot ang mga noo namin.
"They believe that no one must take the original Vescilia's blood. Ang ninuno ng mga Vescilia ay nag-ampon, at pinagpatuloy nila ang tradisyong 'yon to keep their luck on wealth." Tumawa siya at bumuntung-hininga. "But that's too weird, isn't it?"
"Kalokohan," bulong ko. Nagpatuloy ulit ako sa pag-doodle, malalim ang pagkakakunot ng noo.
"But," sabi ni Ma'am. "The fifth rumor I heard is that they keep a twin, to pretend to be the other every day."
Nanlaki ang mga mata ko.
Napakunot ang noo namin ni Jiyo at napatingin ulit kay Ma'am Lucban. Nakangiting tagumpay na siya sa mga tinging binigay sa kanya.
"They will have the same identity; name, everything, and, that is, if the twins are identical," sabi ni Ma'am. "If not, they'll kill the other."
Nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko. Tinanguan siya ni Ma'am.
"P-Para saan po?" tanong niya. "Iyong pagpapanggap?"
"Walang sinabi, but I assume that they want . . . they want someone to duplicate the other if ever the other died," sabi niya. "Because if their tradition truly is having only one child, then they must appear to only have one."
Napakunot lang ang noo ko. Bahagya akong nakakaramdam ng inis sa gurong nagsasalita sa harapan. Parang walang patutunguhan ang mga sinasabi niya. Ganyan lang naman siyang magsalita dahil wala si Avery sa klase.
Kaya gano'n na lang ang tapang niyang maglabas ng walang kwentang mga imbentong tradisyon.
"Anyway, class, rumors lang lahat ng 'yan," sabi niya. "Vescilia family helped a lot of families, and they're, well, very nice people. Secretive and private, but approachable enough. Take Avery, for example."
Matapos no'n, nagpalit na siya ng topic.
Matapos ang klase sa kanya, binigyan niya ako ng report. Napabuntonghininga na lang ako. Ayoko sanang may asikasuhin ngayon, kaso tama bang hilingin 'yon e nasa paaralan ako?
Mabilis na natapos ang klase gaya ng mga nakaraan pang klase. Parang malalabong eksena na nagsilipasan ang lahat sa isang lumang pelikula. Nakakatamad. Dumiretso kami ni Jiyo sa tambayan naming lima.
"Kalokohan!" sabi ni Paul sa cellphone niya. "Hindi ko lang nadalhan ng flowers, galit na!"
Napailing-iling ako habang umuupo. "Ano'ng number 'yan?"
"Kwatro!" sigaw ni Kyle.
Pang-apat na girlfriend sa tatlong linggo? Hindi na masama. Napakatinik talaga nitong kaibigan namin.
"Send-an mo lsm," sabi ni Jiyo. Nakayuko na naman siya sa lamesa namin. "Sabihin mo gusto mo siyang pakasalan. Sabihin mo paggising mo sa umaga siya agad naaalala mo."
Napahagalpak ako sa tawa. Hindi ko ma-imagine na sinasabi 'yan ni Jiyo kasi kung oo, ang korni niya pala.
Pero napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya, si Avery kasi ang naalala ko.
Nalungkot tuloy ako ulit.
"Kakornihan," sabi ni Paul. "Dalhin ko lang 'to sa bahay namin, e."
Nanlaki ang mga mata ko. "Huy, Paul!"
Tumawa siya. "Mga 'to, joke lang!" sabi niya. "Disente 'ko 'no!"
Nagpatuloy lang ang kwentuhan nila habang lumulutang na naman yata ang utak ko. Hindi na naman ako makapag-focus sa mga kaibigan ko.
Twins?
Bakit hindi ko naisip 'yon?
Nitong nakaraang mga buwan, hindi ko naisip na ibang tao si Avery. Naging iba nga siya kaysa sa kung paano ko siya nakilala noon, pero kung isang summer siyang nawala at halos hindi ko nga siya naka-close noon, naisip ko na lang baka hindi talaga isang kumpol ng rosas si Avery. Baka isa siyang kumpol ng rock songs.
Pero kung araw-araw nagpapalit sina Avery at Avery, bakit . . .
Imposible.
Napasabunot ako sa buhok ko. Ang titser na 'yon, kung anu-ano ang sinasabi.
Isa pa, kung kambal sila . . . hindi, imposible pa rin. Paano niya kami nakilala nang buo? Nagkaroon ng sarili niyang pag-uugali?
Napag-isip isip kong kaya pala malungkot si Avery at kaya pala lagi siyang mag-isa dahil para maihiwalay ang sarili niya sa iba. Para hindi makabuo ng attachments.
Kaya siguro siya nag-alinlangan noon.
Pero bakit siya sumali sa banda namin?
Hindi, hindi. Imposible.
"Kung iniisip mo 'yung mga sinabi ni Ma'am Lucban," sabi ni Jiyo. "Huwag kang maniwala ro'n. Matanda na 'yun at marami talagang narinig 'yon."
Napatingin ako kay Jiyo. Nakayuko na naman siya.
"Why, ano meron?" tanong ni Kyle.
"Si Ma'am Lucban," sabi ko saka nagpalumbaba. "Inisa-isa niya mga posibleng tradisyon ng mga Vescilia. Ang korni lang."
Tumawa siya. "Rumors are rumors, boy," sabi ni Kyle saka tinapik ang balikat ko. "Huwag kang makinig doon. Sabi rin ni Mom walang tradisyon ang mga Vescilia. Inimbento lang 'yon ng mga naninira sa kanila dahil sa swerte at yaman nila."
Napangiti ako ro'n. Kahit papaano, gumaan ang loob ko.
--
KINABUKASAN, NASA LIBRARY ako dahil sa report na binigay ni Ma'am Lucban. P'wedeng-p'wede namang i-internet 'to kaso isa siya sa mga teachers na maarte at mas gustong kumuha kami ng reference sa library, para raw maranasan namin ang naranasan nila noon.
Hay, nako. Pero ayos lang. Sa mga library, si Avery ang naaalala ko. Mahilig kasi siya noon sa libro.
Nag-log ako saka dumiretso sa shelves ng History books. Tahimik akong namili ng libro na sa tingin ko ay reliable, bago naghanap ng mauupuan.
Habang naglalakad papunta sa mga lamesa, napangisi ako nang matagpuan ko si Jiyo, nakaupo. Naka-earphones siya saka nakapalumbaba, nagbabasa ng isang libro.
Napakunot ang noo ko saka dali-daling naglakad papunta sa kanya.
"Uy, Ji—"
Halatang nagulat siya at mabilis na naisara ang librong binabasa niya. Nanlalaki ang mga mata niya at agad niyang naihugot ang earphones mula sa tenga niya. Puno ng alarma ang mga mata niya. Nahalata niya siguro ang pagtataka sa mga mata ko kaya siya napahinga siya at nag-iwas ng tingin.
"Uy," sabi niya.
Ngumiti na lang ako ulit bago naupo sa harapan niya. Binuklat ko 'yung libro na kinuha ko.
"Nandito ka pala, akala ko nasa tambayan ka," sabi ko.
Hindi siya sumagot. Napansin kong tinatakpan niya ang librong binabasa niya kaya bahagyang naningkit ang mga mata ko.
"Ano 'yan?"
"Ah," sabi niya. Hinarap niya sa 'kin ang librong 'yun.
The History and Families of San Sebastian
Napatawa ako. "Binabasa mo 'yan?"
Ngumiti lang siya. "Wala nang iba, e."
Napatawa na lang ako saka binalik ang atensyon sa report ko.
Minsan talaga, wirdo si Jiyo.
>>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro