EPISODE XII
"THE TRUTH BEHIND ON THIS NECKLACE"
PREVIOUSLY :
Nakilala na ni Denny Ann si Derek, At Disaster agad ang nangyari.
"She's my assistant and no one can hire or own her. She's mine!" Sabi ni Kent sabay hila Kay Denny Palabas ng opisina ni Derek.
KARUGTUNG :
"I'm so sorry Sir na late ako. At buti nalang nakahanap ako ng grab papunta dito." Paliwanag ni Denny Ann.
"It's okay, by the way he's my brother Derek. Pagpasensyahan mo na!" Sabi Naman ni Kent.
Agad namang ngumiti si Denny Ann sabay binasa ang unang nakasulat sa kanyang notebook.
"Sir, you have an appointment today 10am Kay Mrs. Dela Cruz. This is regarding sa proposal ninyo para sa company nila." Sabi ni Denny Ann habang si Kent Naman ay naka titig sakanya.
Nang lingunin niya si Kent.
"Yes Sir? May dumi ba ako sa mukha or Yung foundation ko sobrang dami ba?" Ngiting Sabi ni Denny Ann.
"No, Magkamukha talaga kayo ni Denny Ann. Are you na hindi ka nagka amnesia? Tapos si Helen nakakuha sayo then inalagaan ka nya na parang tunay na anak? Ganun?" Sabi ni Kent. At tumawa Lang si Denny Anne sabay sabing.
"Hindi sir, Tska sir sguro epekto na Yan sa kakatelenovela mo!" Sabay tapik sa balikat ng binata.
Samantala sa Opisina ni Rita.
"Miss Rita galing Ito sa National Statistics, may nagiimbistiga ka Violet o kay Kayla Mendoza." Sabi ng isang lalaki.
"Sino?" Tanong ni Rita.
"Galing sa Sanchez group of companies, chinicheck nila ang history ni Kayla Mendoza." Sagot ng lalaki.
"Ako ng bahala Basta hide this info to everyone. Lalo na sa Board members Ng MIB. I have a strong feeling na may traydor dito sa MIB. At kapag nahuli ko Kung sino. Ako mismo ang papatay sakanya. Para sa kapatid ko at Kalayaan ni Denny Ann." Sabi ni Rita.
At biglang Bumukas ang pintuan at iniluwa ng pintuan si Ced.
"Ate?" Gulat na Sabi ng lalaki.
"O ikaw pala yan Cedrick! Anyways, Rita asan si Denny Ann? She have a combat training with Mr Rodriguez today. And nandoon na si Mr Rodriguez." Sabi ni Ced
"What? Bakit kelangan pa ba Yun? Kaya na ni Denny Ann na makipaglaban. Hindi paba sapat ang mga nagawa niya?" Sabi ni Rita.
"Remember Rita, Mr. Rodriguez is one of our Person under investigation sa pagkakamatay ng kapatid mo. And Isa pa. Basahin mo to!" Sabi ni Ced sabay lapag ng kulay asul na folder sa mesa nya.
"Ano to?" Tanong ni Rita sabay bukas ng folder.
"Nakasulat dyan ang codename ng pumatay sa kapatid mo. Well I'm not sure if sya nga?" Sabi ni Ced.
"Code name : Najilia, head of anchor family. " Basa ni Rita.
"Najilia? Wait parang may naalala akong may gumamit sa Codename na Yan!" Sabi ni Rita.
While si David naman nakaharap sa Salamin at pinagmasdan ang sarili.
"Tyak na masasapak ako ni Christian pag nalaman niyang ako minsan ang nagpapanggap na Violet." Ngiting Sabi ni David Hanggang sa dumako ang kanyang tingin sa kanyang suot na kwentas.
"Teka Saan na kaya Ang batang Yun?"Sabi nya habang hinihimas nya ang kanyang kwentas na may pendant na hugis octagon at sa bawat gilid ng octagon ay may maliliit na diamante sa gilid.
FLASHBACK:
Nasa grade six si David ng makilala niya ang Batang lalaki na nag bigay ng kwentas nya. Habang pauwi sya ay hinarangan siya ng kanyang mga kaklaseng walang magawa kundi mambully sa kanya.
"Saan ka pupunta bakla?" Sabi ng Batang lalaki na may kasamang dalawa pa.
"Umalis nga kayo, Kung Wala kayong magawa sa buhay nyo. Tumulong kayo sa mga nanay nyo." Sabi ni David at bigla syang itinulak ng Batang bully na syang dahilan upang mapaupo sya sa lupa.
"Teka bat ang tapang mo Bakla?" Sabi ng Batang bully at Ang mga kasamahan Naman niya ay tumatawa.
"Sandali, di porket babae akong kumilos ay di na lalabas ang pagiging lalaki ko." Sabi ni David agad itong tumayo sabay suntok sa nambully sakanya.
"Aba lumalaban sya! Hawakan nyo sya at papatikimin natin ng sampung suntok ni San goko!" Ngiting Sabi Ng Batang bully habang dumudugo ang ilong.
Hinawakan sa magkabilang braso si David habang ang Batang nambully ay pinagsusuntok ang kanyang tyan hanggang sa natamaan sya sa sikmura nya.
"Ano? Magiging hambog kapa din ba?" Sabi ng Batang Bully.
"Seryuso? Inaaksaya nyo mga oras nyo sakin?" Ngiting Sabi ni David.
Susuntukin na Sana ulit ng Batang bully ng biglang may humawak sa kamay ng Batang bully sabay sabing.
"Bitiwan nyo sya!" Sabi ng Batang lalaki na nasa edad 16.
"Wag Kang makialam dito! Sino kaba?" Tanong ng Batang bully.
"Pare Anak ng principal yan sa highschool."Sabi Ng Batang kasama nya.
"Pare siga Yan sa first year. Alis na Tayo!" Dagdag na sabi ng Isa pang bata.
Imbes na makinig sya sa mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan.
"BITIWAN MOKO! Wag Kang mangialam! Salot itong ginugulpi namin!" Sabi ng Batang bully sabay suntok Kay David sa mukha.
"Pare takbo na!" Sigaw ng kasama ng mga Batang bully Hanggang sa
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng batang lalaki sa nambully Kay David.
At hinawakan Ito sa kwelyo.
"Tandaan mo! Hindi nakakalalaki ang manakit ng babae o binabae! Ang tunay na lalaki marunong rumespeto!" Sabi ng Batang lalaki.
"Teka Tama na uy! Bitiwan mo na!" Sabi ni David sa Batang lalaki.
At yun Naman Ang ginawa ng Batang lalaki.
"Tingnan mo iyakin ka pala, mas tamang tawaging ikaw Yung bakla! Hindi sya!" Galit na Sabi ng Batang lalaki.
"Pagbabayaran nyo to! Humanda kayo! Lalo kana David!" Sabi Ng Batang bully.
"Sge subukan mong saktan sya ulit, Hindi lang Yung kanang Mata mo Ang lalagyan ko ng itim. Kundi buo mo nang katawan!" Sabi ng Batang lalaki.
"Alis na Miguel!" Sabi ni David.
Nang makaalis na ang Batang bully ay kinamusta sya ng Batang lalaki.
"Teka ayus ka Lang ba brad?" Tanong nito sakanya.
"Sya nga pala salamat ha? Mga loko talaga yun. Kaya ko Naman sya kaso may mga alipores Lang!" Ngiting Sabi ni David.
"Sa lahat ng binugbog ikaw Lang ung nakangiti!" Sabi Ng Batang lalaki.
"Ganun talaga!" Ngiting Sabi ni David sabay kuha sa bag nya.
"Sya nga pala Rek! R.E.K.! Ikaw si David? Tama?" Tanong ni Rek.
"Oo, salamat Rek! R.E.K." ginaya din ni David Ang sinabi ni Rek. Inispelling din niya ang pangalan nito.
"Nakakatawa ka, teka gusto kitang makilala. To be my friend. No other issue okay?" Ngiting Sabi ni Rek.
"Sure nasa kabilang building Lang Naman kayong mga high school. Pwde akong gumala pag recess libre moko?"Sabi ni David.
"Sure" Sabi ni Rek sabay hubad ng kanyang kwentas na suot.
"Ano to?" Tanong ni David.
"Ibalik mo sakin pag nagkita Tayo ulit, para sure." Ngiting Sabi ni Rek.
"Nako parang Si Ina Naman ako nito ng pangako sayo. " Tawang Sabi ni David.
BACK TO PRESENT
"Kung saan man si rek ngayon sguro pogi na Ng Batang yun. I'm sure." Sabi ni David Ng biglang dumating si Denny Ann.
"David I need you as Kayla Mendoza!" Sabi ni Denny Ann.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro