Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE VII

"The Missing Ruby (Part IV)"

ANG NAKARAAN,
Umalis so Denny Ann upang puntahan si Kent, at sa tulong ng kanyang kaibigan na si David ay pansamantala itong nagpanggap bilang siya.


ANG KARUGTUNG,

Habang nasa Taxi si Denny Ann papunta sa bahay ng mga Sanchez. Hindi niya maiwasang isipin na pati kaarawan niya ay nakalimutan na niya.

"Pati pa Naman birthday ko nakalimutan ko?" Sabi niya sa sarili habang nakatingin sa kanyang cellphone.
Hindi nagtagal ay dumating na siya sa bahay ng mga Sanchez.

"Salamat kuya!" Sabi niya sa Taxi driver at agad namang gumanti ng ngiti ang driver. Nang makaalis na ang taxi ay agad niyang hinarap ang mataas na gate sa bahay ng mga Sanchez.

"Matagal na din akong di nakakapunta dito? Simula nung namatay yung--." Natigilan sya sakanyang sasabihin ng biglang may isang matandang lalaki ang tumawag sa kanyang tunay na pangalan.

"Ma'am Denny Ann? Ikaw Po ba Yan?"

"P-po? Magandang Gabi po? Kayla Mendoza po new assistant ni Sir Kent Sanchez." Sabi niya sa matanda.

"Ay sorry po maam! Akala ko si Maam Denny Anne, ikaw pala Yung iniintay ni Sir. Sige po pasok kayo!" Sabi ng matanda at agad siyang pinagbuksan.

"Salamat!" Ngiting Sabi ni Denny Ann sa matanda.

Habang naglalakad sila papasok ng mansyon ay nagpakilala ang matanda sa kanya.

"Maam Kayla, ako nga pala si Berto, Tawagin nyo nalang akong Mang Bert para bagets pakinggan diba Po?" Sabi ng matanda sakanya.

THROWBACK,

"Good morning Mang Bert! May pandesal ako para sayo." Bati ni Denny Ann sa matandang katulong ni Kent.

"Ay tamang-tama yan para dito sa kape ko maam. Sya nga pala maam. Sabi ni Sir, dumeretcho na kayo sa kwarto niya." Sabi ng matanda sabay Kindat sakanya.

"Mang Bert naman, kinakabahan ako sa mga ganyan. Jusko kelangan pa naming maka graduate bago yang mga ganyan." Namumulang Sabi ni Denny Ann.

"Maam Wala po akong sinabing masama!" Tawang Sabi ng matanda sa dalaga.

BACK TO PRESENT,

"Pagpasensyahan nyo na ako ma'am, kamukha nyo Kasi si Ma'am Denny Ann! Pero impossible kasi namatay na Yun. Nandoon nga ako sa burol niya. Pero ano ba yan! Namimiss ko Lang talaga si Maam."ngiting Sabi ni Mang Bert. At agad pinagbuksan si Denny Ann ng pinto.

"Salamat Mang Bert, s-saan ba si Kent?" Tanong niya.

"Sa 2nd floor po, sa kanang bahagi. Dyan Ang kwarto ni Sir." Sagot ng matanda.

"Sige!" Kinakabahang sagot ni Denny Ann at dahan dahan siyang umakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ni Kent.

Samantala, narating na nina David, Marie, Christian at Shairmaine ang banwa ng mga katutubo.

"Nasaan si David?"Tanong ni Shairmaine.

"Pinatawag ni Miss Rita sa Opisina, magmomonitor nalang daw siya saatin." Sagot ni David.

"Violet? Anong plano mo?" Tanong ni Shairmaine.

"Marie? Itanong mo daw sakanila kung nasaan ang ruby?" Utos ni David Kay Marie at tumango Lang ito.

"Apo, pwde ba namo mahibaw-an kung asa na ang bato na among ginapangeta?" Tanong ni Marie.

(Apo, pwde ba namin malaman, Kung nasaan na ang bato na aming hinahanap?)

At agad namang sumagot ang pinuno ng mga katutubo.

"Naa saamoang langub, pero mas maayo na buntag na ninyo adtoon ug kuhaon ang Bato ni Tribung Linti. Kay delikado ug daghang mga halas ug lain pang mananap ang naa didto. " Sagot ng pinuno ng mga katutubo.

(Andoon sa aming kweba, pero mas mabuti na sa bukas ng Umaga ninyo puntahan at kunin ang bato ni Tribung Linti. Dahil Delikado dahil maraming Ahas at ibat ibang mga hayop ang nandoon.)

"Tama si Apo, delikado ang mga kweba. Lalo nat gabi. Ayuko din makagat ng makamandag na ahas." Sabi ni Marie.

"Kung ganun, magpapahinga muna Tayo ngayon gabi, at bukas na natin puntahan ang kweba!" Sabi ni David.

"Good decision inaantok na din Kasi ako!" Sabi ni Christian.

"At may inihanda na si Apo para saatin. Isang maliit na kubo na kasya naman tayong Tatlo! Di kasama ang kontrabidang Yan!" Sabay turo Kay Shairmaine. At tinaasan lang ng kilay ni Shairmaine si Marie.

"Doon na kayong mga babae matulog sa kubo mag tatayo nalang ako ng Tent dito sa Labas." Sabi ni Christian sabay pulot ng kanyang mga gamit.

"I'll go with you baby! Tabi nalang ako sayo.!" Pagiinarte ni Shairmaine.

"Shairmaine, gusto mo ikaw na mag Isa dito sa Tent kami na nina Marie sa loob ng Kubo?"saway ni Christian sa babae.

"Hahaha! Kababae mong tao, para kang higad!"dagdag ni Marie.

"Enough guys, sa Loob kana ng Kubo Christian. Isa pa delikado dito sa labas. Gubat ito!" Sabi ni David.

"Basta tatabi ako sayo baby Christian." Sabi ni Shairmaine sabay hawak sa braso ng binata habang si Christian naman ay nakatingin kay David.

At sabay na silang apat na pumasok sa loob ng kubo.

Balik sa bahay ng mga Sanchez.
Agad kumatok si Denny Ann sa Pintuan ng kwarto ni Kent at agad naman siyang pinagbuksan ng binata. At iniluwa ng pintuan si Kent na...

"Sir Lasing kana po! Tama na Yan!" Sabi ni Denny Ann sabay kuha ng champagne glass.

"I'm okay Kayla, thank you for coming!" Sabi ni Kent sabay Yakap sakanya.

"Sir?" Tanging naisambit ni Denny Ann dahil sa pagkagulat.

Hanggang sa narinig niyang humihikbi ang lalaki.

"Bakit niya ako iniwan? Alam mo ba? Simula nung namatay sya Hindi nako nagkaroon ng girlfriend. Kasi Wala siyang katulad!" Sabi ni Kent habang nakayakap pa din sakanya.

"Sir! Handa po akong makinig! Umupo muna Tayo!" Sabi ni Denny Ann.

"Sorry Kayla!" Sabi ni Kent habang umiiyak.

"Mukha Lang talagang masunget si Kent pero, deep inside napakaiyakin nito." Sabi ni Denny Ann sakanyang isipan.

"Lasing kana sir, Ang mabuti pa ay magpahinga kana!" Sabi niya Kay Kent.

Samantala sa Misyon...
Nang makatulog na sina Christian, Marie at David ay nagtungo si Shairmaine sa kweba na sinasabi ng pinuno ng mga katutubo.

"Bakit pa nila ipagbubukas kung may complete gadgets naman ako galing sa MIB. Ang hirap sakanila paniwalain sa mga pamahiin." Sabi ni Shairmaine habang kinakalikot ang tracker at sinusundan niya ang pulang dot.

"Kapag nakuha ko ang Ruby, tiyak na malalaocean deep na yang miss Violet na yan." Sabi ni Shairmaine hanggang sa tumigil na Ang pagkinang ng pulang dot sakanyang tracker na ibig sabihin ay nasa malapit Lang ang nawawalang bato ng Ruby.

Agad niyang pinindut ang on button sa hawak niyang Flashlight at pumasok na sa kweba.

"Ahas daw? Di ba nila Alam na ang Ahas ay Wala na sa mga kweba at gubat? Nasa syudad na sila. Minsan best friend mo pa!" Sabi niya sabay flip ng kanyang buhok. (Feeling maganda at Long hair!😁)

Bago umalis si Shairmaine ay gumawa siya ng hologram ng kanyang sarili na natutulog upang Hindi malaman Nina Christian, David at Marie na Wala siya sa Kubo.

"Violet?" Tawag ng lalaki kay David.

"Wala si Violet!" Nadulas na Sabi ni David.

"Anong Wala? Eh ano ka? Multo? Ano bang pinagsasabi mo?" Sabi ni Christian.

"Ssshh! Kung may balak kanyong mag sex wag ngayon. Wala akong pang video. Lowbat phone ko." Saway ni Marie habang nakapikit padin Ang kanyang mga mata.

"Marie?"sabay nilang sabi.

"Tahimik! Baka magising yang dragon natutulog. Goodnight ulit lovers!" Sabi ni Marie at tumalikud sakanilang dalawa.

"Violet? Kung sakaling ligawan Kita may pag-asa ba ako?" Tanong ni Christian.

"Meron Naman!" Sagot ni David.

"So Tayo na?" Tanong ni Christian.

"Hoy! Di porket pinayagan na manligaw ay kayo na agad? Mabuti pa matulog na tayo. Inaantok nako chris! Bukas nalang!" Sabi ni David at tumalikud Ito Kay Christian.

"Ok!" Maikling sagot ni Christian at sabay yakap sakanya.

"Kung Alam mo lang talaga Christian, Hindi ako si Denny Ann. Alam Kung Hindi Ito tama. Pero ewan parang may nararamdaman nako. " Sabi ni David sakanyang isipan.

"Bes Denny Ann, Ayuko maging Ahas! Jusko!" Sambit ni David.

Habang si Christian ay nakangiting nakayakap sakanyang likuran.

Balik sa kweba, Kung Saan hinahanap ni Shairmaine ang bato ng Ruby.

"Sabi ng Tracker ko nandito Lang? Pero saan?" Sabi niya habang iniilawan ang buong paligid ng kweba Hanggang sa...

"Sira ata ang tracker nato! Sabi dito nasa likud ko Lang Ang bato?" Sabi niya ng lingunin niya sa kanyang likud ay biglang nagdilim ang paligid sabay hulog ng hawak niyang Flashlight.

Aaaaahhhhhhhhh!!! Helllpppppp!!!

Pagkabagsak sa lupa ng flashlight, ay nailawan ng konti ang nilalang na kumuha Kay Shairmaine.
Isang buntot ng malaking hayop ang umalis kasama ang kawawang babae.

Ang tanong? Magiging MARUPOK ba si David? At magiging totoo ang kasabihan na
"ang mga ahas ay Wala na sa gubat. Minsan best friend mo na pala?"

At ano kayang mangyayari Kay Shairmaine?


ITUTULOY....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro