Chapter Twenty-Five
Zeb’s POV
Nasa mall ako para bumili ng tickets ng TASM 2, naalala ko kasi nung showing ng TASM 1 pinagbantaan pa ako ni Nics na kakalimutan niya ako pag diko siya sinamahang manuod. I will surprise her pero siyempre tatlo ang bibilhin ko para kasama si lovey-dovey ko.
Literal na napanganga ako nang makita ko sina Nics at Zach na magkaholding hands sa pila.
So, nagdedate pala sila?
Napailing nalang ako at umalis na. Siguro nga tuluyan nang na-inlove si Nics kay Zach. Ang di ko lang sure kung seryoso din ba si Zach sa kanya. At yan ang aalamin ko.
I called up Sam for Zach’s number and condo unit. My original plan is to talk to him. I called him up at night kaso di ko siya macontact.
I just decided na puntahan siya sa condo niya bukas ng gabi.
I’ll just call up Nics instead at subukang kausapin about her and Zach.
Calling Nics…
“Hi bebe! napatawag ka?” I smiled when she immediately answered her phone.
“Wala naman, kumusta ang araw mo?”
“Ayos lang naman, sa mall lang ako maghapon.” Napangiti ako sa sagot niya. Matalino talaga tong si Nics playing safe. Pwede namang sabihin niyang dun lang siya sa shop niya.
“Sino namang kasama mong nagmall?”
“Hahah! Nagpapatawa ka ba?”kinakabahang sagot niya. Yung tawa niya hindi sincere. Hehehe!
“What? I’m just asking…” patay-malisya kong saad.
“Nasa loob ng mall ang shop ko in case you forgot.”
Napatawa naman ako. Ayaw niya talagang aminin. Sige na nga hayaan ko nalang siya.
.
.
.
.
.
.
.
It’s 11 PM, I hope Zach is already at his condo. I was about to go out of the elevator nang makita siyang lumabas ng unit niya kasunod ang isang seksing babae. Agad ko nalang pinindot ang elevator at bumaba na.
Nics’ POV
Nag-angat ako ng tingin ng mapansing may pumasok sa office ko. Andito ako ngayon sa kabilang branch ko.
“Hey Nics!” bati ni Zeb.
Ngumiti naman ako ng tipid.
“Napadpad ka? Di ka masyadong busy?”
“Napadaan lang ako dito sa Mall to buy something, I dropped by just in case you’re here. And just as I thought you’re here.” Umupo siya sa couch na kaharap ng table ko.
Lumapit naman ako at umupo na rin sa couch. Nilaro-laro niya ang ilang hibla ng buhok ko.
“Inggit ka na naman bakla.” Biro ko pero di siya nagreact.
“Buti nalang pala di ka pumatol kay Zach dati noh?”
Napatingin ako sa kanya. Bat bigla nalang niyang naalala? Speaking of Zach, tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam.
“Bakit naman?” kaswal kong tanong.
“Iba na naman kasi ang kasama niya. I saw them yesterday night na lumabas sa unit niya.”
“Ano namang ginawa mo dun?”
“May itatanong lang sana ako.”
“Ahh, kei…” Napatango nalang ako as if I don’t care.
Kaya pala hindi nagparamdam ang loko. Now, I know. Siguro hindi niya matiis ang kati niya just like my fucking ex! I hate men like them!
.
.
.
.
.
Pag-uwi ko iniisip ko pa rin kung anong motibo ni Zach for dragging me to the amusement park at sa sinehan. Gusto niya ba ng sex? And he’s hoping to get it from me porket may nangyari na sa amin? Tsk!
.
.
.
.
.
Tinatamad akong lumabas ngayong araw. Nakahiga lang ako dito sa couch nang may magdoorbell.
Zach is standing again at my doorstep smiling. He’s wearing a plain shirt, jeans and rubber shoes. Napasimangot ako. I remembered what Zeb told me yesterday.
“What are you doing here?”
Nagulat ako dahil bigla nalang siyang pumasok at umupo sa couch.
“Magbihis ka, aalis tayo. Hintayin kita dito.”
“What?!” naiinis kong tanong.
“The last time I check, you weren’t deaf.” he said and grinned.
“Look, if you think you can just drag me anywhere and anytime you want, you’re wrong!” I said sternly meeting his gaze. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok niya na parang nahintakutan. Ngunit ngumiti ito ng makabawi.
“Really? So you want me to literally drag you to where I want to?” naghahamon nitong saad sabay hakbang palapit. Napaatras naman ako. Humakbang ulit siya, umatras lang din ako hanggang sa wala na akong maatrasan. Itinukod niya ang magkabilang kamay niya sa pader para maikulong ako. Pero hindi ako padadaig, sinalubong ko ang mga titig niya. Then, he looked at my lips. Eto na nga ba ang sinasabi ko.
Napakunot-noo ako dahil bigla na lang siyang ngumiti ng matamis at unti-unting napatawa.
“I won’t do that okay, kaya sige na maligo kana at magbihis.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at itinulak ako papasok sa kwarto ko hanggang sa banyo.
Napasandal nalang ako sa pintuan ng bathroom. Ano na naman ba ang nangyari at di ako nakapagreact?
Paglabas ko ng kwarto napangiti siya ng makita akong nakabihis na. I’m wearing a simple blue tee, jeans at sneakers. Nag-aalangan pa rin ako pero alam kong di rin naman siya aalis pag di ako sumama.
“Where are we going?” tanong ko nung mapansing papalabas na ng SLEX ang sasakyan niya.
“We will do number three?” he glanced at me and smiled.
“Anong number three?”
I looked at him puzzled. What is he saying?
Ngumiti lang siya at di sumagot.
“Ano ngang number three?” tinapik ko ang braso niya na nakahawak sa manibela.
Saglit siyang natigilan.
“Di ba pangatlong date na natin to…” he simply said. Natahimik nalang din ako. Pero para namang hindi yun ang tinutukoy niya.
Nagising ako sa marahang pagtapik sa pisngi ko.
“Wake up sleepy head.” Nakangiting mukha ni Zach ang namulatan ko.
Napatingin ako sa paligid. Nakapark ang sasakyan sa paanan ng isang bundok. Lumabas na siya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.
Zach’s POV
I looked at my watch it’s almost 12 noon. Buti nalang makulimlim ang kalangitan. Inilabas ko ang picnic set sa sasakyan. Naghire ako ng dalawang tour guide na maghahatid sa amin sa tuktok ng bundok.
Bakit bigla kong naisipang magtrekking? Actually this isn’t my idea. Idea ito ng babaeng naka-jeans sa harap ko na halatang nag-eenjoy sa mga view na nadadaanan namin. Panay ang kuha niya ng picture gamit ang phone niya.
“Zach, di mo naman ginagamit yang DSLR mo, pwedeng hiramin ko muna?” nakangiting saad niya. Agad ko naman itong tinanggal sa pagkakasukbit sa leeg ko at iniabot sa kanya.
Nics’ POV
Hindi ko alam kung paano nahulaan ni Zach ang mga date na pinapangarap ko dati but this is one of them. Kahit medyo naiinis ako sa pagiging mapilit niya feeling ko pabor sa akin lahat because right now, I’m enjoying this moment with nature. Ganun siguro pag artists malapit sa nature. Naks! Artist talaga!
Pagdating namin sa tuktok ng bundok mas lalo akong namangha sa tanawin. I keep on clicking the camera. Pagpihit ko nakita ko si Zach na nag-aayos ng picnic set. I clicked the camera. Nice stolen shot.
Napangiti ako. Inihanda ko ulit ang lens.
“Zach!” tawag ko. He smiled. I clicked the camera. Ayun oh! Gwapo siya no doubt.
“Hindi mo naman ako kailangang biglain kung gusto mo akong picturan. Magpo-pose pa ako para sayo.” Nagpose nga ito na parang model, medyo itinaas pa ang laylayan ng shirt niya para ipakita ang abs. Shocks!
“Ang halay mo talaga!” biro ko naman. Tumawa lang din siya.
“Halika na nga dito.” Umupo siya sa nakalatag na mat at itinuro ang tabi niya.
“Gutom ka na ba?” tanong nito pagkaupo ko. Tumango naman ako. Inilabas niya ang mga pagkain sa basket. Tahimik akong kumakain nang mahalata kong nakatitig siya.
“Bakit?” nagtatakang tanong ko. Umiling lang siya saka itinuloy ang pagkain. Maya-maya’y narinig ko ang sunod-sunod na click ng camera.
“Wag mo nga akong picturan.” Irap ko pero patuloy pa rin sya sa pagclick.
“Akin na nga kasi yan.” Pinilit kong abutin ang camera pero inilayo niya lang ito nang tumatawa. Alam kong di rin naman niya ibibigay kaya tumigil nalang din ako.
“Sige hindi na nga lang, sungit mo naman.” Bulong niya na dinig ko naman.
Nahiga siya sa mat. Buti nalang makulimlim ang panahon. Humiga nalang din ako. Idinikit niya ang ulo niya sa ulo ko kaya pahorizontal ang ayos namin. Maya-maya’y narinig ko naman ang click ng camera. Itinaas pala niya ito para makunan ang mukha naming dalawa. Di na lang ako nagreact.
“Nasaan na yung mga tour guide?” tanong ko.
“Babalik sila mamaya para sunduin tayo.” Maikling sagot niya.
“Siguraduhin mo lang ha.” May himig pagbabantang saad ko.
“Tsk, bakit ayaw mo bang makasama ako magdamag dito?” panunudyo naman nito. Ayaw ko nga ba? Siyempre, nakakatakot kaya dito. Napapikit nalang ako, nakakasilaw din kasi kahit nakatago ang araw sa mga ulap.
I felt him caressing my hair kaya napamulat ako. Nakadapa na pala siya, nakasuporta ang mga siko niya at yung mukha niya saktong nakatapat sa mukha ko. Pabaliktad ang mukha niyang nakikita ko.
I faked a cough at dahan-dahang umisod saka umupo. Tumabi na rin siya sa akin.
“Magkwento ka naman.” ungot niya.
“Tungkol saan?” balik tanong ko.
“Tungkol sayo…Kung anong nangyari sayo after high school..”
“Wala namang interesting na nangyari sa akin. Kaw nalang magkwento kung anong nangyari sayo sa US.”
Natawa naman siya pero nagkwento din. Close friend pala nila si Blaire. Siya pala ang nagsilbing tour guide nila dati ni Sam nung nangangapa pa sila sa US. Pero mukha talagang may gusto sa kanya si Blaire. I mean the way she look at him. Babae rin naman ako.
“Girlfriends?” tanong ko hoping na aminin niyang sila na ni Blaire.
“Maniniwala ka ba kung sasabihin kong wala?” saad niya na parang sinusukat ang tingin ko.
Napatawa ako ng mahina.
“No!” I answered.
He smirked.
“Wala naman talaga akong naging girlfriend.”
Napatingin ako sa kanya at talagang paninindigan niya ata na wala siyang naging girlfriends.
“Ok, I had flings. Dozens of them but they all knew, I don’t commit myself to anyone.” Paliwanag niya.
Di nalang ako umimik. So talagang playboy siya. Tsk! Was I one of them kasi pumayag akong may mangyari samin.
“Are you okay?” tanong niya after a while. Tumango lang ako.
Di na ako umimik hanggang sinundo na kami ng tour guide. Nagdinner pa kami sa nadaanan naming restaurant bago niya ako inihatid sa condo.
“Thanks dahil sumama ka kahit labag sa loob mo.” Saad nito nang nasa harap na kami ng unit ko.
I smiled.
“Yun nga palang pictures, pakopya muna ako bago ka umalis” request ko. Tumango naman siya at ngumiti.
“Upo ka muna diyan ipagtitimpla lang kita ng kape.”
Zach’s POV
Napapangiti ako habang nakaupo sa couch at hinihintay ang kape na tinitimpla niya.
Napadako ang tingin ko sa picture na nakapatong sa display cabinet.
“Here’s your coffee.” Sabay abot niya sa tasa ng kape.
“Nicasia, saan mo nakuha yang picture na yan?” itinuro ko ang nakapatong na frame sa display cabinet.
She looked at me puzzled.
Paano ba naman kasi yung picture na sinasabi ko ay picture niya noong high school during her violin recital. Bakit ko nga ba tatanungin kung saan niya nakuha eh picture niya yun?
“Nevermind!” dagdag ko nalang. Baka nga kapareho lang.
Napapailing naman siyang pumasok sa room niya. Paglabas niya dala na niya yung laptop niya. Kinopya niya ang mga pictures sa camera ko.
After niyang mai-save. Nagpaalam na rin akong umuwi. Baka kung magtagal pa ako doon ayoko nang umuwi pa.
Pagdating ko ng kotse. Hindi ko muna inandar, titingnan ko lang muna ang mga pictures na kinuhanan ko kanina. Madami kasing stolen shot si Nicasia dito. I’m sure nakita na niya nung nagkopya siya.
Napahilamos ako ng mukha nung makitang wala ni isang mukha ni Nicasia ang nandito sa cam. She erased it!
Nics’ POV
Wala pa yatang sampung minuto nang makaalis si Zach nang may nagdoorbell. Agad ko itong binuksan at nagulat ako nung makita si Zach. Ngunit mas ikinagulat ko nang hatakin niya ako at hinalikan ng mariin. Before I could even react, he slid his tongue into mine and gently teased me. Napahawak ako sa batok niya at tuluyan nang bumigay sa mga halik niya. Then, he let go.
“That’s the price for erasing all your pictures in my camera.” He said then went straight to the elevator.
I was dumbfounded.
_________________
[A/N: Hope, I can update three more chaps this week bago tuluyang maging busy-busyhan sa work. Thanks for reading and for all the votes!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro