Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Two

 

 Parang di pa rin ako sanay i-drive tong kotse ni Zach. This is the third day na di siya nagpakita. Hopefully, he’ll appear tomorrow. He is calling and texting naman at night pero halatang pagod siya kaya kina-cut ko nalang ang usapan.

I’m on my way to Zeb’s new restaurant, opening kasi ng new branch niya and this time magkasosyo na sila ni Josh. I’m happy for them. They seem to be happy together.

“OMG Nics!” bungad sa akin ni Zeb, itinakip pa niya ang kamay sa bibig. I looked at him puzzled. Exaggerated kasi ang reaction niya eh dalawang araw lang naman kaming di nagkita.

Saka ko lang narealize kung bakit ganun ang reaction niya when he came near at hinaplos pa ang kotse ni Zach.

“Bakit na sayo ang kotse ni cousin?”

OMG talaga! Ako naman ata ang di makareact. Nakalimutan ko kasi na talagang makikita to ni Zeb.

“C’mon sinagot mo siya agad? Hindi ka man lang ba nagpakipot konti. Gosh you’re so desperate!” he rolled his eyes.

Pinalo ko naman siya sa braso.

“Nakalimutan ko kasi na naiwan pala yung car ko sa bar kaya iniwan niya yang kotse niya at siya na daw ang bahala sa kotse ko.”

Tinaasan niya ako ng kilay.

“Kotse nakalimutan? Bakit ano bang ginawa niyo na nakapagpalimot sayo ng mundo mo?”

“Yun yung nag-bar tayo at hinila niya ako. Kumain lang kami noh!” iwas ko at nauna nang naglakad papunta sa bukana ng restaurant kung nasaan ang ilang kaibigan at kakilala.

 “Hello, mag-asawa na ba kayo para magpalitan kayo ng kotse?” untag pa rin nito.

Nagmadali akong lumapit sa kumpol ng tao handa na kasi ang lahat para sa ribbon cutting.

“Hi Tita!” bati ko sa Mommy ni Zeb. Hindi isinama ni Tita si Tito John dahil baka makahalata ito kina Zeb at Josh.

“Gaga, di pa tayo tapos!” bulong naman ni Zeb na nasa tabi ko na pala. I just stucked out my tongue. Hahaha, parang bata lang. Sinenyasan na siya ni Josh kaya pumunta na siya sa harap. Mamaya tatakas ako para di kami magkausap. Aasarin lang ako niyan eh.

Andito ang ilan naming friends nung college. Inimbita niya pala. Sa kanila ako nakitable. Kamustahan lang about life. At siyempre, kinantiyawan na naman ako dahil single pa ako. Ano pa nga ba?

Nung lumapit si Zeb, marahan niya akong kinurot as if to remind me again na mag-uusap pa kami pero nung nakita kong busy na siya sa ibang bisita, agad akong nagpaalam sa mga kasama ko at kay Tita Lindz na mauuna.

Pagkarating ko ng condo, tinatawagan na ako ni Zeb pero di ko sinagot. Nag-ring ulit pero hinayaan ko lang. Nung pangatlong ring, inangat ko na.

“Kasi naman eh!” inarte ko.

“Kasi naman, ano?” napatayo ako nang marinig ang boses ni Zach. Gosh! I thought si Zeb ang tumatawag, si Zach pala.

“Ha? Wala! Hehe! Punta ka ba dito bukas?”

“Hmm, why? Miss me?” tudyo nito. He sound tired again.

“Di noh, yung kotse ko kasi gagamitin ko.”

“Oh, anong problema, andiyan naman yung isang kotse di ba?”

“Sa ‘yo naman to eh.” I sighed.

“So? There is no problem with that. What is mine is yours, too!”

Yun oh! Haha!

“Uuwi kasi ako ng Sta. Ines. Di ba sabi mo three days ka lang magiging busy?” I heard him laughed.

“Miss mo na talaga ako noh? If you want,  I can come at your pad now kahit medyo pagod ako.” Tudyo nito.

“Hmp! Hindi noh! Kapal mo! Kahit isang taon ka pang di magpakita sa ‘kin!” ingos ko. I heard him sigh. Oh! Em!

“Are you still there?” untag ko.

“Yeah, I’m still here. Sige, I’m tired! Tulog na ‘ko.” Malungkot na saad nito and the line went dead.

Hala! Nagalit ata. Hmp! So what!

Pagcheck ko sa inbox ko, andami nang text ni Zeb.

“Hoy Bruha!”

“Bat ka tumakas?”

“Humanda ka pag nagkita tayo!” kakatakot naman. Hehe!

“Bat di ka text?”

“Bat busy ang line mo?”

“Kausap mo si Zach?”

“Kayo na?”

“Landi, di man lang nagpakipot” Seriously? Loko talaga to.

Eto ang matindi: “Nagsex na kayo noh?” Hmp! Kung diko lang talaga kilala tong si Zeb.

Hmp! Sagutin ko nga ng bongga.

“Oo! Buntis ako!”

I waited for his reply.

“OMG! O.O Ninang ako!”

Haha! Loko talaga si Zeb.

.

.

.

.

.

.

.

Ala-una na ng hapon wala pa rin si Zach. I’ve been calling his phone but it’s turned off. Kailangan ko na talagang bumiyahe papuntang Sta. Ines. It’s a five-hour drive at ayokong gabihin. Magne-new year na baka marami nang magpapaputok sa daan delikado na.

.

.

.

.

.

Sa gate palang tanaw ko na sina Mama, Papa at Kuya na nasa maindoor ng bahay.

“Where’s Zach?” bungad ni Mama pag akyat ko sa main door.

“Po? Bakit pupunta ba siya?” tanong ko.

“Oh, I thought kasama mo. Isn’t that his car?” turo nito sa sasakyang gamit ko.

“Ma, conjugal property you know!” tudyo ni Kuya.

I heard kuya Niccolo and Dad chuckled. Sabi ko na nga ba walang kamatayang kantiyaw na naman ito. Si Zach kasi. Hmp!

“Ano ba kayo, tigilan niyo nga itong si Nicasia. Let her be happy! Matagal niya ring pinangarap yan!”

Mas lalong natawa sina Kuya at Papa. Si Mama akala ko naman kakampi sa akin, nakipagtulungan pa sa dalawa.

Nauna nalang akong pumasok. Dumiretso kami sa kusina. Wala kasi yung kasama nila Mama dito sa bahay dahil umuwi din sa kanila kaya kami ang maghahanda ng lahat para sa medya noche.

“Alam niyo ‘Pa, ‘Ma panay ang kantiyaw ng mga kasama namin sa site kay Zach dahil pink daw ang kotse niya.”

Napatingin ako kay kuya na kasalukuyang nag-iislice ng isasahog para sa lulutuin ni Mama.

“Lumipat ka na sa kumpanya nila kuya?”

“Oo last month pa, binigyan niya kasi ako ng project na di ko matanggihan.” Nakangiting saad nito.

“Ituloy mo na yung kwento mo.” Singit ni mama. Haisst! Si Mama talaga.

“Pero di ko pa nakikita yung kotse na sinasabi nila, tapos sabi niya ‘sa asawa ko yun! Inggit lang kayo’ Hahaha!”

Napatawa naman sina Mama at Papa.

“Tapos nung makita niya ako bigla siyang tumahimik. Nagtaka ako kaya tiningnan ko yung kotse na sinasabi nila, haha kay Nics pala!”

“If I know, imbento mo lang yan kuya.”

“Eh bat ka nakangiti? Kilig ka?” binato niya ako ng sliced potato buti nalang nakailag ako. Tawa naman ng tawa sina Mama at Papa.

“Dream come true!” kinurot naman ako ni Mama sa tagiliran.

“Dad oh, niloloko nila ako.” Para naman akong batang yumakap sa likod ni Papa at nagtago. Napuno ng tawanan nila ang buong kusina.

But seriously kahit minumurder nila ako. Masaya pa rin ako. I want a family like this pag nag-asawa na ako. Ugh! Crap! Bat may ganun na akong naiisip.

Natahimik kami nang tumunog ang CP ko. Agad ko naman itong kinuha sa bag ko. It’s Zach. Ngayon lang niya naisipang magparamdam.

“Hey!” bati ko saka naglakad papuntang sala.

“Hi babe! Pakibukas yung gate.” Naningkit yung mata ko. Ano daw?

“What are you saying?”

“Andito ako sa labas ng bahay niyo, what’s the password combination?”

Umakyat ako at lumabas sa main door. Natanaw ko ang kotse ko sa labas. Andun nga siya.

“Babe, I’m waiting!” saad niya sa kabilang linya.

“86190712”

Nakangiti siyang umakyat.

“Bakit naka-off yung CP mo kanina?” tanong ko.

“I’m sorry babe dead batt!”

He smiled and immediately kissed me on the cheek.

“Stop calling me babe, I’m not your girlfriend!” asik ko.

“Huh? Who says I want you for a girlfriend?” he said at nauna nang pumasok. Shocks! Does he mean it? Nakakasakit na siya ah.

“Halika na!” hinila niya ako at inakbayan. Pinalis ko ang kamay niya. Kasasabi niya lang na ayaw niya akong maging girlfriend tapos aakbay siya. Tsk! Ano yun? Tsansing lang? Asa siya.

“Sandali lang!” Natigilan siya sa madiing boses ko.

“Di ba ibabalik mo lang naman ang kotse ko, so you don’t need to come in.” Kinuha ko ang susi sa bulsa ng jeans ko and handed it to him.

Inabot niya ito saka naglakad pababa sa sala. The nerve! Nagtuloy-tuloy pa rin siya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya

“Happy New Year!” –bati niya.

“Bayaw!” masayang bati ni Kuya Niccolo. Tumingin naman si Zach sa akin at kumindat. Seriously?

“Hi Zach!” bati ni Papa.

“Naku, di pa namin naluto lahat ng handa mamaya. Tulong ka nalang sa amin.” Nakangiting saad ni Mama. Si Mama so kapal. Hehe!

Nagtulong-tulong nalang kami sa pagpeprepare. At 11 PM, inihanda na nila kuya ang mesa sa likod malapit sa pool. May tent doon at maliwanag dahil maraming nakapaligid na lamp post sa pool area.

Naglabas si kuya ng mini-sound system para may music. Hehe! Shortly before kami mag-countdown, dumating ang girlfriend niya. May girlfriend na pala si kuya. Ngayon niya lang sinabi. Hmp!

“Wag ka nang mainggit!” bulong sa akin ni Zach sabay akbay. Napatingala ako sa kanya. Isa rin to eh. Bakit ba niya tinitingnan ang facial expression ko.

“Di ako naiinggit noh!” irap ko.

“Ok, wag ka nang magselos!” bulong ulit niya. Tatanggi pa sana ako pero idinikit niya ang isang daliri niya sa bibig ko para patahimikin ako.

“Wag mo nang itanggi. Ganyang-ganyan ka tumingin kay Blaire at kay Shernese!” Bigla siyang napaigtad dahil kinurot ko siya sa tagiliran. Tumatawa naman ito habang kinukurot ko pa rin.

“Oy, tama na yang harutan niyong dalawa! Malapit nang mag-twelve countdown na” putol ni Mama. Napasimangot naman ako na ikinatawa niya. Kasi naman harutan talaga?

3. 2. 1 Happy New Year!

I greeted my parents and kuya with a hug. Nagbeso din ako sa GF niya. In fairness, maganda naman siya at mukhang mabait.

Nagkatinginan kami ni Zach. Nagulat ako dahil bigla niya akong hinalikan sa lips. It was a smack but I felt his wet lips brushed mine. I blushed nang makitang nakatingin sila sa amin. Pero tumawa lang si Zach saka nakipag-appear kay Kuya.

We all sat on the grass to watch the fireworks display na inihanda ni Kuya.

“Ang tagal naman nung akin!” saad ni Zach.

“Anong sayo?” baling ko.

“Yung fireworks na ibinigay ko kay Kuya Nicco.” Nakangiting saad niya.

“Eto na Zach!” sigaw ni kuya. Tumingala naman kami.

Napamulagat ako. The fireworks started to spell out N-I-C. Akala ko A ang susunod na letter pero S pala and then it ended.

Napasimangot ako.

“Why? Don’t you like it?”

“Gusto, pero bakit Nics?”

Eh di ba nga Nicasia ang tawag niya sa akin. Hmp!

“Mahal kasi ang per letter.” Natatawang saad niya. Hinampas ko naman siya sa braso at inirapan.

“I just don’t want to spoil your night, eh di ba ayaw mong tinatawag kita ng Nicasia?”

Hmp! Mas sanay akong tinatawag niyang Nicasia. Tumayo nalang ako at pumunta sa hapag para kumain. Sumunod naman sila. Kwentuhan lang kami at tawanan.

3 AM when we decided to go to sleep. Dito na matutulog si Zach at yung GF ni kuya.

I was about to sleep when I heard a knock on my door.

“Can I sleep here?” bungad ni Zach pagbukas ko ng pinto. Nakaligo na ito at nakapagpalit ng damit.

“Are you serious? Di pwede noh!”

“Sinong nagsabi?” tanong nito sabay pasok. Iniwan ko namang nakabukas ang pinto baka kung ano pang isipin nila Mama pag nakita nilang pumasok siya dito.

Humiga siya sa kama.

“Uy, tayo ka nga di ka pwede dito.”

Tumayo siya at hinila ako pahiga sa kama. Shocks! Di naman ako pwedeng sumigaw.

“Oo, madali lang naman akong kausap. Magkwentuhan lang muna tayo.” Saad niya. At tumagilid paharap sa akin. Itinukod niya ang kanang kamay sa ulo niya.

“Ano namang pagkukwentuhan natin?” Umupo ako at sumandal sa headboard. Tumabi naman siya sa akin.

“Hindi naging kayo ni Zeb?”

Napatingin ako sa kanya.

“That was so stupid of me to think na kayo tapos pumapayag kang manlalake siya.”

I smiled. Narealize na pala niya.

“He’s my bestfriend since college.”

“Yeah, I’m sorry for what I’ve said.”

Tumango lang ako. I yawned.

“Antok ka na talaga?”

Napatango ulit ako. He smiled.

“Sige na nga matulog kana. Goodnight!” He kissed me on the forehead at tumayo na.

“Please lock the door.” Bilin ko. Tumango naman siya.

“Nicasia” tawag niya bago siya tuluyang makalabas ng pinto.

“Sleep well, I love you!” then he went out and locked the door.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro