Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven

Nics POV

Madilim na nang magising ako.

Pagkatapos maligo bumaba na ako para maghapunan.

Nagulat ako nung makita sa dining area si Zach. Di pa rin pala ito umuuwi.

"Oh gising ka na pala, tamang-tama kakain na."-bungad ni dad.

Dumiretso naman ako sa upuan ko. Si Zach nakapwesto na rin sa tabi ko.

"Ma, si kuya?"-balak ko kasing sa kanya na sumabay pabalik ng Manila.

"Nauna na siyang bumalik ng Manila kasi tinawagan ng boss niya kanina, may kailangan siyang bisitahin na site."

Napatakip ako ng bibig.

"Kaya nga tinanong ko tong si Zach kung pwedeng isabay ka na niya pabalik ng Manila."

OMG! Si mama talaga. Ngayon alam na ni Zach na di talaga ako dito umuuwi. Tumingin ako sa kanya, nakangiti naman ito. Pansin kong iba na ang suot niyang shirt.

"San ka kumuha ng damit?"-wala sa loob na tanong ko.

Ngumisi naman ito then winked.

"Boy scout!"

Napataas ang kilay ko. Hangin talaga kahit kelan. Kumain nalang ako ng tahimik. Sila naman kwentuhan lang.

Pagkatapos ng dinner. Nagpaalam na kami ni Zach na babalik na ng Manila.

.

.

.

"Why did you ask me na ihatid kita dito sa Sta. Ines instead na sa Condo mo?"-nakangiti nitong tanong habang nasa biahe kami.

"I just wanted to visit my parents."

Napangisi ito.

"Oh bakit ka natatawa?"

Ngumiti ito ng malapad.

"Well I just figured, you wanted to spend some time with me kaya sa malayo ka nagpahatid."

He teasingly smiled and glanced at my direction.

"Hindi lang pala kayabangan ang nasalo mo, ano? Pati kakapalan ng mukha?!"

Tumawa lang ang loko.

"I like your get up today." He said then glanced at my legs. Oh my! Bakit ko ba naisipang magshort-shorts?

"Are you trying to seduce me?"

"What?!" Uminit bigla ang tenga ko sa narinig ko. He's really unbelievable!

"Hahaha you're blushing! I was just kidding! Haha! Look at your face!"

Kakainis talaga!

"Pakibaba nalang ako diyan sa gasoline station."

Natigilan siya.

"Why?"

"Magpapasundo nalang ako kay Zeb." -inilabas ko na ang phone ko and dialed Zeb's number. Naiinis na talaga ako sa taong to. I can't stand to be with him. The way he laughs is just so irritating.

"Hey, I was just kidding!" Itinabi niya ang sasakyan saka inagaw ang phone ko at ini-off.

"Give that back to me!"-angil ko pero ibinulsa na niya.

"I was just kidding, ok!"

I didn't answer at tumingin nalang ako sa labas ng sasakyan. I heard him sigh before he started the engine.

Wala na kaming imikan hanggang Edsa.

"Where will I drop you off?"-he cut the silence.

"Alexandra Condo along Meralco Ave"

.

.

.

.

"I'm sorry for what happened earlier." He said when he stopped the car.

Ngumiti ako ng tipid.

"Sorry din for over reacting! And thanks for the ride." I said then stormed out of the car.

Zach's POV

Sinundan ko nalang siya ng tingin habang papasok ng building.

Nabadtrip siya sa pagbibiro ko kanina kaya tumigil nalang ako.

Baka nga nabastusan na siya sa akin. Ang sarap niya kasing asarin. Ewan ko ba kung bakit natutuwa ako pag nakikita siyang naiinis.

Well, I admit she really looks hot in her short-shorts. Kahit naman sinong lalaki pag ganun kasexy ang kasama sa sasakyan, maseseduce sa kanya. Dinaan ko na nga lang sa biro to ease the tension building up inside me kaso nagalit siya.

I was driving back to my place nang maramdaman kong parang may makapal sa bulsa ng pants ko. Shit! Nasa akin pala ang CP niya. I forgot to give it back. Siguro naman gising pa siya.

Bumalik nalang ako sa condo niya. Buti pinapasok ako ng guard nung ipakita ko ang ID ko at sinabi pa ang unit niya.

I pressed the doorbell thrice and waited for her.

Napalunok ako when she opened the door. She's wearing a negligee for christ'sake...

"You forgot to wear your robe." I said and look at other direction. She blushed at nagmadaling pumasok sa room niya. Napailing nalang akong tumuloy at umupo sa couch.

In fairness, maayos at malinis ang unit niya. Everything is in place. Napansin ko ang isang piano sa gilid may nakasabit ding gitara at violin sa katapat nitong wall. She's really into music.

"Ba't ka nga pala bumalik?" She's already wearing a robe pero diko pa rin maalis sa isip ko ang katawan niya behind that robe. Medyo transparent kasi ang maiksing negligee na suot niya kanina.

"Hey!" she snapped.

"Uhm, yeah I uhm came back to..." Shit! Bakit ba ako nauutal? Ilang katawan na ng babae ang nakita ko ngayon pa ako kinabahan. She waited for my answer. Kinuha ko nalang ang phone sa bulsa ko.

"Ay, oo nga pala nawala sa isip ko. Thanks!" she said while getting the phone.

"Sige, aalis na ako."- I said at tumayo na.

Nics' POV

OMG! Bakit ba kasi diko naalalang ganun ang suot ko? Nakakahiya! Bigla nalang kasi akong naalimpungatan sa pag-doorbell niya.

Nakalimutan pala niyang ibalik ang CP ko. Nawala din sa isip ko.

"Sige, aalis na ako."-he said at tinungo na ang pinto.

Sumunod naman ako sa kanya.

"Yung kotse mo pala, ipina-tow ko na kanina kaso di nila maayos dahil wala yung susi."

I was speechless.

"Akin na yung susi at idadaan ko sa automotive shop para maayos na nila hanggang bukas."

"Agad-agad?"

"Yeah, it's a 24-hour shop."

Napatango ako.

"That's too much! Ako nalang magdadala bukas."

"Ayos lang madadaanan ko rin naman yun pauwi, it's along ortigas."

Wala na akong nagawa kundi ibigay ang susi. He gave the name of the shop saka umalis na.

Napasandal ako sa pinto. I felt a little guilty, mabait din pala siya. Medyo bastos lang minsan.

.

.

.

.

.

.

After lunch the following day ko na naisipang pumunta na ng auto shop para tingnan ang kotse ko.

"Ma'am ok na po pwede niyo na pong kunin."-saad ng isang empleyado ng shop sabay abot ng susi. Andito ako sa maliit na office nila.

"Do you accept card wala kasi akong cash ngayon?"

Napangiti ang empleyado.

"Ma'am ok na po, bayad na po."

"Ha?" I looked at him puzzled.

"Binayaran na po ni Sir Pogi!"

Napamaang ako. Why did he pay for it? Sobra na yun. Paano ko ibabalik yung bayad niya. I don't even know his number.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro