Chapter 25
“Jah, may I take this dance?”
I'm standing here with my blue dress, another dress I choose from my wardrobe of dresses my brothers bought as a gift.
Here again in front of Terry asking for my hand to take his lead for this last dance. This is the last day of this traditional ball and also the last day of this week of funfair.
After waking up from that memory, I know something changed when I found out who TeyTey is. My bestfriend. I assumed again that he's my bestfriend, it maybe not. That childhood friend is non other than Terry who I didn't even recognize.
Hindi niya alam na naalala ko siya, hindi ko rin alam kung naalala niya ako. I'm sure he feels something kaya ako ang napili niya maging dance partner ulit after the first one. The first reason is because he's comfortable, but this time I know it's different.
Should I call him with the nickname I gave him? Alam ko hindi ko iyon binigay, ganun lang tawag ko kasi hindi ko ma-bigkas ang letter R sa pangalan niya.
“Yes.” Nakangiti kong tinanggap ang kamay niya. Now that I know why he's giving this familiar feeling when I got to know him, It felt more comforting aside from my first impression of him being intimidating.
“It's weird that I choose you again, right?” He asked with his small smile. Mukhang nahihiya siya na ako na naman ang pinili niya. It's understandable, hindi kami masyadong nag-uusap sa classroom kaya bakit nga ba ako ang nilalapitan niya.
“It's not weird, TeyTey.”
I stopped my self from crying again. Parang may bumara sa lalamunan ko nang bigkasin ko ang pangalan niya eh, it's like finally I called that name after years of forgetting.
Napatigil siya sa pag hila sa akin habang nakatitig sa mukha ko, mata niya na unti-unti ay kumikinang sa namumuong luha. He looks confused yet relieved at the same time.
He remembers me.
Marahan kong ipinatong ang mga kamay ko sa balikat niya –as what I have been doing since I was a kid, kakaiba lang ay mas matangkad siya nang kaunti sa akin.
“You remembered,” he said with his tears streaming down, tumango ako habang pinipigilan na tumulo ang luha ko dahil naka mask ako na siyang mahirap punasan.
“I did, when you were carrying me to kuya Saun's car.” I laughed a little embarrassed of what happened. Nagising ako sa bisig niya, hinahatid ako sa kotse na ginamit namin papunta ng event.
To Saun's explanation kailangan ay siya ang kumuha ng kotse dahil si tito ay may kinausap. I know Tito Daniel did something about that suspicious waiter, hindi iyon pinapalampas kung ano man ang nangyayari sa akin.
He did warn me about it.
I'm aware that he will not standby when my safety is shaken. Kung sino man ang kahina-hinala ay hahanapin niya at aalamin kung sino ito.
“I'm sorry if nahuli akong maka-alala.” Malungkot ko na ngiti sa kanya, umiling lang siya at nagsimula ng lumakad nang marahan. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa baywang ko, nakangiti habang nakatingin sa akin.
He's breathing heavily, like he's also trying to calm his self from crying. I know reuniting is quite an emotional situation. It's funny that we reunited with dancing when it was the last thing we did before parting ways.
“No, I'm sorry that I only recognised you when we danced that night.” Gulat akong nakatingin sa kanya habang natawa sa mukha ko, hindi ako makapaniwala na hindi niya ako na mukhaan.
Naiintindihan ko naman dahil ibang-iba ako dati pero naalala lang niya ako dahil sa sayaw? Kung hindi kami nagsayaw edi hindi na niya ako maaalala? Anong masasabi ko eh iyon ang huli naming ginawa.
“You're still the same.” He laughed and swayed me together with the beat of the music. Napatawa na rin ako habang ninanamnam ang magaan na emosyon na nararamdaman ko ngayon.
It feels so nice that in some way, I'm not totally new in this new environment.
“It's been 5 years.” He said as he twirl me. Nagbilang naman ako sa utak ko at napatango, it is five years.
“I missed playing with you.” I said. Naalala ko wala akong masyadong kalaro sa America, dahil nga malaki akong bata walang lumalapit sa akin. I did have one friend.
I don't even want to call it a friend, she betrayed me. The whole class did.
“I missed you too, Jah.”
We just stared at each other while dancing. Just by watching his eyes smiling, memories of me together with him started to come back. Mostly laughing with him and other kids who I still can't remember, maybe in the process I'll get to know them.
Natapos ang music na nagtatawanan kami, nagbibigayan ng mga memorya na inaalala namin. It was a fun childhood, it's strange that my brain decided to forget all of it. May nangyari ba noon kaya nakalimutan ko?
“Let's catch up more when school comes.”
Nakangiti akong tumango sa sinabi niya, hinatid niya ako sa lamesa namin kaya may huling sabi pa siya. Nakangiti naman itong bumalik sa upuan niya, nakatingin lang ako sa likod niya habang sa nakaharap siya sa akin. Tumango lang kami sa isa't isa habang hindi mawala ang mga ngiti sa labi namin.
“Anong ngiti iyan?” napalingon ako kay Jess na bumulong sa tenga ko, nakataas ang kilay niya habang may ngisi sa labi niya. Lumaki ang ngiti ko at napailing na lang, nakakatawa na iba ang iniisip niya pero matalik ko palang kaibigan ang kanilang kaibigan.
“Katatapos mo lang mag-sayaw?” tanong ko habang hinahanap ang dance partner niya, tumango naman siya. Hinila niya ang upuan niya papalapit sa akin, masyadong malapit sa puntong magkalapit na ang mga balikat namin.
“Umamin ka noh?” taas baba ang kilay niya habang sinusundot ang pisnge ko, napatawa ako habang iniiwas ang mukha sa kanya. Tumigil siya nang makarating sila Zel at Keanna, hinahatid na rin ng kanilang mga dance partner.
“Zel! Nakangiting in-love ang isang ito!” sigaw niya habang sinusundot pa rin ang pisnge ko, natatawa akong umiling habang winawagayway ang kamay ko sa kanila.
“Hindi iyon!” depensa ko, napalingon na rin ang mga ibang lamesa na nasa malapit. Napalingon ako sa lamesa nila Terry at napahinga nang maluwag ng hindi man lang nila narinig ang sinabi ni Jess.
It's not in-love, it's heartwarming!
“Jess stop!” sabi ko habang tumitili na sa tabi ni Zel, sinsabi ng kung ano na hindi naman totoo. Napakamot na lang ako sa noo ko at tumayo para pigilan siya sa kung saan pa mapunta ang storya niya.
“I'll explain, please stop.” Hinihila ko na si Jess paupo sa upuan niya, si Zel naman ay litong-lito habang lumalakad sa upuan niya. Keanna is just there witnessing what's happening in front of her.
It took a minute for Jess to stop making scenarios and for Keanna to start questioning her. Napatingin na lang ako kay Zel, humihingi ng tulong na agad niyang tinugunan.
“Jess, Keanna, can you please listen up?”
Agad na tumahimik ang dalawa at tumango na parang mga bata. I mouthed thank you. Huminga ako nang malalim at napangiti na naman ng maalalang bumalik ang memorya ko, kahit kaunti lang ay masaya na ako.
“He's my childhood bestfriend.”
“Eh!” Napatayo si Jess sa gulat at pagtataka, hinila naman siya pa upo ni Zel. Biglang tumahimik ang mga table na malapit sa amin eh, nag-sorry ako sa kanila.
“Paano? You're from America!” sabi niya habang iniisip kung paano nangyari na mag kaibigan kami ni Terry. I explained them how it happened with what I have remembered.
Naging bestfriend kami after being introduction by our parents every after weekend meeting ng mga kapitbahay. It took two weekends of meeting bago kami nag open sa isa't isa.
In my memory he was hard to approach, napaka silent niya na kapag dinadaldal ko ay tango lang ang binibigay niya. Once a year ang vacation namin dito sa pinas kaya apat na weekends ang meeting namin, it grew strong dahil nga for that small time we didn't waste time.
Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ang tingin ni Zel sa akin, sumesenyas na lumingon ako. Hindi ako lumingon at nagtatakang tinanong, nakita ko ang pagsilip ni Jess at ang pagngisi niya.
“Why don't you go and sit with Terry,” suhestiyon ni Jess habang tinutulak ng mahina ang kamay ko. Alam ko sa sarili ko na gusto kong kausapin si Terry tungkol sa mga bagay na hindi ko maalala pero nahihiya ako magtanong.
Maayos sana kung dalawa kaming magtatanong sa isa't isa pero mukhang ako lang ang magsasalita dahil nga iyon ang ugali niya noong bata pa kami.
“We just recalled our memories together,” paliwanag ko habang umiiling sa kanila bilang pagtanggi. Hindi pa ako handa nang mahaba-habang pag-uusap kasama siya, masyadong mabilis kung ganon.
“Palipasin muna natin ang isang araw,” dugtong ko habang nakatingin sa kanila, pinapaintindi ang gusto kong ipahiwatig. Naramdaman ko ang pagbitaw nila sa kamay ko kaya napahinga ako nang maayos, akala ko ipipilit nila.
“We understand your feelings Jah.” Jess sighed and nodded at my reasons, despite the determination on her face she choose to respect my decision. Sumabay rin Zel at Keanna na hindi naman nakatingin sa akin dahil naglalaro ito sa gadget niya.
“Then, how are you gonna stop him from melting you?” Problemadong tanong ni Zel habang nakakunot ang noo na nakatingin sa bandang likod ko, mukhang may bumagabag sa kanya.
Mukhang mayroon nga dahil kanina pa ako nakakaramdam na parang may naka tingin sa akin, sino naman at para ayaw ako tantanan sa titig niya na unti-unti ay nararamdaman ko na.
I'll be assuming if it's Terry.
Kuya Saun is expected now that tito Daniel is not with us. Nagpaalam siya na may trabaho siya sa office ngayong gabi kaya kailangan niyang iwan kami, susunduin naman niya kami dahil nasa kanya ang kotse.
“Bakit, anong mayroon?” I asked instead of facing what she's seeing behind me.
“Boy Bestfriend mo, mukhang gusto ka niyang kausapin.” Ngumuso siya para ituro kaya napasilip ako sa likuran ko, napaiwas ako ng tama nga na siya ang nakatitig sa akin.
He's still wearing his mask together with his white prince outfit. I remember him wearing that in a party. The I meant color not the clothing, of course he can't wear what he has way back when we are little.
“You two should talk. There's a lot of time to waste, use it.” Final na sabi ni Zel at itinataboy na ako papunta sa tabi ni Terry. Sinilip ko si Terry at halatang hindi na talaga titigil sa titig niya sa amin, tumayo na lang ako dahil wala naman akong magagawa.
Kaysa ma-awkward ako sa tingin niya lalapit na lang ako, sigurado akong hindi rin ako titigilan ng dalwang iyon.
Naglakad ako papunta sa gilid ng table nila. Nakatingin pa rin sa akin si Terry na unti-unting lumalawak ang ngiti niya, sinadya niya ata na ma-bother ako para puntahan siya.
“Terry, mukha kang nakakita ng maganda ah.” Papalapit na ako at narinig ko ang pabirong puna ni kuya Saun, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya alam na ako ang lumalapit. Hinawakan ko ang balikat niya na agad niyang ikinatingala sa akin.
“Oh, Netnet!” Ngiti niya at hinawakan ang kamay ko sa palad niya, napatingin ako sa mga kasama niya dito sa table. Just Cullen, Darvin, Terry, and him. Limang upuan ang dito pero dahil nga wala si tito kaya bakante ito, hinila ko ito papalapit sa akin.
“May kailangan ka?” tanong niya pagkaupo ko, nakahawak pa rin sa kamay ko. Napailing ako sa kanya at tinapik-tapik ang kamay niya, wala atang plano bumitaw.
“Wala naman,” bugtong hininga ko at tiningnan si Terry na nakangiti pa rin sa akin. Napa-irap na lang ako dahil pinapakita niya talaga na ako ang tinitingnan niya kanina pa.
“Kakausapin lang itong kaharap mo,” itinuro ko si Terry gamit ang hinlalaki ko habang nakaharap na ulit kay kuya Saun. Binigyan naman niya nang matalim na tingin si Terry at ngumiti sa akin, akala mo naman hindi ko nakita.
“Bakit, kinukulit ka niya?” tanong niya sa nang hahamon na tono, pinatunog pa niya ang mga daliri niya kaya itinulak ko ito pababa sa lamesa.
“Hindi kuya, catching up lang sa bestfriend.”
Napakunot ang noo niya habang ako ay ngumiti lang at hinarap si Terry. Nakita ko ang pag palit niya nang tingin sa akin at kay kuya Saun, may galit ata kay kuya Saun.
“Bestfriend?” rinig kong bulong ni kuya Saun sa sarili niya, hindi ko na sila nilingon pa at baka ma hotseat ako dito bigla.
დ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro