
Chapter 24
“Good job insan!”
Masiglang sigaw ni Saun habang si Keanna ay nakasunod sa kanya. Ngumiti ako sa kanila na kasabay naming natanggal sa round six ng laro, natanggal dahil naunahan.
“You did well.”
Compliment ni Terry pagkatapos niyang tapikin ang ulo ko. Iniwan niya akong tulala sa ginawa niya habang siya ay umupo na sa kanyang pwesto sa lamesa namin.
“Gutom ako,” reklamo ko matapos kong titigan nang matagal si Terry, na baka sakaling masagot ang mga tanong sa isip ko. Hinila ko na lang si Keanna para sumabay sa akin kumain. Sumunod naman si Saun na nakabantay sa amin sa likod.
Mabuti lang at hindi siya nag tanong sa akin, alam ko may napansin si Saun sa akin. Siya ang pinaka matalas ang mata, alam niya kung may mali. Lalo na at ngayon na bantay sarado ako, kaya kung ano man ang nakita niya ay kailangan hindi siya bigyan ng oras para mag-isip, may mahahanap siya doon.
“Ate, baka naman maka-share ka kung ano ang ganap niyo ni kuya Terry kanina.” Napatigil ako sa tanong ni Keanna, kanina pa niya ako kinukulit. Anong isasagot ko sa tanong niya? Na titigan lang at munting silip ang nangyari sa amin?
“Wala naman,” Hindi na kumibo si Keanna kaya nilingon ko siya. Nakangiti ito nang malawak habang naka tingin sa akin, kunot noo ko siyang tiningan. Ano naman ang iniisip niya at kung maka tingin parang may ginawa ako na kailangan malaman niya. Yung tipong ‘weh?’ ang dating.
“Weh?” napailing na lang ako at tama nga. Bumalik na ako sa lamesa ko, kasama sila Jess at Zel. Umiling lang ako sa kanya. Wala naman talagang ganap kundi ang kahihiyan na naramdaman ko at ang nakakalitong ikinikilos ni Terry.
Akala ko aalis na siya pagkarating namin sa lamesa pero hindi na ata babalik sa mga kaibigan niya na nasa kabilang side ng gym ang lamesa nila. Hindi na niya ako kinulit pa at si Jess na lang ang kinausap niya.
After the dinner ay nag pa games pa sila ng mga ilang laro, charades, pass the message, trip to Jerusalem, at marami pa na dinagdagan nila ng twists. Hindi na ako sumali ulit dahil hindi ko kaya ang energy na nilalabas nila, masyadong energetic.
Isang rason rin ay wala akong kasama na sasali sa games, hindi ako sanay na ako lang sasali na hindi man lang sasali ang isa sa mga kasama ko. Nasanay kasi na kapag may mga ganito ay kasama ko ang mga kuya ko.
Kaya buong gabi ng games ay nakaupo lang ako habang nakikinig sa mga cheers. Pa minsan-minsan ay may kwento sila Jess, mostly tungkol sa mga nangyari sa booth. Hindi kami nagkaroon ng oras para magkita sa dami ng mga dumalo.
Mabuti na lang at naging successful ang kinalabasan ng dalawang booth. Our horror booth and cafe gained a lot of positive review, being the most engaging hosts.
That's thanks to all my classmates being hands-on to customers that come and go. Hindi ako napapagod na pagsabihan sila tungkol sa costumer service, dapat masayang papasok ganun rin pag labas.
In two days pa naman ang awarding kaya hindi ko masyadong binibigyan pansin. This traditional ball they call is a rest day for all of us. The goal is to have fun and enjoy the activities of this seven days funfair.
I should enjoy too.
Kinabukasan ay isa na naman na portion ng party ang ginawa nila. Ang dance and singing competition. Each grade level ay may representative para lumaban sa ibang grade level, wala naman akong kilala sa mga sumali kaya panay palakpak lang ako.
Dalawang oras lang ay natapos rin kaagad ang competitions. Nakaupo lang kami ngayon habang nakikinig sa musika na pinapaandar nila. Katatapos lang namin ng dinner kaya nagpapahinga kami ngayon.
“Let's dance!” Aya ni Jess at masayang tumayo, hinila niya kami ni Zel papuntang dance floor.
It's eight in the evening. Most of us are already done eating and playing games on their mobiles. Ngayon ay naka-play ang malumanay na music, parang pang ball dance talaga.
“Hindi ba dapat partners?”
Napatigil si Jess sa pag hila sa amin nang mag tanong ako. Tama naman diba? Partner ang mga ganitong music. Tumingin ako sa paligid namin at tama nga na partners ang sumasayaw sa dance floor.
“Bawal ba na mag kaibigan?” tanong naman ni Zel at nakapamewang na sinuri lahat ng mga nakatayo, sumasayaw sila kasama ang mga partner o escort nila.
Nagtinginan kami, nag iisip kung tama ba na sumayaw kami na kaming tatlo. Unang reaction ay ang pagkibit balikat ni Jess, sumunod si Zel kaya wala na akong nagawa kundi sumabay na rin.
“What's wrong in having fun?” nakangiting saad ni Jess, natatawang sumang-ayon si Zel habang sumasabay sa music. Natatawa akong napailing sa magkaiba nilang sayaw.
“You're right.” Nakangiti kong sagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanila, nakatayo sa gilid ng dance floor. To be honest, I don't know how to dance alone. It's weird. Although I grew up witnessing parties, I never really participate dancing.
“Why don't you dance with them?”
Gulat akong napalingon sa biglang pagsulpot ni Terry sa tabi ko. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko inaasahan na siya na naman ang nagbukas ng usapan. Nakasilip lang ako sa kanya habang hinihintay kung ano ang gagawin niyang sunod.
He looks good. The mask didn't hide the fact that he is a good looking man, it added more emphasis on his aura; his intimidating demeanor the first impression I saw.
Blue suits him. He looks so composed like a royalty. The way his hairstyle is also adding charisma on him. Why does he always have this look that's like he's going to attract all the woman inside his radar?
For the past months he becomes more and more attractive, everyone notices it and points it out when they have the chance.
“Are you up for a dance?” bigla niyang tanong na nag pabalik sa akin sa wisyo. Napalunok ako habang naka tingin sa mukha niya, nag tama ang tingin naman nang humarap siya sa akin.
“Will you dance with me?” He asked again, this time offering his hands for me to hold. I stared at him, trying to gather all my thoughts on why he chose me as his first dance.
“The dance floor is open for slow dance!” Napalingon ako sa emcee na nakangiti sa gawi namin, namula ako at lumingon pabalik kay Terry. Paanong hindi mapapansin kung malapit kami sa gitna ng dance floor.
“Whooooo!”
“Their first dance!!”
“Tanggapin mo na!”
Unti-unti ay maraming nakakita sa amin at naghihiyawan na tanggapin ko na, marami sa kanila ay kinikilig na mga babae. If only they knew who I am and this person who's asking for my first dance, baka hindi sila ganyan kasaya na tanggapin ko ang kamay niya.
“You don't want to?” malungkot niyang tanong na parang nasaktan, agad kong tinanggap ang kamay niya bago pa niya ito maibaba. Ayoko ko naman siya ipahiya, ang kapal ko naman na tanggihan ang isang ito.
“Thank you.” Ngiti niya matapos niyang magulat sa biglaan kong paghawak sa kamay niya, na parang hindi niya inaasahan na tatanggapin ko ang alok niya.
“Wohow!”
Napayuko ako nang marinig ko ang mga sigawan nila sa bigla kong paghawak. Napasunod ako kay Terry na marahan akong hinila papuntang dance floor.
“That's my girl!”
Sigaw ni Zel habang natatawang tinatanggap ang suntok ni Jess, nagsasaya na gumana ang pang-aasar niya sa aming dalawa.
“Eyes here.” Bulong niya at naramdaman na lang na marahan niyang hinawakan ang baba ko paharap sa kanya. Nalilito ko siyang tiningnan sa mata. Nandito na naman ang kiliti na nararamdaman ko sa tyan kapag ganito siya. Anong ginagawa niya sa akin?
He looks so ready to have this dance.
What are you doing Terry?
“You're nervous.” He pointed out.
Oo.
Sobra.
Sinong hindi kakabahan kung ang kilalang hindi basta-basta kukuha nang ka sayaw ay ako pa ang pinili sa lahat nang nakapila sa kanya. Idagdag pa ang hindi ko maintindihan na nararamdaman sa'yo.
Yung puso ko parang sasabog. Hindi siya masakit kundi nakikiliti ako. Hindi ko alam ano ito Terry. Hindi ko alam bakit ganito.
“Should we start?” tanong niya, kasabay nang paghawak niya sa kamay ko upang ilagay sa balikat niya ay ang pagtugtog ng musika. Nakatitig siya sa akin habang ako ay hindi mapakali ang tingin sa isang pwesto.
Ramdam ko ang init ng kamay niya na nakapatong sa aking baywang. Napayuko na lang ako habang inaalalayan niya ako sa pag sayaw. Nanatili akong nakatingin sa mga paa namin para manatiling nakasabay. Nanatili kaming tahimik, sumasayaw lamang sa tugtog na sinimulan nila.
Ano ito Terry?
Bakit ako??
“I know you're asking yourself, why?”
Inikot niya ako matapos ang unang verse at hindi na nga nakapigil na mag salita. Hindi ako sumagot. Tumingin lamang ako sa mata niya, nagtataka kung bakit ako.
I know he saw me looking at him, glancing at him when every girl is approaching him. Paanong hindi ko makikita eh magkatabi lamang kami nang upuan.
“I'm comfortable.” He whispered like he himself can't believe it.
Napatigil ako sa pagsabay sa kanyang lakad, tuluyan na kaming napatigil sa kinatatayuan namin habang tinitignan ko nang mabuti ang mata niya. Anong ibig niyang sabihin?
Siya? Komportable sa akin?
“How?” naguguluhan kong tanong, binabalikan lahat ng mga interaction naming dalawa. Wala kaming matino na pagsasama. Plagi siyang naiirita sa akin kapag kinakausap ko siya. Lumalayo siya kapag hindi namin kasama si Jess at Zel.
We barely have conversations. Mostly stolen glances from me, small talks about our lessons or discussions, and nothing more.
I admit. He have a lot of stolen glances from me, but that's because I'm amazed of how everyone in the room crowds over him.
“Maybe because you don't really pay attention to me like others.” Mahina niyang saad habang nakahawak pa rin sa baywang ko, nag simula na siyang mag lakad ulit.
Sumabay na rin ako sa marahan niyang pag gabay sa aking katawan, nakapatong pa rin ang dalawa kong kamay sa mag kabila niyang balikat.
“Just that?” I asked. Not sure why but for some reason, it felt disappointing. Parang may inaabangan akong sagot pero hindi ko alam kung ano iyon, bakit nga ba ako makakaramdam ng pagkabigo?
Ito naman ang gusto ko diba? Ang maging kumportable siya sa akin para matapos ay magiging kaibigan ko na siya. Bakit ako nanghinayang? Ano nga ba ang gusto ko?
“Yes. I'm thankful that for once there is a person who's not heads-over-heels about me.” He smiled genuinely. I think my heart skipped.
“You're welcome, I guess?” I answered with a laugh. Trying to forget what my heart just did a second ago. I need to focus here. I know I'm feeling things, but I need to keep in mind that this is not the right time to fall.
Not until I make sure that he's in the same page as me.
Hinatid niya ako sa lamesa ko pagkatapos ng sayaw namin. Nakatulala lamang ako nang bumalik na siya sa tabi ni Saun. Marami akong tanong pero mag-isa lang ako sa lamesa dahil hindi pa tapos ang dalawa.
The dance was good, the conversion was bearable, and surprisingly I enjoyed his accompany. We talked about ourselves for a little, asking questions of what we want to know about one another.
Syempre siya ang dumala ng usapan. Ngayon ko lang nalaman na nag-iisa siyang anak, akala ko may kapatid siyang babae. Sa trato pa lang niya kila Jess at Zel ay naisip ko na may kapatid siya.
Another one that shocked me is that he is not a full blooded chinese—not even half, his one-fourth chinese because of his half mother.
Dalawa lang ang naitanong ko, hindi na ako makapag-isip ng iba. Sinilip ko sila at nakitang nag-uusap lang naman. Nagtaka ako nang makita ko ang pamilyar na emosyon sa mukha ni tito at Saun, gaya ng ginamit nila nung nasa banyo ako.
What are they talking about?
.
.
“May I take your order?”
May isang waiter na biglang sumulpot na handang isulat ang sasabihin ko. Tamang-tama ay nagugutom ako. Sinabi ko ang mga kailangan ko habang siya naman ay nagsusulat lang nang tahimik.
Tapos na akong nakatitig sa kanya, nagtataka na kakaiba ang mask niya. Hindi naman siya naka mask gaya ng mga suot namin, simple lamang ang suot niya na buong mukha ang natatakpan niya.
“Name?” tanong niya matapos niyang isulat ang mga napili ko. Nakatitig ako sa kanya nang ilang minuto, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba ang pangalan ko.
“Jahnette?” sagot ko, medyo alanganin. Napakunot ang noo ko. Bakit parang ang specific ng tanong niya? Dapat ba talaga ibigay ang pangalan?
Tumango siya at muling sinulat ang sagot ko sa maliit niyang notepad. Wala siyang sinabi pang iba, pero pakiramdam ko ay masyado siyang nakatutok sa akin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-iisip ng ganito o talagang may kakaiba sa kilos niya.
Tahimik siyang umatras, pero hindi agad umalis. Parang may inaantay. Bago pa ako makapagtanong, isang malalim na boses ang tumawag sa akin.
“Jahnette.” Agad akong kinabahan. Hindi dahil sa kanya, kundi sa paraan nang pagkakatitig niya sa waiter. Alam ko ang tingin niyang iyan, gaya lang siya doon sa tingin niya noong napansin niyang may kakaiba.
Napatingin ako pabalik sa waiter, pero—
Wala na siya.
“Sinong kausap mo?” tanong niya, naglalakad palapit sa akin. Lumapit na rin si Jess at Zel na nagtataka kung bakit nandito si Saun. Pabiro siya mag tanong pero ngayon alam mo na seryoso siya.
Kagagaling lang nila sa mga lamesa nila nang bigla silang lumapit, nahalata na masyadong seryoso si Saun na tinignan ang mga tao sa paligid. Nakatayo pa siya na parang handa na siyang lumaban.
“Waiter lang naman. Kinuha ang order ko,” sagot ko, naguguluhan. Hindi siya nagsalita ulit dahil abala siya sa paligid. Halos may mura siyang ibinubulong habang hinahagod ng mata ang mga tao.
Napalingon ako sa iba ng naging seryoso na rin sila. Hindi nagmumura si Saun na walang dahilan. Kinakabahan akong nakatingin sa kanya nang bumaling siya ulit sa akin.
“Anong tinanong niya sa’yo?” Sinilip ko ang iba pero mukhang hindi nila ako matutulungan, gusto rin nilang malaman.
“W...wala naman. ‘May I take your order?’ tapos—” Naputol ang salita ko. Kinakabahan akong nakatingin sa kanya, naramdaman na lang ang biglaang pag bigat ng titig nila sa akin. Nag tanong ulit si Saun.
“Name?” Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Tama nga siya. Bigla ko naalala ang bilin ni kuya sa akin. Huwag sabihin ang pangalan kung kahit kanino na hindi sila kasama.
“Jahnette,” ulit niya, pero iba na ang tono. Hindi simpleng tawag lamang, parang umaasa na hindi ko sinagot ang tanong nung waiter. Napatulala ako nang maalala ang patakaran nila dito.
Hindi basta-basta lumalapit ang mga waiter, hanggang sa hindi mo siya tinatawag. Bakit niya ako nilapitan?
At mas lalo pang nanlamig ang pakiramdam ko sa isang realization—
Siya ba ang nagbigay ng babala sa akin?
დ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro