Chapter 23
“Let's dance!”
Napalingon ako kay Jess na masayang tumayo upang hilain kami papuntang dance floor. It's seven in the evening. Most of us are already done eating and playing the games. Ngayon ay naka-play ang malumanay na music, parang pang ball dance talaga.
“Hindi ba dapat partners?”
Napatigil si Jess sa pag hila sa amin nang mag tanong ako. Tama naman diba? Partner ang mga ganitong music. Tumingin ako sa paligid namin at tama nga na partners ang sumasayaw sa dance floor.
“Bawal ba na mag kaibigan?” tanong naman ni Zel at nakapamewang na sinuri lahat ng mga nakatayo, sumasayaw sila kasama ang mga partner o escort nila.
Nagtinginan kami, nag iisip kung tama ba na sumayaw kami na kaming tatlo. Unang reaction ay ang pagkibit balikat ni Jess, sumunod si Zel kaya wala na akong nagawa kundi sumabay na rin.
“What's wrong in having fun?” nakangiting saad ni Jess, natatawang sumang-ayon si Zel habang sumasabay sa music. Natatawa akong napailing ng mag ka iba ang sayaw na ginagawa nila.
“You're right.” nakangiti kong sagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanila, nakatayo sa gilid ng dance floor. To be honest, I don't know how to dance alone. It's weird.
Although I grew up witnessing parties, I never really participate dancing.
“Why don't you dance with them?”
Gulat akong napalingon sa biglang pagsulpot ni Terry sa tabi ko. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko inaasahan na magsisimula siya ng pag uusapan namin. Nakasilip lang ako sa kanya habang hinihintay kung ano ang gagawin niyang sunod.
He looks good. The mask didn't hide the fact that he is a good looking man, it added more emphasis on his aura; his intimidating demeanor the first impression I saw.
Blue suits him. He looks so composed like a royalty. The way his hairstyle is also adding charisma on him. Why does he always have this look that's like he's going to attract all the woman inside a venue?
For the past months he becomes more and more attractive, everyone notices it and points it out when they have the chance.
“Are you up for a dance?” bigla niyang tanong na nag pabalik sa akin sa wisyo. Napalunok ako habang naka tingin sa mukha niya, nag tama ang tingin naman nang humarap siya sa akin.
“Will you dance with me?” He asked and offered his hands for me to hold on. Nakatulala ako sa kamay niya, trying to gather all my thoughts on why he chose me as his first dance.
“The dance floor is open for slow dance!”
Napalingon ako kay Pablo na nakangiti sa gawi namin, namula ako at lumingon pabalik kay Terry. Paanong hindi mapapansin kung malapit kami sa gitna ng dance floor.
“Whooooo!”
“Their first dance!!”
“Tanggapin mo na!”
Unti-unti ay maraming nakakita sa amin at naghihiyawan na tanggapin ko na, marami sa kanila ay kinikilig na mga babae. If only they knew who I am and this person who's asking for my first dance, baka hindi sila ganyan kasaya na tanggapin ko ang kamay niya.
“You don't want to?” tanong niya, he doesn't sound disappointed but rather embarrassed. Agad kong tinanggap ang kamay niya bago pa niya ito maibaba, gulat siyang nakatingin sa kamay ko na nasa kamay niya.
“Wohow!” Napayuko ako nang marinig ko ang mga sigawan nila sa bigla kong paghawak sa kamay niya. Napasunod na lang ako kay Terry na mahina akong hinihila papunta sa gitna ng dance floor.
“That's my girl!”
Napalingon ako sa boses ni Zel na natatawang tinatanggap ang suntok ni Jess. Nag thumbs up silang dalawa nang makitang nakatingin ako, napalunok na lang ako ulit at bumalik sa pagkakatingin sa daan.
“I can lead the dance,” bigla niyang sabi pag kaharap niya sa akin, nasa gitna na kami ng dance floor hinihintay na magsimula ang tugtog. Nalilito ko siyang tiningnan sa mata, he looks so ready to have this dance.
“You're nervous.” He pointed out.
Tumango ako nang mabagal, hindi maproseso ng utak ko kung ano ang nangyayari sa kanya. Sinong hindi kakabahan kung ang kilalang hindi basta-basta kukuha ng kasayaw ay ako pa ang napili sa lahat ng lumalapit sa kanya.
“Should we start?” tanong niya, kasabay nang paghawak niya sa kamay ko upang ilagay sa balikat niya ay ang pagtugtog ng music. Nakatitig siya sa akin habang ako ay hindi mapakali ang tingin sa isang pwesto.
Ramdam ko ang init ng kamay niya na nakapatong sa aking baywang. Napayuko na lang ako habang inaalalayan niya ako sa pag sayaw, nanatili akong nakatingin sa mga paa namin para manatiling nakasabay. Nanatili kaming tahimik, sumasayaw lamang sa tugtog na sinimulan nila.
I don't know what to say now that it finally sank in my head that this man invited me for my first dance. This man who is rumoured to be cautious of having someone to dance with.
“I know you're asking yourself, why?”
Simula niya matapos ang unang verse ng kanta, katatapos lang niya akong iikot at siguro hindi na niya nakayanan na hindi ko siya matingnan nang deretso sa mata.
Hindi ako sumagot. Tumingin lamang ako sa mata niya, nagtataka kung bakit nga ba ako ang kinuha niya sa lahat ng nakapila sa kanya. I know he saw me looking at him, glancing at him when every girl is approaching him. Paanong hindi ko makikita eh magkatabi lamang kami dahil nga we're checking on our booths' progress.
“I'm comfortable.” He whispered like he himself can't believe it.
Napatigil ako sa pagsabay sa kanyang lakad, tuluyan na kaming napatigil sa kinatatayuan namin habang tinitignan ko nang mabuti ang mata niya. Anong ibig niyang sabihin?
Siya? Komportable sa akin?
“How?” naguguluhan kong tanong, binabalikan lahat ng mga interaction naming dalawa. We barely have one. Mostly stolen glances from me, small talks about our lessons or discussions, and nothing more.
I admit. He have a lot of stolen glances from me, but that's because I'm amazed of how everyone in the room crowds over him.
“Maybe because you don't really pay attention to me like others.” Mahina niyang saad habang nakahawak pa rin sa baywang ko, nagsimula na siyang maglakad ulit.
Sumabay na rin ako sa marahan niyang pag gabay sa aking katawan, nakapatong pa rin ang dalawa kong kamay sa mag kabila niyang balikat.
“Just that?” I asked. Not sure why but for some reason, it felt disappointing. Parang may inaabangan akong sagot pero hindi ko alam kung ano iyon, bakit nga ba ako makakaramdam ng pagkabigo?
“Yes. I'm thankful that for once there is a person who's not heads-over-heels about me.” He smiled so genuine, I think my heart skipped like it never been before.
“You're welcome, I guess?” I laughed a little, trying to forget what my heart just did a second ago. I need to focus here. I know I'm feeling things, but I need to keep in mind that this is not the right time to fall.
Not after that disastrous confession.
We just finished our dance. Hinatid niya ako sa lamesa ko at pumunta sa tabi kuya Saun, umupo na ako habang nakatingin pa rin sa dance floor. Mag-isa lang ako sa lamesa dahil hindi pa tapos ang dalawa.
The dance was good, the conversion was bearable, and surprisingly I enjoyed his accompany. We talked about ourselves for a little, asking questions of what we want to know about one another.
I asked him and nalaman ko na nag-iisa siyang anak, which I was wrong to assume that he has a little sister. He looks like he has one from how he treats Jess and Zel.
Another one that shocked me is that he is not a full blooded chinese, his one-fourth chinese because of his half mother.
I just asked two. Wala na akong maisip na itanong, well I have one but I can't do it. Itatanong ko sana kung bakit this past few weeks ay wala siya, aside from the fact that he has a fever what happened before he felt his fever that it lasted five days.
Lumingon ako sa lamesa nila tito, nag-uusap sila nang masinsinan. Nagtaka ako nang makita ko ang pamilyar na emosyon sa mukha ni tito at kuya Saun, gaya ng ginamit nila nung nasa banyo ako.
What are they talking about?
“May I take you order?” Napalingon ako sa kaliwa at nakita ang isang naka mask na waiter, kumabog ang dibdib ko habang nakatingin sa mukha niya.
That's out of nowhere. Hindi ko man lang narinig ang paglakad niya, kahoy ang sahig kaya inaasahan ko na kung sino man ang lalapit sa akin ay maririnig ko.
“Pardon?” tanong ko na lang habang nakatingin sa mukha niya. Hindi naman siya naka mask gaya ng mga suot namin, simple lamang ang suot niya. A plain white mask.
“Your order.” He said in a monotonous voice. Napalunok ako habang nakatingin sa mata niya. It looks so dull and tired. Umiwas na lang ako sa mukha niya at tiningnan ang suot niya. Three piece suit, disheveled hair.
“Uhm, what do you have there?”
Ipinakita niya ang dala niyang menu, tinanggap ko naman ito at itinuro ang nagustuhan ko.
“Name?” tanong niya matapos niyang isulat ang mga napili ko. Napakurap ako habang nag-iisip kung ibibigay ko sa kanya o hindi. Why would he need my name? I mean alam niya ang table ko and what side of the gym I'm positioned.
“Jahnette,” alanganin kong sagot na agad niyang isinulat, yumuko siya at umalis na ng walang sabi kung ilang minuto ako mag hihintay. Hindi ko namalayan na pinigilan ko ang hininga ko, huminga ako nang malalim.
Kinabahan ako doon sa pagtanong niya ng pangalan. Kailangan ba iyon? Sa lagay na ito?
“Janjan!” papalapit na tawag ni Zel habang nakangisi sa akin, nakasunod naman sa kanyang likod si Jess na kausap si Keanna.
“Zel! Kaaalis lang ng waiter, hindi ko nakuha ang gusto niyong kainin.” Sabi ko habang sila ay isa-isang umupo sa kanilang mga pwesto. Sayang hindi ko sila na i-order, siguro maghintay na lang sila sa lalapit.
“Waiter?” nagtatakang tanong ni Jess, naputol ang usapan nila sa sinabi ko. Mukhang seryoso pa naman ang usapan nila, ang tahimik ni Keanna. Tatahimik talaga siya kapag kailangan niyang itatak sa utak niya ang impormasyon.
Nakatitig lang sa akin si Jess na nag-tataka sa sinabi ko, itinuro ko sa kanya ang pinto na pinasukan ng lalake. Lumingon silang tatlo doon, matagal nila itong tinitigan bago ibinalik sa akin ang tingin.
“Bakit?” tanong ko, nararamdaman ko ang sarili ko na unti-unting nanlalamig sa takot. Nakatitig sila sa akin na may malalaking mata, nagtinginan pa sila sa isa't isa na parang may iba akong nakita.
“Jah, sigurado ka na kinausap ka niya?” maingat niyang tanong, nakabulong pa ang tono. Napalunok ako habang tumatango.
“Nagtanong siya at sumagot ako, bakit?” kinakabahan kong sabi kasabay ang paglunok ko. Napausog ako sa tabi ni Zel na siyang pinakamalapit sa akin, humawak na ako sa braso niya habang nanatiling nakatingin kay Jess.
Ayaw kong lumingon sa likod, baka biglang bumalik.
“May multo ba dito?” nanginginig kong tanong kay Jess, lumingon ako kay Zel na umiling sa tanong ko. Seryoso silang nagtatanong kaya hindi ko alam kung pinaglalaruan nila ako o totoo talaga.
“Wala Janjan, nagtataka lang kami kasi may lamesa naman doon na kuhaan ng pagkain.” Itinuro ni Zel ang mahabang lamesa sa isang gilid na puno ng pagkain. Napatango naman ako nang maalala ko na kumuha kami doon kanina, wala rin akong makita na mga waiter.
“Eh, may waiter naman kanina na tinawag si tito.” Paliwanag ko. Nagtataka kung bakit kanina normal na lumapit ang waiter pero ngayon nakakagulat na.
“Iyon kung tatawagin mo, hindi sila lalapit nang kusa.” Paliwanag ni Jess na nagpagulo ng utak ko. Tama na lumapit lang siya nang tawagin siya, kaya bakit ako nilapitan nito eh una hindi ko siya tinawag, pangalawa wala akong kasama para lumapit siya, at pangatlo mukha ba akong gutom na gutom?
“Anong sinabi mo?”
“May tanong ba siya na kahinahinala?”
“Ate, hindi mo namukhaan?”
Sunod-sunod nilang tanong nang matagal akong tahimik, nag-iisip kung ano ba talaga ang pakay non na bigla akong nilapitan.
“What's happening here ladies?” napalingon kami kay Cullen na nakangiting naglalakad palapit sa lamesa namin. Napasilip ako sa lamesa nila na ngayon ay nagtatawanan na, nangunguna si Kuya Saun sa pagpapatawa.
“May lumapit na waiter kay Jah,” agad na sagot ni Jess habang nakaturo pa sa akin. Napaturo na rin ako sa sarili ko dahil sa agresibo niyang pagsumbong, para naman akong may kasalanan sa ginawa ko.
Baka concerned lang siya kasi matagal akong nagsayaw. Inaasahan ko na magtanong siya kung ano naman gagawin niya doon, pero nagulat na lang ako sa tanong niya na parang malaki nga ito.
“Anong itinanong sa iyo?”
Napakamot na lang ako sa noo ko sa tanong niya. Naghihintay siya habang ako nag-iisip kung anong isasagot ko bukod sa tinanong ako kung ano ang order ko at ang pangalan ko.
“Order at pangalan,” bulong ko habang nakaiwas sa kanya. Hindi ko matingnan sa mata dahil iba ang tingin niya ngayon kaysa nakaugalian ko, masayahin ito yung tipong hindi mo maiisip na magagalit.
“Full name?”
Umiling lang ako.
May masama ba na mangyayari kung may sinabihan ako ng pangalan ko?
Wala naman diba?
Diba?
დ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro