Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

“Jahnette?”

Nagising ako sa pagmumuni-muni at agad napatingin sa dalawa na medyo lumapit na sa akin. Umiling ako sa kanila at agad na ngumiti.

You're spacing out again.

“I'm okay,” I waved my hand to stop them from approaching me. “Really, I'm just worried about you Terry.” Pag amin ko at napa yuko. Ayaw ko tumingin, kasi alam ko namumula na ako.

Ilang minuto na pala akong nakatulala. I can't stop it, especially when I need to think. Like think deeper to find a more suitable answer. Napakagat ako sa labi ko ng nagiging uncomfortable na ako sa katahimikan na bumabalot sa amin.

To be realistic here, it really is not necessary for me to come with them. I'm a girl, they're boys. They don't know me, and I'm to them.

Gusto ko na i-untog ang ulo ko sa semento ng parking lot. Nahihiya na ako sa ginagawa ko ngayon, masyado na akong nag padala sa pag-aalala ko. Pero, na-ko-konsensya rin ako dahil ako ang main reason kung bakit siya nagkalagnat.

Napailing ako sa utak ko ng maalala na ini-invite niya pala ako kanina. That means it's my own will. Pero bakit siya nag suggest na pwede ako sumama? Why?

“Darvin! Wait for us!”

Agad ako napalingon sa likod ko ng marinig ko ang boses ni kuya Saun. Nakita ko ang gulat niya ng makarating na siya sa tabi namin, napangiti ako sa kanya ng ipatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.

“Why are you here?” napatawa ako ng bigla niyang guluhin ang buhok ko. I'm laughing to let my nervousness go. Kanina pa ako kinakabahan and ngayon ko lang naramdaman na ganun na pala ka tense ang mga balikat ko.

“Worried,” bulong ko sa kanya ng ibaba niya ang kaliwang kamay niya at hinila ako papalapit, “ikaw kuya?” balik kong tanong habang nakasilip sa mga kasama niyang pumunta dito. Naka tayo lang sila sa likod namin, dalawa lang naman.

“Supervising.” Napatingin ako sa kung saan siya na nakatingin, hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Sila Terry lang naman ang tinitingnan niya ngayon. Bakit niya kailangan i-supervise ang dalawa? Kung tutuusin, hindi naman siya officer?

Napalingon ako sa likuran namin ng bigla na lang nag tawanan ang mga kasama niya. Gusto ko siya tanungin kung sino ang dalawa pero hindi ko na itinuloy. Masyado na akong nagiging matanong, earlier is enough embarrassment for the day.

“Chill Saun, he's fine.” sabi ni Darvin ng makalapit siya doon. Napatitig ako sa dalawa na ngayon ay pinagitnaan si Terry, hindi naman sa tinulungan niya ito i-akay. Naglalakad lang siya sa tabi nila.

“Jahnette come here!” napaturo ako sa sarili ko na siyang tinanguan niya, agad akong lumapit at tumayo sa tabi niya ng itaas niya ang kanang braso niya, umakbay naman siya sa akin.

“Don't mind that where tagging along right?” napasilip ko sa kanila ng magtanong si Kuya Saun. Iling lang ang sagot ni Darvin habang si Terry ay tumingin sa kanya. Napansin ko ang kaunting hindi pagsang-ayon niya pero hindi na siya nag salita pa at deretso na lang tumingin sa harap.

“Right. Don't worry, I'm not going to do anything, yet.” napakunot ang noo ko sa pinagsasabi ng katabi ko. Sumakay na kami ng kotse ni Darvin at ilang minuto na lang ay nakarating kami.

Tahimik akong umupo sa sofa ng makapasok na kami sa bahay ni Terry. Yun ang sabi ni Darvin bago pa kami sasakay ng kotse. Wala yung magulang niya dahil may business trip daw sila.

“Do you want anything?” napa angat ang tingin ko kay Darvin ng makababa siya galing sa taas, hinatid niya lang si Terry sa kwarto dahil tulog na siya ng makarating kami dito.

Lumingon ako kay kuya Saun ng kaunti na lang ay hihiga na siya sa sofa. Gusto ko ng opinion niya, nahihiya akong humingi ng kung ano, nauuhaw lang naman ako. Malaki naman ang almusal na nakain ko kanina.

“Anong mayroon mo dyan? Nauuhaw ako, at gutom na rin,” tamad niyang sagot at nilingon ang dalawa niyang kasama, “kayo? Ano gutom rin ba kayo?”

“Syempre!”

“Anything,” saad niya at ibinalik ang tingin kay Darvin. Lumingon rin ako at tumango ng ako lang ang hinihintay niyang mag salita.

“Anything po.” napa hinga ako ng maluwag ng tumango lang siya at pumunta na sa kusina. Ang seryoso niyang tumingin kaya hindi ako makahinga ng maayos.

Nilibot ko na lang ang mata ko sa kabuuan ng living room. It has this lonely feeling lingering around. Yung bahay na may nakatira pero hindi mo feel yung bonding nila. The living room is so empty, may mga gamit pero wala akong makitang mga picture nilang family.

Napalingon ako sa bag ko ng tumunog ang selpon ko. Agad ko itong kinuha at napatayo ng makitang si kuya Blake ang tumawag, nagpaalam ako sa kanila at pumunta sa labas ng bahay.

I'm not comfortable talking alone, lalo na at may kasama si kuya Saun na hindi ko lang man kilala.

“Hello kuya!” sagot ko ng makahanap ako ng bench sa garden nila dito, napalingon ako sa mga bulaklak habang hinihintay ang sagot sa kabilang linya.

Maganda sa pakiramdam ang garden nila dito, yung katahimikan at hangin ay tamang tama para sa akin.

“Hello baby girl,” napangiti ako ng mahina siyang tumawa bago sumagot. Napalabi ako ng maalala na ngayon lang siya tumawag ulit. Kahapon kasi hindi na sila tumawag aside from asking me kung okay lang ba ang mga delivery sa school.

“I'm sorry for not calling again yesterday,” he sighed. Napatango na lang ako kahit hindi niya nakikita. I can't blame them. Na busy rin naman ako kaya okay lang, alam ko na busy sila kasi ano ba ang saysay ng pagalis nila kung hindi rin naman nila aasikasuhin ang trabaho nila doon.

“It's okay kuya, na busy din po naman ako.” Pag amin ko at napatingin sa langit. Today is the ninth day of them being away from home. I miss thier hugs already. Kahit pa palagi silang tumatawag ay kulang pa rin ang malapit sila sa akin.

“Don't worry from now on tatawag na ako. We'll be less busy for a few days anyway.” Napatango ulit ako. I'm not a talkative person kaya hindi ko alam ano sasabihin ko, marinig ko lang boses nila ay sapat na.

“How's your day today?” tanong niya ng ilang minuto ay hindi ako nag salita. Bigla akong napa upo nang maayos ng malala ang gusto kong sabihin. The band, the card and the sudden invitation card.

“The summerxwave visited the campus kuya,” simula ko, narinig ko ang pagtawa niya. Alam niyang fan ako, at hindi ko rin napigilan na medyo lumakas ang boses ko. Ilang minuto ang tinagal ng pagkwento ko sa nangyari, hanggang natapos na ako ay ang tawa lang ni kuya ang naririnig ko.

Tawang-tawa dahil ang huli kong sinabi ay hindi ko realize kung sino ang mga kasama ko kung hindi lang sa akin sinabi. Hindi ko na siya binalitaan sa nangyari na pagpunta ko dito sa bahay ni Terry, baka mag alala na naman sila sa akin.

“That's good to hear, you finally have the chance to see them.” Nakangiti akong tumango sa sinabi niya. It is fact a good thing that I got the chance to meet them. Kaya lang nakakagulat pa rin sa unexpected meet, dati nag i-imagine ako na makikita ko sila ng personal through fan meeting.

“Kayo kuya? Kumusta kayo dyan?” Lumipat ako ng pwesto nang naabutan na ako ng araw, ang tanging silungan ko dito ay ang malaking kahoy sa kabilang bahay.

“Well, we just finished our first task for the trip.” Napangiti ako ng maisip ko kung paano niya guluhin ang buhok niya. He always does it whenever he starts his sentence with an unsure tone. Parang hindi pa sure kung tapos na nga ba ang taks nila, napatawa ako ng mahina ng hindi na niya pa ito na dugtungan.

“Sure kuya, tapos na 'yan, kayo pa ba?” narinig ko ang tawa niya sa kabila at ang bagong dating na mga boses ng iba ko pang kuya, parang kagigising lang nila dahil medyo malabo yung mga salita nila.

“Oh, Dexon, mag-toothbrush ka nga muna!” Napatawa ako habang nakatingin sa bahay ni Terry, hindi ko ito natingnan ng mabuti kanina. White paint, two windows on the second floor, a window for the living room and the entrance door, classic american home. Never thought that I'll be seeing it again for how many months of moving here in the philippines.

“Sino yan? si bunso ba?” napangiti ako nang marinig ko ang boses ni kuya Calyx, napapunta na ata si kuya Dexon sa banyo dahil hindi ko na marinig ang pagmumuni-muni niya.

“Hello bunso! Kumusta ka na? Kumain ka na ba niyan? Kain ka na, most probably mga ales-diyes na dyan.” Napatawa ako ng marinig ko pa ang pagsuway ni kuya Blake ng agawan siya ng selpon.

“Ten o'clock na bunso, kain ka na, breakfast pa kami dito.”

Napatingin ako sa oras sa selpon ko at napanganga ng totoo nga na ten o'clock na dito, sasagot na sana ako ng makita ko ang paglabas ni kuya Saun na may dalang tray.

“Opo kuya, kakain na ako.” umupo ako ng maayos nang makarating na nga sa harapan ko ang pinsan ko. Ipinakita ko sa kanya ang caller name nang kunot noo siyang nakatingin sa akin.

“Thank you.” Matapos niyang ilapag ang tray sa tabi ko ay nag okay sign lang siya at bumalik sa loob.

“Sino kausap mo bunso?”

“Ah si kuya Saun lang po, hinatiran ako ng pagkain.” Kumuha ako sa sandwich na nasa plato, white bread with chocolate spread. Kumagat na ako at ganu'n na lang ang pagpikit ko sa sarap ng palaman. Huminga ako ng malalim, sinusulit ang amoy at lasa nito sa dila ko.

“Mukhang masarap kinakain mo bunso ah,” nagpakawala ako ng hangin at tumatawang tumango sa komento niya. Ang tagal ko na ring hindi natitikman ang chocolate spread na ito, it's my childhood favourite.

“Nutella kuya,” lumunok ako at kinuha ang gatas, “na miss ko na siya i-palaman.” Nilapag ko ang baso at kumagat ulit, napatingin ako sa plato ng may isa pang bread na may palaman rin. This is two serve, baka kay kuya Saun ito.

“Don't worry may pasalubong ka sa amin.” tumalon ang puso ko sa narinig, “Promise 'yan kuya!” na-ubo ako nang bigla na lang ako nabilaukan sa bread na hindi ko pa na lunok. Agad akong uminom at napahinga ng malalim ng mawala na ito sa lalamunan ko.

Napangiti ako ng marinig ko ang halakhak niya. Hindi ko siya masisisi na matawa kasi pati ako natatawa sa nangyari.

“Promise bunso, oh sige ibaba ko na ang tawag, kumain ka ng marami ha?”

“Sige kuya! Ba-bye, love you all, mwah!” Natatawa akong napatingin sa screen nang ibinaba ko na ito, hindi na hinihintay na sumagot siya. Aabot kami ng ilang oras kung hihintayin ko pa siyang magsalita.

Kuya Calyx:

Love you so much bunso, keep safe, healthy, happy and don't forget to call us when you need help, mwwaahh!!

Nakangiti akong napailing nang makita ang text niya, mas hahaba pa ito kung sinabi niya ito sa tawag. Itinago ko na ito sa bulsa ng jacket ko at nagpatuloy kumain habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

Matapos ko ang pagkain ko ay pumasok na ako. Nadatnan ko silang apat na nag uusap sa salas, ngumiti lang ako nang sabay silang lumingon sa akin. Hindi ko na hinintay ang pag iwas nila dahil ako na ang nag iwas, deretso akong pumunta ng kusina at hinugasan ang mga ito.

Hindi ko kayang lumabas sa kusina nang matapos na ako sa pag ligpit ng mga pinggan, mukhang seryoso ang usapan nila kaya umupo na lang ako sa kitchen stool at nag scroll sa gallery ko.

Agad kong binuksan ang text ng mag pop out ito sa notification bar ko.

Kuya Blake:

Forgot to tell you baby girl, the card that Darvin has given you is my ATM card. You can use it to buy things you need, the pin is already on the paper wrapped with it.

Agad kong kinuha sa bulsa ko ang binigay ni Darvin sa akin, binuklat ito at tama na ito ang card ni kuya. Kamot ulo ko itong sinuri habang nakatingin sa text niya.

Hindi naman niya kailangan iwan sa akin ito. Napailing na lang ako at nag reply:

Thank you kuya! Love you!

I'll use this for food stock. Medyo paubos na yung ilan kasi kaunti lang ang binili ko ng nag grocery kami nila kuya Saun. Bumalik ako sa gallery ko, tagal ko ng hindi ito binuksan dahil sa daming inasikaso sa funfair.

Baka may ibang picture na pala dahil naiwan ko ito sa classroom ng ilang oras. Ilang scroll ako ng mapansin ko na masyadong tahimik, nag uusap naman sila kanina.

Kahit gusto ko mang pakinggan ang usapan nila ay hindi ko na ginawa dahil pansin ko na confidential ito. Pagkapasok ko pa lang sa pinto ay nag bubulungan sila, doon pa lang sa tingin nila sa akin ay parang tinitingnan nila kung may narinig ba ako o wala.

“Let's go.” Gulat akong napalingon sa pinto ng bigla na lang sumulpot si kuya Saun. Nakatayo lang siya doon habang naka pamulsa sa kanyang brown slacks, tumayo na lang ako at hindi na nag tanong. Nakita ko kasi sa mukha niya na parang naiinis.

Tahimik kaming lumabas ng kusina hanggang sa nakadaan na kami sa salas ay wala pa ring imikan. Napalingon ako sa tatlo ng hindi man lang sila tiningnan ni kuya Saun upang mag paalam, kumaway na lang ako na agad nilang tinanguan.

Kunot ang nuo kong binuksan ang passenger seat at sumakay. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang nag iba ang ihip ng hangin. Kung ano man ang pinagusapan nila doon ay ayaw ko ng malaman.

Napapikit ako ng sumakay na siya at marahas na isinara ang pintuan. Sinilip ko siya at tama nga na hindi ko muna siya tinanong kanina. Napalunok ako ng lumingon siya sa akin.

“Wear your seatbelt.” Kinabig ko ang seatbelt at isinuksok ito sa lock niya. Ayaw ko siyang magalit sa akin kasi ngayon ko lang siya nakitang galit, hindi ko alam anong gagawin ko if bigla na lang siyang sumabog dito.

Napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt ng mabilis niyang pinalarga ang kotse. Sinilip ko siya ulit at sinuri ang kalagayan niya. Straight face, tensed shoulders, hard grip on the stirring wheel. Napatingin ako sa kalsada ng may busina akong narinig.

“K-Kuya,” bulong ko habang nakatingin sa mukha niya, “kuya, stay on the speed limit.” Nanginginig akong napatingin sa speed meter. He's heading to 90 mps in a road that is limited to only 40 mps. Baka may mabangga kami dito, maraming tao na malapit lang sa kalsada.

“Kuya!” Naluluha akong napalingon sa tao na muntikan ng tumawid ng kalsada. Muntikan ng madisgrasya kung hindi lang siya hinila ng kasama niya.

“Kuya! Wake-up!” pikit mata kong saad, ayaw ko nang tumingin sa labas. Wala rin namang saysay dahil nanlalabo ang mata ko sa luha. Naramdaman ko na lang na itinigil niya ang kotse. Umiyak na lang ako sa palad ko ng nag parking siya.

Nobody ever drove recklessly with me inside the car, not even my brothers did. I hear them being told to drive safely whenever they drive me to school or anywhere. Kahit pa alam ko na mala racing car sila kapag sila lang, they never tried to do it with me in the car. They never did.

“I'm sorry.”

Huminga siya nang malalim at ganun rin ako. Tumingin ako sa kanya habang pilit pinupunasan ang luha ko.

“You can be mad kuya, but not while we are on the road.” I said while trying to calm my self from crying too hard. Nakatingin lang ako sakanya habang siya ay pikit matang nakasandal sa upuan niya. He is still mad.

“I know, I'm sorry.” he sighed heavily and grabbed a handful of his hair. Binuksan ko ang pinto at bumaba. He needs to release his anger. Naglakad ako papunta sa pintuan niya at binuksan ito.

“It's dangerous.” Paalala ko at pinunasan ang luha na muling tumulo. Marahan kong hinawakan ang kamay niya, tumingin siya sa kamay ko patungo sa mukha ko. I smiled with my lips closed.

“Let's cool down outside.” Mahina kong sabi sabay hila sa kanya palabas. It's better to distract ourselves for a minute. Napahinga ako nang maayos ng hindi naman siya umangal at nagpahila. Ako na ang kumuha ng susi at isinara ito. I don't mind taking more time.

“Take your time.” sabi ko ng lumapit siya sa isang puno. Hinayaan ko na lang siya at dumeretso sa bench. Sumandal ako at tumingin sa langit.

The sky is peaceful.

The clouds floating around the air.

But just like what happened,

It looks like rain will come.

Napahawak ako sa noo ko. I want to know what pissed him but at the same time, I don't want to. It's complicated right? Huminga na lang ako ng malalim at umupo ng maayos, lumingon ako sa pwesto ni kuya Saun. He's still pacing around a hand on his hips while casually combing his hair backwards.

Namulsa ako para sana sumandal ulit sa bench ng maramdaman ko ang papel na ibinigay ni Ricky. Inilabas ko ito at tiningnan ng mabuti. Just plain white paper. May design naman pero it doesn't give any pop to the paper. Sino naman ang nag bigay nito?


Don't attend.

Ditch the traditional ball and stay at home.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro