Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

“Bakit may souvenir shop dito?” kunot noo kong tanong, “at bakit naka-shades ka sa loob ng building?” dagdag ko.

“Walking with style.” Nag pose siya with matching ayos hair, napakunot na lang ang noo ko. Napailing na lang ako at napatakip sa mata gamit ang kamay ko dahil sa mga matang tumitingin sa amin, maraming dumadaan at napapalingon dahil sa ginagawa niya.

“Hala ka, si Netnet kinahihiya ang guwapong pinsan.” Agad ko tinakpan ang bibig niya at napalingon sa mga ka-schoolmate namin na dumaan. I looked at him with wide eyes.

Sabi ng bawal akong tawagin sa nickname ko na yun kapag nasa school kami.

“Wala ng mapilian, kinuha na nila ang lahat ng booths, so our last resort is this.” Mayabang niyang saad at kumidnat pa. “And it’s actually a good idea, madami nga kaming customer kanina.” Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ang pinto nila na wala namang katao-tao, “Umalis na sila kanina.” He added, trying to explain. Lumakad na lang ako papasok para makita kung ano nga ba ang laman ng munting shop nila.

The moment I walked in, I felt like I walked through another dimension. Napatingin ako sa itaas ng pinto ng marinig ko ang tunog ng isang bell, indicating that a costumer has arrived. I dragged my vision from the bell to kuya Saun’s face that is currently smiling from ear to ear.

“I know, amazing right?” He moved both of his eyebrows up and down. Napailing na lang ako sa kanya at nag patuloy sa pag-observe. Glass cabinets, curtained blackboards, and uniformed people. It sounds like a typical prop but none of it are simple. Glass cabinets, yeah that is overboard when it is only a school project.

Curtained blackboards, sounds simple in words, but seeing it in person is way ahead from simple cheap fabric. It covers from the celling to the floor with a fabric that costs a thousand pesos per meter. Those velvety red color and detailed embroidery is giving luxurious vibes in this simple classroom.

And lastly uniformed people, when I said uniformed I meant people that looks like an employee in a jewellery shop. Slicked back hairstyle, neat appearance, black polo and a red handkerchief tied around their necks. The place smells amazing too.

“Mr. Cortez, what are you still standing there?”

Napalingon ako sa isang lalaki na ngayon ay nakatingin kay kuya Saun na nasa tabi ko lang. I saw how my cousin’s smile disappeared for a moment but eventually held back his smile. I looked back at the guy and to my cousin, curious of why this cousin of mine is bothered for a moment.

“Sorry, I’ll be back for a moment.” He whispered to me then hurriedly went close to the man. Napaiwas na lang ako ng tumingin ang lalaki sa akin, he’s talking while kuya Saun is trying to explain something.

Sino ba ang lalaki na ‎’yun, president ng classroom nila?

Nagpatuloy na lang ako sa pagtingin ng mga produkto na mayroon sila, napanganga ako ng makita ko ang mga mukhang mamahaling jewelleries.

Starting off with rings that has a lot of choices, key chains that has the schools logo, bracelets that can be customised, and necklaces that you can choose which pendant you want to put on, a variety beads that can be bought for the customer to bring home.

Mag tayo na lang kaya sila ng kanilang sariling shop sa mall? Sure ako na pasado na sila.

“How may I help you?” napapitlag ako ng may biglang sumulpot na lalaki sa likod ko. Pumunta siya sa harapan ko habang ang kanyang mga kamay niya ay nakalagay sa kanyang likod, ngumiti ako ng makitang ang laki ng kanyang ngiti.

Nakakahawa naman ang ngiti niya, pati mata nakangiti sa akin eh.

“Uhm,” usal ko habang iniisip kung ano nga ba ang ipinunta ko dito. Pumunta ako dahil gusto ko makita ang project ni kuya Saun, hindi ko naman inisip na baka makabili ako ng products nila.

“I can recommend you something if you don’t have anything in mind.” He suddenly suggested and smiled more. Napatango na lang ako dahil napapahaba na ang nakakakabang katahimikan dito at ang ngiti niyang hindi ko matanggian.

Currently I am the only customer they have. Kaya nahihiya ako na wala akong dalang pera tapos nandito ako sa shop nila namamangha sa mga nakikita.

Nagtanog siya ng mga info ng naglakad na siya patungo sa counter, sumunod naman ako sa kanya habang sumasagot ng hindi ko na lang namalayan ay napunta ang mata ko sa kanyang mahahabang binti. Agad rin naman akong nagising at umiwas, itinuon na lang ang mata sa likod niyang well-built.

Kung kayo lang nasa pwesto ko baka hindi rin maalis ang mga mata niyo sa katawan niya. He’s tall, just like kuya Saun, pale like kuya Cullen, and handsome like my brothers. Hehe, I don’t usually go around and spot random people pero ito kasi ay ibang case.

Hindi ko alam kung ilang oras na ako dito sa shop nila dahil namalayan ko na lang ay gumagawa na ako ng necklace. 

Habang busy ako sa pag iisip kung saan ko ilalagay ang pendant ay naramdaman ko na lang ang isang presensya sa likod ko. I sat on the chair frozen. Naaninang ko sa alsante ang isang pigura ng lalaki na ngayon ko lang nakita, sa pagkakatanda ko ay walang silver eyes dito sa school.

My brothers showed me the list of students here, considering that they are a part of the student counsel, they can get a copy of the list without being questioned by the principal. Kaya para na akong statue dito dahil ni lingon hindi ko na nagawa ng nakalapit na ito sa tabi ko. Bigla na lang nandilim ang paningin ko at nag-flash sa utak ko ang isang pangyayari, napaupo ako sa sahig at agad na napatakip sa magkabila kong tenga.

“Good girl.”

Isang nakakakilabot na boses ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko, nakakabingi na parang pinapalo ang likod ng ulo ko. Sunod-sunod ang mga utos na hindi kadalasang maririnig sa araw-araw, nakakatakot at nakatataka ang mga utos na parang may masamang intention sa bawat salita nito.

“Eat, after the bell rings.”

Hinihingal akong napalingon sa pintuan ng tumunog ang bell, napalunok na lang ako at nanginginig na napatingin sa paligid ko na parang may tinatakasan. My vision starts to blur like I’m riding a sports car reaching its speed limit, nahihilo na rin ako sa pagpigil ko sa paghinga ko na parang isang hinga ko lang ay may sasakal sa akin.

“Jahnette, calm down, you’re okay.” Naaninang ko na lang ang nag-aalalang mukha ni kuya Saun sa harapan ko, agad akong yumakap sa kanya na kanyang ibinalik. Ganun ang posisyon namin hanggang sa tumahan na ako. Inalalayan niya ako patungo sa isang upuan at binigyan ng tubig na agad ko namang tinanggap.

I don’t know what I just heard but for sure, it happened long ago. Hindi ko lang alam kung ako ba ang nakaranas doon o nasaksihan ko lang ang pangyayari.

“What happened, can you tell me?” napatingin ako kay kuya Saun na ngayon ay puno ng pag-aalala ang mga salita na sinabi niya, malumanay at tila tinatansya kung pwede ba siya mag tanong. Napangiti na lang ako habang humihinga ng malalim, pwede ko naman sa kanya sabihin.

“May alaala lang po kuya na pumasok sa utak ko, okay na po ako ngayon.” Paliwanag ko at ngumiti pa para hindi na siya mag-alala, kita ko naman ang pag-relax ng katawan niya pero nandoon pa rin ang tingin sa mata niya na hindi siya naniniwala.

Napatawa ako ng mahina, yumakap na lang ako sa kanya at nagpaalam na dahil naalala ko na tutulungan ko pala ang mga kaklase ko doon sa horror booth namin. Habang naglalakad ay busy ako sa paghahanap ng sagot kung bakit bigla na lang ako inatake ng mga memorya na yun, hindi ko naman matandaan na nawala ako ng bata pa ako dahil imposible rin sa mga overprotective kong mga kuya.

Baka bigyan ako ng maraming bodyguard kung nangyari man iyon, which is not my style. Ang weird lang kung ang gaya ko na hindi naman public figure eh pinapalibutan ng sampung bodyguard, baka pagtawanan ako ng mga tao eh.

Or baka sila rin ang papalibot sa akin para bantayan magdamag, baka kalbuhin ako o ‘di kaya patayin ng mga fan girls nila, ayaw ko nun. I want my life peaceful and free, baka kung saan-saan ko na lang makita ang mga fan girl na inaabangan ako para guluhin.
 
“Pres!”

Nakarating na ako sa booth namin na puno ng tao sa labas, agad akong lumapit kay Kai at Ricky na busy sa pag-bebenta ng ticket. Kinuha ko ang map pati ang puting tila na susuotin ko doon sa loob, nag paalam na ako sa kanila at pumasok sa lob. Dumaan ako sa entrance at agad ko naman nakita si Ella na hinihintay ako, sinamahan niya ako sa pwesto ko kaya hindi na ako nawala sa loob ng maze.

“You know what to do pres, good luck.” Tumango lang ako kaya umalis na siya habang suot ang costume niya, napalunok ako ng makitang madilim dito sa pwesto ko. Hindi naman masyado kasi kahit paano may silaw ng araw ang sumisilip sa isang kurtina, nakampante ako doon kaya sinuot ko na ang costume ko na isang ghost.

“Putcha! Lumayo ka! Shoo!”

“Huy, yung sapatos ko naiwan!”

“Bahala ka dyan, kunin mo kung kaya mo! Aalis na ako!”

Humanda na ako ng marinig ko ang paparating na sigawan ng mga babae, palapit na sila sa pwesto ko kaya nag tago ako sa likod ng isang shelf. Tatakutin ko lang naman sila tapos tutulungan lumabas ng maze, hindi naman mahirap. Nagbilang ako ng tatlo bago ako lumabas para takutin sila, agad kong hinawakan ang braso ng unang babae na dumaan kaya lang hindi ko inaasahan na susugudin ako ng dalawa niyang kaibigan.

“Huwag mong hawakan best friend ko!” Napadaing ako ng itulak niya ako sa sahig at pumaibabaw sa akin na handing sabunutan ako, nakahinga ako ng maayos ng hinila siya ng kasama niya. Bakit pa sila pumasok dito kung hindi naman sila pwede hawakan, ano sila gold?

Itinukod ko ang dalawang kamay ko para tumayo ng madulas lang ako sa tela na suot ko, napakagat ako sa labi ko ng maramdaman ko ang malakas na pagkabagsak ko.

“Tulungan mo, bilis.”

“Bakit ako?”

“Ikaw ang sumugod.”

Naramandaman ko na lang ang mga kamay na hinila ako paupo, tinanggal ko muna ang tela para makahinga. Tumingin ako sa kanila para sana pagsabihan ng nakangiti silang nakatingin sa akin, ngiti na hindi naman nakakatakot.

“Sorry, masyado lang nadala si Anna.” Paumanhin ng naka sunday dress, mukhang mga outsider sila kaya tumango na lang ako dahil sincere naman sila. Hinatid ko na sila patungo sa exit, ganun ang ginawa ko hanggang sa ng alas-tres na ng hapon.

Ang daming customers na naihatid ko palabas ng maze at nagpapasalamat ako dahil lahat naman mababait, nangangalay na ang mga paa ko sa matagalang nakatayo at paglalakad kaya umupo muna ako sa isang sulok habang hinahanap ang tubig na ibinigay ni Ella kanina. Narinig ko last lima na lang ang nakapila sa labas, gusto ko na magpahinga pero hindi ko naman pwedeng iwan sila kaya titiisin ko muna hanggang sa matapos lahat.

Lima lang naman sila, hindi pa naman madilim ng sobra kaya pwede pa. Nakatigtig lang ako sa mga libro sa harapan ko ng maramdaman ko na lang ang pagkirot na naman ng ulo ko, minasahe ko na lang ito para mabawasan. Kanina pa ako inaatake ng headache na to, maganda naman pakiramdam ko nung umaga, kumain ako ng marami at nakatulog rin ng maayos.

Siguro stress ako kaya ako nahihilo dahil hindi ako sanay na masyadong crowded ang campus, hindi ko naman pwedeng iwan mga kaklase ko para mag pahinga dahil ako ang class president. Napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ko ang malakas na tawanan ng mga lalaki sa dikalayuan, tumayo na ako at naghanda na para takutin sila.

Sana naman hindi sila yung mga tipong pumapasok sa mga booth para mantrip, sa tawa nila nagiisip na naman ako ng masama na hindi dapat. Nakakapagtaka lang kasi na imbes na sigaw nila na natatakot sila eh tawanan ang naririnig ko na parang may nakakatawa silang nakita, judgemental na nga ako pero ayaw ko lang mapag-tripan ngayon.

“Pustahan, kung sino ang unang sumigaw-” Naputol ang sasabihin ng lalaki ng lumabas na ako sa pinagtataguan ko, hindi ko na siya pinatapos dahil an’lakas ng boses niya na parang buong campus ang makakarinig. Nakatayo lang ako dito sa harapan ng limang lalaki na ikinalunok ko, sa mga suot nila alam ko na outsider sila.

Napaatras ako ng isang hakbang ng umabante ang isa sa kanila, the four of them looked like they’re ready to throw some punches. Itinaas ko na lang ang mga kamay ko na nagpapahiwatig na hindi ako mananakit, mukhang sila pa nga yun eh pero ako na susuko kasi mukhang masamang magalit ang mga taong ito.

“Wala naman sumigaw sa inyo kaya safe kayo,” awkward akong napatawa ng mapagtantong ang lame ng sinabi ko, napalunok na lang ako ulit ng tumawa sila ng napakalakas. Don’t tell me nakakatawa talaga ang sinabi ko?

Sumabay na lang ako sa tawa nila para naman hindi ako ma left-out, sa tahimik ba naman ng paligid nakakahiya na hindi ako makitawa. Napatigil rin ako ng ilang minuto ang lumipas ng biglang lumapit sa akin ang isa sa kanila na sa tingin ko ay ang mabilis magalit, halos mapasandal na ako sa shelf sa likod ko ng hindi siya tumigil ng ilang hakbang.

“Ano itinatawa-tawa mo?” Napa-iling ako bilang depensa sa sarili, wala naman– nakitawa lang naman ako sa inyo ah. Hindi naman masama ang makisabay sa kapwa tao, well on second thought tama naman siya. Bakit ba ako nakitawa eh wala naman nakakatawa sa sinabi ko?

“Ikaw ba ang guide namin palabas ng booth?” tanong ng isa sa kaniyang mga kaibigan, nakatuon lang ang mata ko sa kwentas na suot ng nasa harapan ko ngayon.

Hindi ko naman kayang salubungin ang mga mata niya na alam ko na nakatingin sa akin ngayon, gusto ko man umalis sa pwesto ko dahil nakakailang pero hindi ko magawa dahil sa kanang binti niya na nakaarang.

“Tama ba ang kaibigan ko?” Tumango lang ako bilang sagot at nanatiling nakatikom ang bibig habang nakatingin sa kwentas niya, nahigit ko ang hininga ko ng lumapit pa siya. Kung makikita ang posesyon namin ngayon baka pagkamalan kaming naglalambingan, isang maling galaw ko lang alam kong mapapahamak ako.

Sa puntong ito nasa harapan na ng mata ko ang kanyang leeg na masyadong nakakasilaw ang puti, napatakip ako sa ilong ko ng maamoy ko ang pabango nito. Naramdaman ko na ang pag-build-up ng hangin sa ilong ko kaya pinilit kong takpan ito sa pamamagitan ng pag pisil, agad kong iniharang ang kaliwang kamay ko sa dibdib niya ng nagtangka siyang lumapit pa.

“Luh, bakit ka namimisikal, hindi kita ina- ASHOO!” Napabahing na ako ng tinabig niya ang kamay ko, agad akong tumayo para tingnan siya ng biglang tumahimik ang paligid. “Sorry!” Nagpapanik na sabi ko ng tulala sa pwesto niya, ilang segundo ang lumipas at bigla na lang siya nahulog sa sahig na-ikinataranta ko.

“Luh, pare!”

“Oy, hinimatay!”

“Chad, huy ano nangyari sayo boi!”

Nakangiwi ako napatingin sa pwesto niya, pinapalibutan na siya ng apat niyang kaibigan pero wala pa rin ni isa sa kanila ang tumulong sa kanya para tumayo. Tinanggal ko na ang suot ko na tela at walang pagdadalawang isip na nilapitan ang kaibigan nila, inaayos ko agad ang salamin ko para simulan ang pag obserba sa kanya.

“Ay, babae pala!” Napalingon ako sa nagsalita na ngumiti lang sa akin, ibinalik ko na lang ang tingin ko sa kaibigan nila. Ang una kong tiningnan ay kung humihinga ba ito ng maayos, napatango ng maayos naman siyang humihinga.

“Palagi ba siyang nahihimatay?” lumingon ako sa kanila ng walang sumagot, nagtuturuan pa sila kung ilan ito nahimatay pero sa huli walang matinong sagot ang nakuha ko.

Inisip ko naman ang nangyari bago siya himatayin, nabahing lang naman ako at siya naman napatulala. From his reaction, I assume he has allergies? Pero ano naman yun? Dust particles? Hangin? Impossible naman iyon, paano siya hihinga. Or hindi allergies pero phobia?

“May phobia po ba siya?” balisa kong tanong at tiningnan silang lahat sa mata, nag-iwasan ang tatlo na agad ko namang ikinalaki ng mata. Itniuon ko ang mata ko sa ikaapat na agad naman tumango sa tanong ko, ibinalik ko ang tingin ko sa kaibigan nila na walang malay at ibinalik rin sa kanila.

“May sinabi siya dati about sa germs. He hates germs, lalo na kapag galing sa isang tao?” Paliwanag ng naka-glasses sa kanila, napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanya.

He seems he knows what he’s talking about, lumingon ako sa sahig at napatitig sa mukha nito. This guy is a germ freak? Well halata naman dahil sa malinis niyang dating, amoy alcohol rin yung kamay niya– naamoy ko ng harangan niya ang daan ko sa kaliwang banda.

“Don’t worry, he’s okay. Ihatid mo na lang kami sa exit para makapagpahinga siya sa kotse.” Tumayo na ako ng binuhat ng dalawa sa kanila ang kaibigan nila, sinenyasan ko sila na sumunod sa akin na tahimik naman nilang ginawa. Habang tinatahak ang madilim na hallway ay pa-simple akong sumisilip sa kanila, na-guilty dahil masyado ata akong naging nega kanina sa asal nila.

Mukhang masaya lang talaga sila, looking at them feels like I’m looking at my Kuyas. Hindi pa naman lumilipas ang isang linggo, miss ko na agad sila. Hinatid ko na sila palabas ng exit at nag paumanhin sa nangyari.

Napabuntong hininga ako ng maisara ko na ang pinto, malapit na dumilim dito sa pwesto ko kaya ito na naman ako at hindi mapakali. I don't want to be alone in the dark, especially her inside this library.

“Let's call it a day na lang,” mahina kong sabi sa sarili ko at kinuha na ang mga gamit ko. Naramdaman ko na lang ang biglang pag-ikot ng paligid ko, kinabahan na ako. Hindi ito ang una na naranasaan ko ito, mga ilan na nung nakaraang mga buwan na nag aaral ako dito.

Palagi na lang, bigla-bigla na walang dahilan.

Walang dahilan ba o sadyang hindi ko lang pinapansin?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro