
Chapter 10
“She's going to miss you guys,” paliwanag ko at umiiling na itinaas ang kamay ko upang ipakitang wala akong planong ilayo ang bunso nila.
I mouthed them, ‘She's all yours.’
Lumapit si Blake sa pwesto namin at marahan na hinila papuntang bisig niya ang kapatid.
He glared at me.
Napahinga ako nang maluwag nang tumalikod na siya at pinatahan ang kapatid nila. Hindi ako ang dapat niyong bantayan, yung isa dyan ang dapat.
“This is our sister.” Umiling lang ako at pumunta na lang sa mga maleta nila upang tingin kung tama ba ang iniisip ko. Napansin ko kasi ang mga maleta nila kanina, may tig isang silver card na naka tag sa handle ng maleta. Familiar ang card sa akin kaya nagtataka ako nang ilagay nila ito.
Mayroon kasi itong sulat na para ma-detect ang bagahe, hindi ordinaryong tag lang dahil may security code at tracking device pa.
I snapped my fingers, confirmed. There really is a silver tag in each of their carry-on.
Lumapit ako kay Dexon na siyang pinakamalapit sa akin at kinalabit ito. Kailangan ko'ng itanong kung ano nga ba ang lakas nila at kailangan nila ng silver tag, kahit pa normal na pupuntahan ay hindi ko maisip kung bakit kailangan nilang gamitin ang limited edition na security device.
“Ano? May kailangan ka?” nagtataka niyang tanong nang hilain ko siya palayo sa kanila. Hindi ako sumagot kaya nag-pa-hila na lang siya, agad kong itinuro ang silver tag. Lumingon naman siya doon at nag-isip, humarap siya sa akin at umiling.
“You don't know anything about the silver tag?” tanong ko ulit habang siya ay nagtataka sa akin. Bagsak ang balikat ko nang kibit balikat ang ginawa niya, napasapo ako sa noo.
Of course, the youngest brother doesn't know anything about that things.
“Why?” tanong niya at hinila ang sariling maleta, umiling ako at hindi na nagsalita pa. Sigurado akong may dala silang mga bagay na hindi dapat malaman ng mga tao, kasama na doon ang mga airport staffs.
Mayamaya pa ay nagpaalam na sila para umalis, kumakaway lang kami dito habang sila ay pasakay sa private jet na hindi ko man lang alam kung sino ang may-ari.
“Saun, babalik naman sila agad diba?” napalingon ako kay Netnet na malungkot na kumakaway sa mga kuya niya. Kanina pa ako naiipit sa mag kapatid na ito, hindi ako tinantanan ng mga kuya niya sa mga tagos nilang tingin.
“Sila pa? Why are you so worried? Malalaki na mga kuya mo,” tanong ko at umalis na sa runway, mainit pa ang araw kaya kailangan na namin pumasok. Tahimik lang kaming naglalakad papuntang main entrance, doon ko kasi na iparada ang kotse.
Lumingon ako kay Netnet nang lumayo siya sa akin, tinanggal ba naman ang braso ko sa balikat niya. Akala ko kung ano ang gagawin niya pero nainitan lang pala, nilahad ko ang kamay ko nang iabot niya ang grey sweater na suot niya.
“I want to eat,” sabi niya habang inaayos ang sariling buhok. Mukhang ready na siyang maglibot ng airport, kailangan ko pa rin itong iuwi para makapagpahinga nang maayos. Baka mabinat pa ito at ako ang may kasalanan.
Nakahanap kami ng café na nagustuhan niya kaya nag-order kami at umupo sa outside tables nila. Busy ako sa pag-inom ko habang pinapanuod si Netnet na masayang kumakain ng cinnamon rolls. Nagtaka ako nang may tumawag sa akin, isang unsaved number. Sinagot ko ito.
Jahnette's POV
Saun is a good cousin. Nahihiya nga lang ako kasi ang huling pagsasama namin ay noong bagong dating namin dito sa pilipinas. Sa una ay natatakot ako na baka hindi niya ako pansinin dahil babae lamang ako, pero noong siya ang lumapit sa akin ay alam kong mali na inisip kong iiwasan niya ako.
Hindi ko nga lang siya maintindihan noong kinumusta niya ako at nag sabi ng mga alaala namin, wala akong alaala sa mga oras na naging kalaro ko siya noon.
Ang alam ko lang ay may kalaro sila kuya na makulit at palabiro na lalake, malakas mang-asar sa mga kuya ko kaya madalas silang umuwi na umiiyak, lalo na sila kuya Daxon at Dexon.
He's still the same person kuya have described when we visit here for vacations.
Nagpapasalamat ako na hindi niya ako pinagtawanan kaninang umiiyak ako. Nakakahiya ang ginagawa ko kanina, umiyak dahil lang hindi pinansin. Ako naman pumili sa nangyari pero ako rin naman iiyak sa ginawa ko, buti na lang hindi masyadong dinamdam ng mga kuya ko.
Sumubo ako ng cinnamon roll na binili namin. Nagutom ako bigla sa kaiiyak ko kaya ito kumakain sa isang café dito. Nakasakay na sila kuya ng private jet ng kasama nila kaya kami lang ni pinsan ang nandito.
“Suan, okay lang sayo?” tanong ko habang nakatingin sa mga pagkain na siya ang nagbayad. May dala naman akong pera galing sa savings ko. Tumango siya habang pinapakita sa akin ang wallet niya, napatawa ako nang makitang puro coins ang nandoon.
“I need to get rid of this coins, no worries.” Sumipsip siya sa kape niya at sumandal sa upuan, pinakiramdaman niya ang pagiging hot summer ng weather. Sinong matino ang iinom ng kape sa init ng panahon?
Napailing na lang ako at ininom na lang ang cold milk na binigay niya. Okay lang naman kumain nito, bumaba na rin naman ang lagnat ko. May nararamdaman pa naman akong bigat sa katawan pero mawawala rin naman ito mamaya kapag nabusog na ako.
Natigil kami sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya. Tumango lamang ako at nagpatuloy sa kinakain ko nang magpaalam siyang sasagutin niya ito. Mukhang hindi registered ang pangalan ng tumawag
“Bro! Where the hell did you vanish into!”
Nagulat ako nang sumigaw siya, napaso pa sa kape na iniinom nang ilapag niya ito. Long lost friend na ngayon lang tumawag? Sa mukha niyang gulat na gulat, tama nga na matagal na itong hindi nakatawag.
Agad kong pinunasan ang natapon bago pa mapunta sa pantalon niya. Nag-usap pa sila nang matagal, nagkakamustahan. Bumalik na ako sa pagkain ko habang patingin-tingin sa paligid. Nakakapanibago na walang katao-tao ang airport ngayon, ang peaceful tingnan kumpara sa pagdating namin dito.
May mga tao naman ang mga staffs at iilang mga tao na sa tingin ko ay baguhan rito, mapapansin talaga na baguhan dahil may nakita ako na nakahawak ng brochure at ilan naman ay may dalang padded jackets.
Habang nag mamasid ay nahagilap ng mata ko ang isang lalaki na pinalilibutan ng limang bodyguard, napakunot ang noo ko ng wala man lang tao na lumalapit pero ang daming bodyguard na nakapalibot sa kanya.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila at nagtaka na ako nang tumigil ito sa pwesto kung saan nakatayo ako kanina, umiwas na lang ako ng tingin nang tumingin dito ang lalaki na pinapaligiran ng guards.
Artista ba siya? Sino naman?
Kinuha ko ang milk at sumipsip, nakatingin lang ako kay Saun na ngayon ay hindi pa rin tapos sa kausap niya.
“Yes! Nandito lang ako sa labas ng smoochkafe, malapit ka na ba?” nakangiti nitong sabi at tumingin sa ngalan ng café, nakunot ang noo ko sa sinabi niya kaya tumingin na rin ako. Napatakip ako sa bibig ko ng tama nga ang sinabi niya, tumingin ako sa loob ng café at lahat ng customer nila ay couples na nasa date.
Umiwas na lang ako at sumubo ng cinnamon roll. Bakit sila nagpatayo at dito pa sa loob ng airport? Hindi naman ito dating spot para lagyan ng café na ganito ang theme, buntong-hininga na lang ang nagawa ko at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko rin naman sila pwedeng pagsabihan kasi ano naman connect ko doon?
“Bestfriend!” napa-angat ang tingin ko sa bagong dating, hindi ko nakita ang mukha nito ng agad na sinalubong ni Saun ang bisita ng yakap. Kinain ko na ang huling pirasong cinnamon roll at hinarap ang kumalabit sa akin, napatakip ako sa bibig ko ng mabulunan ako sa nakita kong mukha.
Agad kong inaabot ang milk at ininom ito lahat, napatayo ako at lumingon kay Saun na ngayon ay nag-aalalang lumapit sa akin.
“Okay ka lang Netnet?” tumango ako sa kanya at sinilip ang bagong dating, siya ang nakita kong marami ang bodyguard na nakapaligid sa kanya. Nasamid ako dahil sa gulat na ito ang kaibigan na kausap ni Saun.
Kung titignan ko siya nang mabuti, mukha nga siyang artista. Sa puti ng skin tone niya para siyang korean idol, nakakamangha ang itsura niya. Sigurado akong artista ito, parang sayang kung hindi eh.
“Nga pala, Netnet meet Cullen.” Umakabay siya sa akin at pinakilala sa kaibigan niyang nakangiti ngayon, tinanggal nito ang kanyang mask at naglahad ng kamay. Sinilip ko si Saun para kumuha ng permiso na siyang tinanguan lang, nahihiya kong tinanggap ang kanyang kamay.
Pati mukha niya hindi nagkulang sa ganda. Nagulat ako nang humalik siya sa kamay ko, napaiwas ako nang maramdaman ko ang biglang pag-init ng tenga ko. Agad ko namang binawi ang kamay ko at nahihiyang nagtago sa likod.
“Nice to meet you, Netnet.” Marahan ang boses niyang bati na ikinalaki nang mata ko sa gulat, nickname ko ang ginamit niya! Agad kong piningot ang tagiliran ni Saun nang tumawa lang siya sa pagsinghap ko.
I know, I'm freaking out.
Ang lakas nang tibok ng puso ko. Ang tagal na noong huli kong naramdaman ang pakiramdam na ito. Nag-aalala ako sa sarili ko na baka lumagpas sa happy crush na ito.
“Don't charm her too much, Cullen.” Tawang-tawa na sabi ni Saun sa kaibigan niya na napatawa sa sinabi nito. Agad kong siniko nang mahina ang tagiliran niya nang umakbay siya sa akin. Hindi niya kailangan ipaalam!
“I'm Jahnette, you can call me Jah!” nagmamadali kong sabi at napasigaw pa sa huli para habilin ang hininga ko. Pumukit ako sa hiya na nararamdaman ko, gusto ko na lang magpalamon sa sahig.
Naramdaman ko ang paghimas ni Saun sa ulo ko, nakasimangot akong nagmulat at binigyan siya nang tingin. Napailing na lang ako habang nakatingin sa dalawa na ngayon ay nagbubulungan, nagtaka ako nang tumingin sa akin si Cullen.
Bakit ba sila nagbubulungan?
Napatingin ako sa suot ko kung may dumi ba pero wala naman, ibinalik ko ang tingin sa kanila nang si Cullen ang nakita kong nakatingin rin. Nahihiya akong ngumiti at agad na umiwas nang hindi pa rin siya lumihis ng tingin.
Umupo na kami at nagpatuloy sa kinakain namin. Nag-uusap lamang sila habang ako kunakain at nanonood sa dalawa, nakakaaliw ang mga i-storya ni Cullen. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit kasali ako sa mga storya niya.
Si Cullen ay isang aspiring artist na bigla na lang naglaho years ago. Nagtago siya sa industriya ng social media sa pamamagitan na pag announce ng plane crash.
Wala siyang sinabi tungkol sa work niya o saan siya nagwowork ang alam ko lang isa siyang influencer na nag training bilang idol. Isang oras ata ang itinagal namin bago nila naisipang ihatid ako pauwi.
Sa haba ng biyahe pabalik ay nakatulog ako, nagising na lang ako na nasa higaan. Hindi man lang ako ginising. Nagpalit na lang ako ng damit at bumaba na para tingnan kung nandito pa si Saun at nagluluto.
Pinagsabihan ko na siya na huwag niya akong buhatin at gisingin na lang kung makarating na kami, pero hindi niya ginawa. Nakakahiya na nagpabuhat pa ako sa kanya, mas malaki pa katawan ko kaysa sa kanya para gawin niya iyon.
“Saun, I told you not to bring me. Sino nag buhat sa akin sa second floor?” tanong ko pagkaupo ko sa dining table. Hindi ako tumingin sa kanya at hinintay na lang na sumagot.
“Ako.” Agad akong humarap sa kanya at uulanan sana ng salita nang humarap siya. Napatakip ako sa bibig ko habang sinusubukang mag salita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Anong naisip ni Saun at pumayag na itong kaibigan niya ang mag buhat sa akin?
Nakangiti lamang siya sa akin habang inaayos ang mga plato sa lamesa. Napatayo ako sa hiya na nararamdaman ko, pupunta sana ako sa lababo para tulungan siya.
Nagbuhat na nga siya, magpapahanda pa ako ng kakainin. Nasaan ba si Saun at iniwan ang kaibigan niyang ito?
“Tulungan na kita, nakakahiya sa'yo.” Sabi ko habang siya naman ay nilapag ang dalwang plato, pumunta siya sa upuan ko at hinawakan ang sandalan nito. Umiling lang siya at senyasan na bumalik sa pagkakaupo.
“I fine. You need to slow down, you are still recovering.” tinapik-tapik niya ang upuan ko, naghihintay na bumalik ako doon at hayaan siyang maghain ng kakainin namin.
Kinapkap ko ang leeg at noo ko kung may lagnat ako, nawala naman kanina kaya anong ibig niyang sabihin. Napatango-tango na lang ako nang maramdamang may kaunti pa, bumalik siguro noong pauwi kami.
Kaya pala mabigat ang ulo ko nang makasakay ako ng kotse, bumalik siya kanina. Nagpasalamat ako nang iusog niya ito, bumalik siya sa paghain habang ako ay nahihiyang nag sandok ng kanin sa plato ko.
Nahihiya ako sa kanya. Ngayon lang kami nagkakilala tapos inaasikaso niya ako na parang matagal na kaming magkakilala. Ang dapat na ginagawa ni Saun ito at ang kaibigan ang nandito, pwede naman na ako lang mag-isa na mag-asikaso sa sarili ko.
Napahawak ako sa noo ko habang iniisip ang gagawin kapag sabay na kaming kakain. Nahihiya talaga ako, para na akong robot sa sobrang limited ng mga galaw ko.
“Enjoy. It will help you recover fast.”
Nilapag niyang sinigang na sabaw, bigla akong nakaramdam nang sobrang pagkagutom. Nahihiya akong nagpasalamat sa kanya kahit gusto ko na bumalik sa kwarto ko. Anong magagawa ko kung gutom ako?
Mas pipiliin kong kumain muna bago magtago, baka bumalik talaga lagnat ko kaya huwag na mag-inarte. Mahirap gumalaw kapag may lagnat.
Ganito ako eh.
Nakakahiya talaga sa kanya lalo na at alam ko ang bigat ko, kung mahina ang kanyang katawan baka ako pa ang maging dahilan ng pagkabali ng kanyang mga buto.
Napabugtong hininga na lang ako at napakagat sa kutsara sa inis. Bakit ba palagi na lang ako natutulog kapag sa kotse?
Napahinga na naman ako nang malalim at sumubo ulit ng kanin, nakatitig lang ako sa hawak kong kutsara nang kumaway siya sa harapan ko. Sumandok siya nang sabaw, aabutin ko sana ang sandok para ako na magtuloy ng umiling siya.
Sige na lang, pero may kamay naman ako ah.
Nagpasalamat ako at kumain ulit. Kumakain tin naman siya kaya hindi ako nag-aalal na wala akong masabi sa mga tanong niya.
Hindi ko rin naman kayang mag simula ng topic kasi hindi ko alam kung anong sasabihin matapos malaman na binuhat niya ako sa ikalawang palapag, sa taong hindi ko pa gaanong kakilala.
Nagpasalamat ako at susubo na sana ng makita kong magsasalita na pala siya, na ilapag ko na lang ang kutsara ko.
“If you’re stressing about my health after carrying you, don’t worry.” Napa-iwas ako nang bigla niyang ipinakita ang kanyang braso at nag-flex ng muscles.
“I got sturdy biceps,” Proud niyang sabi habang nag-flex pa rin sa harapan ko, napakurap ako nang ilang beses dahil sa puti ng kanyang balat. Hindi ko pa rin ma-isip na ganito siya ka ganda.
Napatakip ako sa mukha ko, nang-iinit na naman ito sa sobrang ganda niya. Yung mga korean idol ang datingan niya, sinong hindi mamangha sa ganda niya.
Tumango lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy na lang sa pagkain, hindi ko siya matingnan nang seryoso. Kailangan ba niyang ipaglandakan sa harapan ko ang biceps niya?
დ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro