Chapter 07
“What! Say it again.” Napatayo ako sa gulat habang nakatingin sa kanila, napahawaka ako sa ulo ko at pilit inaalala kung nag quiz ba talaga kami pero blanko talaga.
Nagsimula ako sa oras na nagising ako sa pagkakatali nila sa akin hanggang sa pinaka dulo na naganap pero nang hihina na lang akong napaupo ng wala talagang lumabas na aalala, hindi naman ako pinukpok sa ulo.
Nataranta na ako ng makita ko ang orasan, hinarap ko sila habang nanlalabo ang mata ko na humahanap ng sagot sa kanilang mga mata. Bakit lumipas ang oras na hindi ko man lang alam kung ano ang ginawa ko?
“What happened?” tanong ko habang pilit pinipigilan ang hikbi ko, hindi ako pwedeng umiyak agad dapat siguraduhin ko muna kung tama ba ang na isip ko ngayon. Impossibleng gumalaw ang katawan ko na hindi ko man lang alam ang nangyari, napaka-impossible talaga.
Don’t tell me something possessed me. Nakatingin lang ako sa apat na ngayon ay hindi mapakali, agad na lumapit sa akin ang nakasuot ng blue jumper na pink hoodie ang nasa ilalim nito.
“Don’t cry… I’m not good with consoling…” naluluha niyang sabi habang hinahaplos ang balikat ko, napaiyak na lang ako ng tuluyan dahil sa sinabi niya. Bakit pa ba siya lumapit sa akin kung hindi naman niya kaya? But that is not the reason I finally let go of my tears.
Umiyak na ako ng tuluyan dahil kahit hindi niya kaya ay hindi siya nag dalawang isip na lumapit sa akin, the least I expect when it comes to this situations. The people in my previous school doesn’t even approach me like this, they either shove me on the floor or throw glares with their evil smile and laughter echoing through my ear drums.
Umiiyak pa rin ako habang sila naman ay pinapagaan ang mood ko sa paraang pag suklay sa buhok ko at pagsabi ng kung mga anong nakakatawa na bagay, hindi naman ako nakikinig sa mga kwento nila dahil hindi rin naman pumapasok sa utak ko.
Sa ngayon ay nakaunan na ako sa hita nung leader nila, hindi ko sana gagawin kaya lang she sat on my table tapos siya na ang naglapat ng ulo ko doon. Pumikit ako at hinayaang kumalma ang sarili ko, alam niyo naman kung ano nangyayari kapag tapos na umiyak ng sobra ang isang tao hindi ba?
So yeah tahimik na sila ngayon habang hinahaplos naman nito ang buhok ko, without thinking twice I embraced her waist.
“You don’t mind, right?” mahina kong bulong habang nakapikit pa rin, hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang mahina niyang pag tapik sa balikat ko. In this way I can be relaxed a little, usually kasi yakap ako either si kuya Blake o si kuya Calyx pero dahil hindi sila ito ako na ang yayakap.
It relaxed me a little kasi iba ang body frame na yakap ko ngayon, she has this small waist so I needed to adjust myself. Mga ilang minuto pa ang itinagal ng pwesto namin ng may biglang pumasok ng classroom, umingay na rin bigla dahil sa mga sigaw at bulung-bulungan ng pumasok.
“Sino bibigyan nila?”
“Swerte ng limang nililigawan nila…”
Dahandahan akong bumangon sa pagkaunan at humarap sa pinto na ngayon ay parang isang daanan na may red carpet sa dami ng nakatayo doon, ano kaya nag trip ng mga taong ito?
Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang sarili bago tumayo para pagsabihan sila, breaktime pa naman pero parang may gulo dahil sa ingay nila. Kailangan nilang bawas-bawasan ang ingay dahil baka isipin ng mga teachers na may nag rarambulan dito, mahirap na baka lahat pa sila mapunta sa guidance office.
“Class, anong kaguluhan ito?” tanong ko at pumagitna sa classmate ko na nagbabagayan, hindi ko alam pero nagbabagayan sila tungkol sa bias nila. Sino naman kaya ang dalawa na ipinaglalaban nila? Yung iba naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig sa katatalon nila na may kasamang hampas sa katabi, ano ba nangyayari sa mga kaklase ko?
“Ay, Pres. may senior tayong dumalaw dito sa building. Labas sa magazine ang hitsura!” tili niya at niyugyug ang katabi niya, napakamot na lang ako sa buhok ko dahil sa inasta niya. Sino naman ang tinutukoy niyang senior namin na labas sa magazine?
Ang alam ko lang na sinasabihan ng labas sa magazine ay yung mga tao na nakikita sa magazine, pero wala namang model dito sa campus. Magtatanong sana ako kung sinong senior ang tinutukoy niya nang umingay ng sobra ang classroom lalo na sa bandang pintuan, napatampal na lang ako sa noo ko ng makita ko ang limang pamilyar na ulo.
Sa sobrang pamilyar ay hindi ko mapigilang umiling na lang habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong mga babae na malapit na maglupasay sa sahig sa sobrang saya na makita ng malapitan ang mukha ng lima, edi sino pa ba? Ang lima kong kuya.
The whole duration of our school days ay ni isa sa kanila ay hindi tumapak sa building na kinalalagyan ko, una ay wala dito ang classroom nila so normal na hindi sila mapadaan dito dahil busy sila sa works nila at pangalawa ay pinagbawalan ko silang lumapit sa classroom ko.
Sa una ay ayaw nila ang gusto kong mangyari pero pumayag rin sa huli dahil pinayagan ko silang lapitan ako only if I eat at the canteen, sa canteen kasi kahit marami ang tao doon ay hindi mahahalata na kasama nila ako dahil sa presensya nila na tinatago ako sa mata ng mga tao.
No one really saw me with them except the three. Palagi kasi akong nakasuot ng jacket na halos takpan ang kalahati ng katawan ko, it is always kuya Blaze’s jacket that I use.
Ipinapasuot niya sa aking tuwing papasok kami ng canteen matapos ay papalibutan nila ako na parang isang tao na kailangan protektahan mula sa sniper. Ewan ko kung bakit times two ang size ng jacket niya kung nung nakaraan ay sakto naman ang pagkakasuot ko ng sweater niya.
“Okay. That’s enough fan-girling, bumalik na kayo sa upuan niyo kung ayaw niyo mailagay sa wanted list ng ating SSG officials.” I announced as I clap my hands to get their attention.
“Remember, President Blaze and Vice Pres. Blake is here.” I reminded them. Sumunod naman sila sa sinabi ko ng may mga ngiti sa labi nila, well at last the room is now free from danger. Yeah, free from danger dahil kanina muntikan na nilang itumba ang table ng mga na sa first row.
Napaharap ako sa lima ng pumasok na sila ng tuluyan at tumayo sa harapan ng classroom na parang may i-aannounce, ano kaya ang ipinunta nila dito at may dala pa silang tig-isang rosas at iba’t ibang sweets and to let you know they’re all my favourites.
“Good morning Class A1…” nakangiting bati ni kuya Calyx, naghiyawan naman ang mga babae kaya agad ko silang sininyasan na mahina lang dapat. Hindi naman maiwasan talaga na mag hiyawan kung ang nasa harapan nila ay talagang galing sa isang magazine, hindi ko lang naisip kanina na sila ang tinutukoy nila dahil ngayon ko lang narinig na isang model ang tingin nila sa mga kuya ko.
Ang palagi kong naririnig ay pogi, foreigner, prince at male lead ang mga terms nila kapag dumadaan silang lima na magkakasasama.
“Okay lang naman sa inyo na dito muna kami hanggang sa matapos ang break time diba?” sabi naman ni Dexon at kumagat sa sandwich na dala niya. Anong pinagsasabi niya, until break time ends? That’s twenty minutes left. Wala ba silang gagawin, ano naman gagawin nila dito for twenty minutes?
Hindi naman sa ayaw ko silang naririto pero hindi naman ata pwede na tumambay sila dito dahil alam kong busy ang limang ito, they have positions inside the campus. The whole class looked at me at ganun rin ang lima, napaturo naman ako sa sarili ko dahil sa gulat.
“What do you say pres?” tanong ni Susan, ang classmate ko na siyang naging muse namin. Napakurap naman ako at tigningnan ang iba at lahat sila ay may umaasang tingin sa akin, like begging me to say yes.
I was real strict about letting other students enter our classroom, I punish the person who didn’t ask permission to me before letting him/her inside. Nakakapagod kaya mag floor wax, ang kapal kasi ng mukha ng iba porket hindi sila ang may-ari ng classroom ay nakasapatos silang pumapasok.
“Pres? You’re the classroom president?” manghang tanong ni kuya Blake, isang tipid na ngiti at tango ang isinagot ko sa kanya. Hindi nila kasi alam na ako ang naging president, hindi ko sinabi. Like I said, small achievement ko lang ito and hindi ko kayang sabihin sa kanila dahil nahihiya ako.
“Yes vice pres. Blake, she’s the best!” sigaw nila at naka-thumbs up pa lahat, nahihiya naman akong tumingin sa sahig habang nakangiti. Hindi naman sa best talaga, siguro dahil hindi ko sila pinagagalitan unless necessary.
“I can’t be the best kung hindi kayo masunurin. Let just say that you guys are easy to handle.” Nakangiti kong sabi sa kanila, sumangayon naman sila sa sinabi ko. I’m not lying, they really are obedient students.
Mayroon namang mga pasaway pero hindi naman sila nagiging problema, kung mayroon naman mangyari yung vice pres. na namin ang gagawa ng paraan with my help of course.
“They should be. So sino vice pres. niyo?” tanong naman ni kuya Calyx na halatang proud sa akin, bigla na lang naging tahimik ang classroom sa sobrang tahimik ay mga ingay lang sa labas ng room ang maririnig mo.
Well I can’t deny that our vice pres. is the most strict one, kung ako open with suggestions siya naman ay hindi. He has rules written and when he says something it should be followed immediately and accordingly. One time nga eh may pinarusahan siya, hindi ko man lang alam ang nangyari dahil excused ako that day so siya muna ang nag handle ng classroom.
“Oh, bakit ang tahimik niyo bigla?” tanong ni kuya Dexon na siyang nag basag ng katahimikan, hindi man lang nag salita ang mga kaklase ko at itinuro na lang ang pwesto ni vice pres. na ngayon ay natutulog.
“Terry Chua, na naman?” napalingon ako kay kuya Calyx ng my ibinulong siya, hindi ko narinig ang panghuli pero isiniwalang bahala ko na lang. He sounded disappointed with something. May ginawa ba si Terry na hindi nagustuhan ni kuya? Never mind, hindi ko naman sila pwedeng tanungin kasi alam kong hindi nila ito sasagutin, they’ll just change the topic.
“So, what brings you here po?” I asked to lighten the atmosphere. Para silang susuntok ng kung sino eh, nabigla na lang ako ng nag-iba ang mood ng lima at humarap sa akin na parang may kasalanan.
“To apologise.” Bulong ni kuya Calyx habang nakatingin sa wrist watch niya. Tumingin naman ako sa elder twins ng umiwas lang sila ng tingin sa akin, si kuya Dexon at Daxon naman ay nakatingin sa mga daladala nilang rosas at sweets.
Nag-ingay naman ang mga kaklase ko, nagbabagayan kung sino ang pinuntahan ng limang ito. I’m also curious kaya hindi muna ako nag salita, sino naman ang swerteng tao na pinuntahan nila dito? Well aside from me kasi I strictly told them to never meet me here in person unless it’s an emergency.
“To whom?” I questioned with a smiling face while looking at them. I’m just making sure that they’re here for someone, not me. They gave me smiles and that’s when I noticed their gestures. Napa tanong ako sa sarili ko, what happened yesterday?
I figured some of the happenings, I fainted yesterday and now I don’t know how I took the exam and went home on my own. Maybe my kuyas did pero hindi naman yun nakasagot sa tanong na nasa utak ko, bakit nila ako pinapasok ng school kung nag faint ako at hindi man lang gumising para kumain ng dinner. Tapos ngayon may pa apology something sila, ano ba nangyari at nagkaganito?
“Ricky, close the door as well as the curtains.” Utos ko ng nagtangkang lumapit sila sa akin, well if I turn them down they well be surely sulking all day. It happened a month ago where I said no to them about something I can’t recall, na wala lang ang pagkatampo nila dahil pinuntahan ko sila isa-isa sa kanikanilang room para suyuin.
Anyway, I also want to know what caused for them to be apologizing to me at kailangan ay dito pa school gawin.
“Tapos na pres.” Tinanguan ko lang ang sinabi ni Ricky at sininyasang bumalik sa kanyang upuan, uminga ako ng malalim at pinagsiklop ang mga palad ko bago sila tiningnan ng seryoso.
“So, class. I can trust you naman diba?” I asked while hiding my shaky voice. I need to be sure na trusted talaga sila na hindi nila ikakalat ang malalaman nila ngayon, I don’t want to be crowded for the rest of my school days.
“What you’re about to discover should only be within inside these four corners. Are we clear?” I asked again. Tumango naman sila habang may pagkalito sa kanilang mga mukha.
Hinarap ko naman ang mga kuya ko na ngayon ay nag-aabang pa rin ng signal ko, tumango ako ng mahina at saka nag-cross arms. Napangiti ako ng agad silang lumapit sa akin at yumakap, well I missed them giving me hugs.
Matapos nila akong yakapin ay isa-isa naman silang ibinigay sa akin ang mga rosas na dala nila, two black rose from kuya Blake and Blaze and two red rose from kuya Daxon and Dexon. Napanganga ako ng ilabas niya ang flower na dala niya, pati classmate ko ay napasinghap na dahil sa pagkamangha.
“Blue rose, just for you honey.” Proud niyang sabi. Napahilot na lang ako sa noo ko sa sinabi niya, this thing looks expensive.
“Is this what I think it is?” tanong ko habang sinusuri ito, tumingin ako sa kanya para kompirmahin. Nakangiti naman siyang tumango, lalapitan ko siya para sana bigyan ng halik sa pisnge ng harangan ng kung sino ang mukha ko. Nagtataka naman akong napaatras at tiningnan ang humarang sa akin, bakit siya humarang?
“Don’t. That’s not the real one. It’s only a replica, look closely. It’s not even a real flower.” Sabi ni kuya Blaze with his straight face, tiningnan ko naman pa kumpirmahin at tama nga siya. Para siyang plastic pero hindi naman plastic ang texture, napangiti na lang ako dahil kahit pa hindi siya ang totoo ay masaya ako.
“Hehe. Sorry to interrupt pero ano po…” napalingon ako kay Susan na ngayon ay litong-lito na nakatingin sa amin, palipat-lipat ang tingin niya sa mga rosas na hawak ko at kila kuya.
“Nililigawan niyo pa ba si Pres. Jahnette?” dugtong niya na aking ikina-ubo, ano sabi niya? Narinig ko naman ang sigaw ng lima dahil sa narinig nila, nag tinginan kami at napatawa dahil ang wild ng imagination nila. Grabe naman, ganun ba tingin nila sa amin, hindi ba normal ang ginagawa namin?
“Is that a yes?” atat na tanong ni Susan, napailing na lang ako at kumuha ng chalk. Isinulat ko ang surname ko sa right side ng blackboard sa malaking writing, matapos ko itong isulat ay humarap ako sa kanila.
“Let me introduce myself, again. I’m sure you didn’t listen the first time or you just don’t care at all.” I said while smiling, but the truth is I’m a little sad because most of them don’t really care about who I am.
“I’m Jahnette Falcon. And these are my…” sabi ko at itinuro sila kuya, sininyasan ko sila na mag salita at nakuha naman nila ito.
“Her brothers. We are her brothers.” Sagot ni kuya Blake. Tumango naman sila kuya bilang suporta na totoo talaga, nakita ko ang gulat sa mga mukha nila lalo na ang mga babae.
“Well, we’re the Falcons and it’s nice to meet you all. Thank you for being kind to our one and only little princess.” Nakangiting sabi ni kuya Blake na parang may pagbabanta sa tono niya, or is it just me hearing things. Bakit naman niya pag-babantaan ang mga classmates ko.
“You’re a Falcon?” tanong nung babae na siyang nag-kidnap sa akin kahapon, binigyan ko siyang ng tango na siyang ikinaputla niya. Well I can’t blame her, hindi naman niya alam na isa akong Falcon. Hindi rin kasi binibigkas sa classroom ang surname ko, the teachers just don’t call me by the surname. I don’t know why.
Hindi ko alam anong nangyari, wala naman ito nung baguhan pa kami ng mga kuya ko dito sa school. Nagsimula lang ang hindi nila pagbigkas ng surname namin ng may isang student na nakahanap ng old book or something na file from the library, hindi ko nga alam pero ang sabi ay isa itong important file na matagal ng hindi nahahanap.
They didn’t share the whole content of the said file kasi confidential, they only announced that if someone messes with a Falcon they need to be prepared for the punishment. It became a rumour for a week then the next day ay nawala na rin. Ang nakakagulat doon ay hindi man lang nalaman ng mga teacher and staffs ang rumour na iyon, it only roamed around the students of these school.
At saka yung file na iyon ay hindi na mahanap sa library, one time I tried to look for it para malaman kung ano iyon at ganun ang reaksyon nila pero wala akong nahanap ni isa na Falcon ang laman. Kahit naman na nakakatakot ang library namin ay nakapasok ako with my classmates, sakto kasi na may gagawin kami sa library. It was one weird file, bakit naman ito about sa surname na Falcon, what was it all about?
“Baby girl, what’s on your mind, is something bothering you?” napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang nag-aalalang boses ni kuya Blake, umiling naman ako pero napatigil ng naisip ko ang tanong na kanina ko pa gustong itanong.
“Why are you sorry kuya?”
“Oh, ikaw lang ang may alam niyang baby girl. We just felt something was off yesterday kaya we are apologizing.” Sagot niya at hinaplos ang ulo ko, napalingon naman ako kay kuya Daxon ng sumingit siya sa pagitan namin ni kuya Blake.
“Kaya nga bunso, kung may nagawa kaming hindi mo nagustuhan sabihin mo na para itama namin ito.” Nag-aalala niyang tanong habang nakatingin sa mata ko. Ano naman ang ginawa nila na hindi ko na gustuhan? Eh hindi ko nga maalala ang nangyari kahapon. Nailipat ko naman ang tingin ko kay kuya Blaze ng nagsalita siya sa usual na tono niyang monotone.
“You were ignoring us yesterday and also acting cold.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, anong cold? Paano ako naging cold? Napalingon ako kay kuya Dexon ng dumungaw siya sa left side ng shoulder ko, naging speechless na lang ako sa sinabi niya.
“It was not like you at all. I even thought you were possessed but then shrugged it off, I received three punches because of that.” – Daxon
“Anong possessed?” gulat kong tanong, iyon lang ang tumatak sa utak ko sa lahat ng sinabi nila. Possessed. Can that be the answer to what happened to me yesterday?
Bigla akong nanlamig ng mapagtanto kong pwede nga itong mangyari dahil may multo dito pero hindi ko sure kung pwede nga talaga, humawak ako sa braso ni kuya Daxon at tinanong siya habang umaasang hindi totoo na possible iyon.
“Kuya, did I?”
დ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro