Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03

“Jahnette!” napangiti ako ng agad na lumapit si Jessie pagkalabas ng last teacher namin sa umaga, lunch break na at nagliligpit ako ng mga libro. Masaya naman ako sa mga teachers namin, hindi sila mga terror na pwede kong ikabagsak.

Masayang kumapit si Jessie sa braso ko, “Gusto mo mag-tour around campus?” tanong niya habang nakatingin sa mga gamit na inaayos ko. Tumango naman ako habang nakangiti bilang sagot, this is what I’m waiting for; a tour around the campus.

“Excellent! Let’s go!” masaya niyang sigaw at hinila na ako palabas ng classroom, mahina akong napatawa sa excitement niyang pinapakita. Ang una niyang pinakita sa akin ay ang kanilang gymnasium na sobrang laki, mas malaki pa sa gym namin sa dating school.

Dalawang building ang pinasok namin at lahat okay lang ang hitsura, napansin ko lang ay yung pagkakaiba ng upuan namin. Yung sa level namin ay desk and chair yung sa elementary naman ay combined chairs, yung upuan ay nakadikit lang sa lamesa tapos apat o tatlo ang makauupo non. Yung sa upper level naman ay upuan na may armchair, nakapagtataka lang dahil sa dati kong school ay lahat pareho.

“And this is the library,” pabulong niyang sabi ng makarating kami sa isang building na walang ingay na maririnig kundi ang huni ng mga ibon, tumingin ako sa paligid at napansing maraming dahon ang nag sikalat sa sahig.

Mukhang hindi nalilinis ang bandang ito, nasa likod kasi ito ng isang abandonadong building na dati raw na isang laboratory kung saan kadalasang ginagawa ang kanilang experimental projects. Naabandonada dahil hindi na sila gumagawa ng projects na kinakailangan ng laboratory, most of the students took the written projects than the activities from what she said.

“Close siya dahil absent yung librarian.” Napa-atras ako ng ni lapit niya ang mukha niya sa akin, hinawakan niya ako sa balikat kaya napababa ako para pantayan ang bibig niya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya at bakit kailangan niya pa ibulong sa akin. 

“May nakita daw na multo.” Naramdaman ko na lang ang pagtayo ng mga balahibo ko ng marinig ang sinabi niya, wala akong sinayang na oras at agad na napahawak sa braso niya. Multo. May multo dito? Bakit pa siya dito pumunta kung may multo?

“Pu…Punta na tayo sa canteen, gutom na ako,” kinakabahan kong sabi habang palingon-lingon sa paligid, naglakad na kami papalayo doon sa tapat ng library. Ako lang pala ang naglakad palayo, nagpahila lang si Jessie sa akin habang may maliit na ngiti sa bibig niya.

Maganda na sana eh, panira lang ang multo na yun. Ano kaya ang dahilan nun kung bakit siya nanatili doon? Napailing na lang ako at pilit iwasan ang pag-isip pa ng bagay na yun, nanlalamig ako. Habang papalayo kami sa building ay panay ang lingon ko sa likod, nag iingat lang baka kasi bigla na lang may kasama na pala kami.

“Ouch!” Napa-tigil ako sa paglakad ng may mabangga akong tao, hindi ko yun naramdaman ah.

“I’m sorry.” Paumanhin ko habang inaayos ang salamin ko para makita ang kalagayan niya. Ayan tuloy nakalimutan kong tumingin sa dinadaanan ko, kapag may multo talaga na involved hindi ako mapapanatag kapag hindi ko tinitingnan ang nasa likod ko.

Pakiramdam ko kasi sinusundan ako nito kapag hinayaan kong hindi tingnan papalayo. Nilingon ko si Jessie at ngumiti lang siya kaya lumapit ako sa babaeng nakaupo ngayon at lumuhod upang tulungan siya, napanganga na lang ako ng makita ko ang isang baso ng frappe na nasa kamay niya.

Lagot ako nito mukhang mayaman ang isang ito, napakagat na lang ako sa inner cheeks ko habang sinusuri ang kabuuan niya. Nabuhos sa kanyang damit ang kalahati ng inumin niya at ngayon ay tumitili siyang nakatingin sa kanyang puting blouse, kinuha ko ang dala kong panyo at lumapit sa kanya para punasan ang dumi ng tabigin niya ang kamay ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, alam ko na ang mga galawang ito. Tatayo siya at sasampalin ako o di kaya sisigawan, pumikit na lang ako para hintayin ang gagawin niya. Anong laban ko sa babaeng to eh ang mamahalin ng mga dala niyang gamit, signature lahat mula paa hanggang sa ulo. Kapag lumaban ako baka mapatalsik pa niya ako paalis dito sa school, kailangan ko magpaubaya.

“Nerd!” Gulat akong napatingin sa kanya ng itapon niya sa mukha ko ang natira niyang inumin, iniangat ko ang tingin ko na at pinantayan ang babae na ngayon ay nakatayo.

Sumalubong sa akin ang mata niyang galit at mga labi niyang nakangiti ng tagumpay, napalunok na lang ako habang pinipigilan ang sarili na umiyak. Hindi ko inaasahan na gagawin niya yun, mahigpit kong kinulong sa kamay ko ang panyo ko habang nakatingin sa kanya. Ang alam ko na ginagawa ng mga gaya niya ay sasampalin ang mga tao na bumabangga sa kanila.

“Now, we’re even,” masaya niyang sabi habang pinapaggpag ang kanyang pantalon, inayos niya ang kanyang buhok at tumingin sa akin. Iniwasan ko na lang mag tama ang mata namin dahil hindi ko na alam kung ano na susunod na gagawin niya, baka magsimula siya ng away at ako ang masisi sa huli. Nag sabi naman ako ng paumanhin ko hindi na kailangan maging pisikal.

“Your new here.” Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang nagtatakang sinuri ang mukha ko, tumango naman ako bilang sagot. Kasali ba ito sa SSG officers para tanungin na bago ako, kasi ganun naman diba? Yung officers kilala ang lahat ng student dito sa campus, well mostly lang naman sa pagkaka-alam ko.

“I don’t care.” Sabi niya at tumatawang lumayo, para siyang kotrabida sa isang anime. Napatayo ako ng maayos ng lumingon siya at seryoso na ang mukha niya, umatras ako ng isang hakbang at kumapit kay Jessie na ngayon ay hindi pa rin nagsasalita.

“What’s your name?” tanong niya habang kinukuha ang kanyang selpon sa kanyang bag, tinaasan niya ako ng kilay kaya alam ko na wala akong choice kundi sabihin sa kanya. Mag sasalita pa lang sana ako pero pinigilan ako ni Jessie, hinila niya ako papunta sa likod niya na ikina gulat ko. Huminga ako ng malalim habang nakatingin kay Jessie, kilala ba niya ang babaeng ito?

“Hi. I’m Jessie Gomez her friend and you are?” nakangiti niyang pagpapakilala at itinuro pa siya ng tinanong niya ito, so hindi niya kilala ang babaeng ito? Kung titingnan ay hindi pala nakasuot ng uniform ang babae, hindi ata ito nag-aaral dito kung ganon pero paano siya nakapasok sa gate? No ID, no entry kaya ang nakapaskil sa labas ng gate.

“I don’t need your name and how dare you not know my name, peasant.” She sound offended as she said the words to Jessie, namiwang naman si Jessie na parang hindi galit ang kaharap niya ngayon. Sinilip ko siya at ayun nga, galit rin siya. Oh, no. I don’t feel good about this, baka mag-away sila dito wala pa namang makakakita kung sino ang nagsimula.

“Huwag mo nga akong matawag na peasant at pwede ba mag salita ka sa tamang lenguwahe, wala ka sa Amerika!” sumisigaw niyang dinuro ang babae at napalunok na lang ako ng makita ko ang pag-iba ng mood nung babae, matalim na tingin ang kanyang ipinukol kay Jessie na hidni rin nagpapatalo. They need to chill, ayaw ko makakita ng away.

“Don’t you point your filthy hands on me, you have no rights!” sigaw nito at pinatunog ang kanyang mga daliri, gumaya rin si Jessie kaya napa-alerto na ako sa mangyayari. Anong binabalak nila?

Suntukan ba ito o hilaan ng buhok? Napakunot ang noo ko at pinatagilid ang ulo ko ng pinaglayo ni Jessie ang kanyang mga paa, tatalunan ba niya ito? Para siyang sumo sa pagkakatayo niya ngayon. Nagulat ako ng sumigaw si Jessie at ganun rin yung babae, bakit sila sumisigaw? Nanlaki ang mata ko ng sumugod sila sa isa’t isa, wrestling ba ang gagawin nila?

Agad akong lumapit kay Jessie at hinila papalayo sa babae bago pa niya ito mahawakan sa ulo, napaupo kami sa lupa at pinanuod kung paano sumubsob ang mukha nung kaaway namin sa lupa.

“That hurts,” bulong ni Jessie habang nakasandal sa akin, sumangayon ako sa paraang pagtungo. Napalingon kami sa gilid ng may nakarating, hinihinggal ito habang nakahawak sa kanyang tuhod. Nakasuot siya ng uniform ng isang police kaya nagtaka ako, wanted ba ang babaeng ito?

“She’s here!” sigaw nito pagkatayo niya, napatigin ako sa taong kadarating lang. Umalis ang lalaki kanina at nilapitan yung babae na nakasalpak pa rin sa sahig, nakatulog ata yun sa lakas ng pagkasubsob niya.

Umalis na si Jessie sa pagkakasandal sa akin kaya tumayo na rin ako at pinagpagan ang aking palda, okay naman ako hindi naman masakit pwet ko. Napa-atras ako ng maramdaman ko ang presensya ni Terry, more like yung amoy niya na masyadong malakas. Nakatingin lang ako sa kanila na nag-uusap, tintanong kung okay lang ba ang lagay nito.

Okay naman ako, napailing na lang ako sa pumapasok sa isip ko, masyado akong assuming kung Iisipin ko na tatanungin din ako kung ano lagay ko. Pasimple akong lumayo habang nakatalikod sila sa akin, hindi rin naman ako kailangang makinig sa usapan nila kaya lilinisin ko na lang ang sarili ko dito sa tabi.

“Hindi ka ba nasaktan nung babae na yun?”

“Hindi, ano ba nangyayari? Bakit may medics?”

“Takas iyan sa mental, hindi nakayanan ng guard na panatilling nasa labas ng campus.”

“Eh?” napasilip ako sa kanila sa narinig, anong takas sa mental? Bakit dito siya pupunta sa lahat ng lugar na mayroon dito? Tiningnan ko ang babae na ngayon ay nakadamit na ng putting damit na para lang sa mga baliw, kaya pala masama ang kutob ko ng ngumiti siya sa akin. Bigla akong napahimas sa braso dahil sa paninindig ng balahibo ko, mabuti lang at hindi natuloy ang rambulan nila.

“Na-stress siya dahil sa classes nung panahon niya kaya nabaliw siya, pinapagaling nila iyan para naman makabalik sa pag-aaral kaya lang tumakas at ngayon lang nila ulit nahanap makalipas ang ilang buwan nitong pagtakas sa ospital.”

Paliwanag ni Terry habang nakatunton ang kanyang tingin sa babae na ngayon ay nilalabas ng mga medics papunta sa isang ambulance, nakanganga lang ako ng matapos siya magsalita, ilang buwan? Ang tagal naman ng pagkawala niya, ano kaya ang ginawa niya sa loob ng mga buwan na iyon na nawawala siya?

“Seryoso sila? Iyun nga ang naglagay sa kanya sa estado na iyan tapos ibabalik pa nila?”

Tama, torture ba ang ginagawa ng mga magulang niya sa anak nila?

Natuon ang mata ko sa taong mamahalin ang suot na walang emosyon na tiningnan ang lagay ng babae, nag tago ako sa likod ng bushes ng lumapit siya kila Jessie at Terry. Nakasuot siya ng business attire at mukhang hindi niya gusto ang nangyayari ngayon, siya ba ang nanay nung babae?

“Pasensiya na sa anak ko.” Paumanhin nito sa paraang hindi man lang makita ang kanyang sensiredad, hindi ko alam kung talaga bang galing sa puso ang kanyang sinabi.

Tumango lang ang dalawa tila tinatanggap ang kanyang sinabi, nag-tiptoe ako ng may kinuha ito sa kanyang clutch. Napanganga ako ng may nilabas siyang makapal na bagay na nakabalot sa isang bond paper, anong gagawin niya dyan!

“Here’s ten thousand worth of money, for the bills. If, any of you had injuries.” Abot nito sa dalawa, agad naman umiling si Jessie at ibinalik ito sa kamay ng babae. Umiling rin ito at hinawakan ang kamay ni Jessie at ikinulong doon ang pera, ngumiti ito na may pagkatamistamis na aking ikina tigil. She has this reassuring smile, tiningnan ko ang reaction nung dalawa at ayun nga natulala rin sila.

“Please, take it. I insist, these are just a small amount for my daughter, she made me promise to give money if she disturbs someone.” Malungkot nitong saad sa huli, pinunasan ko ang luhang tumulo. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila na mag-usap, sa huli ay tinanggap na rin nila. Si Terry ang humawak ng pera, hinintay lang naming umalis na ang mga ambulance at yung babae.

“Anong gagawin natin dito?” tanong ni Jessie habang nakatingin sa hawak ni Terry na envelope, agad naman siyang tumingin-tingin sa paligid kaya nalukot ang noo ko sa ginagawa niya.

“Where’s Jahnette?” napangiti na lang ako sa nag-aalala niyang mukha, yun lang naman pala akala ko kung ano na ang nangyari. Dahandahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at lumapit sa harapan ni Jessie, siya lang ang tinitingnan ko dahil siya lang naman ang kaya kong pantayan ng tingin.

Sa lagay ko rin ay nahihiya ako sa hitsura na amoy kape, nagpapasalamat ako dahil hindi nabasa ang uniform ko, kung hinubad ko ito kanina ay baka sira na ang suot ko na bagong laba.

“Jessie nandito siya sa harapan mo.” Rinig kong sabi ni Terry, pumikit na lang ako ng yakapin ako ni Jessie. Hinawakan na naman niya ang mukha ko at tiningnan, nakita ko ang pag hinga niyang malim na parang nawalan siya ng tinik. Bakit makahawak siya parang hindi ako malagkit, pinigilan ko na lang ang sarili ko na ngumiti pa ng makita ko sa gilid ng mata ko ang tingin ni Terry.

“Nasaan ka ba nagtago? Akala ko isinama ka na nung multo pabalik sa library,” Nag-aalala niyang sabi na hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga siya o tinatakot lang ako, napalitan akong ngumiti para itago ang takot ko pero hindi ko pa rin naitago kung paano ako humawak sa kamay ni Jessie.

Nakakakita ba siya ng multo? Napatingin ako kay Terry ng marinig ko ang tawa niyang mahina at mabagal, agad siyang nag straight face ng mag tama ang mata namin. Uh, bakit siya tumatawa, nakakikita rin ba siya ng multo? O nakakatawa para sa kanya ang takot ko?

“Let’s go inside, lunch is already served.” Tumalikod siya at naglakad papunta ng canteen, sumunod na lang kami ni Jessie habang nakahawak pa rin ako sa kamay niya.

Kung totoo nga na nakikita niya ang mga multo mas maganda na sa kanya na ako tumabi. At least alam niya ang gagawin kapag may nakita siyang multo, pero normal ba na nakakikita silang dalawa ng multo? Nabuo ba ang pagkakaibigan nila dahil nakakita sila ng hindi nakikita ng iba? Umiling na lang ako para alisin ang mga idea na wala namang sense, ano sila gagawa ng club?

Napailing na lang ako, masyado na akong nagiisip. Matapos ang mahabang paglakad namin papunta sa canteen ay masasabi ko na nakatago talaga ang library, tirik na tirik ang araw ngayon kaya basa na ako ng pawis. Napabuga na lang ako ng hangin habang nilalakad ang sidewalk na walang bubong, dapat malagyan nila to ng bubong dahil ang hirap maglipat ng rooms.

Pinaypayan ko na lang sarili ko gamit ang hoodie ko sa paraang hinihila ko ito palayo sa katawan ko para makapasok ang hangin, napatigil ako sa paglakad ng tumigil si Jessie. Napatingin ako sa likod ni Terry na papalayo na sa pwesto namin, nakapasok na siya sa canteen kaya lumingon kay Jessie na ngayon ay nakatingin sa akin.

Hindi ata kami sabay papasok doon, magsasalita sana ako ng hilain niya ako sa banyo na nasa gilid lang ng entrance ng canteen. Sa sobrang init ay nakalimutan ko na may kape sa ulo ko, kaya pala nangangati rin ako habang naglalakad.

“Tanggalin mo na ang hoodie mo dahil madumi na iyan, pagkatapos hugasan mo ang buhok mo.” Nakapamewang niyang utos habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin, tumango ako. Napangiwi ako ng mahawakan ko ang buhok ko na halos tumigas na sa sugar na natuyo, ilang minuto na ba kaming nakatayo doon? Nalukot ko na lang ang mukha ko ng maamoy ko ang panis na gatas.

“Hintayin mo ako dito, kunin ko lang bag ko.” Tumango naman ako ng lumbas na siya ng banyo, huminga muna ako ng malalim bago tinanggal ang ID lace ko. Nagpapasalamat ako na hindi nadamay ang ID lace dahil mahirap na maglakad dito sa kampus na walang ID, baka masita ako ng guard.

Napatigtig ako sa suot ko ng ilang minuto dahil nagdadalawang isip ako kung huhubarin ko ba ang hoodie o hindi na lang. Hindi naman sa nilalamig ako pero hindi ako sanay na walang damit na nakapatong sa uniform ko, yung feeling kasi na parang ang nipis ng suot ko dahil sa polo lang.

Hindi naman pwede na hindi ko ito hubarin dahil mag mumukha akong bata, bata na hindi marunong kumain ng maayos pero obvious naman na ibinuhos sa akin.

“Ngayon ko lang naman ito gagawin, ngayon lang,” pagpapagaan ko sa sarili ko. Itinabi ko na ang mga gamit ko at nag handa na maghugas. Hindi ko muna titingnan sarili ko habang inaayos ang sarili ko.

I don't want to panic while I'm here in public, hindi ko gusto na mag breakdown na lang bigla dahil sa hindi maganda ang itsura ko. Kung iiyak man ako dahil sa itsura ko doon ko gagawin sa bahay, pero swerte lang at hindi pa ako umiiyak dahil doon.

Hinugasan ko lahat ng lagkit na naramdaman ko sa mukha ko pati na rin sa buhok ko, sa ngayon ay nakalugay na ang buhok ko dahil may nakapasok na kape malapit sa pantali ko. Kalahati lang naman ang ibinuhus niya sa akin, bakit parang isang baso ang nasabuhok ko.

Natapos na ako sa paghuhugas ng narinig ko ang boses ni Jessie sa labas ng banyo, kinakabahan akong napakapit sa hoodie ko at ito na ang ipinagpunas sa mukha ko pati na rin sa salamin ko.

Hindi ako sanay na may makakita sa akin, lalo na kapag basa ako. Pagkasuot ko ng salamin ko ay nakita ko ang repleksyon ni Jessie na nakapikit na pumasok, inayos ko ang collar ng polo ko at ang necktie, bago pa niya mabuksan ang mata niya ay natapos ko na ito. Nakangiti lang ako dito dahil sa ginawa niya, wala lang hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko.

That simple gesture means a lot to me.

“Ikaw yan Jahnette?” paninigurado niya kaya tumango na ako. Pinanood ko lang siyang lumapit at binuksan ang bag niya para ilabas ang isang pouch, nahiya naman ako sa prepared niyang gamit. Mayroon naman ako pero hindi ko lang dinala dahil mabigat na yung bag ko at ayaw ko pa dagdagan.

“Bagay ang uniform sayo, mukhang ikaw ang may-ari ng clothing line ng school na ito eh tapos ikaw pa nag model.” Pagpupuri niya na ikinahiya ko na lang dahil masyado siyang mabulaklak magsalita, in my life siya lang ang nag-complement sa akin aside sa pamilya ko.

“Ang cute mo. Halika nga, ayusin natin buhok mo.” Pumwesto siya sa likod ko kaya tumagilid ako para makita ko ang repleksyon niya habang siya naman ay sinimulan na niyang ayusin ang halos basa ko ng buhok, mukhang bagong ligo na nga ako sa hitsura ko ngayon dahil hinugasan ko na ang lahat ng dulo ng buhok ko.

“Ayan, nakakagigil ka ha,” pabiro niyang sabi matapos niyang suklayin, ngumiti naman ako at nahihiyang umiwas ng tingin sa sarili ko. She's so good with words and I feel like I'm the most beautiful person. I can't help to feel happy about it.

Palagi ko naman naririnig ang mga magagandang salita sa mga kuya ko pero iba kasi kapag babae na ang nag sabi, idagdag pa na maganda si Jessie kaya parang nakakagulat na maganda ako sa paningin niya.

Nakakagulat na sa makapal na salamin ko at magulo kong buhok ay nakikita niya ang ganda ko na pati ako ay hindi ko makita. Yung feeling kasi na ang daming nagsasabi na maganda ka pero sa sarili mo ay hindi mo mapaniwalaan dahil hindi mo matanggap, napapatanong ka na lang sa harapan ng salamin kung saang banda ba yung ganda na sinasabi nila.

“Ang cute mo talaga, para kang isang bear dahil sa fluffy mong buhok.” Hinaplos niya ang buhok ko na ikinangiti ko na lang ulit, kung may ganito pa lang kaibigan bakit ngayon ko lang siya nakilala.

This things are new to me and I'm liking it, the way she cares about me is making butterflies inside me. Living with four brothers, I longed for a sister's love and care because it just hits different.

Umalis na kami sa banyo at deresto sa canteen. We ordered our food and looked for her friends, siya pa lang ang kaibigan dahil hindi ko alam kung tanggap ba ako ni Terry bilang kaibigan ni Jessie. Para kasing nakakahiya na bigla na lang maging isa sa circle of friends nila na feel kong matagal na nilang nabuo, nakasunod lang ako kay Jessie habang nag-iingat sa tray na dala ko.

Nakarating na kami sa table na sampu ang seating kaya agad ko ng nilapag ang tray para hindi ko ito mabitawan. Tumingin ako sa mga taong nakaupo na siyang makakasama kong kumain ngayon, hindi ako komportable kapag may isang tao na hindi ko talaga kilala kahit pangalan lamang ay hindi ko alam.

Naginhawa ako ng makita ang mga pamilyar na mukha, nandito si Hazel at Terry. Nakakapagtaka lang dahil ang laki ata ng table para sa apat na tao. Umupo na ako ng mahinang hinila ni Jessie ang laylayan ng aking polo, awkward akong ngumiti ng makitang nakatitig lang ang dalawa sa akin na parang ngayon lang nila ako nakita.

Inayos ko ang buhok na nakaharang sa mukha at uminom sa juice na nasa tray, sinimulan ko na kainin ang akin ng hindi man lang nagsalita si Jessie at agad na kumain na hindi man lang pinapansin ang dalawa.

Habang kumakain kami ng tahimik ay bigla na lang umingay, mula sa labas at papalapit dito. Napunta doon ang atensyon namin kaya napatayo na lang ako ng wala sa oras ng makita ko ang pamilyar na pigura ng mga lalaki na kapapasok lang, nakarating na sila!

Napangiwi na lang ako ng umingay ang buong canteen dahil sa mga sigawan ng mga babae, ganun ba sila ka hyper tuwing may grupo na pumapasok ng canteen? Napalingon ako kay Jessie ng dumungaw siya galing sa kaliwang balikat ko, hindi rin naman niya makita ang dumating dahil dinumug na ng mga tao ang entrance.

“Pahiram ng pantali sa buhok.” Agad naman ibinigay ni Jess ang pantali na nasa kamay niya lang kaya itinali ko na ang kalahati ng buhok ko. Gusto ko silang salubungin, antagal nilang dumating eh. Mukhang hindi rin sila makakapasok agad dahil sa gulo na nangyayari, nagpaalam muna ako sa tatlo para puntahan sila.

“Padaan! Po…”

At ngayon ko nalaman...

One wrong move, leads to a series of chaos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro