Chapter 02
Napatingin sa teachers table at nakita ang isang babae na naka suot ng uniform ng staffs dito, napaupo ako ng maayos nang maramdaman ang biglang pag-seryoso ng mga kaklase ko. Nakahawak ako sa braso ko habang nakatingin sa mga kaklase ko na ngayon ay nagtayuan, sumunod ako at nag-greet din.
“I’m Annika Soriano, you may call me Miss Ann.”
“Nice to meet you Miss Ann.” Sabi ko, napakagat na lang ako sa labi ko nung ang boses ko lang ang narinig sa apat na sulok ng classroom. Hindi ba nila iyon sinasabi dito? Napalunok ako ng lahat sila lumingon sa akin, ngumiti lang ako para hindi maging awkward.
“Well nice to meet you too, Miss?” Nakangiting sabi ni Miss Ann, kinakabahan akong napatingin sa kamay ko pabalik sa harapan. Napa-aga ata ang introducing ko, dapat kasi hindi na ako nagsalita ayan tuloy.
Huminga ako ng malalim pero hindi pa rin nabawasan ang pag kataranta ng katawan ko, unti-unti ko ring nararamdaman ang panginginig ng mga kamay ko. Madali lang ang pag pakikilala sa sarili pero hirap na hirap ako, marahan kong hinaplos ang kamay ko at ngumiti na. Bahala na nga, pangalan lang naman ang sasabihin ko hindi ang history ko.
“Jahnette Falcon po, Miss Ann.”
“Well what a beautiful name you have there, Miss Jahnette. Are you a transferee?” tumango ako sa tanong niya, ngumiti naman siya ng malawak at tumango-tango. I glanced at someone ng maramdaman ko ang titig niyang tagos sa buto, siya yung nakabato sa akin ng bola.
“Welcome to JH University, it’s a pleasure to meet you. I heard that you transferred here from America, am I wrong?”
“No you’re not wrong Miss Ann, I do came from America.”
“I see, are you getting comfortable now?” napatango ako at ngumiti, “Yes I do now, thank you.” Sagot na walang anumang pagkalinlang o pagkadama ng nervous, nagpapasalamat talaga ako at may English speaking dito. Mas sanay kasi akong makipag usap kapag English, sa dati kong school ay pili lang ang pinoy doon kaya mas sanay ako na English.
“Uh, excuse me po Miss Ann, ano po ba pinag uusapan niyo?” biglang tanong ng isang lalaki at ngayon ay puno na ng tawanan ang classroom, napangiti ako habang tinitingnan silang tumatawa. Well, it looks like they have this friendship with the teacher kaya gumaan na rin ang loob ko ng kaunti.
“I’m joking Miss Ann, naintindihan ko kayo. Sino pa ba ang nagturo?” tanong niya ng may patukso at hinarap kami dito sa likod at nag sinyas na sumabay silang magsalita, napaturo na lang ako sa sarili ko ng humarap siya ulit at nagsalita na. Ano naman sasabihin ko? hindi ko naman alam kung ano sasabihin nila.
“Edi si Miss Annika Soriano, the best English teacher!” sabay nilang sabi at nag -ayiee pa kay Miss Ann, kaya pala English speaking. English teacher pala, tumigil na sila sa kasisigaw ng suwayin sila ni Miss Ann.
“Oo na, quite na, may nag-aaral pa sa kabilang room. Oh umupo na nga kayo, kanina pa pala kayo nakatayo. Kaya pala nag mukhang ang liit ng classroom.” Nagsi-upuan na kami at ganun din si Miss Ann, nagsimula na siya mag salita at mag kwento at at hindi na naming namalayan ang oras at nag-bell na, tumatawa lang kami at sumasang-ayon sa mga storya ng pinagsasabi niya.
Masaya naman ang naging discussion namin, ang maganda sa kanya ay hindi niya binibigla ang mga estudyante na school works agad sa first meeting. Nalaman ko rin na siya ang adviser namin, mabuti nga iyon sa akin eh.
Kaysa naman sa bagong teacher na naman at hindi ko na naman alam kung paano i-approach kapag nagkataon na kailangan ko ng tulong, ayaw ko ulit mag isip ng kung anong scenario na gagawin ko. Nakaka-drain ng energy.
Kinuha ko sa bulsa ko ang notepad at lumingon sa upuan ni Terry at bakanteng upuan lang ang nakita ko, tumayo naman ako at hinahanap siya kung saan siya napunta at ayun nakita ko siya na pinapalibutan ng mga kaklase namin.
Napakamot na lang ako sa noo ko at umupo ulit, mukhang mahihirapan akong ibigay ang sulat na ito, dibale na lang marami pa namang oras mamaya. Sa ngayon kakain muna ako, nagutom ako sa pagsasalita ko kanina. Sa mga oras na ito, ano na kaya ang ginagawa nila kuya? Hindi ako mapakali, ano kaya ang kailangan nilang puntahan?
“Hi!” Napaangat ang tingin ko sa nagsalita, napangiti ako ng makita yung babae na tumulong sa akin kanina. Siya yung nag bigay ng bote sa akin, ibinaba ko naman ang kinakain ko at kumaway rin. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay umupo sa harapan ko, napatingin ako sa taong tumabi sa kanya.
Napakurap-kurap ako sa taglay niyang ganda, her skin color is giving me the butterflies. With that thick brows, mid-length curly lashes, pretty lips and captivating eyes, she nailed it. She’s perfect to me, she’s wearing the school uniform with style. She’s wearing cycles under the skirt and a gear like glove on her hands, for the shoes she’s wearing running black shoes.
“This is Hazel Perez, call her Zel.” Kumaway naman ako at siya naman ay tumango lang, “and I’m Jessie Gomez, call me Jess. Nice to meet you Jahnette.” Tumango ako at kumagat ulit sa pandesal na gawa ni lola, bumisita sila kaninang umaga. Papalabas na nga kami non para pumunta ng school at ayun dumating sila na may dalang pang-almusal namin, dumala na lang ako para hindi masayang.
Anyway, bakit ang ganda ng dalawang ito? They're a perfect combo if you ask me, I’ll love to watch them every step they take. Not like a stalker, I meant I’ll be cheering for them as their classmate.
“We’re terribly sorry for our classmates, ngayon lang kasi sila nakalabas ng kanikanilang mga lunga kaya ganun na lang sila kung mag-laro.” Paliwanag niya at nag bungtong hininga, napatango ako ng maisip na baka nga ganun sila makakilos dahil balik pasukan na.
“Okay lang, hindi lang ako sanay na magulo ang classroom,” mahina kong sagot, tumingin naman siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Bago ba iyon? Sa dati kasi kong school hindi sila gaano ka gulo, kung magkagulo man lang ay slight lang siya parang habulan pero titigil rin agad. May batuhan rin naman pero papel lang, may mas nakadidiri nga na nangyari kung saan ay spit ball ang kanilang pinag babato sa kabilang side ng classroom.
“Sure ka? Walang sigawan at rambulan doon?” tumango naman ako sa tanong niya, walang rambulan at walang sigawan. Baka guidance o detention ang bagsak nila kung nag rambulan sila doon o kaya sigawan, kung may sigawan iyon ay kapag may dapat sigawan.
Kung ikokompara ko ito sa dati kong school masasabi kong magka-iba talaga ang atmosphere, doon peaceful dito maingay at magulo. “Ang boring naman.” Napa tingin ako kay Hazel sa sinabi niya, napaisip naman ako sa mga pangyayari doon.
Sa bagay boring nga talaga ang araw-araw na pangyayari doon, study at bahay lang ang naging buhay ko doon aside from family bonding wala ng exciting na ganap sa school.
“Tama si Zel, boring rin ang first impression ko pero hindi naman ata tama na husgaan agad. Siguro sa pagkasabi mo lang, i-describe mo nga in detail, kahit three words lang ang ibigay mo.” Napangiti ako ng marinig ko ang sinabi niya, describe in detail pero in three words lang daw. Pero kahit ganun napa-isip pa rin ako sa sinabi niya, ano kaya pwede kong gamitin na salita?
“Terry! You’re back already?” Napatigil ako sa kinauupuan ko ng biglang tumayo si Jessie, she knows him. Napayuko na lang ako habang nilalagay sa bibig ko ang natirang pandesal, masyado ba ako matagal kumain o sadyang ang bilis nila.
Hindi ko pa nga naihanda ang note na ibibigay ko sa kanya, sabihin ko na lang ba? Napailing na lang ako at niligpit ang paper pag sa ilalim ng table, tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang tinatapos ang pagnguya ko.
Tapos na ba ang recess time? I'm okay with eating around stranger kaya lang naninibago ako sa mga tao sa paligid ko. In my previous school I apparently grew up with my classmates, like literally grew up with them.
We stay in a campus and every time that we level up, they just switch students with someone in a different set of class. Parang memorize ko pa nga mga mukha nila eh, we saw each other’s puberty days.
What I’m saying is that hindi ko kilala ang mga tao dito, you know what I mean right? New place, new faces does not really do good with me. It takes time para sa akin, maybe a month passes before I get to be comfortable with them.
“Yeah, it’s pretty crowded in there.” Naramdaman ko ang pagdaan niya sa likod ko kaya, umusog ako ng unti para bigyan siya ng daan. Dapat kasi sa tabi na lang ako ng bintana para hindi ako sagabal sa kanyang pag daan, malay ko ba na dito pala ang puwesto niya. I don’t like this, honestly speaking. It’s like something is tickling my insides, it’s uncomfortable.
“Malamang sa crowded siya, ano akala mo sa canteen isang library na walang pumapasok?” napasilip ako kay Jessie sa sinabi niya, may library sila? Gusto kong pumunta, I’m always present when it comes to books.
Minsan nga doon ko kinakain ang snack ko, I sneaked it in. Bawal kaya ang pagkain kaya lang dahil suki ako doon pinayagan ako nung mabait na librarian, she trust me naman. I also help her keep the books when it’s time to go home, so I got her approval.
“So, Terry, my friend na naman ako.” Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang akong yakapin ni Jessie para iharap sa gawi ni Terry, more like a headlock? She’s squishing my cheeks!
Ngumiti na lang ako kahit hirap na ang katawan ko dito sa kinauupuan ko, is she really this aggressive? It looks aggressive to me, she has the same habit with Andrea, they grab the person they call friend.
“Jess. What did I tell you about making friends?” Kita ko kung paano nagsalubong ang dalawang kilay niya bago siya pumikit para pigilan ang galit niya, I know that reaction. I know it so much because of my brothers, palagi na lang kasi na pipikon si kuya Calyx sa younger twins kaya familiar na ako. Pero bakit siya galit, is it bad that she makes friends?
“Promise hindi siya harmful.” I glanced up at her, napangiti na lang ako sa mukha niyang nagpapa-cute. Does she need to prove him that she picked a harmless friend? May connection ba silang dalawa, like siblings or cousins?
“Jess, you said that last week and only to find out that the friend you found is a fugitive.” Napakunot ang noo ko sa pagkalito at napalingon kay Jessie sa, she had friends with a wanted person? Napalingon naman siyas sa bigla kong pag layo sa kanya, she smiled at me and looked at Terry.
“She was so kind, binigyan pa nga niya ako ng sandwich at yakult. I was hungry that time so I took it,” she elaborated with a smile on her lips, nakatingin pa rin siya kay Terry kaya lumingon ako kay Hazel para kumpirmahin. Tumango lang siya tapos umiling sa huli, she needs to choose who she talks with, I must say.
“Sure, I give you that but what if she put poison on the food, and then?” tumingin na si Terry sa mata ni Jessie na ngayon ay tahimik, napatingin ako kay Terry ng makita ang namumuong luha sa mata ni Jessie. Ano ang mayroon sa kanila?
Lumingon ako kay Hazel pero umiling lang siya at nag okay sign, what do she mean by that? Sinamaan ko na lang ng tingin si Terry na ngayon ay nakatingin pa rin kay Jessie, tumingin na lang ako kay Jessie at hinintay kung ano ba ang gagawin niya. Hinila niya ako patayo matapos niyang punasan ang mukha niya, yumakap ulit sa akin na para ako ang sulosyon.
“Promise, she’ll be the last,” Bulong ni Jess habang nakasubsob sa leeg ko, napasilip ako sa mukha ni Terry at nawala na lang bigla ang galit ko sa kanya. Nakita ko ang paglambot ng mukha niya at alam kong nag-aalala lang siya, kanina kasi para siyang sasabog sa pagtitimpi nung nagsasalita si Jessie. He sighed and looked at Hazel.
I suppose they’re best friends.
Tumingin siya ulit sa akin at mahinang tumango, napangiti ako ng tipid at napairap ng hindi na siya nakatingin. Pina-iyak pa eh papayag naman pala, masaya nga siyang may ipapakilala tapos sisirain mo lang.
Hinaplos ko ang ulo ni Jessie ng mahigpit niya akong niyakap, I guess she can be my friend. I want to be friends with her in the first place anyway. She’s good with words and also very approachable.
“What did you just do?” napakurap ako ng hawakan ako ni Terry sa balikat at pinaharap sa kanya, nag tataka ko naman siyang tiningnan. Wala naman akong ginawa, or did he see me do that, ganun siya kabilis?
Ang bilis kaya nun and he was not even looking, agad siyang lumingon kay Jessie na nagsasaya. Napahawak ako sa kamay ni Jessie ng higpitan niya ang kapit sa balikat ko, nakatitig lang siya sa akin na parang may pagbabanta.
“Terry! Bitaw na.” Napakurap ako ng sampalin paalis ni Jessie ang kamay ni Terry, napaluwag ang paghinga ko ng malayo na ang kamay niya sa akin. Did I step on something right now? Kasi feeling ko mayroon, I think I triggered something.
What did I do wrong? Wala naman sa pagkakaalam ko, siguro kailangan ko na ibigay ang note? Huwag na lang muna, mukhang hindi maganda ang mood ni Terry.
Umiwas na ako ng tingin sa gawi niya at umupo ng maayos, pa simple kong pinunasan ang nabuong luha sa mata ko. Kinuha ko na lang ang tubig ko at uminom, nagpaalam na sila Hazel at Jessie ng pumasok ang sunod naming guro.
I lay my head on my arms as I watch the classroom get crowded again, gusto ko na mag lunch break. Hindi sa gutom ako, gusto ko na mag libot ng campus.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro