X - Train
Ellie's POV
Padabog kong isinara ang pinto ng aking silid. Grabe. Nakakainis.
Pa'no ba naman kase, paglabas namin ni Liam ng restaurant kanina may bumagga sa'kin na babae, and guess what? Natapunan niya ng kape 'yung damit ko na puti. Hindi man lang nag-sorry. Puting-puti pa naman 'yung damit ko.
And I think, hindi siya demigod. Wala kase siyang tiara.
Ay ewan. Naiinis lang ako pag-naaalala ko 'yon.
Jusko.
Humiga muna ako sa aking kama upang mag-munimuni. Ano ba 'tong pinasok ko?
My gosh, Ellie.
flashback
"Introduce yourself." ay, kailangan pala nito habang kumakain?
"Hi. I'm Ellie." 'yun lang.
Nakatingin lamang s'ya sa'kin na parang may hinihintay pang kasunod.
"Daughter of Aphrodite."
Nakita ko ang smirk n'ya pagkatapos kong sabihin 'yon.
Hindi ko lang nagustuhan.
"I'm Liam de Loughrey, son of Hecate and Matthew de Loughrey. Nice to meet you." pagpapakilala n'ya.
Actually, wala akong pake. 'Di naman na kita crush. Sayang ka.
Tumango lamang ako bilang sagot.
"Ellie." lumingon ako ng ako'y tinawag n'ya."Can I court you?"
Muntik na akong mabulunan sa sinabi n'ya.
Sigurado ba siya?
Nag-aadik ata s'ya ah.
Tang--
Sana noon ka pa nanligaw para oo na agad.
Hindi kase ako easy-to-get na babae. Gusto ko 'yung papatunayan talaga na mahal niya ako. Na karapat-dapat siya para sa'kin.
Pero, tatanggihan ko ba 'tong blessing na'to? Syempre hindi!
Pero, kailangan ko munang magpa-bebe. Hihi.
Harot.
"Uhm. Ano kase.." ano bang dapat kong sabihin mga te? "Hindi pa ako ready sa mga gan'yang bagay. Mas pagtutuunan ko muna ng pansin 'yung sarili ko. Kailangan ko munang malaman lahat tungkol sa pagkatao ko." tama tama.
"I can wait for you. I can wait for your approval to court you, even if it's for a hundred years. I'll wait until you're ready." he said with a smile.
Oh gosh. Muntik na akong maihi sa panty sa sobrang kilig.
Akala ko ba hindi ko na siya crush? Akala ko lang pala.
Napakarupok mo inday.
end of flashback
He also stated na he's willing to help me sa training. I can ask him anything about my true identity at gagawin niya ang lahat ng makakaya niya.
To be honest, kinikilig ako ng konti. Konti lang naman.
Maiba nga tayo. Ano bang ginagawa nila Finley sa sala? Bakit nakatayo sila sa pinto---ah, baka inaantay nila ako kase hindi ako nagpaalam.
Bahala na.
Tumayo ako at humarap sa vanity mirror. Kumikinang ang pendant ng kwintas ko. Napakaganda.
Gusto ko tuloy pumunta uli sa museé. Gusto ko uli makita si mama, kahit sa litrato lang.
"Soleil!"
"Casey!"
Nakailang tawag na ako sa kanilang dalawa pero wala man lang akong nakuhang sagot mula sa kanila.
Gusto ko kase silang isama sa museé. Ang ganda kaya doon.
Lumapit ako sa pinto upang lumabas.
"Bakit ba hindi kayo---" biglang naputol ang sinasabi ko nang makita ko na nakahiga na sila sa lapag at walang malay.
Anong nangyari?!
"Casey! Soleil!!" sambit ko ng kanilang pangalan habang tinatapik-tapik sila ng mahina upang magising, pero wala.
"Finley? Harro! Maitland!" ginawa ko na ang lahat ngunit walang nangyari.
Natataranta na ako dito.
Tumayo ako upang pindutin ang button na malapit sa main door. Sabi ni Lady Aislinn ay kapag mayroong nangyaring hindi maganda ay pindutin lamang ito at mayroong dadating.
Ilang beses ko itong pinindot. Paulit-ulit. Hindi ako mapakali. Iyak lamang ako ng iyak. Tarantang-taranta na ako.
Sigaw lamang ako ng sigaw. Hindi ko na sila kayang tingnan pa dahil paunti-paunting pinupunit ang aking puso sa nakikita ko.
Ayoko ng ganito.
"What happened?" sambit ng isang fairy na dali-daling pumasok sa aming dorm.
"I...I don't know!" sigaw ko.
"Bring 5 stretchers. Now!" utos niya sa iba pang fairy.
Lumapit siya sa button at nagsalita.
"This is Fae. I need more spirits to come here at dorm number 7018. We had 5 patients here. ASAP!" she looked at me. "Calm down, lady. Everything's gonna be okay, huh?"
Paano ako kakalma? Dahil sa'kin nangyari lahat ng 'to!
Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko.
....
Nandito na kami sa Hospital.
Nasa gilid lamang ako.
Mag-isa.
Iyak ng iyak.
Nakakainis! Kung hindi sana ako pumasok agad sa kwarto ko at pinansin ko si Soleil no'ng tinawag niya ako ay sana hindi mangyayari lahat ng 'to.
Mas inuuna ko pa 'yung sarili ko kesa sa mga taong palaging nand'yan sa tabi ko.
Bakit? Anong nagawa ko para sumpain ako ng ganito?!
Silang lima ay nakahilata sa sarili nilang mga kama at mayroong oxygen na nakakabit sa kanilang mga bibig samantalang ako dito ay malusog na malusog.
Hindi ko kayang makita sila sa gan'yang sitwasyon. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong malaman kung bakit sila nagka-ganiyan.
"Ellie! What happened to them? Ikaw? Ayos ka lang ba?" alalang tanong ni Emma sa'kin.
Hindi ko napansin ang pagpasok nila sa sobrang dami kong iniisip.
Tumayo lamang ako at niyakap siya.
Iyak lamang ako ng iyak. Hindi ko pa kayang mag-kwento tungkol sa nangyari. Hindi ko kaya.
"Shh, shh. Magiging maayos lang sila, okay? It's okay to cry. Your tears mean you feel deeply. And that's a good thing." sabi niya habang hinihimas ang aking likuran.
Hindi naman sila patay pero 'yung sakit na nararamdaman ko ay sobra-sobra.
Hinawakan ni Emma ang aking kamay upang ako'y mahimasmasan ngunit napatigil siya ng makita ito.
"What happened to your hand Ellie? Never pa akong nakakita ng ganitong kulay ng mga kamay. Sigurado ka ba na ayos ka lang?" tumango ako.
My hands turned pale black from color white.
"Your neck also." lumapit ako sa salamin upang tingnan. Kapareho din siya ng kulay sa kamay ko. Kakaiyak ko kaya 'to?
"Tawagin po ba namin si Miss Fae?" tanong ni Anna at tumango naman si Emma.
"No! Please! Sino na ang magbabantay sa mga kaibigan ko kung pati ako ay hihiga na din? Ayoko! Ayos lang ako."
Nakatitig lamang sa'kin si Emma pagkatapos ko iyong sabihin.
"You're Ellie, right?" Miss Fae asked. Nakakagulat naman 'tong isang 'to, bigla-bigla na lamang siyang sumusulpot.
"Opo" sabi ko sabay tango.
"We conducted several tests to know the reason kung bakit sila nahimatay. For now, magpahinga ka muna sa dorm niyo, kami na ang magbabantay sa kanila."
Umiling ako. "Ayoko ko po. Gusto ko pong mag-stay sa tabi nila hanggang sa magising sila." paliwanag ko.
"You're such a good friend. Sige, maiwan ko muna kayo." aniya habang lumalabas ng pinto.
Tinignan ko muli ang aking kamay. Umaabot na sa aking braso ang pangingitim. Nahihilo na din ako.
"Ellie..." sambit ni Emma. Nginitian ko lamang siya ng mapait.
Natutuwa din ako kahit papaano dahil nakilala ko silang dalawa ni Anna kung hindi, siguro mag-isa lamang ako dito ngayon.
Ipinag-sawalang-bahala ko na lamang ito. Kailangan kong magpakatatag para sa mga kaibigan ko.
Mayroong kumakatok sa pinto. Hinintay lamang namin na pumasok kung sino man ito.
She's wearing a flowery white dress.
Lady Aislinn.
We bowed to her as a sign of respect.
Itinago ko sa aking likuran ang aking mga kamay at tinakpan ng buhok ang aking leeg upang hindi niya makita ang pangingitim ngunit napansin ito ni Emma kaya't pinandilatan niya ako ng mata.
"No results yet?" tanong niya sa'min.
"Wala pa po Lady Aislinn." sagot ko.
Umiling-iling lamang siya.
Nakakapanibago 'yung ikinikilos niya ngayon. Ibang-iba sa Lady Aislinn na nakilala ko.
Maybe, because of what happened to my friends. Hindi ko alam.
Inisa-isa niyang sinuri ang mga kaibigan ko then she looked at me.
"Follow me." ako ba ang tinutukoy niya?
Teka...
Bakit ako kinakabahan?
"Wala pong magbaban---"
"The water sprits will take care of them, so follow me!"
Bakit niya ako sinisigawan? Wala naman akong nagawang mali.
Pinaghihinalaan niya ba ako?
Sa tingin niya ay magagawa ko 'yan sa kanila?
Hindi ako sigurado kung iyan ba ang iniisip niya pero hindi rin imposible.
Wala na akong magawa kundi sumunod na lamang sa kaniya.
Hindi ko alam na nakakatakot pala siya kapag nagalit.
Sa opisina niya ata kami pupunta.
Hay.
....
Lady Aislinn's POV
It's been 2 years at ngayon lang uling may nangyaring ganito.
I thought, after that battle lahat ay magiging maayos na. I thought we will live in peace. I thought everything will be fine.
Are they threatening us again? They just gave us a short amount of time.
In any time, they will attack us again. In any time, we will live in hell again.
And I don't want that to happen.
We suffered from the last battle. Hindi pa naghihilom ang mga sakit na nadanas namin noon.
We won, and I think that's the reason kung bakit gusto uli nila ng pangalawang labanan.
Napakatalino nila. Alam nila na nakuha namin ang alas kaya nila 'yon nagawa. Kaya sa lalong madaling panahon, kailangan kong sanayin ang natitirang demigod.
We're heading to my office para simulan ang kaniyang pagsasanay.
I hope, she can learn fast.
"Sit."
Kinuha ko ang aking libro upang tingnan ang kaniyang mga
kapangyarihan bilang isang anak ni Aphrodite.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro