IX - Help
Someone's POV
"I told you to bring her to me!" she shouted to me as if I'm not her son.
"But I can't! I didn't know she was that strong!" I shouted back.
I'm tired of this kind of life. I am treated like a dog, like a servant, not a son.
"You" she pointed at me. "You've been training since you were a kid, so how come you can't beat her? She's just a newbie. She knows nothing."
That's right. I need to do something in order to kill her with my bare hands.
....
Elllie's POV
Nandito kaming anim sa sala, pinag-uusapan namin yung nangyari sa'kin kanina.
Hindi muna kami pinag-training dahil iimbestigahan pa nila Miss Elora ang nangyari.
Sinira ko kase ang pana kaya hindi nila malaman kung kanino nanggaling 'yon, sa hunters ba iyon o hindi. Pero tandang-tanda ko naman ang itsura no'n kaya no probs kapag nakakita ako uli no'n.
"What if kasabwat din si Miss Elora sa pagpana sa'yo?" huh? "Look. When she leaves, doon ka pinana. We don't know if hindi talaga siya pumunta sa office ni Miss Aislinn instead she gave signal to the culprit? It's possible." paliwanag ni Soleil.
Posible naman yung sinasabi niya. Bago pa lang kami dito kaya't hindi namin kilala ang mga tao dito.
"Lili, anong say mo?" tanong ko sa munting ibon na nakadapo sa balikat ko.
"I..I don't know..I live for more than 30 years here in the palace but they never threatened each other, they treat everyone as their own family."
Yung pendant sa necklace niya ay kumikinang, parang nagpapatay-sindi.
When I looked at her eyes, para siyang maiiyak. Ayos lang ba siya?
"Are you okay Lili?" I asked her
"I-I'm fine. May pupuntahan lang ako." at lumipad siya palayo na parang walang nangyari.
Baka nagugutom lang siya o di kaya she feel useless nanaman dahil hindi niya ako na-protektahan?
"Inaantok na'koooo" sabi ni Maitland habang humihikab. Nagsialisan na din sila kaya't napag-pasyahan ko na pumunta na din sa kwarto ko.
Ang boring, super. Walang tv, walang phone, gosh. Yung kwarto ko walang kalaman-laman, tanging kama lang at aircon.
Parang bet kong bumili ng vanity mirror and make-up of course. Gusto ko sanang magpasama sa mga kaibigan ko kaso parang wala sila sa mood. Excited kase sila sa training but hindi natuloy dahil sa nangyari kanina.
Kumusta na kaya si Papa? Ayos lang kaya siya? Gusto ko siyang makausap para masabihan ng mga problema ko.
"Ako anak, hindi mo gustong kausapin?" sabi ng isang tinig sa isip ko.
Ayan na naman, may naririnig uli ako. Nababaliw na ba ako? Makaalis na nga para bumili ng pagkain, baka gutom lang 'to.
"You're not insane my daughter. It's me" A-aphrodite?
"M-ma?" I wanna cry.
"Yes. Did you like your jewel?" si Lili ba yung tinutukoy niya? Nasabi kase niya sa'kin kaninang umaga na bawat demigod ay mayroong jewel pero bakit wala sila Casey?
"Opo. Ang cute niya nga po e. Kaso, iniwan niya po ako. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Pero ayos lang, hehe." kwento ko sa kanya. Ang sarap pala sa feeling na makausap mo 'yung nanay mo.
"Are you going somewhere? Alis kana, it's getting late." tatawagin ko pa sana siya kaso bigla siyang nawala. Ayos na sana kung hindi ako lalabas ng bahay, basta kausap ko lang si Aphrodite. Pero baka busy siya, naiintindihan ko naman.
Ano kayang ginagawa ng mga kaibigan ko ngayon? 'Di bale na nga.
Habang naglalakad ako pakiramdam ko ay may nakatingin sakin na pares na mga mata. Iba yung feeling.
Pumunta ako sa tindahan na "Amenities". Ang cute ng store nila puro pink. hihi.
Ang gaganda ng mga furnitures nila. Nagdadalawang-isip nga ako kung sofa ba ang kukunin or vanity mirror.
They have different colors of their furniture but I do really love color pink. But this diamond purple sofa catch my attention.
I touched it pero wala pang isang segundo ay inalis ko na agad ang aking kamay. I was electrocuted. What the?
"Excuse me Miss? Can I get this sofa?"
"Sure! But first, give me your deity's name." si mama ba yung tinutukoy niya?
"Aphrodite!" I said and her smile suddenly disappear.
"I'm sorry but you can't get this sofa unless you're Zeus' child. Nakuryente ka ba nung hinawakan mo'to?" I nodded. "That's the reason. Each God prepare something for their child at ayaw nilang makuha 'yon ng iba so they put some magic sa mga bagay na'yon." she grabbed my arm. "You're Aphrodite's daughter. Maybe I know where your things are."
Andami naman pa lang kaartehan sa lugar na'to, char.
Harro is Zeus' son right? But I know, he doesn't like purple.
Napatingin ako sa jewelry section. Ang gaganda ng mga alahas nila. Gusto kong lapitan 'to kaso hawak-hawak pa din ako ng isang 'to. Mamaya ka sa'kin.
May diy bracelets kaya sila dito? I really want to give my friends a gift, yung magiging memorable para sa kanila.
"We're here!" aniya.
Nandito kami sa isang silid. Halos lahat ng bagay ay kulay pink at buti nalang hindi hot pink.
"Sa'kin ba 'to lahat?" tanong ko. Ang gaganda kasi.
"Yep. It's all yours. By the way, what's your name? Bago ka pa lang dito 'no? Wala kasing anak ni Aphrodite ang nakatapak sa lugar na'to ever since then. Napakaswerte mo."
Totoo pala 'yung sinabi ni Lili na lahat ng kapatid ko ay namatay. Naaawa tuloy ako. Feeling ko, ang selfish ko.
"I'll get this pale pink vanity mirror po."
"Sure! Ihahatid nalang namin sa dorm niyo later."
Lumabas na ako para tingnan 'yung jewelry section. Ang gaganda talaga.
Inikot-ikot ko pa para maghanap ng beads pero wala. Sayang.
"Ellie?" lumingon ako para makita kung sino ang tumawag sa'kin.
Si ex-crush pala.
"Yow. Anong ginagawa mo dito? May bibilhin ka ba?" tanong ko
"No. I was passing by then I saw you kaya nilapitan kita." ah gano'n ba. Wala akong pake.
"Kumain ka na ba? Tara." bago pa ako makapagsabi ng hindi ay hinila niya na ako papalabas.
....
"Introduce yourself." ay, kailangan pala nito habang kumakain?
"Hi. I'm Ellie." 'yun lang.
Nakatingin lamang s'ya sa'kin na parang may hinihintay pang kasunod.
"Daughter of Aphrodite."
Nakita ko ang smirk n'ya pagkatapos kong sabihin 'yon.
Hindi ko lang nagustuhan.
"I'm Liam de Loughrey, son of Hecate and Matthew de Loughrey. Nice to meet you." pagpapakilala n'ya.
Actually, wala akong pake. 'Di naman na kita crush. Sayang ka.
Tumango lamang ako bilang sagot.
"Ellie." lumingon ako ng ako'y tinawag n'ya."Can I court you?"
Muntik na akong mabulunan sa sinabi n'ya.
Sigurado ba siya?
Nag-aadik ata s'ya ah.
Tang--
....
Soleil's POV
"WHERE IS ELLIE?! Casey? Ano?"
Balak sana naming lahat kumain ngayon but Ellie is missing! 'Di man lang s'ya nagpaalam.
Someone knocked the door. Baka si Ellie na'yon.
Ngunit pagkabukas ko ay isang...vanity mirror ang tumambad sa harapan ko.
"Para kanina po ito?" tanong ko.
"Kay Ellie po. Pumunta po s'ya sa store namin kanina." saad n'ya.
"Saan po s'ya nagpunta pagkatapos niyang kunin 'to?"
"Hindi ko po alam e. Dito na lang po ba namin iiwan?" hay.
"Pakidala nalang sa kwarto niya. Thanks." saan nanaman kaya nagpunta 'yung babaeng 'yon?
Gosh, Ellie.
"SON OF A BITCH" sigaw ni Ellie mula sa pinto.
Tama ba 'yung narinig ko?
Nagmura siya?
"Halika ka nga dito." ngunit 'di niya kami pinansin at dumiretso lamang sa loob ng kanyang silid.
Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit naka-lock ito.
Ano nanamang problema niya?
"Ellie!"
Mayroong pumasok na lalaki sa aming dorm. Pamilyar siya.
Naaalala ko ang kan'yang mukha ngunit hindi ko matandaan ang kaniyang ngalan.
Saan ko ba siya nakita?
Bakit siya nandito?
"Hep hep. Saan ka pupunta? At alam mo ba na TRESPASSING 'yang ginagawa mo? At anong kailangan mo sa kaibigan namin?" Soleil asked him.
"I want to talk t--" he stopped.
Binigyan niya kami ng nakamamatay na tingin.
"Why are you looking at us like that?!" inis na tanong ni Soleil sa kan'ya.
"Maiors" sambit niya habang palapit nang palapit sa amin.
I have a bad feeling about this. Seriously.
He said something na hindi namin maintindihan.
Gusto kong tumakbo ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko mabuka ang aking bibig.
What the heck is happening?!
Nasaan ka na ba Ellie?!
Napakabilis ng pangyayari. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakahilatay sa sahig at nahihirapang huminga.
I..hate this.
Ellie... tulong..
At biglang dumilim ang buong paligid.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro