II - The News
Ellie's POV
"What's happening here?" tanong ni Finley na bigla nalang sumulpot.
Buti naman at dumating ka na kundi kanina ko pa na-chopchop 'tong tatlo na 'to.
Umagang-umaga pinapainit niyo ulo ko.
"Wele nemen Finley. By the way, are you busy tomorrow? I want to watch a movie wit--" napaka-landi magsalita jusko nakakairita.
Naputol ang sinasabi ng babae nang naglakad si Finley papunta sa 'kin.
"Ellie? What happened to you?" pero hindi ko sya sinagot. Hindi nya ba nakita 'tong icing sa mukha ko? Tanga tanga lang bes?
Noong na-realize nya na siguro, humarap sya sa tatlong makakati este babae.
Tagal mong maka-catch up boy.
"Did you do this?" tanong ni Finley sa kanilang tatlo.
'Di kayo maka-imik ano? Mas inuna niyo pa ako kesa sa test niyo.
"Finley, gusto lang namin na--"
"I DON'T NEED YOUR EXCUSES! If I caught you once more, you will not be able to step in this school anymore. Understood?"
Tumango lang silang tatlo biglang sagot. Takot na takot sila lalo na yung blonditang babae habang tumatakbo palayo. Kapag bumagsak talaga ako sa Math ay nako, lagot sila sa 'kin.
"Ellie. Let me--"
"Shut up! Pwede bang lumayo ka na sa 'kin? Ha? Alam mo ba nang dahil sa 'yo binubully nila ako palagi kase akala nila may gusto ako sa 'yo kase palagi tayong magkasama. Naiirita na 'ko Finley, pwede ba? Lumayo ka na sa 'kin. F.O. na tayo!" Akmang yayakapin niya na ako pero tumigil sya, siguro naalala nya na merong icing yung mukha ko at ayaw nyang mapunta iyon sa polo nya. Imbis na mainis ako sa kaniya nang dahil sa ginawa nung tatlo, natawa tuloy ako kasi mukha siyang tanga.
"Tabi nga! Maghihilamos na ako! Bwiset ka!" sabi ko habang tumatawa.
Gusto ko pa sanang mainis e kaso wala, ang epal ni Finley.
"Bili mo nga ako ng tissue para may maitulong ka. Bilis," utos ko sa kaniya. Malagkit kasi 'tong icing kapag binanlawan nang tubig. Ew.
Chineck ko kung anong oras na at may 25 minutes pa ako before 9. Sana naman this time makapag-test na ako.
Sana hindi 'to malaman ni Papa kung hindi ay nako, magkakagulo ang buong school.
Biglang tumunog ang sikmura ko dahil sa gutom. Napatingin tuloy sa 'kin ang ibang babae dito sa loob ng C.R.
Nakakahiya ka, Ellie!
"Here." Muntik nang malaglag yung panty ko sa sobrang gulat. Seryoso ako dito e.
At isa pa, bakit siya pumasok dito? Pwede niya naman akong tawagin sa labas ah?
"Hoy, bastos ka! Anong ginagawa mo dito sa C.R. ng mga babae? Pinapabili lang kita ng tissue, wala akong sinabi na ihatid mo dito sa loob. Labas! Labas!" hiyaw ko sa kaniya habang tinutulak siya papalabas.
Gwapo ka nga, matalino ka nga, hindi mo naman alam ang salitang manners, ano?
Biro lang, baka kung ano na namang isermon niya sa 'kin. Daig niya pa si Papa. Sakit sa tenga.
Habang naghihilamos ay nagbubulong-bulungan ang mga babae dito sa loob at tinuturo pa ako.
Kung pag-uusapan niyo ko sana 'wag niyong ipahalata ano? Insecure ba kayo sa ganda ko mga te?
Wala naman kase akong ibang kaibigan maliban kina Finley na napakayabang, si Harro, Maitland, Casey at Soleil.
Sila lang talaga 'yong mga ka-close ko simula bata pa lang. Ang pangit kasi ng mga ugali ng mga estudyante dito eh.
Humarap ako sa mga babae at nagsalita.
"Hello? May problema ba tayo?" tanong ko sa kanila habang nakataas ang isa kong kilay.
Kanina pa ako inis na inis, 'wag niyo ng sagarin pa.
Hindi sila sumagot. Lumabas lamang sila nang nakayuko.
Good dogs.
Binibilisan ko na ang paglalagay ng lipstick dahil hindi ko na makayanan ang baho dito sa loob. Grabe.
"Are you not yet done?" tanong ni Finley mula sa labas.
Nandiyan pa pala siya? Akala ko umalis na siya dahil hindi niya gusto ang pinaghihintay siya.
Mukhang good mood siya ah.
Niligpit ko na ang aking mga gamit at tinapon ang mga tissue dahil mukhang nagmamadali na ang isang 'to.
Pagkalabas ko ng restroom ay nakasandal siya sa may pader habang nakapamulsa. Ang pogi.
Tinapik ko siya sa may pisngi upang dumilat siya.
"Ang tagal mo." Binabawi ko na pala 'yong sinabi ko na 'good mood' siya.
"Salamat sa pagantay. By the way, wala ka bang pasok? 8 o'clock na, magninine na andito ka pa din. Nag-ccutting ka ba boy?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi siya nasa labas e. Malapit nang matapos yung 1st test pero parang wala lang sa kanya.
"I'm a hardworking student, so my homeroom teacher told me not to come pero gusto KITANG makita kaya pumasok ako, " saad niya habang nakatingin sa 'kin na parang proud na proud sa sarili nya. Napakayabang.
"Ang landi landi mo kaya palagi akong nabubully. Sampalin kaya kita diyan ng manahimik ka."
Sinasabi nga din ni Papa minsan na kung magpapakasal ako, si Finley daw sana. Gano'n din ang sinasabi ng mga kaibigan namin na bagay daw kami.
Pero, hindi ko talaga siya magustuhan. Hanggang kaibigan lang talaga 'yong tingin ko sa kaniya.
"Smlnngpgmmhl," bulong niya.
"Ano, ano? May sinasabi ka?" Tinitigan niya lamang ako bilang sagot.
May sayad ata 'to eh.
"Hindi ako nakapasok ng first subject. Close naman kayo ni Ma'am Versales diba? Paki-sabi sa kaniya kung pwede ko bang makuha yung reviewer na pinamigay niya sa klase kanina para sa finals. Sinabi niya kasi kahapon na may ibibigay daw siya ngayon," seryoso kong sambit sa kaniya kasi naman bes takot akong bumagsak, jusko.
"You made me buy you tissues and now you want me to talk to Ms. Versales to give your reviewer? Am I your slave?" tanong nya sa 'kin habang nakataas ang isa nyang kilay. Aba, tapang.
"Hoy, baka nakakalimutan mo na nang dahil sa 'yo kaya hindi ako nakapasok. Edi wag kung ayaw mo! 'Di ka naman pinipilit," sigaw ko sa kaniya habang tumatakbo papaalis.
Minsan ko na nga lang syang utusan tapos mag-iinarte pa siya. Totoo naman kasi na dahil sa kanya na-late ako, nalagyan ako ng icing sa mukha, hindi ako nakapasok, tapos siya pa 'yung may ganang magalit. Hmp! Bahala ka diyan Finley, arte mo.
....
Andito na ako sa labas ng building, katatapos ko lang kumuha ng test sa Biology at buti na lang hindi ako pinagalitan kasi nga late ako. Papunta na ako sa canteen kasi recess na and yung pabori----
"Lili!"
Nakakabinging sigaw sa sobrang lakas ng boses. Kapag ganyan talaga yung paraan ng pagtawag sa 'kin, alam ko na kung sino yon.
Parang mababasag ata 'yong eardrums ko ng wala sa oras.
"PWEDE BANG HINAAN MO YUNG BOSES MO? HINDI LANG TAYO YUNG TAO DITO!" sigaw ko naman sa kaniya nang makalapit na siya.
Hindi na talaga nadala itong si Maitland. Noong freshmen pa kasi kami, ilang beses na siyang napa-guidance. Paano ba naman kasi, sa tuwing may tatawagin akala mo nasa kabilang baryo pa sa sobrang lakas.
"Anong kakain mo for lunch? Libre ko na?" wait. Tama ba yung narinig ko?
"Ikaw? Ikaw Maitland manglilibre ka? Totoo pala ang mga himala."
"Minsan lang 'to!" saad nya sabay tawa.
Kaya sa 'yo ako eh! Hindi katulad ng iba diyan, ang daming arte 'kala mo may dalaw.
....
"Have you watched the news, guys?" tanong ni Soleil saamin. Andito na kami sa canteen ngayon at napaaway pa nga itong si Soleil sa ibang estudyante kasi siya daw yung nauna sa pila.
Si Soleil kasi, mahilig siyang maghanap ng gulo o magsimula ng gulo, makikita mo nalang bigla bigla syang magkakaroon ng away kasi kahit maliit na bagay pinapatulan nya.
Eto namang si Maitland, babaero pero alam naman na naming magkakaibigan na may gusto siya kay Soleil, pero ito namang si Soleil pa hard-to-get pa, gusto din naman.
Si Casey 'yong pinakamatalino sa aming lima, tahimik lang siya palagi. At siya talaga 'yong buddy ko sa kanilang lima.
Si Harro naman, pareho sila ni Casey nang ugali na palaging tahimik, kaya lang itong si Harro kapag nagalit ay nako bes akala mo kakain ng tao. Kaya 'wag susubukang galitin ito.
Si Finley naman, dudugo ilong mo kapag naguusap kayo, palagi kasi syang nag-eenglish and once in a blue moon mo lang maririnig magtagalog.
By the way, habang naglalakad ako pababa ng building ay nakasalubong ko si Ms. Versales at pumayag siya na kumuha ako ng special test at bumalik na lang daw ako sa faculty nila bago ako umuwi dahil magpi-print pa uli siya ng reviewer dahil naubos na daw. And guess what? Pinakiusapan daw sya ni Finley. Nagulat nga ako no'ng sinabi niya 'yon e.
Akala ko talaga nawalan na siya ng bait sa kalooban niya.
"How about you Ellie?" biglaang tanong ni Soleil saakin. E nagmumuni-muni ako dito habang kumakain kami, kaya ang tanging sagot ko lamang ay,
"Ha?"
Wala kasi akong pakialam sa pinaguusapan nila.
"Napanood mo ba yung balita?" balita? Hindi kasi ako mahilig manood ng balita e.
"About what?"
"About vampires. There is a news in the City of Nashi, where female vampires drank people's blood and ate their flesh. It's possible na mapunta sila dito sa lugar natin. The police tried their best to kill those vampires but they were also eaten by the them," paliwanag ni Harro.
Ay weh? Wow.
Pero hindi parin ako naniniwala e, kasi feeling ko hindi naman totoo 'yon pero, medyo tumaas balahibo ko dun ah onti lang naman.
"Ay may ikukwento ako sa inyo," pag-iiba ni Maitland.
"Wala kaming pake," sagot naman ni Soleil.
"Huwag na nga kayong magaway, para kayong mga bata. Anong ichichika mo bes?" Ako na ang nagsalita kasi baka mag-away pa 'tong dalawang 'to, mahirap na.
Eto talaga 'yong gusto kong part kapag kumakain kami eh. 'Yong mga chismisan.
"Kanina habang nagbibihis ako pagkatapos maligo, nakita ko yung tattoo ko na medyo naging gold imbes na puti. Syempre nagulat ako pero gold talaga siya e. Tingnan niyo yung inyo," kwento ni Maitland. Pero ang naalala ko, 'yong akin hindi naman naging gold or whatever e kulay puti pa din sya.
Hindi ko din napansin kanina kasi nagmamadali na ako.
Kaming anim, mayroon kaming tattoo. Nakakagulat nga e kasi pare-pareho kaming merong tattoo pero never kaming nagpa-tattoo. Ang gulo diba?
Si Papa kapag tinatanong ko siya tungkol dito, hindi sumasagot o kaya minsan nagagalit siya.
Sabi naman ng Lola ni Harro, in-born daw 'yon pero maliban doon wala na siyang binanggit pang detalye. Sinubukan din naming ipatanggal yung tattoo namin kasi baka ini-echos lang kami ng Lola ni Harro pero hindi talaga natanggal.
....
Nalalakad na ako pauwi galing sa school nang biglang tumawag si Soleil.
"Where are you?" tanga lang bes? Syempre pauwi na.
"Malapit na ako sa bahay. Bakit?"
"Comeback to school. ASAP."
Ano nanaman ba 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro