Her Heart
Tanaw mula sa kinatatayuan ko ang bughaw na langit. Maganda ang panahon dahil summer.
"Airene" tawag ko sa best friend ko.
Lumingon ito sa'kin saka inilapag ang hawak na bulaklak.
"Is everything all set?" Tanong ko sa kanya habang itinuon ko ang atensiyon sa oras ng cellphone.
I asked her to decorate the garden para sa gagawin kong proposal.
"Yeah" sagot nito sa namamaos na boses.
I turn my head para makita siya. Namumula ang mga mata at ilong nito.
"Hmh~ are you okay? Umiyak ka ba?" I asked her curiously.
"I'm fine don't mind me. Sinipon lang ako. Okay na ang lahat dito Sean, pwede mo nang puntahan si Erica." she said as she walk away.
Napakunot ang nuo ko sa kanyang
.
"May problema kaya siya? Kakausapin ko na lang siya mamaya."
Excited akong sumakay ng kotse para sunduin si Erica— my five years girlfriend.
She is exactly my dream girl; maganda, mahinhin, palangiti, sweet, sobrang opposite kay Airene except don sa part na maganda. Airene is very pretty, bold and independent, serious type-
"Sheyms~ kung ano-anong pinagsasabi ko. Bakit ko naman naisip yung babaeng 'yun?" mahinang usal ko sa sarili.
Nagkibit balikat na lang ako saka inisip ang magiging reaksyon ni Erica sa gagawin kong proposal. I'm already 24 and I want to settle down.
Ilang minuto din ako naghintay sa harap ng isang malaking building bago ko ito natanaw na lumabas. Isa siyang model ng mga damit.
"Babe" tawag ko.
Ngayon ko lang napansin na may kasama itong lalaki.
Tumingin ito sa gawi ko na nanlalaki ang mga mata. "Bakit parang nakakita ito ng multo?" mahinang usal ko sa sarili.
"Hi babe, sorry medyo natagalan ako kasi ang daming kong ginawa," ani ni Erica na kanina'y dali-daling iniwan yung lalaking kasama.
"Hmh~ it's okay, tara na." I said as I pull here to my car.
Five two na kami nakarating sa bahay ko. Busy ito sa cellphone at ng pagbuksan ko ito ng sasakyan ay may pagtataka na lumarawan sa mukha nito pero hindi ito umimik. Sumunod lang ito sa'kin.
Iginiya ko ito sa may garden. Napasinghap ito.
Mula sa pwesto namin ay tanaw na tanaw ang papalubog na araw.
"Wow! Anong meyron?" she curiously asked.
Nginitian ko lang ito saka niyakap. She smiled sweetly, walang ka idi-ideya na magpro-propose ako sa kanya.
I dance with her, naka set na kasi talaga ang lahat, thanks to my bestfriend Airene. Napaka reliable talaga niya. Sa mesa rin namin ay may naka handa na ding pagkain.
I give her a bouquet of red roses as I guided her to sit down.
"Prepared ka talaga ah" she teasingly said.
I just wink at her saka siya pinaghiwa ng pagkain.
"Ano bang meyron babe? Di naman natin anniversary ah," tanong nito.
"Hmh~ masama bang i date ka?" balik tanong ko na man.
Ngumiti lang ito sa'kin.
"Ang weird mo lang kasi ngayon" Tinawanan ko na lang ito.
Mayamaya lang ay may sunod-sunod na pumutok, nagliwanang ang medyo may kadilimang langit.
Napasinghap ito sa mga fireworks na nakita. Tumayo ako saka dahan-dahang lumuhod sa kanyang harapan.
"Oh my gosh!" she gasped. I smiled again, medyo kinakabahan ako.
I show her the ring that I brought from England.
"Erica, babe we've been together now for 5 years and you know how much I love you. Mahal na mahal kita and I wanna spend my lifetime with you, will you marry me?" I said. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabakla mang sabihin pero parang namumutla na ako.
I saw nothing on her face, no reaction, gone the innocent and sweet smile. Parang ibang tao ang nasa harap ko.
"Sean" panimula nito. "Sean, is it too early for a wedding? Alam mo namang kaka bloom kulang as a model!? Ayaw kong masira ang lahat, this is my dream! Ito na yun eh, I'm sorry pero makakapag hintay na man yung kasal."
Yun lang ang sinabi niya saka tumayo dahil nag r-ring and cellphone nito.
"I have to go, may kaylangan akong gawin." sabi nito saka dali-daling umalis.
I was left there with my knees on the ground. Right at that moment my heart just got broken.
Sheyms~ it's my first time to propose and first time ding na reject.
Umupo lang ako sa bermuda habang hawak-hawak ang singsing.
Umangat ang mukha ko ng may humawak sa balikat ko.
I saw Airene kneeling in front of me with her cold expression. Tinititigan ako nito sa mata na tila ba'y binabasa ang aking nararamdaman. Wala itong ka emo-emosyon.
'Di ko napigilang tumawa, di ko kasi mawari kung nag-aalala ito sa'kin o kung ano man. Nababaliw na ba ako? Imbes na isipin ko yung rejection ni Erica mas curious pa ako sa iniisip ni Airene.
"Confirmed nababaliw ka na nga. Dadalhin na ba kita sa mental?" she asked with a serious tone.
Humagalpak ako ng tawa saka ginulo yung buhok niya. Iwan ko ba, dapat malungkot ako pero nakuha ko paring tumawa, kaylangan ko na talaga atang dalhin sa mental.
"Hayst" bumuntong hininga ito saka umupo sa tabi ko.
"Gusto mong uminom?" tanong uli nito. Tinintingnan ko lang siya sa gilid ng mata ko.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko.
"Wag na! Kantahan mo na lang ako," sabi ko habang pinipisil-pilis ko ang kanang pisngi niya.
Tinabig nito ang kamay ko saka hinaplos ang namumulang mukha. Napangiti na lang ako. Parang kanina lang gusto kong mag-emot.
"Hayst pasalamat ka't kaibigan kita" sabi nito saka umusog sa tabi ko.
When I see your smile
Tears run down my face,
Malamig ang boses nito at sobrang nakakagaan ng pakiramdam.
I can't replace~
And now that I'm stronger
I've figure out
How this world turns cold and it breaks
Through my soul
And I know I'll find deep inside me, I can be the one.
Nanatili akong nakatitig sa mukha niya. May dumaang mga emosyon sa mata niya na diko mapangalanan. Nagfocus na lang ako sa kinakanta niya.
I will never let you fall, I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you will send me to heaven
Ang lungkot nong kanta. Namumula ang gilid ng mata nito saka biglang tumawa.
Napapantastikuhang tumingin ako sa kanya.
"Hoy Airene! Ano 'to, dalawa na tayong nababaliw?" Sumimangot lang ito sa sinabi ko saka ako inirapan.
"Airene, mag bakasyon tayo bukas" Tumaas ang kilay nito sa sinabi ko.
Sheyms~ ang taray talaga.
"Okay. Basta gastos mo, walang problema"
"Grabe ka naman! Parang di mo ko mahal, parang wala tayong pinagsamahan," may halong dramang sabi ko.
Saglit na man itong natigilan ngunit nagkibit balikan lang saka tumayo.
"Sunduin mo na lang ako bukas. Wag kang gumawa ng katangahan ngayong gabi." sabi nito habang tinuturo ako na tila ba'y anak na pinapangaralan ng magulang.
Napangiti na lang ako. Kahit may pagka cold 'tong babaeng toh kahit papano'y may natitira parin palang ka sweetan sa katawan.
Nginisihan ko ito. "Wala akong suicidal tendency"
"Naninigurado lang ayaw kong maglibing ng mahal sa buhay" sabi nito sa mahinang boses na 'di ko na narinig yung buong sinabi niya.
"Mauna na ako" Lumakad na ito paalis.
Sheyms, gabi na baka mapano yung babaeng yun.
Dali-dali akong tumayo para ihatid na lang siya, ngunit isang papalayong taxi na lang ang aking naabutan.
Oo nga pala parang malungkot siya
"Ayst! Nakalimutan kong tanungin siya kung okay lang ba siya."
"I will just call her later" mahinang sabi ko saka pumasok sa loob ng bahay.
Kinabukasan maaga ko siyang sinundo. I badly need a break. Halos buong gabi kong tinawagan si Erica pero hindi man lamang nito sinagot ang cellphone niya.
Pupunta kaming Palawan. Magandang magbabad sa tubig dagat kapag summer.
Matiwasay kaming nakarating, first time ko ngang nakitang sobrang lawak ng ngiti ni Airene. She really love beaches.
Buong hapon lang kaming nagpagala-gala, kumain, nagbabad sa tubig at naghahabulan, may pagka pikon kasi si Airene madali itong mainis kaya para kaming bata na yun lang pinayagang maglaro.
After many years ngayon ko lang uli naranasang maging masaya ng lubos, yung parang walang problema at okay ang lahat.
"Bunny loves" tawag pansin ko kay Airene. Iisang kwarto lang ang kinuha namin. Dalawa naman ang kama kaya okay lang. Naka harap ito sa vanity mirror habang nagsusuklay ng buhok.
Para naman itong napako sa kinauupuan. Nanlalaki ang mata nitong lumingon sa'kin.
"Bakit ganyan ka makatingin?" natatawang tanong ko.
"Y-you call me what?" nauutal na tanong nito kaya mas lalo akong natawa.
Oo nga pala, bunny love ang tawag ko sa kanya pero nong naging girlfriend ko si Erica sinabi nito sa'kin na ayaw niyang may ibang babae akong binigyan ng endearment, kahit inexplain ko sa kanya na simpleng call sign lamang ito.
"Sabi ko bunny love. Tinatawag kita Airene, my bunny love" sabi ko saka siya kinindatan.
'Di naman ito sumagot. Tumalikod ito sa'kin saka humiga sa kama niya at nagtalukbong ng kumot.
Nilapitan ko ito saka dahan-dahang kiniliti sa tagiliran.
"Hahahaha ano pa Sean, tigilan mo akong payatot ka" tumatawang sabi nito. Natanggal na din ang kumot sa katawan nito at sobrang pula na ang mukha.
"Anong sabi mo? Payatot?" mas kiniliti ko pa ito at hinila palapit sa'kin. Tawa lang ito ng tawa.
Di ko namalayang nakangiti na rin pala ako. Parang bumalik lang kami sa pagiging bata. Sobrang dami kong namis sa kanya simula nong naging girlfriend ko si Erica.
"Tama na Sean, please. 'Di ko na kaya" lumuluhang sabi nito.
Nagpunas ito ng luha pagkatapos kong tigilan sa pagkiliti. Tumabi na rin ako ng higa sa kanya.
"Mag kwento ko nga sa'kin Bunny love," sabi ko sa kanya.
"Ano namang k-kwento ko sa'yo?" nagtatakang tanong nito sa'kin.
"Tell me what happened in your life for the past five years"
Nakikinig lang ako sa lahat ng kwento niya. Ayaw pa nga sanang magkwento, sabi ko nalang na kikilitiin ko siya pag di siya nagkwento.
Pagkatapos nitong mag kwento ay naging tahimik kami pareho. Sobrang naka focus lang pala ako kay Erica at nakalimutan ko na kaylangan din ako ni Airene.
"Sean, how much do you love Erica?" Out of nowhere na tanong nito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"Mahal ko siya. I wanna spend my whole life with her. Gusto ko siyang kasama at ayaw kong mawala siya sa buhay ko." Mahabang sabi ko.
Tumalikod ito sa'kin ng higa.
"Sige na. Matulog ka na" she said without facing me again.
"Goodnight, bunny love" sabi ko na lang ngunit hindi na ito sumagot, seguro tulog na.
The next morning paulit-ulit kong tinawagan si Erica, medyo nag-aalala na ako mabuti na lang at mamayang hapon ay uuwi nadin kami.
"Sean, picturan mo nga ako" gamit ang cellphone ko ay kinunan ko ito ng litrato.
May mga kuha din na kaming dalawa, talagang sinulit namin ang oras na natitira.
"Last pict nalang bunny love" pakiusap ko rito.
Kanina ko pa ito pinipilit na mag picture pero ayaw na talaga nito.
"Last na yan! Tatapon ko na talaga yang cellphone mo, ang dami ng picture eh" maktol nito.
Ngumiti na lang ako saka yinapos siya mula sa likuran at ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya saka ko itinaas ang camera.
"I miss you" she softly said. Napatanga lang ako. Then she whispered "I love you"
Tuluyan akong hindi nakagalaw mula sa pwesto ko.
"Tara na," sabi nito na parang wala lang. Nakangiti ito ngunit tila'y walang buhay ang mga mata nito.
Habang pauwi kami ng Manila ay di maalis-alis sa isip ko ang sinabi niya.
"I love you" anong ibig sabihin niya?
"Mauna na ako, ingat ka. Wag gumawa ng katangahan ah!?" sabi nito.
Lutang na pinatakbo ko ang kotse papunta sa bahay ni Erica.
Ang daming gumugulo sa isip ko, ang lakas din ng tibok ng puso ko dahil sa paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Airene.
Mag d-door bell na sana ako ng makita kong bukas ang gate ng bahay nito. Kaylan pa ito hindi nag lock ng gate?
Dahan-dahan akong pumasok sa bahay nila. Walang tao sa sala ngunit nakita kong nakabukas ang sliding door patungong garden.
Naglakad ako papunta roon, nakita ko si Erica na nakayo habang nakatingala sa langit.
Akmang tatawagin ko na siya ng lumingon ito sa gilid...
She hug someone, 'di pala ito nag-iisa. 'Di ko halos makita ang mukha nong kayakap niya ngunit ng gumalaw ito mas naaninag ko ito. She is with her co-model, yung rumor boyfriend niya.
Hinalikan nito si Erica at halos gusto ko na silang pagsusuntukin.
Bago magdilim ang paningin ko ay pinili kong lisanin ang lugar na iyon. After all this years, ibinigay ko ang lahat pero bakit kaylangan niya akong lukuhin.
Nasaan na yung innocent Erica ko, yung mabuting Erica na nakilala ko?
Nag drive lang ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Galit, frustration, panghihinayang, sakit- halo-halo yung nararamdaman ko.
Ilang minuto lang ay natagpuan ko ang sarili ko sa bahay ni Airene. Anong gagawin ko dito?
Bumaba ako ng sasakyan saka marahang kumatok sa pinto. Ng magbukas ang pinto at tumambad si Airene ay don kulang naoagtanto na kaylangan ko siya...
Kaylangan ko ng taong dadamay sa'kin. I emmediately hug her sobrang bigat ng pakiramdam ko but when she hug me back ay parang naging okay ang lahat. Nawala lahat ng galit ko.
Ikwenento ko sa kanya ang nangyari. Gusto ko sanang maglasing pero pinatulog lang ako nito.
Kinaumagahan ay niyaya ako ni Airene sa isang date. Nagtataka nga ako pero ang sabi niya dapat daw magliwaliw ako baka bigla na lang daw akong tumalon sa building. Naiiling na lang talaga ako sa kanya.
"Oh anong flavor ng ice cream? Strawberry parin ba?" tanong ko sa kanya.
"Yups, now go. Bilisan mo ah" napatawa na lang ako. Kung magtaboy ito ay parang aso lamang ang pinapaalis nito.
Buong araw kaming magkasama at effective nga, dahil hindi ko naisip si Erica.
Nong mag g-gabi na ay inihatid ko uli siya and as usual may habilin na namn ito.
"Mag-ingat ka pag-uwi Sean and please lang wag kang gumawa ng katangahan" laging ganyan yung linyahan niya.
Pauwi na sana ako ng makita ko si Erica kasama nong model. Itinabi ko ang sasakyan saka sila nilapitan.
Bumakas ang gulat sa mukha nito.
"Sean!" kinakabahang sambit nito. So, talagang may balak siyang itago sa'kin ang lahat.
Tiningnan ko ito. Magkahawak kamay sila nong model.
"I can explain" she said pero tuamlikod na lang ako. Para saan pa ang ekplinasyon kung kitang-kita na ang ebidensiya.
Nagtungo ako sa bar. Gusto kong uminon.
Kung sino pa yung pinapahalagahan mo sila pa yung madalas mangloko. I wanna forget her, the lies and all the pain.
Nakailang bote na rin ako ng alak ng mag ring ang phone ko. Dinampot ko ito ng makitang tumatawag si Airene.
"Where are you? Naka uwi ka na ba?" bungad na tanong nito.
Sasabihin ko sana na patulog na ako ngunit nagsalita uli ito.
"Don't lie! Nasaan ka ba? Bakit maingay?" Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong choice kundi sabihin ang totoo.
"For pete sake Sean, get over her. Umuwi kana! Tigilan mo na ang pag-inom." sumisigaw na sabi nito.
"How can you say that!? Mahal ko siya kaya di mo maiaalis sa'kin ang masaktan." sabi ko habang patuloy parin sa pag-inom. Medyo masakit na yung ulo ko at talagang umepekto na ang alak sa katawan ko.
"But was it really love, Sean?" mahinang sabi nito.
Mahabang katahimikan ang namagitan. Wala ni isang nagsalita sa'min.
Narinig kong nagbuntong hininga ito.
"Normal ang masaktan pero ang magpakatanga, hindi" she said from the other line.
"Who told you na nagpapakatanga ako!?"
"Kung ganon, umuwi ka na at kalimutan siya"
"Easy for you to say kasi hindi kapa nag mahal. Pwede ba Airene masakit ang ulo ko, stop nagging me."
"Who told you that I never been in love?" mahihimigan ang lungkot sa boses nito
"Sean please naman makinig ka sa'kin." Malumanay na ang boses na ani nito.
"I love her so much" Biglang naputol ang linya. I didn't bother to call her back, tumayo na ako para umuwi.
Medyo nahihilo akong naglakad palabas ng bar.
Blurry na din ang paningin ko. Sheyms~ gumiwang pa ako at muntik ng sumubsob sa sahig ng parking lot dahil sa sobrang hilo.
Nagdrive na ako pauwi. Sa daan ay pilit kong iniinda ang sakit ng ulo ko, halos pumikit na din ang aking mga mata.
Hinawakan ko ang ulo ko ng biglang umikot ang paningin ko.
***Beeeeppppp***booggggssshhh***
"Sean, open your eyes payatot. Ang panget mo na oh"
"Sean please, maging matapang ka. You can survive from this"
"You still wanna live with her right? Kaya gising na"
"I love you, payatot"
Dahan-dahan kong iginalaw ang aking ulo, pero parang ang bigat nito.
Bakit masakit ang buong katawan ko? Bakit parang sinuntok ng sampung tao ang dibdib ko?
Binuksan ko din ang aking mga mata ngunit nasilaw lamang ako.
"Doc, he's awake" Nakarinig ako ng mga ingay.
Ilang sandali pa bago ko tuluyang nakita ang paligid. Nasa isang puting kwarto ako habang may naka kabit na IV sa braso ko. Sa gilid ng kama kung saan ako naka higa ay nandoon ang pamilya ko, nadoon din si Erica at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
May ilang ginawa pa ang mga doctor bago ito umalis ng kwarto. Bakit ako nasa hopital?
Pilit inalala ko ang lahat. Nasa bar ako umiinom, pauwi na sana ako ng nahilo ako at napapikit kasunod noon ang pagkabangga ng kotse ko sa- wala na akong maalala.
Muli akong tumingin sa mga taong nasa kwarto, nasaan siya? Hindi ba't siya ang nagsasalita kanina lang?
"Anak, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" bakas sa mukha nito ang relive.
Nalaman ko din na na coma ako ng walong buwan.
Hopeless case na daw pero naging successful ang operation.
"I'm fine, ma." mahinang sabi ko. Tumingin ako sa likod nito at nakita ko si Erica.
Maluha-luha itong lumapit sa'kin saka yumakap.
"Babe, I'm sorry kasalanan ko. Sorry" humihikbing ani nito. Nginitian ko lamang ito.
Binigyan nila ako ng tubig at prutas.
"Ma, si Airene?" tanong ko. Ngunit ni isa'y walang nagsalita.
Nakita kong nanggigilid ang luha ni mama. Ano bang nangyayari?
"Si Airene nasaan? Kanina lang bago ako nagising ay naririnig ko pa siya?" nagtataka kong tanong.
Nabigla ako ng humikbi si mama.
"She's fine" Si Erica ang sumagot. Hmh maybe may pinuntahan lang. Nakakatampo ang isang 'yun.
Sa wakas, after ilang linggong pamamalagi sa hospital ay nakalabas din ako. Medyo malakas na uli yung katawan ko. Dumaan pa nga ako sa iba't-ibang teraphy.
Nalaman ko rin na inoperahan pala ako sa puso. Nagkaroon ng mga ilang komplikasyon noong inoperahan ako at yung puso ko patuloy sa pag m-malfunction. Nong una nag taka ako kung bakit may tahi sa dibdib ko dahil pala pinalitan yung puso ko.
Nagkausap na din kami ni Erica. I let her go, sabi niya mahal niya parin ako at nakipag relasyon lang siya don sa model upang mas makilala. Pero kasi nong nagising ako, wala na akong katiting na pagmamahal sa kanya. Seguro nga tama si Airene, baka nga hindi ko talaga totoong mahal si Erica. Maybe it's the pride kaya feeling ko nasasaktan ako.
At hanggang ngayon ay di ko parin nakikita sa Airene. Sinubukan kong puntahan sa bahay nila ngunit hindi ako pinayagan ni mama. Ilang beses ko din itong tinawagan pero 'di ko ma contact.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Pupuntahan ko si Airene. Bakit ba hindi siya nagpapakita?
Paglabas ko walang tao kaya nagtuloy lang ako sa garahi.
Pinatakbo ko ang sasakyan sa bahay nila. Ilang ulit akong nag door bell bago bumukas ang gate.
Bumungad sa'kin ang katiwala ng bahay.
"Magandang araw po nanay Wilma? Si Airene po?" mababakas ang gulat at lungkot sa mukha nito.
"Tuloy ka muna iho" agad akong sumunod dito. Nagkamustahan din kami ngunit pagkapasok ay nagtataka akong tumingin sa paligid.
Bakit may parang mali? O kulang? May nag iba? At yun ang diko mawari.
"Nay may bago ba dito?"
Ngumiti lamang ito.
"Anong gusto mong inumin?"
"Tubig na lang ho" umakayat ako sa kwarto ni Airene.
Dahan-dahan kong pinihit pa bukas ang pinto ngunit walang tao sa loob?
"Nasaan kaya siya?" mahinang tanong ko sa sarili. Umupo ako sa kama niya, naalala ko dati madalas kaming maglaro sa kwarto na ito. Walang nagbago pati pintura ay ganon parin. Hindi talaga nagbabago ang taste niya.
Napatingin ako sa side table. May isang usb na naka patong doon. Dinampot ko ito.
"Iho, nandito ka pala! Ay oo nga pala ibigay ko raw sa'yo yang usb" napatingin ako sa hawak kong usb.
"Asan po ba siya?" Tanong ko ngunit katulad ng reaksyon ni mama ay nanggigilid lamang ang luha nito.
"Mas mabuti pang tingnan mo iyang laman ng usb. Sa baba lang muna ako." pahayag nito saka ako iniwan sa loob ng kwarto.
Binuksan ko ang tv sa kwarto niya saka inilagay ang usb.
Puro itim lamang ang nakikita ko, pagkalipas ng ilang segundo ay nakita ko na ito- si Airene. Naka-upo ito sa upuan sa may garden at kung hindi ako nagkakamali, garden nila ito. Ibang-iba ang ekpresyon nito. May mga emosyon na mababasa sa mga mata nito.
(Play the song Your Guardian Angel. Nasa media sa taas, before proceeding.)
Ngumiti ito sa camera.
"Sean payatot, kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba talaga? Sabi ko naman sa'yo diba wag kang gumawa ng katangahan" ngumiwi ito saka lumayo ang tingin sa camera.
"Miss na miss na kita," she said almost a whisper.
"Sorry if I wasn't there when you wake up. And I'm sorry kung wala ako diyan habang nagpapagaling ka. But don't worry payatot I'm always there kahit di mo ako nakikita."
'Di ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Nasaan ba kasi siya? At anong ibig sabihin nitong video?
"Nandiyan lang ako lagi.
Nandito ako oh" she said while pointing her heart. Namumula na din ang mata nito at alam kong nagpipigil lamang ito sa pag-iyak.
"I'm sure nagtataka ka kung nasaan ako, wag mo na akong hanapin by the time na pinapanuod mo itong video, abo na ako. Sean, laging mong alagaan ang sarili mo."
"Maging masaya ka at pahalagahan mo ang buhay mo."
"Please lang Sean, wag kang gumawa ng katangahan" at tuluyan na nga itong umiyak. Napahagulhol na din ako.
Ngumiti ito uli.
"Ingatan mo yang bago mong puso, one day kukunin ko uli yan. Ingatan mo wag mong babasagin kundi babangasan kita." tumawa ito pero puno ng luha ang buong mukha.
"Wag ka ng umiyak. Binigay ko yung puso ko kasi sabi mo gusto mo pa siyang makasama"
Sa sinabi niyang iton doon ako mas napaiyak. Nagkamali ako.
" Oh no please, bunny love, bakit mo 'to ginawa? Ikaw ang gusto kong makasama"
"I love you Sean more than being best friend. At hinding hindi kita makakalimutan."
"Hihintayin ko yung panahon na muli tayong pagtatagpuin ng tadhana." she smile before the camera went off.
"I miss you too bunny love and I love you not just being best friend, I'm sorry kung late ko nang na realize. I love you, sorry sa lahat ng pagkukulang ko."
Pinahid ko ang bawat luhang pumatak ngunit patuloy lamang ito sa pag-agos.
Maybe we're not meant to be in this lifetime... Pero ipinapangako ko na siya lang ang babaeng mamahalin ko magpakaylan man.
"Thank you for your love and heart, bunny love. Aalagaan ko ito, pangako."
***END***
-🥀Binibining Llesa
🍂Solwp @iamsolwp
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro