Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

NASA loob na ng Love Cafe si Faye. Ang cafe na katabi lang ng university ay ginawa para sa mga couples pero may seksyon naman ang walang lovelife. Nakakatawa ang obvious na boundary na namamagitan sa dalawang seksyon dahil sa kulay nito. Sa couple section, napuno ng kulay pink at red habang sa seksyon naman kung nasaan siya ay kulay white at grey.

Nilagay ni Faye si Neuro sa table at hinayaan doon na matulog ang pusa. Buti na lang ay hindi pinagbabawal ang mga hayop sa loob ng cafe. She patted his soft, thick fur while trying to control herself from squeezing its tummy.

Ang taba kasi kaya nanggigil siya.

Tama nga si Corin. The cat was well-behaved. Ni hindi niya pa ito naririnig na mag-meow. Tahimik lang ito.

Tinignan niya ang oras sa kaniyang cellphone at malapit nang mag-twelve ng hapon. It was lunchtime.

Mag-o-order na sana siya pero nakita niya si Corin mula sa glass window na papasok na ng cafe.

"Kanina ka pa ba? Sorry, ngayon lang."

"Nah. 15 minutes early ka nga, mas nauna lang ako sa 'yo."

Hindi na ito nakasuot ng lab coat kundi itim na t-shirt. Pati rin ang pants nito ay black. Medyo nagulo pa ang naka-slicked back nitong buhok dahil may mga ilang hibla na tumatakip sa noo ng lalaki, halatang nagmamadali ito.

"Neuro, baby." Hinalikan nito ang noo ng pusa bilang pagbati bago binalik ang tingin sa kaniya.

"What will you like to order? My treat."

"Hindi ayos lang--"

"I insist. Please?" Pinagdikit nito ang mga palad. "Allow me to treat you today. After all, ako ang nagyaya sa 'yo."

Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. "Sige. Madali naman akong kausap."

Nagtitipid din naman siya dahil bumabawi pa siya sa nawala niyang pera kaya hindi na siya papalag pa.

Binigyan naman siya ni Corin na isang ngiti ng tagumpay.

Putanginang ngiti talaga 'yan.

"So? What will you like to order?"

"Kung anong i-o-order mo, 'yon na lang din sa akin."

Nag-aalangan naman siya nitong tinignan. "Sure ka?"

Tumango siya.

"Okay."

Tumalikod na ito at pumunta ng counter at doon nag-order. Mabilis naman itong nakabalik. May ngiti sa mga labi na nilapat nito ang tray sa kanilang table. Inusog pa nito si Neuro na natutulog lang sa isang tabi.

Tinignan niya ang laman. Napakunot ang kaniyang noo dahil magkaiba ito. Um-order ng tatlong slice ng cake ang lalaki. Dalawang chocolate cake at isang mint cake. Mayroon ding drinks.

May mint cake pala?

"Bakit magkaiba?"

"I prefer mint. Most people doesn't like the taste of it so I figured you might not like it too." Kinuha nito ang mint cake sa tray.

"Wow. Judger ka? Paano pala kung gusto ko?"

Bahagya naman itong tumawa. His cheeks were lifting up. Kinuha nito ang dalawang slice ng cake sa tray at marahang tinulak sa direksyon niya.

"God helped me. He gave me a hint. Do you remember the hot coffee I gave you? It's chocolate. No'ng Saturday din na kinain nating cake, it's also chocolate. Therefore, I ordered a chocolate cake for you."

Ngumiwi naman siya. "Ba't mo ba palaging sinisingit ang Diyos na 'yan?"

"Because He's relevant." Inabot din nito ang kaniyang drink.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at pinagmasdan ang cake. "Dalawang slice talaga?"

"Hmm." He nodded. "Baka kulang pa ang isa kaya dinalawa ko na."

"Desisyon ka. Huwag mong sabihing Diyos din nagsabi n'yan?"

Corin just gave her a smile. A fucking smile that she couldn't help but to like it. She liked how the way his cheeks lift up, squeezing the ends of his eyes into a cute, little curved line.

"Paano kung mas bet ko pala ang mint?"

"Bet mo ba?"

"Iyon nga lang, hindi." Kinuha na niya ang tinidor at nagsimula nang kumain.

Sinusulyapan niya si Corin na kumakain din habang ang isang kamay ay nasa pusa.

"Dala-dala mo ba palagi 'yan?"

"Nope. Ngayon lang. Napulot lang kasi namin 'to ni Eli sa daan dati. And he wants to see how the cat is doing now that's why I brought him. Cute niya, 'no?"

"Mataba. Nasobrahan yata pinapakain mo r'yan."

"Hindi kaya. Sakto lang naman katawan niya, e. Makapal lang mga balahibo."

She just shrugged and changed the topic. "So? Ano pa lang ipapa-commission mo?"

"Oh, right." Napatigil ito sa pagkain at kinuha sa bulsa ang wallet. May inabot doon na picture ang lalaki at binigay sa kaniya.

Kinuha naman niya iyon. Bahagya niya pang nahawakan ang kamay nito dahilan para biglang lumukso ang puso niya.

"It's my mom and dad. I want it to be drawn digitally and traditionally."

Tinignan niya ang picture at sa loob no'n ang nakangiting mukha ng ama at ina nito. Sa gitna ay may batang lalaki na nakasimangot. He had the resemblance of the guy she was conversing with at the moment.

The only difference was their expression. The kid looked cold while the man in front of him felt like the sun.

"Isasali ko rin ba 'tong nakasimangot mong mukha?"

Umiling naman ito at napangiti na para bang may naalala. "No, please, not that kind of face." Natawa pa ito dahilan para mabulunan ang lalaki.

Hindi namalayan ni Faye na nakangiti na rin pala siya habang nakatingin kay Corin na dali-daling uminom ng orange juice.

"Ang saya mo naman," komento niya. "Anyway, so itong parents mo lang? Hindi ka na kasali?"

He nodded.

Pinag-usapan din nila ang rate niya at mabilis namang um-oo ang lalaki. Binayaran din siya nito kaagad para daw hindi nito malimutan. Marami pa silang pinag-usapan, or more like si Corin lang ang nagsasalita. Para din 'tong si Alexandra sa pagiging madaldal, e.

Hindi halata sa pagmumukha nito na napakagaan pala nitong kausap. At sa kadaldalan, may alam na siya sa kung anong mga gusto ng lalaki at hindi. Kagaya na lang ng preference nito. He preferred cakes than chocolates, morning than nights, moon than stars, science than math, and being with people than being alone.

A completely total opposite of what she preferred.

"Here."

Nagtaka siya nang bigla siya nitong abutan ng panyo. Tinuro naman ni Corin ang ibaba ng labi nito kaya mabilis niya itong naunawaan.

Tinanggap niya ang panyo at pinahid ang icing na nasa baba. Ibabalik na niya sana sa lalaki pero napatigil siya. Gago ba siya? Ginamit niya ang panyo tapos ibabalik niya kay Corin?

"Suli ko na lang sa 'yo bukas, ha?"

Tumango lang si Corin bilang sagot.

Matapos nilang kumain, niligpit muna nila ang mga plates bago tumayo at napagpasyahang umalis. Pinagbuksan siya ni Corin ng pinto, ngunit bago pa siya makalabas ay may biglang humila sa kaniyang buhok.

"Putangina ka! Nandito ka pa lang babae ka!"

"Aray!" Napadaing siya at pilit na inaalis ang pagkakahawak ng babae sa kaniyang buhok.

Nilingon niya ito at namilog ang kaniyang mga mata nang makilala. Si Anica, ang babae na sumugod sa kaniya no'ng nakaraan. At ngayon, may kasama nang lalaki. Ito yata ang boyfriend dahil kamukha ito sa portrait na ginuhit niya.

"Ito 'yong nag-drawing sa 'yo na sobrang pangit, babe!" Malakas ang boses nito dahilan para mapatingin sa kanila ang ibang tao. "But don't you worry, kagaya ng sinabi ko, hinampas ko nang bonggang-bongga sa harapan niya ang portrait." Humalakhak pa ang babae.

"Bitiwan mo nga ako!" Winaksi niya ang kamay ng babae. Nagawa niya itong maalis pero nahigit naman ang ilang hibla ng buhok niya dahil sa higpit.

"Faye." Naramdaman niya si Corin sa kaniyang gilid.

"Ouch, babe. Look kung anong ginawa ng babae nito sa mga kuko ko, oh, nasira tuloy," maarteng sumbong nito sa boyfriend niyang nakakunot na rin ang noo na nakatingin sa kaniya.

"Tangina mong babae ka! Wala kang karapatan para saktan ang girlfriend ko."

Kaagad na tumaas ang presyon ng dugo niya matapos marinig ang mga katagang iyon. Wow! So parang kasalanan niya pa? E, ito nga ang unang nanugod sa kaniya.

"Tangina mo rin! Tangina niyong dalawa ng girlfriend mo! Ang OA niyo, bagay nga kayong dalawa, mukha kayong icing sa ibabaw ng cupcake na panis na!"

"Gago ka, ah! Mukha ka pa namang walis tingting sa payat!"

Tinaas ng lalaki ang kamay nito at kinuyom ang mga kamao. Mukhang masusuntok pa yata siya. Putangina!

Hindi niya alam kung tatakbo ba siya o mananatili sa kinatatayuan niya dahil unti-unti na rin siyang kinakain ng hiya. Lalo na nang mapatingin siya sa mga tingin ng tao sa loob ng cafe. Were they judging her? Mukha ba siya ang problema sa sitwasyong ito? Paano na lang kapag may nag-video sa pangyayaring ito?

Another thing that she was more concerned was Corin's opinion about the situation. Hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya. Natatakot siya sa posibleng sabihin nito tungkol sa kaniya. Ano na kaya ang iniisip nito sa kaniya? An irresponsible artist who couldn't handle her client well?

Bigla ring sumagi sa isipan niya ang sinabi ng isa sa mga estudyante nito kaninang umaga. Fuck it. She fucking cursed. And Corin fucking heard it.

What would he gonna say to her now? Maybe a fucking unprofessional, shameful and irresponsible artist.

Argh, just kill me.

Pumikit na lang siya dahil sa hiyang nararamdaman at handa nang tanggapin ang suntok ng lalaki ngunit nakarinig na lang siya nang mabigat na pagbagsak.

Minulat niya ang mga mata at nakita ang boyfriend ng babaeng maarte na nakasalampak sa sahig. Bumangga ang likuran nito sa isang lamesa.

Hindi niya rin makita nang buo ang mga pagmumukha nito dahil may nakaharang sa harapan niya.

It was Corin.

"What do you think you're doing? How can you try to hurt a woman?!" Tumaas ang boses ni Corin. It was calm yet the amount of annoyance in his voice couldn't cover it. "Aren't you adults already? Don't you know that this is a public place and yet you still have the guts to make a scandal? Do you, guys, not have any shame?"

Hindi nakasagot ang lalaki.

"Sino ka ba? Huwag ka ngang makialam dito!" asik ng babae.

Hinawakan ni Faye ang dulo ng shirt ni Corin. She wanted to escape this place. Ayaw na niyang magtagal pa rito.

At napansin iyon ni Corin. Nakatalikod pa rin ito sa kaniya at hindi inalis ang tingin sa maarteng magjowa ngunit inabot nito ang pulso ng kaniyang kamay. And gently squeezed it.

For some reason, she felt a sense of relief. As if he reassured her. That he was with her.

Napakagat siya sa pang-ibabang labi dahil pakiramdam niya'y babagsak na ang mga luha sa mga mata.

"You, woman. What did you say earlier? You hit Faye with the portrait she made? Do you even know how hard it is to draw? If you can't appreciate art, better yet not pursue any commission from an artist anymore. You're wasting their time and effort."

Natahimik ang babae.

May papalapit na isang babaeng may edad na sa direksyon nila at hula niya'y ito ang may-ari ng cafe.

"Professor Abuelo, anong nangyayari dito?" tanong ng babae kay Corin nang makalapit.

Mukhang magkakilala sila.

"I'm sorry for the disturbance, madam. We were about to leave but these two suddenly pulled the hair of the lady I am with."

Kaagad namang sinamaan ng babae ang magjowa ngunit mabilis ding binalik kay Corin. "I'm sorry, professor. Would you like to settle this in the station? I can call the cops."

Nilingon naman siya ni Corin. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Mabilis nitong naunawaan ang kaniyang pinapahiwatig kaya binalik nito ang tingin sa may-ari ng cafe.

"Thank you but no. I'm going to let this slide for now," sagot nito sa matanda at binaling ang tingin sa magjowa. "But if I ever see you again doing this to Faye, better prepare for the consequences."

Bahagya itong yumuko bilang paggalang sa matanda bago siya hinarap.

"Let's go." Hinila siya nito palabas ng cafe.

Nang makalabas sila at makalayo-layo, nagsalita ulit ang lalaki. "Are you okay?" Hindi pa rin nito binibitawan ang kaniyang pulso habang ang isa namang kamay ay kinakarga si Neuro.

Inalis niya ang pagkakahawak nito. "I'm fine. Salamat," nakayuko niyang sagot.

Hindi na niya hinintay pang sumagot ang lalaki at naglakad na papunta sa gilid ng kalsada upang tumawid.

"Faye, wait." Hindi niya ito nilingon at nagtuloy-tuloy na sa pagtawid.

Patakbo siyang umuwi sa apartment niya habang pigil-pigil ang mga luha na kaunti na lang ay papatak na.

"Faye!"

Ayaw niyang tingnan ang lalaki. Nagpatuloy lang siya sa pag-akyat ng building at nang makarating, mabilis siyang pumasok at ni-lock ang pinto.

Hindi na niya napigilan at tuluyan nang umagos ang mga luha sa mata niya.

"Putangina. Putangina talaga." Naupo siya sa sahig habang nakasandal sa pinto. Niyakap niya ang kaniyang mga tuhod at hinayaan ang sariling ngumawa.

Everything was fucking worse. Every single thing about her life was a fucking mistake. The humiliation and shame she felt earlier made her hate herself more.

Maganda ang simula ng umaga niya. And it became specially good when Corin tagged along, but why did those two fucking people need to ruin it?

"Fuck! Can't I have a day without feeling terrible about myself?!" she shouted while looking at the ceiling.

Sino ba ang kinakausap niya?

She didn't want to admit it herself but those words were directed to the Being people believed as supreme.

"How long will You make me feel terrible?" pahikbi-hikbi niyang sabi.

Ilang oras din siyang nakaupo lang doon at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak. Ang bigat-bigat ng puso niya at hindi man lang ito gumaan. Kahit anong gawin niyang pagluha, hindi pa rin nito naiibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Gusto niyang magpahinga. Pagod na pagod siya. Pagod na siya sa sarili niya. Pagod na siya sa pabalik-balik na cycle ng buhay niya. Pagod na siya sa lahat.

She stared on the floor when she couldn't cry anymore. Wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Tuyong-tuyo na ang lalamunan niya at nauuhaw siya.

Inabot niya ang cellphone sa bulsa at nakita ang oras.

It was 7:01 in the evening. Sobrang tagal niya pa lang umiyak. Kaya pala ang sakit-sakit na ng mga mata niya. Kaunti na lang bibigay na ito. Gusto na niyang matulog.

Tumayo na siya at maglalakad na sana papuntang kuwarto ngunit bigla niyang naalala si Corin.

Napatingin siya sa pinto. May nagtutulak sa kaniyang buksan ito. She felt guilty leaving Corin earlier.

Wala sa sariling pinihit niya pabukas ang pinto. Sinalubong siya ng malamig na hangin subalit hindi iyon ang nakapagpagitla sa kaniya.

It was Corin.

Nakaupo ito sa sahig at nakasandal sa railing habang yakap-yakap si Neuro. Katulad pa rin ang suot nito kaninang hapon.

Did he waited for her?

"Faye." Nilagay nito si Neuro sa sahig at mabilis na tumayo nang magtama ang kanilang tingin.

Lumapit ito sa kaniya.

Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Hahawakan na sana nito ang kaniyang mukha ngunit biglang napatigil ang lalaki. Hindi nito tinuloy ang gagawin at binaba ulit ang kamay.

"Your eyes are swelling. You cried too much," mahina, malambing at para bang sinusuyo siya.

Mas lalo lang siyang nanghina. Napakuyom siya sa kaniyang mga kamao dahil nakaramdam na lang siya ng kakaibang haplos sa puso niya. Naiinis siya dahil gustong-gusto niyang marinig ang boses nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Paos ang boses niya. "Naghintay ka ba r'yan? Wala ka bang klase? Hindi ka ba pumasok kanina?"

"I texted Eli. Isang klase lang naman mayroon ako kaninang hapon at saka checking lang naman ng long quiz ang gagawin."

"Kahit na. Bakit ka ba naghihintay r'yan? Para kang tanga!" sigaw niya. "Umalis ka na!"

She wanted to push Corin away. Masiyado itong malapit at masyado siyang naaapektuhan. She wanted him to leave because she might gave in any moment now.

Kung hindi pa ito aalis, baka hindi na niya ito pakawalan pa. God knew how she loved Corin's presence so much. He was entering her life, swift and fast, that even she failed to notice how Corin had already invaded her mind.

Please, don't say anything and just leave.

"I was worried."

Napakurap siya matapos marinig iyon. Those words made her tear up. Ubos na ang mga luha sa mga mata niya pero bakit nanunubig na naman bigla?

"Faye."

The way he said her name made her feel at ease. Was it possible to receive comfort from someone just by uttering your name?

"Why . . . won't you leave?" mahina niyang sabi at nagsimula na namang tumulo ang mga luha niya.

Nataranta naman si Corin. Umatras ito para bigyan siya ng space pero pinigilan niya ang lalaki. Hinawakan niya ang kuwelyo ng damit nito at sinubsob ang sarili sa dibdib nito.

Niyakap niya ang lalaki habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Natigilan pa ito pero ilang saglit ay naramdaman niya na ang mga braso nitong niyakap din siya pabalik. Hinahagod nito ang kaniyang likod at hinahaplos din ang kaniyang buhok.

It had been so long since she received such comfort. Ayaw na niyang umalis. Gusto niya na lang manatili sa yakap ni Corin.

"Corin, am I a mess? Am I terrible? Am I the worst?" she asked with desperation. Wala namang alam ang lalaki sa buhay niya pero gusto niyang malaman ang opinyon ng lalaki sa kaniya.

She cared for it the most. Fuck any opinions about her, she just wanted to know Corin's.

"You are not a mess nor terrible nor the worst," bulong nito sa kaniya. Pinatong ni Corin ang pisngi nito sa kaniyang ulo. "You are beautiful, Faye. Whole and beautiful."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro