Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

MAAGANG nagising si Faye dahil maaga rin siyang natulog kagabi. Naligo na siya at ngayon ay nakaharap na sa salamin ng kaniyang kuwarto.

Tumawag kasi si Alexandra kagabi at nagyayang mag-coffee date daw sila kaya ito siya, naghahanda.

Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok habang nag-iisip kung ilulugay lang ba niya ito o itatali. Malapit na ito sa kaniyang bewang. Umabot ng kalahating oras ang pagsusuklay niya sa kaniyang buhok dahil sa haba at tigas nito. She'd just gonna see Alexandea but she didn't know why she was preparing too much.

Should she wear a dress? A skirt? But she preferred pants. Kinuha niya ang cargo pants sa loob ng kabinet at iyon ang sinuot. Pinares niya ito sa white crop top na binili niya no'ng nakaraang taon.

She looked at herself in the mirror.

"Putangingang katawan 'yan. Ang payat," puna niya bago kumuha ng hoodie at sinuot.

She fixed her hair into a ponytail before going out in the room.

Lumabas na siya at nagtungo papuntang Maranatha University. Nang makarating mabilis niyang nakita si Alexandra sa labas, hinihintay siya.

"Wow! Himala nakatali yata nang maayos ang buhok mo," salubong nito habang hinawahakan pa ang dulo ng buhok niya.

As usual, ang tinis pa rin ng boses nito na akala mo palaging naka-high pitch. Nakatirintas ang buhok at nakasuot ng isang pink dress na lagpas hanggang tuhod.

Nagtungo sila sa PATIO kung saan doon palaging tumatambay ang mga estudyante. Dati, doon din sila tumatambay. Pagkarating nila, wala pa masiyadong tao dahil maaga pa. Kakaunti lang ang mga estudyante na nakaupo sa mga bench at hula niya'y mga engineering student ito. Malapit kasi ang engineering department sa PATIO kaya sila palagi ang nakatambay.

Matapos silang um-order ng coffee, naupo sila sa may bakanteng upuan na may maliit na lamesa.

"Bakit ka nga ba nagyaya today?" she asked while sipping the hot chocolate coffee.

"Wala lang. Na-miss kita, e. Ako ba, hindi mo ko na-miss?" sabi nito at nagpa-cute pa sa harapan niya.

Napangiwi naman siya. "Dami mong arte."

"Affection 'yon. Hindi kaartehan!" Umirap ito at tinungga ang kape.

Minsan talaga napapaisip siya kung wala bang pakiramdam ang dila nito. Kahit sobrang init o sobrang anghang ng kinakain, nilalamon pa rin ni Alexandra.

Hindi naman siya sumagot at tumingin sa kalangitan. Makulimlim ang langit. Makulimlim pero payapa.

"Faye."

Tinignan niya si Alexandra. "Hmm?"

"Kumusta ka naman?"

"Tinanong mo rin sa akin 'yan no'ng nakaraan."

"Kasi naman, e. Ang tagal ko nang 'di nakakabisita sa 'yo. Sorry, ah? Sobrang busy lang talaga. But promise, babawi ako."

Napangiti naman siya. "Hindi pa ba 'to pambabawi ang ginagawa mo? Okay na 'to, Alex. Hindi naman ako high maintenance."

"Hmp. Kahit na." Pinagkrus naman nito ang mga braso. "Kailangan na yata kitang hanapan ng mag-aalaga sa 'yo."

"Yaya?" biro niya. "Ano namang ipambabayad ko ro'n? Hindi ko pa nababawi ipon ko."

"Hindi yaya ang kailangan mo." Tumayo ito at tinabihan siya. "Boyfriend. Kailangan mo ng boyfriend."

Mabilis na kumunot ang noo niya at tinaasan ito ng kilay. Humalakhak naman ito dahil sa kaniyang reaksyon.

"Ito naman, joke lang. Ang payat-payat mo na kasi, oh." Hinawakan nito ang dalawa niyang braso at tinaas sa ere. "Kailangan mo ng lalaking susuntok sa pader 'pag 'di ka kumain."

"Adik ka talaga." Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kamay at napailing.

Ba't niya nga ba ito naging kaibigan?

Nagkuwentuhan pa sila or more like, si Alexandra lang ang nagkuwento at siya ay nakikinig lang. Wala rin naman siyang makukuwento dahil wala namang kuwenta ang buhay niya. Natapos ang coffee date nila ng dalawang oras at naglalakad na sila papuntang art department. Lalabas na rin siya pag naihatid na niya si Alexandra.

Habang naglalakd, palinga-linga si Faye sa paligid. Nasa quadrangle na sila at sinusubukan niyang silipin ang bawat laboratory na madadaanan nila.

"Sino bang hinahanap mo?" tanong ni Alexandra at sinundan kung saan siya nakatingin.

Sino nga ba?

Pinasadahan niya ang room na walang tao. Ito 'yong room kung saan siya binigyan ni Corin ng pagkain at kung saan din sila tinukso ng mga estudyante nito.

She shook her head. "Wala."

Tinignan lang siya ni Alexandra nang may nagtatakang tingin. Halatang hindi naniwala sa sinabi niya.

Malapit na nilang malampasan ang quadrangle at may mga estudyanteng naglalakad salubong sa kanilang direksyon.

Napakunot ang kaniyang noo dahil pamilyar sa kaniya ang mukha ng lalaki.  Napunta rin ang tingin nito sa kaniya.

Napalaki ang mga mata nito at tinuro siya. "Hala! Iyong girlfriend ni Prof., oh!"

Putangina.

Napatingin din sa kaniya ang mga kasama nito at mabilis na naghiyawan nang makilala siya. Napalingon din si Alexandra sa kaniya, naghahanap ng sagot ang mga mata.

"Miss, hinahanap mo ba si Professor Corin?" nakangising tanong ng lalaki. Ang lalaking may nunal sa labi.

Wala siyang ibang inisip kundi planuhin kung paano niya ililibing nang buhay ang lalaki.

"May date yata sila."

"Wala kaming date," gigil niyang sagot.

Imbes na tumigil ay hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi.

"May meeting pa si prof, miss. Maya maya dadating din 'yon dito."

"Wait, wait." Pumagitna sa kanila si Alexandra. "Professor Corin? You mean si Sir Abuelo?"

"Opo, ma'am."

Napasinghap naman si Corin at dahan-dahang siyang nilingon. Nakangisi ito sa kaniya nang nakakaloko at tinignan siya kagaya ng kung paano siya tinignan ng mga estudyante ngayon.

Puta, nakiisa pa talaga.

Bago pa ito nagsalita ay inunahan na niya. "Magsitigil kayo. Walang kami. Hindi kami, okay?"

"Weh?" sagot naman ni Alexandra.

"Nako, ma'am. Huwag kang maniwala r'yan. Binigyan pa nga n'yan ng pagkain ni Sir Corin no'ng nakaraan, e."

"Ang sweet. May pa take care take care pa nga pong nalalaman."

Muling naghiyawan ang mga estudyante. Ilang beses na rin niyang naulat sa isipan ang lahat ng mga mura na alam niya.

Humalakhak din si Alexandra. "Oh my, Faye! Nakahanap ka na pala ng lalaking susuntukin ang pader kapag 'di ka kumain. Yiee!"

"Mga putangina talaga kayo," sagot niya at inirapan sila.

Umakto namang nagulat ang lalaking kanina pa nanunukso sa kaniya sabay hawak ng dibdib. "Nako, miss. Minus points ka na. 'Pag narinig 'yan ni professor baka umiyak 'yon. Ayaw pa naman no'n sa mga mahilig magmura."

"Wala akong pakialam!" sagot niya at nagsimula nang maglakad paalis. Though, deep inside her felt a little regretful.

Hindi pa talaga tumigil at may pahabol pa. "Kunin niyo po akong ninong 'pag kinasal kayo, ha?"

Naramdaman naman niya si Alexandra na sumunod sa kaniya. Sinundot-sundot nito ang kaniyang gilid habang tinutukso rin siya.

"Tumigil ka nga!" asar niyang sabi at sinuko ang kamay nito.

"Uy, Faye! Ikaw ha! Ba't 'di ko 'to alam? Bet mo pala mga kagaya ni Sir Abuelo, ha? Yiee! Mabait naman 'yon kaya support ako."

"Close kayo? Ba't ang kampante mo na mabait siya, ha?" naiinis pa rin niyang sabi at inirapan ang babae.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napairap ngayong araw. Kay aga-aga pa lang nabuwisit na agad siya, akala pa naman niya'y magiging maganda ang araw niya.

"Hindi kami super close pero minsan ko na rin 'yang nakausap. After all, sa isang university lang naman kami nagtuturo. Duh!" Inangkla nito ang kamay sa kaniyang braso. "Mabait 'yan magaling pa magturo. Very boyfriend material, promise!"

"Ba't 'di mo jowain?"

"Hindi ko type, e. Mas gusto ko 'yong bad boy na sasakalin ako. Charot!" Muli na naman itong humalakhak.

"Ewan ko sa 'yo." Napailing na lang siya. May sira na talaga yata sa utak 'tong kaibigan niya.

"Magkuwento ka nga. Gusto kong kiligin sa inyong dalawa."

"Ano bang pinagsasabi mo? E, kung tusukin ko 'yang pagmumukha mo?" Tumigil na sila sa paglalakad dahil nasa harapan na sila ng classroom nito.

"Ito naman, galit agad. Papakuwento lang naman ako sa lovelife mo."

Huminga siya nang malalim at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Wala akong lovelife. Hindi kami ni Corin at walang namamagitan sa amin, gets mo?"

"Ba't ka namumula?"

"What?" Natigilan siya at napabitiw kay Alexandra.

"Uy, affected." Bahagya nitong kinurot ang kaniyang pisngi. "Baka si Sir Corin na talaga ang para sa 'yo."

"Manahimik ka, puwede ba? Pumasok ka na kaya!" Tinulak niya ito papasok sa room pero kumapit naman ito sa pinto.

"Na-fe-feel ko talaga, Faye. Si Sir Corin na ang for you."

"Feeler ka lang!"

"Hingi na lang tayo ng sign kay Lord. 'Pag nakita mo si Corin ngayong araw, siya na ang the one."

"Lord ka r'yan. Walang Diyos kaya pumasok ka na."

Tumawa lang ito at nag-finger heart pa sa kaniya.

Nakasimangot niyang pinasok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang hoodie. Tatalikod na sana siya at maglalakad na papuntang quadrangle nang may mahagip siya sa unahan ng art department.

Sa cross section, may dalawang lalaki ang niluwa roon. Parehong nakasuot ng laboratory gown at masayang nagkukuwentuhan. Hindi marinig ni Faye ang usapan nila ngunit rinig niya ang mga tawa nila.

One has a blond hair and a tan skin. Parang nakita na niya ito pero 'di niya maalala kung saan. Magkasingtangkad ito sa lalaking kasama. Isang lalaking may itim na buhok at naka-slicked back. Strikto ang mukha ngunit palangiti. May hawak itong matabang pusa na kulay abo at yakap-yakap ito.

"Corin," she muttered.

Alam naman niyang 'di iyon narinig ng lalaki dahil medyo may kalayuan ito ngunit napunta ang tingin nito sa daan hanggang sa kaniya na pala napako ang mga tingin nito.

Kaagad na sumilay ang ngiti sa mga labi ng lalaki nang makilala siya. Kumaway pa ito sa kaniya.

Putangina.

Hindi niya alam kung ngingitian niya rin ba ito pabalik o tatalikod at aalis na.

Biglang sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Alexandra kaya muli siyang napamura.

Putangina talaga.

"Faye," bati nito. Hindi namalayang nasa harapan na niya ang lalaki.

"Ah, hi," sagot naman niya at hindi makatingin nang diretso.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito. "Ah, nga pala, Sir Eli. Ito si Faye, siya gumawa ng portrait ng asawa mo."

"Oh, hi!" bati rin ng lalaking may olandes na buhok.

Kaya pala familiar sa kaniya. Nakita niya pala profile picture ni Sir Eli.

"You're Nasta? I liked the portrait so much. Thank you, really."

Nakipagkamay ito sa kaniya. Tipid naman siyang ngumiti at saka tumango.

"Ang daya. Hindi ko man lang nakita," Corin said while stroking the cat's fur.

"I sent you a picture but you didn't open my message."

"Ay nag-message ka ba?"

Tinuon na lang niya ang tingin sa pusa habang nag-uusap ang dalawang lalaki sa harapan niya. Ano bang sasabihin niya? Wala. Wala siyang maisip na sasabihin kaya tatahimik na lang siya.

Sabihin niya na lang kaya na aalis na siya?

Right, she should do that.

Magsasalita na sana siya pero naunahan siya ni Corin. Hindi niya napansin na wala na pala si Sir Eli. Tumingin siya sa kaniyang likuran at nauna na pala itong umalis.

"Ah, Faye. Uhm . . ." Nagtaka naman siya dahil napakamot ito sa batok. Hindi rin ito makatingin nang diretso sa kaniya.

"Bakit?"

Nagtama ang kanilang tingin nang mapunta ito sa kaniya. Pansin niya ang pamumula ng leeg nito. Hindi niya rin alam kung ano ang sitwasyon ng kaniyang mukha dahil ramdam niya ang init ng kaniyang mga pisngi.

"Are you free later?" Binababa nito ang tingin sa pusa. "I j-just . . . uhm . . . about my commission? I would like to talk about my request so if it's okay for you, can we meet later?"

Natigilan naman siya. Pakiramdam niya'y biglang hindi gumana ang utak at pandinig niya. Pansin ni Corin ang pagkatulala niya kaya bigla itong nataranta.

"It's fine i-if you're not okay with it. We can just talk about it online--"

"Okay lang."

"Ha?"

"Okay lang. We can meet later." Tumikhim siya at pilit na kinalma ang sarili. She tried to compose herself and acted as if she wasn't lost in thoughts for a second. "What time exactly?"

Corin's lips formed into a curve. A smile of relief and happiness, if she could interpret.

Fuck. Stop smiling.

She wanted to stare at him more at the same time no. Palagi na lang talagang may kumikiliti sa puso niya sa tuwing nakikita niya itong nakangiti. Nakakabuwisit. Hindi na siya natutuwa.

"Exactly 2 hours from now. Puntahan kita sa inyo. Okay lang ba?"

"Hindi na. Sabihin mo na lang sa akin ang location kung saan tayo mag-uusap."

"Okay! Sa cafe katabi ng university."

Nagulat si Faye nang bigla nitong binigay ang mataba na pusa sa kaniya. Ang bigat at ang lambot. Parang kumot.

"You've been staring at Neuro earlier kaya baka gusto mo siyang i-pet so iiwan ko muna siya sa 'yo." He patted the cat's head. "Mabait naman 'to kaya 'wag kang mag-alala. Kunin ko siya mamaya sa 'yo at the cafe, okay?"

"Sure ka? Iiwan mo 'to sa 'kin? Paano kung sakalin ko 'to?"

He chuckled. "Just don't choke him to death. See you later, Faye!"

Kumaway pa ito sa kaniya bago tuluyang naglakad paalis.

Siya naman ay napako sa kinatatayuan niya. Bumuntonghininga na lang siya at napailing. Ang kaninang ngiti na kanina niya pa pinipigilan ay tuluyan nang kumawala sa kaniyang mga labi.

Kasalanan ba niyang masyadong nakakahawa ang mga ngiti nito?

"Psst!" Napalingon siya sa pintuan at bumungad kaagad sa kaniya ang nakangising si Alexandra.

Puta. Nakalimutan niya, hindi pa nga pala siya nakakaalis sa harapan ng classroom nito.

Humagikhik ang kaniyang kaibigan. "Nakita ko 'yon."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro