Kabanata 7
"MAGANDA po ba?"
"Sobra." She held the bond paper. "How old are you?"
"Ten po."
Gumuhit ang maliit na ngiti niya sa mga labi habang ang masasayang alaala niya kasama ang pamilya ay sumilay sa kaniyang isipan.
She was ten as well when she was able to draw something like this. Something she could say beautiful.
"You are gifted. Pagpatuloy mo 'yan." Binalik niya ang bond paper sa bata at marahang nilapat ang kamay sa noo nito.
"Ate! Paturo ako mag-drawing ng house." Napalingon siya sa batang babaeng hinihila ang isang malaking lamesa papunta sa harapan niya.
Tutulungan na sana niya pero naunahan siya ni Corin. Ito ang nagtulak sa lamesa hanggang sa nasa harapan na niya ito. Mabilis namang nagkumpulan ang mga bata sa paligid ng mesa, may hawak na mga papel at lapis at hinihintay siyang mag-drawing sa inabot nitong blangkong bond paper.
Napalunok siya.
It wasn't the first time someone was looking at her while drawing. Pero ito ang unang pagkakataon na mga bata ang audience niya.
Pinasadahan niya muna ang mga nakangiting mukha nito bago inabot ang lapis.
I wish I can have their hopeful faces.
"Let's make it simple. Let's draw the shape of a square first." Pinaikot niya ng ilang beses ang lapis sa kamay upang masanay sa laki at bigat nito.
It was her way of getting the 'feels' before starting.
Ginaya ng mga bata ang bawat lines na ginuguhit niya. She was quite irritated of the sound of pencil crashing againts the wooden table. Masiyadong mariin ang paghawak at pagguhit ng mga bata kaya rinig na rinig ang tunog.
Gusto niya sanang sabihan pero hinayaan niya na lang muna.
"And it's done."
It was just a simple house, a child-like drawing using the square and triangle shapes.
"Wah! Tignan mo akin, Ate."
"Ako muna!"
"Ate, tignan mo po akin!" Nag-unahan ang mga batang ipakita ang mga gawa nito sa kaniya kaya naman nalilito siya kung anong una niyang titingnan.
"Ilatag niyo lang sa mesa."
Ginawa naman ng mga bata ang sinabi nito. Kita niya ang mga drawings nila. Hindi pantay at hindi rin straight ang line dahilan para umarko ang kaniyang kilay. She hated the sight of it. Nagpapasalamat siya sa batang lalaki na magaling mag-drawing dahil doon lang siya nakaramdam ng ginhawa.
Bumuntonghininga siya. Since when did she hate the flaws so much?
Pilit na lang siyang ngumiti at pinuri ang bawat bata.
"Bakit parang ang ewan naman nitong akin?"
Napalingon siya sa kanang bahagi nang makarinig ng baritonong boses. Nakaupo si Corin sa dulo ng lamesa at may hawak-hawak na bond paper. Nakapokus ang tingin doon habang nakakunot pa ang noo.
Hindi niya yata napansin ang lalaki.
"Look." Hinarap ni Corin ang drawing nito sa kaniya.
Sunod-sunod na tawanan ang narinig niya sa mga bata habang siya naman ay 'di nakapagsalita.
Hindi niya maintindihan ang ginuhit nito. Bahay 'yong ginawa nila pero parang tuka ng manok ang nagawa ng lalaki.
"Ano 'to?" Salubong ang mga kilay niyang inabot ang drawing ni Corin.
"Professor, totoo pala talaga na hindi lahat nakukuha ng isang tao," sabi ng batang magaling mag-drawing at may peklat sa noo.
"Pfft." Natawa siya sa sinabi ng bata.
"Grabe ka naman, Ley," sagot ni Corin at kunyaring na-offend pa ito. "Ginaya ko naman kay Faye pero ba't ang pangit pa rin no'ng akin?"
She wanted to tear the paper, crumple it and throw it in the face of Corin, but she chose to fold it instead. She should be annoyed but the drawing was too funny to look at.
Square at triangle lang naman ginawa nila pero bakit may circle na rito?
"You're the worst, Corin," natatawa niyang sabi habang binalik ang bond paper sa lalaki.
Napakamot naman sa ulo si Corin. "Paano ba kasi mag-drawing," bulong pa nito.
"Kids, magmeryenda muna kayo," tawag ni Miss Melinda sa mga bata.
Kaagad namang nagsitakbuhan ang mga bata at sumunod kay Miss Melinda papuntang kusina.
"Professor, magkuwento ka ulit mamaya, ha?" pahabol ng bata.
"Gusto ko po tungkol kay King Josiah!" pahubol pa ng isa.
"Sure." Corin nodded.
Ngayon, sila na lang dalawa ni Corin ang naiwan.
"They call you professor, huh?" sabi niya.
"Yeah. After nila malaman na professor ako sa Maranatha, iyon na rin tawag nila sa akin kasi cool daw pakinggan." Tumayo ito at niligpit ang mga nakakalat na bond paper.
Inabot ni Corin ang drawing niya at sinali sa pile ng bond paper. Ilang segundo rin nitong tinitigan ang drawing niya bago ngumiti.
"Buti na lang pumunta ka ngayong araw."
"Why?"
"I will not know that you're behind those art works hanging on the wall if you didn't come today." Turo nito sa mga art works niya. Napalingon din siya roon at binalik din kaagad ang tingin sa lalaki.
"Puwede rin ba akong magpa-commission sa 'yo?"
"Sure. For your wife?"
"Huh? Wala akong asawa." Natawa naman ito. "Wala nga akong girlfriend, asawa pa kaya?"
Napataas naman ang kilay niya. Nasa harapan niya ito nakatayo at pinapagitnaan lang sila ng lamesa.
"Kain din muna kayo." Napalingon sila kay Miss Melinda na may dala-dalang juice at dalawang piraso ng cake.
"Wow! Miss Melinda, may birthday ba ngayong araw?" tanong ni Corin.
Bahagyang natawa si Miss Melinda. "Wala. May nagbigay nito kanina bago kayo dumating."
Umalis na si Miss Melinda at bumalik papuntang kusina. Inabot niya naman ang tinidor at tinikman ang cake.
It was chocolate.
Napangiti siya at binalik ang tingin kay Corin. "Ikaw? Sa guwapo mong 'yan wala kang asawa?"
Paupo na ito pero napatigil sa kaniyang sinabi. Hindi ito makatingin sa kaniya nang diretso na para bang nahihiya sa sinabi niya. Kita niya rin ang pamumula ng tainga at leeg ng lalaki. Nakayuko lang ito habang tinusok-tusok ang cake.
Hindi ba 'to sanay makatanggap ng compliment?
"Thank you," mahina nitong sabi. "Anyway, ang sarap nitong cake," pag-iiba nito at nagsimula na ring kumain.
Napailing na lang siya dahil hindi niya in-expect ang reaksyon nito. Most of the time, he was always composed, but didn't expect that a single compliment could shake him like that.
Inabot niya ang cellphone sa bulsa at pinakita sa lalaki ang social media account niya. "You can contact me here."
"All right. Thanks!" Sumisingkit ang gilid ng mga mata nito sa tuwing ngumingiti.
Somehow, she liked it. Dagdag na naman sa bagay na hindi niya maintindihan.
"Professor Corin!" Si Ley, ang batang magaling mag-drawing at ito rin ang nagsabing magpapakuwento tungkol kay King Josiah.
Napaisip si Faye. Sino kaya ang tinutukoy nitong King Josiah? Sana mali lang itong iniisip niya.
She desn't want to hear stories from that book anymore.
Tumabi ito kay Corin. Siya naman ay nakatingin lang sa dalawa na nasa harapan niya.
Sumunod naman ang ibang mga bata.
"Shall we start?" Corin asked.
"Yes, professor!" masiglang sagot ng mga bata.
"Okay." Tinapos muna nito ang cake bago nagsalita ulit. "King Josiah was eight when he started ruling Judah. He is a king with a strong sense of faith, and did what was right in the eyes of the Lord."
Napatigil siya sa pagkain.
Putangina.
Just like what she expected.
She had heard that story over and over again, and she doesn't want to hear it anymore. Mas lalo lang siyang naasar sa sarili dahil pinili niyang manatili imbes na tumayo na at umalis.
Mariin siyang napapikit.
Even though she didn't believe about everything that was written in the Bible. Even though she just thought the stories there as fiction, deep inside her wanted to hear it again.
After all, the story of King Josiah was one of her favorite.
"Tapos after may nakahanap ng Book of the Covenant, King Josiah made a covenant with the Lord together with the people at inalis niya lahat ang mga gods na sinasamba ng mga tao. He cleaned the temple. He--"
"Before him there was no king like him, who turned to the Lord with all his heart and with all his soul and with all his might, according to all the Law of Moses, nor did any like him arise after him." Hindi namalayan ni Faye na nasabi niya pala iyon nang malakas. It was a verse from Kings. Kabisado niya pa pala 'yon hanggang ngayon.
Mahina siyang napamura nang mapansing sa kaniya na nakatingin ang mga bata pati na si Corin.
Puno nang pagkamangha ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. "Whoa! You like that verse too? It's one of my favorite."
"Ah, verse ba 'yon? Narinig ko lang 'yon," palusot niya at umiwas ng tingin. Palusot niyang bulok dahil halata namang alam niya iyon dahil kuhang-kuha niya talaga ang bawat salita na nakasulat sa Bible.
"Gusto ko rin maging si King Josiah!" saad ni Ley.
"Ako gusto ko maging si Moses tapos hahatiin ko rin ang dagat," sabi ng isang babae.
"E, walang naman dagat dito, Edna," sagot ni Ley sabay tawa pa.
Mukhang naasar naman ang babae at inirapan ito. "E, kung 'yang mukha mo na lang kaya hatiin ko?"
Pfft.
Minsan nagugulat talaga siya sa lumalabas sa bibig ng mga batang ito.
Pinagmasdan niya ang mga batang nag-aaway hanggang sa napunta ang tingin niya kay Corin.
Hindi niya pa ito nakikitang sumimangot. Palaging nakataas ang labi at puno ng kasiyahan ang mga mata. How could someone be looking so precious?
Ilang oras pa silang nanatili at alas kuwatro na ng hapon nang makauwi siya. Hinatid din siya ni Corin.
Pagkapasok niya, dumiretso siya sa kaniyang kuwarto at binagsak ang sarili sa kama. May kinuha siya sa bulsa ng kaniyang hoodie. Isang nakatuping papel. Binuksan niya ito at pinagmasdan.
It was the funny house drawn by Corin.
Palihim niya itong kinuha kanina sa mga naka-pile na bond paper.
Sobrang gulo, hindi tuwid ang mga linya at putol-putol pa. May pa-shade shade pa ito sa bintana ng bahay akala mo naman magandang tignan pero nagmukha lang itong kinulayan ng sobrang itim tapos lampas-lampas pa sa linya.
Bakit hindi siya naiinis? Bakit hindi siya nakakaramdam ng pagkataranta na kadalasan niyang nararamdaman sa tuwing makikita siya ng bagay na hindi maganda sa kaniyang paningin? Anong mayroon sa drawing ni Corin at kaya niyang itong tignan nang matagal na hindi ito pinupunit?
Maybe because it was too funny to look at. Parang hindi adult ang nag-drawing.
"You look like a piece of shit," she muttered, but her lips were smiling.
Her phone notification beep kaya inabot niya ito na nasa bulsa rin ng kaniyang hoodie. Binuksan niya ang cellphone at tinignan ito.
Corinthians_Nicholas started following you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro