Kabanata 6
"OKAY. It's fine. I'll be there in a while." Faye hung up the phone call as she stood up on the sofa of her living room.
One of her regular client called and requested her to bring her art personally. Gusto raw nitong makita siya mismo upang makilala siya at ipakita rin sa kaniya ang nauna pa nitong pina-commission.
Bumuntonghininga siya.
Maliligo pa ba siya?
Tinignan niya ang oras at ala-una na ng hapon. Hindi naman siguro siya magtatagal doon, ano? Pupunta lang siya sa orphanage, i-de-deliver ang gawa niya, ipapakita ng client sa kaniya ang iba niya pang gawa at ayon na, uuwi na ulit siya.
"Okay. Hindi na ako maliligo," tamad niyang sabi.
Mabigat ang mga yabag niyang naglakad patungo sa kabinet at kumuha ng susuotin niya. Nilagay niya sa kama ang brown hoodie at black pants, at nagtungo sa bath room para maghilamos.
Pagkatapos niyang maghilamos at magbihis, nagtungo na siya palabas habang yakap-yakap ang canvas na buong ingat niyang p-in-ack kagabi.
Sumalubong sa kaniya ang malakas ng hangin nang makalabas siya at halos nilipad ang kaniyang tali sa buhok dahil hindi niya ito hinigpitan. Gulo-gulo pa nga ang pagkatali pero wala naman siyang pakialam.
The weather was nice. Maaraw at mahangin.
Bumaba na siya at pumunta sa gilid ng kalsada upang maghintay ng masasakyang tricycle. Isang baranggay lang ang pagitan sa apartment niya at ng orphanage na pupuntahan kaya naman dahan-dahan din siyang naglalakad. Wala siyang planong maglakad papunta sa orphanage, sadyang ayaw lang talaga niyang maghintay sa isang lugar nang matagal.
Habang naglalakad siya, pinagmamasdan niya ang Maranatha University na nasa kabilang kalsada. Kahit na Sabado, abala pa rin ang lahat. May mga nagmamadaling pumasok, may kumakausap sa guard at hula niya'y nakalimutan nito ang I.D kaya hindi makapasok.
Napababa ang tingin ni Faye nang may sasakyang mabagal ang takbo at sinasabayan siya sa paglalakad. Tumigil siya sa paglalakad. Tumigil din ito. Naglakad ulit siya. Umandar ulit. Tumigil siya. At tumigil din ulit ito.
Bumaba ang window at nakita niya roon si Corin na nakadungaw.
Hindi niya maalis ang tingin sa lalaki nang sumilay ang mga ngiti nito sa labi.
What's with his smile?
"Ikaw nga," Corin said with excitement as if he just won a lottery ticket. "Hi, Faye!"
"H-hi," sagot niya rin at binalik ang tingin sa daan.
Annoyed, she tried to focus her vision on the other cars passing on the road. She didn't like how easily she got swayed by his presence. Lalo lang siyang naasar nang maalala niya ang nangyari noong nakaraang linggo. Hanggang ngayon, 'di pa rin niya masagot ang tanong kung bakit siya namula noong araw na 'yon.
"Is that another portrait?"
"Yes," mabilis niyang sagot habang 'di tinitignan ang nakakasilaw nitong mukha.
"Ikaw ulit mismo magde-deliver? Where to, Faye?"
"Sa E and E Orphanage. Alis na ako."
Gusto na niyang maglakad ulit at lumayo sa presensya ng lalaki dahil pakiramdam niya'y hindi niya na pa makikilala ang sarili kapag nagtagal siya. Ano nga bang mayroon nito at bakit ganito na lang ang nagiging epekto sa kaniya?
"E and E Orphanage? Nice! Papunta rin ako ro'n!" masigla nitong sabi at bahagya pang tumalon dahilan para mauntog ang ulo nito sa loob ng sasakyan.
She let out a short, silent laugh while gazing at the man.
"Aray . . ." Daing nito habang napapahimas sa ulo.
"Okay ka lang?" she asked, not realizing that her voice was already teasing him.
"Hmm." Tumango naman ito. Nakahawak pa rin ito sa ulo. Muli nitong binaling ang tingin sa kaniya. His caramel eyes felt like a lukewarm sun. "Can I take you there?"
Ilang segundo pa bago mag-loading sa isipan niya ang sinabi nito. Napokus siya sa pagkauntog nito kaya 'di agad tuloy nag-register sa utak ang sinabi na papunta rin pala itong E and E Orphanage.
"Ah, hindi na--" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang muli na naman siyang madakip sa nakakaapekto nitong tingin.
The way his eyebrow curved in a hopeful manner while his lips still smiling, how could she say no?
"Tanginang mukha 'yan," bulong niya pero mukhang napalakas ata dahil napataas ang dalawang kilay ng lalaki.
"Huh?"
"Wala, wala. Sabi ko, oo. Sige sasabay ako sa 'yo," pag-iiba niya sabay kamot sa kaniyang buhok.
His already smiling lips parted, revealing his perfect set of teeth. Gustong tahiin ni Faye ang bibig nito upang 'di na makangiti dahil masiyadong nakakasilaw, natutunaw siya. May araw na nga, dumagdag pa ito sa liwanag.
"Yes!" rinig niya pa nitong sabi.
Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse ngunit pinigilan siya ng lalaki.
"Allow me." Lumabas ito at pinagbuksan siya.
Umupo siya sa driver's seat habang yakap-yakap pa rin ang portrait. Kahit may espasyo sa pagitan nila, hindi sanay si Faye na may lalaking ganito kalapit sa kaniya.
Out of the blue, she remembered that she didn't take a bath.
Pasimple niyang tinaas ang braso at inamoy ang sarili.
Hindi naman siguro ako nangangamoy, ano?
Habang nagda-drive, sinusulyapan niya ang lalaki. His hair still in slicked back. Siguro iyon ang favorite hairstyle ni Corin. Unlike last time, he wasn't wearing a coat, but a hoodie of the same color as hers. Kahit na simple lang ang suot nito, parang ang engrande pa ring tignan sa lalaki.
Palibhasa kasi guwapo kaya lahat ng suot kahit gaano pa kasimple, nagagawang elegante.
Napunta ang tingin niya sa tainga ng lalaki. Sa kanan nito ay may nakalagay na parang earphone. Tinitigan niya pa upang makita kung ano talaga 'yon.
"Hearing aid?" tanong niya dahilan para mapalingon ang lalaki.
"Ah, yes. I can't hear really well, especially on this side." Turo niya sa kanang tainga.
Tumango naman siya.
Muling naging tahimik ang paligid.
Ilang sandali pa, napagpasyahan niyang magsalita. Most of the time, she preferred a silent environment so she couldn't comprehend why she initiated the conversation.
"Ano pa lang gagawin mo sa orphanage? Mag-aampon ka?"
"Nope. Magtuturo ako ro'n," he replied, happiness was evident in his voice. "A free service."
"Nagtuturo ka every weekend sa orphanage?"
"Yup. The kids there are very passionate when it comes to learning. And I can teach, so who am I to not grant them education?"
"I guess, you're passionate as well." Sinandal niya ang ulo sa bintana. "It's your dream?"
He first glanced at her before answering, "No. Hindi talaga pumasok sa isip ko ang maging teacher. I'm a chemical engineer but God showed me how wonderful it is to teach, and I fell in love. I decided to apply in Maranatha and I got in."
"God, huh?" Inalis niya ang tingin sa lalaki at tinuon sa kalsada.
Sa lahat ng pagkikita nila, palagi na lang talaga nitong binabanggit ang Diyos. As if He was someone he could reach anytime. As if He was just there. As if He was someone so real, when in fact, He wasn't.
"Good for you."
Her mood changed as they reached the E and E Orphanage. It was the first time she saw the area. One-story building lang ito na pininta sa kulay na light green.
Nakaawang ang berdeng pinto.
Nauna si Corin at sumunod naman siya. Kinatok muna ito ni Corin at saka tinulak pabukas. Pagkapasok nila, kaagad na sumalubong ang mga yabag ng paa na papalapit sa kanila.
"Professor Corin!" bati ng mga bata kay Corin.
Lumuhod naman si Corin at sinalubong ang mga yakap ng mga batang papalapit.
Akala ni Faye maraming bata ang nandito ngunit nasa mga sampu lang pala. Ang lima ay nakayakap kay Corin, habang ang ibang lima ay nakatingin lang ngunit nakangiti sa pagdating nila.
The inside was spacious. May mga book shelves sa gilid at mga lamesa rin at upuan. Nakita niya ang mga nakasabit na portrait nang mapalingon sa kanan.
It was her artworks.
May lumapit sa kaniyang isang babae na may edad na.
"Are you Nasta?"
She nodded. "Yes. Are you perhaps Miss Melinda?"
Tumango rin ang babae at nginitian siya.
"Nice meeting you," sabi niya pagkatapos inabot ang portrait.
Ginaya siya nito papalapit sa mga art works niyang nakasabit, at dinagdag doon ang bago niyang gawa. A woman in a flower field, a woman in an island, a woman in the middle of the sea, and now, a woman staring at the moon.
Those were all the arts the woman requested her to draw.
"Itong mga pinagawa ko sa 'yo, requests 'to ng mga bata," sabi ng babae habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang mga drawing.
Sinulyapan niya naman ang mga bata na masayang nakikipag-usap kay Corin sa 'di kalayuan.
"Gustong-gusto nila ang mga gawa mo, Nasta. Sa uulitin ulit, ha?"
Tumango siya at muling tinignan ang kaniyang mga gawa.
They liked it, huh?
She had been drawing for the sake of money now, so she wasn't thinking too much about the opinion of her client. Yes, she wanted her works to be perfect, but she wasn't expecting any praises in return. What for? What could those praises do? Would it make her feel better?
Did it make her feel better after knowing that the kids liked it?
No.
"Whoa! Mga gawa mo pala 'to, Faye?" narinig niya mula sa likuran ang boses ni Corin.
"Magkakilala kayo?" tanong ng babae.
Nilingon niya si Corin na tumango bilang sagot sa tanong ni Miss Melinda. May karga-karga itong batang lalaki habang ang iba naman ay nakabuntot kay Corin.
"Ikaw may gawa niyan, Ate?" Napababa ang tingin niya sa babaeng humawak ng kaniyang kamay.
Her hand was small, making her feel soft inside.
"Oo."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay isa-isang naglipatan sa kaniya ang mga bata at niyakap siya. Hanggang bewang niya lang ang mga ito at kamuntikan pa siyang mawala sa balanse.
"Ate, ang ganda po ng mga gawa niyo."
"Paturo po, Ate!"
"Gusto ko po maging kagaya niyo."
Natigilan siya sa sinabi ng isang batang lalaki na may peklat ang noo.
Be like me? No. You'll hate it if you'll become like me.
She just patted his head and let out a small smile.
"Professor, jowa niyo po si Ate Nasta?"
Mabilis na napunta ang tingin niya sa lalaking karga-karga ni Corin.
"Hindi. Kaibigan ko si Ate Nasta mo," sagot naman ni Corin.
"Weh? E, bakit kayo magkaparehas ng suot?"
Sabay namang napatingin sila sa isa't isa dahilan para magtama ang kanilang mga mata. A loud thumping sound knocked inside her chest, making her cheeks turn into the color of a ripe apple.
Napaiwas siya ng tingin at ganoon din ang ginawa ni Corin.
"W-why don't we start our lesson for today, hmm? Let's check your assignments first," pag-iiba ni Corin at naglakad palayo. Sumunod naman ang mga bata.
Magpapaalam na rin sana siya kay Miss Melinda pero naunahan siya nitong magsalita.
"Nagmamadali ka ba, Nasta? Baka puwede ka pang manatili rito saglit. I'm sure gusto ka pang makausap ng mga bata."
Napakamot siya sa kaniyang buhok dahil hindi naman siya makahindi. Paano ba kasi siya makakahindi kung ang boses nito ay napakamalumanay na para bang ang bait-bait?
Una, si Corin, ngayon naman si Miss Melinda. Napabuntonghininga na lang siya.
Ang dami namang nakapalibot na anghel sa kaniya ngayong araw.
Wala siyang nagawa kundi ang umupo sa isang seat na nakaharap sa maliit na black board kung saan nakatayo si Corin. Kagaya ng mga bata, nakapokus din siya sa pagtuturo ni Corin.
He was teaching them to read. At kahit na alam na niya kung paano magbasa, napapasabay pa rin siya sa tuwing pinapabasa nito ang mga bata ng mga syllables. Ang daling sundan ng pagtuturo nito. Everything was clear, smooth and not in a hurry. And his pronunciation made it better.
Idagdag mo pa ang mukha nitong sobrang maliwanag. Halatang nag-e-enjoy sa pagtuturo.
As she stared at him, she couldn't help but to wonder, how does it felt to be passionate at something?
She once felt that but she couldn't remember how it'd taste like. Her fire had been turned into ashes long time ago, and no matter how many times she tried, it wouldn't lit anymore.
The only thing she was thankful for was that she could still draw despite of feeling nothing.
Pero kung sakali mang mahanap niya ulit ang kasiyahang iyon, magpapasalamat siya. Even if it was just for a little while, she wanted to experience it again. She wanted to experience that drive again so badly.
"Ate." Napababa ang tingin niya.
Natapos na pala ang pagtuturo ni Corin at abala nang maglaro ang ibang bata.
"Ano 'yon?" sagot niya sa batang lalaking may peklat sa noo.
May hawak itong bond paper at lapis. Hinarap nito ang bond paper at nakita niya roon ang isang guhit.
Napaawang ang kaniyang mga labi. Hindi niya maalis ang tingin sa guhit. It was a rough sketch of a woman, wearing a hoodie and was deeply focused at something. It was messy yet the shadings and weight of the lines were all crafted well.
Good. So good. It was so good that she herself could recognize the woman in the paper.
"Did you draw me?"
Mabilis na tumango ang bata at matingkad na ngumiti. "Opo. Maganda po ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro