Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

NAGISING si Faye habang nakabusangot. Bumangon siya sa kama at sampung minutong tumunganga sa kawalan. Pagkauwi niya kagabi, natulog kaagad siya. Bukod sa pagod na pagod, siya wala rin siyang gana na gawin ang mga pending commission.

Napunta ang kaniyang tingin sa palad niyang may benda. Napanaginipan niya ang lalaki kagabi ngunit ang pangyayaring niligtas siya nito mula sa pagkakalunod ay hindi isang panaginip. Ang benda ang mismong ebidensya.

"Puta!" Hindi niya alam kung ang sarili ba niya ang minumura o ang nangyari kagabi.

Another failed attempt, but this time, she was saved directly by someone she didn't know.

Tumayo na siya at saka nag-unat. Pumasok na siya sa banyo para maligo. Pagpasok niya, nakasabit pala ro'n ang tuwalya na binigay ng lalaki sa kaniya.

Hindi niya iyon pinansin at naligo na.

She didn't even know his name.

The water was cold yet it wasn't enough to make her shiver. She enjoyed bath before, but she couldn't feel anything now. The reality of life failed her expectation so deep that she couldn't even take a glance to appreciate the small things and events.

Everything sucks. Sana hindi na lang siya nagmadaling lumaki.

Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya. The usual get up she used to wear—a jogging pants and an oversized hoodie. Hindi na siya nag-atubili pang suklayan ang kaniyang buhok at hinayaan lang itong nakalagay hanggang sa matuyo.

Nagtungo siya sa kusina, binuksan ang refrigerator na nasa gilid lang ng lababo at kinuha ang natitirang loaf bread. Habang kagat-kagat ang piraso, bumalik siya sa kuwarto nang tumunog ang kaniyang cellphone.

Mabilis niyang sinagot ang tawag at bago pa lang siya makapagsalita, isang malakas na hiyaw ang narinig niya sa kabilang linya.

"Faye, baby! I miss you!"

"Putangina mo talaga," boryo niyang sagot.

Kung nasa harapan niya lang ang kaibigan, hinambalos na niya ito.

"Ang bastos talaga ng bunganga mo. Kalmahan mo nga kakamura," maarteng sagot ni Alexandra sa kabilang linya.

"Ba't napatawag ka?"

"Kumusta ka naman?"

"Buhay pa," sagot niya habang ngumunguya.

"Goods 'yan. Anyway, Faye, are you free tomorrow ba?"

Napakunot ang noo ni Faye dahil may naririnig siyang ingay sa kabilang linya. Parang may nagsisigawan, tapos may music pa na parang pang-club at sumasabay roon ang mga padyak na naririnig niya.

"Free naman kung gugustuhin ko. Ba't ang ingay r'yan? Hindi ba class hours ngayon? Hindi ka ba pumasok?" tanong niya.

"Nasa university nga ako. Mga estudyante ko 'to."

"Ba't parang nasa party kayo?"

Humalakhak naman si Alexandra. "Lahat kasi sa kanila nakapasa sa first semester finals kaya ayan, pinagbigyan ko na. Party! Party!" Humiyaw rin ito at hula ni Faye ay nakikisayaw na rin sa mga kasama.

"Sa classroom pa talaga. Mapagalitan sana kayo."

"KJ nito. Huwag kang ganiyan, 'di ka magkakajowa n'yan."

"Hindi ko kailangan 'yan. Pera gusto ko, Alexandra. Putangina, naloko ako kahapon," she said and lay down in bed.

"What?!" sigaw nito. "Class, labas lang ako saglit." Nakarinig siya ng mabilis na yabag hanggang sa wala na siyang marinig na ingay. Muling nagsalita si Alexandra. "What happened?'"

"Yesterday, may client na hinambalos sa mukha ko ang portrait na pinagawa niya. Tapos n'on, may isa ulit na client na magbabayad daw pero ayon, hinakot pera ko."

"Oh, my! Hindi mo ba ni-report?" matinis nitong sigaw.

"Saan?"

"Sa bank!"

Natahimik siya ilang saglit pero kaagad ding napabuntonghininga. "Nakakapagod. Hindi ko 'yan naisip. Wala akong ibang naisip kahapon kundi mamatay, e."

Hindi naman sumagot ang kabilang linya. Probably, because her friend was feeling bad about her. Alexandra was a very lively person, but sucked at comforting people. Not that it matters to her, though. She was thankful enough that she got a friend like her. It's enough to think that she was listening to her.

"Did you . . . attempt again?"

"Yes. Unfortunately, I was stopped again." Bumangon siya sa pagkakahiga. She chose to change the topic. "Anyway, ano pala ang tinawag mo?"

"Oh, right! I actually want to invite you tomorrow to be one of our guest as a graduate of fine arts in Maranatha University."

"Anong gagawin ko?"

"We will be having an evaluation so nood ka lang. Dagdag pakaba sa mga students ko." Muli itong humalakhak na animo'y tuwang-tuwa sa sasapitin ng mga estudyante. "Kidding aside, I want the students to gain insight from you. You know, you're really good at portrait painting."

"Sige, subukan ko. Anong oras ba?" Hindi rin naman siya makakahindi kay Alexandra.

"Bukas ng hapon. Kitakits, Faye!"

"Sige." She was about to hang up but Alexandra spoke again.

"By the way, there's someone who's looking for an artist. Rushed commission daw. Recommend kita, Faye, ah? Okay lang ba sa 'yo? He could pay in full kahit 'di matapos today, basta bukas tapos na raw."

"Bukas agad?" walang gana niyang tanong. Marami pa siyang pending commission tapos tatanggap na naman siya ng panibago. Tatanggapin niya ba?

"Oo. He's requesting a portrait for his wife for 20,000 pesos. Bayaran ka niya kahit now na agad."

Mahina siyang napasipol. Sayang naman kung hindi niya tatanggapin. At saka nangangailangan siya ng pera ngayon kasi kahit piso, wala siya.

"Sige. Tell him to message the details on my account."

"Yey! Okay, Faye. Sige na, bye na. Mag-ingat ka always. Pa-kiss!" She heard a kissing sound in the line before it was cut off.

Tsk. Napailing na lang siya.

Tumayo na siya at pumunta ng salas kung saan naroroon ang mga art materials niyang nakakalat sa sahig. She looked at her room and it's totally a mess. Her floor, sofa and even the walls were tainted with paint. Ang kutson niyang naninilaw na, nakahilata lang habang karga-karga ang drawing tablet, drawing pens and pencil.

Lumapit siya roon at saka umupo. Sumandal siya sa sofa sa likuran niya habang nakatingin sa telebisyon niyang nakakabit sa dingding. Ilang taon na itong tulog dahil hindi na naman siya nanonood.

She started her tablet when her phone rang with a notification. She got a message.

Eli:
Good morning, Nasta. This is Eli. Ma'am Alexandra recommended you to me. I saw your works as well and your art style is definitely what my wife likes, so I would like to request for a rushed commission. I want a portrait of my wife for a gift on her birthday which is the day after tomorrow. Will you accept my request? I can pay in full.

Ni-replyan naman niya ito. Tinanggap niya ang commission at tinanong sa magiging detalye ng portrait. He sent her a picture of her wife and when she saw the picture, she let out a small smile.

Nasta:
Your wife is really beautiful, sir.

Eli:
Right? She is the prettiest.

She started immediately and started sketching the portrait. The lines . . . The symmetry . . . The curves . . . She made sure that everything was perfect.

Make it faultless.

It was an addiction of hers to make her drawing clean. Kahit na sketch pa lang, gusto niya itong hindi magulo. Gusto niyang maging pulido ito.

Ubod ng kagandahan ang ginuguhit niya kaya dapat lang na gawan niya ito ng hustisya. Ang mapupungay at malalim na kurba sa paligid ng mata ng babae na nasa picture ang unang bagay na nakakuha ng atensyon niya.

Bigla niya tuloy naalala ang lalaking sumagip sa kaniya kagabi.

Inalis niya iyon sa isipan at nagpokus. She used natural plant inks she bought last two weeks for the base. She loved the lightness that the color conveyed.

Tuloy-tuloy lang siya sa pagguhit, hindi namamalayan ang pagpatak ng orasan.

She would probably not going to sleep until she finished it and be satisfied with the result.

---

KAGAYA nga ng hula niya, madaling araw na siyang nakatulog. Nagising siya alas dose na ng tanghali kaya naman dali-dali siyang naligo at nagbihis upang pumunta sa university. Inayos at binalot niya rin nang mabuti ang portrait ni Sir Eli dahil napagkasunduan nilang personal niya itong i-de-deliver. Nagtuturo din kasi ito sa university kaya perfect na perfect ang timing.

Tinali niya ang kaniyang buhok habang nakaharap sa salamin, sinuot ang sapatos, pinasok ang cellphone sa bulsa ng hoodie at nagmamadaling lumabas. Inabot niya ang portrait at naglakad na palapit sa pintuan nang makatanggap siya ng text.

Eli:

Hello, Nasta. I'm sorry, I have an emergency today so I can't meet you, but don't worry I'm still going to get the portrait. Iyong friend ko nga lang ang kukuha. He will be waiting for you in the quadrangle kagaya ng napag-usapan natin kahapon.

Nasta:
Okay, sir. May I know what's his name?

Eli:

It's Corin. He is wearing a dark blue patterned shirt, but you might see him wearing a lab gown since he has a laboratory class today. Sorry for the last minute changes, but please deliver the portrait. Thank you!

Hindi na siya nag-reply pa at nagtungo na sa labas. Pinasadahan niya muna ng tingin ang university na nasa kabilang kalsada lang bago tuluyang bumaba.

She didn't bother to cross in the pedestrian lane and just tried to be The Flash while crossing. Kung masagasaan man siya, okay lang din.

Nang makatawid, ilang beses pa siyang nakipagtalo sa guard dahil ayaw siya nitong papasukin. Hindi raw siya estudyante at hindi rin siya part ng faculty and staff. Buti na lang at tinawagan niya si Alexandra na isang art instructor kaya nakapasok siya.

Ilang minuto pa siyang naglakad at pasulyap-sulyap din sa paligid dahil na-miss niya kahit papaano ang university. May mga kaunting pagbabago kagaya na lang ng mga nakalinyang bench sa gilid ng field na dati ay wala pa. Marami na ring vending machine, 'di katulad dati na kailangan niya pang magtungo sa engineering department dahil doon lang may vending machine.

Those days were one of the best yet she couldn't recall how it felt anymore.

Niyakap niya ang portrait upang bitbitin nang maayos hanggang sa makarating siya sa quadrangle. Ang quadrangle ay pinapalibutan ng physics and chemistry department. Nasa hallway siya, naglalakad at pinagmasdan ang kapatagan ng quadrangle. Sa kakatingin niya sa mga Vietnam Rose na nakatanim sa bawat sulok, hindi niya napansin ang matigas na bagay sa harapan niya.

Napaatras siya nang bumangga siya roon.

"Puta," she whispered and checked the portrait. Buti at mahina lang ang pagkakabunggo niya.

"Are you okay?"

Nabato siya nang marinig ang pamilyar na boses. Napatingin siya sa harapan at doon niya lang na-realize na dibdib pala ang nabunggo niya kanina.

"Miss from the Black River?" Bahagya itong yumuko at sinilip ang kaniyang mukha kaya naman nakita niya ang mukha ng lalaking sumagip sa kaniya kagabi.

Maaliwalas itong nakatingin sa kaniya. Dahil maliwanag ang paligid, kitang-kita niya ang kabuohan ng lalaki. Mas lalo siyang napako sa kakisigang taglay nito. Ang itim at medyo may kahabaan nitong buhok na naka-slicked back ay bumagay sa makapal nitong kilay. The sharp features that was making him looked strict was contradicting his smiling lips. 

Nakapasok ang mga kamay nito sa bulsa ng lab coat habang ang mga tingin ay nanatili sa kaniya. Makikita sa loob ng coat ang dark blue patterned shirt nito kaya mabilis na pumasok sa isip niya ang description na binigay ni Sir Eli.

"Corin?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro