Kabanata 23
A WEEK had past after Corin's departure and Faye had been back to her old, stagnant life.
Alas dos na siya ng madaling araw natulog at muling nagising sa umaga para pakainin si Neuro at Shima, iniwan sa kaniya ni Corin ang mga alaga nito. Muli siyang natulog at ala una na ng hapon siya nagising.
Hindi na siya nag-abala pang kumain o ayusin ang sarili niya at dumiretso na sa kaniyang tablet para gumawa ng mga commission.
No'ng araw na umalis si Corin, iyon din ang huling beses siyang umiyak. Magmula no'n hindi na niya magawang umiyak pa kahit na lugmok na lugmok na siya. Kahit na ang bigat sa pakiramdam, wala siyang magawa. Hindi niya alam kung saan siya lalapit. Sinubukan na niyang kausapin si Alexandra, sinabi ang lahat ng nangyari subalit hindi pa rin naibsan ang sakit na naramdaman niya.
"Puta--" Napatigil siya sa pagguhit nang biglang manginig ang kamay niya. Bigla siyang nabuwisit nang makita ang dot sa noo ng kaniyang ginuhit.
Kaagad niyang tinadyakan ang tablet dahil sa inis.
Napasabunot na lang siya sa kaniyang ulo dahil sa nararamdamang kasuklaman. Bumabalik na naman. Ayaw na ayaw niyang makakita ng imperpekto.
"Buwisit!" sigaw niya habang namumuo ang pawis sa kaniyang noo, ang kamay na walang tigil sa panginginig at ang puso niyang unti-unting bumibilis ang tibok.
She had been experiencing this since Corin left. Hindi naman siya ganito kalala dati, at akala niya'y naging okay na siya nang dumating si Corin pero nang mawala ang lalaki, nawala rin ang lahat ng itinayo niya.
Gusto niyang umiyak pero walang lumalabas sa kaniyang mga mata kaya mas lalo lang siyang nakaramdam ng panlulumo. Lalo lang bumibigat ang kaniyang puso. Ayaw na niya. Napapagod na naman siya.
"Meow." Napatigil siya sa pagsabunot nang maramdaman ang malambot na mga balahibo ni Neuro sa kaniyang paa.
Inabot niya ang pusa at niyakap ito.
Humiga siya sa kutson habang yakap-yakap pa rin si Neuro. Kahit papaano may kasama siya. Kahit papaano kumakalma siya sa lambot nito.
Pinikit niya ang mga mata habang bumibitaw ng malalim na hininga.
Napaigtad si Faye nang makarinig siya ng doorbell. Napabangon naman siya at salubong ang kilay na naglakad palapit doon.
Sino naman kaya 'to?
Karga-karga niya si Neuro nang buksan ang pinto. Napalaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nakatayo.
"Hi, Nasta!" masiglang bati nito.
"S-sir Eli. Ano pong kailangan niyo?" Hindi siya makatingin nang diretso dahil hindi niya inaasahan ito. Kagigising niya pa lang at for sure, mukha siyang timang ngayon. Nakakahiya.
Tapos itong kaharap niya super fresh at ang clean.
"I'm just here to give you this." Tinaas nito ang kamay at pinakita ang isang susi. "It's the key to Corin's house. Nakalimutan kong ibigay sa 'yo. Here."
Inabot naman niya iyon. "Salamat."
Ngumiti naman si Sir Eli sa kaniya, pero may bakas ng lungkot. "You look so tired. Pinapahirapan ka ba nila ni Neuro at Shima?"
Umiling naman siya.
"Do you miss Corin?"
Hindi naman siya sumagot.
Tipid naman itong ngumiti. "Me too. First, my wife. And now, my best friend."
Napaangat naman ang kaniyang tingin kay Sir Eli. Doon niya lang napagtanto na hindi lang pala siya ang mag-isang nagdudusa sa pag-alis ni Corin na walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba.
"Let's just pray that we will not lose him. And he will come back to us soon." He patted her shoulder before leaving.
Naiwan siyang nakatayo sa labas ng apartment niya habang nakatingin sa kawalan. Ilang sandali pa, napagpasyahan niyang magpunta sa bahay ng lalaki.
Maybe she could ease the heaviness she was feeling. Kahit kaunti lang.
Dala-dala niya pa rin si Neuro nang makarating sila. Binaba niya si Neuro at saka naglakad-lakad sa loob. Napatingin siya sa sofa kung saan umiyak si Corin sa harapan niya dati.
Now that she thought about it, the reason why he cried so hard wasn't only about what happened to her family but also because he had already known that he was sick.
Pumasok siya sa kuwarto ng lalaki at sumunod din si Neuro sa kaniya. Nauna itong tumuntong sa kama nitong kulay grey. Nahiga din siya katabi nito.
Ang lambot at ang bango pa. Niyakap niya ang unan dahil kumakapit doon ang halimuyak ng lalaki. Balak niya sanang matulog subalit may nakapa siya sa ilalim ng unan.
Tinignan niya iyon at isa iyong journal.
Journal ni Corinthians.
Napabangon siya at saka binuksan ito.
'Life fucking sucks.'
Iyan ang mga salitang sumalubong sa kaniya sa pinakaunang pahina. Bahagya siyang nagulat pero agad ding napatawa dahil hindi niya magawang isipan na sinulat ito ng isang Corinthians Nicholas Abuelo. Ang lalaking kahit isang beses hindi niya narinig na nagmura ay ito ngayon, nagra-rant sa isang notebook.
Napunta siya sa sumunod na pahina at panay lang ang sulat ng pagmumura at galit nito sa mundo. Walang ring date na nakalagay.
'So, anong gagawin kong mag-isa? Ang sarap ding mawala, e. Mawala habang buhay.'
Reading those words somehow comforted Faye, at the same time, made her sad. It was comforting to think that she wasn't the only one who experienced feeling that way, but sad because she knew very well how suffocating it must had felt.
Corin suffered after his loss.
Ilang pahina pa ang binasa niya hanggang sa mapunta siya sa kalagitnaan.
'What happened? I'm good, I think?'
Faye thought that it must had been the time that God found Corin.
'I think, I can still live on.
December 14, 2014'
The first page that Corin wrote a date.
Faye paid more attention to everything Corin had written there. Pakiramdam niya'y mas nakilala niya pa ang lalaki habang binabasa ang journal nito dahil nandoon lahat ng emosyon, ng mga karanasan at pati na ang mga pangarap nito.
'I graduated. Whoa.
March 27, 2015'
He got his bachelor's degree in chemical engineering.
'Hey. I know that You are always great but, God, You just proved it to me again how wonderful You are. Lord, I never felt so happy before. You should've told me beforehand na ang saya pa lang magturo, e di sana Education na lang kinuha ko. Ang sarap lang makitang natututo sila sa akin. And it is all because of You, God! Thank you!
Btw, I'll be taking my first class for my master's degree tomorrow. Be with me, please.
August 5, 2016'
Napangiti si Faye sa nabasa.
Corin fell in love with teaching on August 5, 2016. She would take note of that.
'Lord, instructor na ako sa Maranatha!
October 1, 2017'
He started as an instructor in Maranatha. He was taking his master's degree while teaching at the same time.
'Sabi nila ang talino ko raw that is why nakaya kong tapusin ang master's ko for two years but I won't be able to make it without You. Thank You, God. I am more than grateful to have You.
Also, I have something to ask of you. Should I proceed and get a doctorate degree? I got an offer from a university. Tatanggapin ko ba?
April 30, 2018'
'Lord, kakauwi ko lang galing sa art exhibit. No'ng una, hindi ko maintindihan bakit gusto mo akong pumunta ro'n. Pero mukhang naunawaan ko na. May nakita akong isang portrait do'n at grabe ang ganda. Ang ganda talaga at ang linis. Ang realistic tignan no'ng astronaut. Bigla ko tuloy naalala pangarap ko dati no'ng bata pa ako, after kong manood ng movie about astronauts, nangarap ako isang araw na magiging astronaut ako. Bakit pala pinakita mo iyon sa akin, Lord God? Ano plano Mo? Tinandaan ko rin name ng artist. It was Nasta. Gusto Mo ba akong makilala 'yon?
May 7, 2018'
Napalaki ang mga mata ni Faye matapos iyong mabasa. Sumagi sa isip niya ang art exhibit matapos siyang gr-um-aduate. Her first piece. The Astronaut.
'Lord, tiningnan ko account ni Nasta. Ang ganda ng mga gawa. I-fo-follow ko sana kaso nahihiya ako.
May 20, 2018'
'Lord! Nababaliw na ako sa studies ko pero kaya ko naman basta nandiyan Ka lang. I will graduate again and get that Ph. D.
Anyway, ano po plano Mo sa amin ni Nasta? Napapaisip ako kasi bakit parang tinutulak mo Po ako sa kaniya? Chill na dapat ako, e. Tapos na akong tignan mga artworks niya tapos nalaman kong nagpapa-commission pala si Miss Miranda kay Nasta.
July 11, 2019'
'Lord! Lord! Lord, ano po 'to? Grabeng revelation naman po ginawa niyo sa akin today. Nalaman ko lang ngayong araw na iyong new instructor sa Art Department na si Miss Alexandra is kaibigan pala si Nasta. I was talking about the artworks of Nasta kahit wala talaga akong alam sa arts and then, she suddenly said na it's from her best friend. And then she showed me a picture of her. And then, I was amazed kasi parang katulad niya iyong mga arts niya. Ang ganda.
August, 4, 2019'
Biglang namula ang mga pisngi ni Faye nang mabasa ang mga huling salita na sinabi ni Corin.
'Lord, malala na po yata ako. Please, guide me and please protect my heart. Hindi ko po alam, Lord. Normal lang po bang magkagusto sa isang tao na hindi ko pa nakikita sa personal at nakakausap?
October 25, 2019'
'Lord! I saw her. I saw her! Personally! Thank you po, Lord! Kaya pala gusto mo akong lumabas sa laboratory, e. Nakita ko si Miss Nasta kausap si Miss Alexandra. And I have a confession to You, Lord.
The first time I laid my eyes on her earlier, I thought of marrying her. Nakakahiya.
October 30, 2019'
Ang kaninang pamumula ni Faye ay mas dumoble pa. Napahiga siya sa kama habang napapakagat sa kaniyang labi.
'Lord! I am now Corinthians Nicholas Abuelo Ph. D. I made it! My students can now call me professor! Praise God!
May 10, 2020'
'Lord, thank You for this special day. Happy birthday to me! Thank You po for giving me this life and for giving me this name and identity. I love You, Lord. Puwede po ba akong mag-wish?
Nahihiya po ako actually. But to all those days that I have consulted my feelings to You, I finally have a clear understanding of what I feel towards Nasta. So, God, I wanted to ask that You will continue be the author of my life. And Lord, if it's not too much to request, can You give her to me? I would treat her well. I won't fail You. So, can I be her other half?
If it's Your will that we we'd be together someday, then I will wait for Your time. In Jesus' name. Amen.
September 17, 2020'
Faye almost dropped the notebook after reading it. She was so moved that it made her tear up. Bigla niyang naalala ang childhood niya. Kung saan hiniling niya dati na bigyan siya ng lalaking hihilingin ang kamay niya sa Diyos paglaki niya.
But wait.
Corin already knew her back then. But why didn't he recognize her in the Black River? No'ng naghatid din siya ng portrait kay Sir Eli at si Corin ang tumanggap, hindi siya kilala ng lalaki.
'Lord! Kinabahan ako ro'n. Grabe ka po, Lord. Iyon na pala 'yon. Si Nasta 'yong nasagip ko sa Black River. Grabe! Grabe 'yong kaba ko, at grabe rin ang saya no'ng makausap ko siya. Thank You, Lord! Pero hindi ako nakapagpakilala. Naunahan ako ng kaba.
January 6, 2022'
'Lord, nagkausap kami ulit. Kay Nasta pala nagpa-commission si Sir Eli kaya pala sinabi niya sa akin kanina na mag-ready raw ako kasi for sure, matutuwa ako. Ayon po, nagkausap kami ulit. Tapos nakapagpakilala na ako. Gusto ko sanang sabihin na super fan ako ng mga artworks niya pero nakakahiya. Nahihiya ako :((
January 7, 2022'
Ah, so that was the reason why he acted like he didn't know her and her arts.
'Lord, ayaw ako tigilan ni Eli. Grabe kaba ko akala ko ilalaglag ako. Buti naman at sumabay siya sa pagpapakilala ko sa kaniya kay Faye kanina.
January 10, 2022'
"Ang cute mo talaga," komento niya at nagpatuloy sa pagbabasa.
Nakasulat doon lahat ng interaksyon nila ni Corin. Kung ano ang naramdaman nito no'ng mga panahong iyon. Kung gaano ito kasaya na nagkaka-chat na sila at nabasa rin doon ni Faye kung gaano pinagdasal ng lalaki ang kasiyahan niya. No'ng time na nalasing siya at muntik na niyang mahalikan si Corin, nabasa niya rin doon. No'ng araw na naging sila at ang unang araw na hinalikan nila ang isa't isa, kinuwento ni Corin sa notebook kung gaano ito kasaya.
'Lord, kami na ni Faye! Thank you po! The best ka po talaga. Another answered prayer. Maraming salamat po. Hinding-hindi ko po ito sasayangin at aalagaan ko po siya nang tama. Kaya nais ko pong ipagdasal na sana po gabayan Niyo po kami parati. Please, be the center of our lives and sustain us with Your love and grace. I love You, Lord. In Jesus' name. Amen.
February 20, 2022'
Sunod-sunod ang mga kasiyahang nakalatag sa journal ni Corin, subalit nagbago ang takbo nito nang malaman ng lalaki ang kaniyang sitwasyon. Ang saya at kilig na naramdaman ni Faye ay mabilis ding nawala at napalitan muli ng kalungkutan.
'Lord, I'm sorry I lied to Faye. Hindi ko lang po kasi kayang sabihin. Ayoko po siyang masaktan. Lord, ano pong gagawin ko? Tulungan Niyo po ako. Ayoko ko pong iwan si Faye. Mahal na mahal ko po siya. Please, let me stay by her side.
But whatever Your will, it shall be done. I will trust You.
March 27, 2022'
Tumulo ang mga luha ni Faye nang mabasa iyon. Muli niyang naalala ang araw na nagsinungaling sa kaniya si Corin hanggang sa nalaman niya ang kalagayan nito. No'ng araw na nawasak lahat ng pakiramdam niya. Ang araw na wala siyang ibang hiniling kung hindi huwag kunin si Corin sa kaniya at ibalik itong masigla sa piling niya.
'Lord, I am leaving. I hurt her, I'm sorry. Please, be with her. And please, God, be with me also, so I could have enough strength to face this challenge. I want to survive. I want to see her again and I want to be with her.
I will trust You. Just like what you said in Ecclesiates 3:1, I will trust Your timing. You are in control. If we were to meet again in the future, let it happen in Your appointed time. I will trust in You forever.
But whatever Your will, let it be done. In Jesus' name. Amen.
April 10, 2022'
At wala nang sumunod pang sulat sa journal ni Corin. Humagulgol si Faye habang hawak-hawak pa rin ang notebook. Niyakap niya ito nang mahigpit at binaon ang mukha sa unan.
Naalala niya ang binigay nitong bouquet of compound.
3-ethyl-1-hexanol.
He gave her a bouquet composing of twelve 3-ethyl-1-hexanol which represented the twelve letters of the word 'ecclesiastes'. While the numbers 3 and 1 matched the chapter and verse.
As Faye cried and rant all of her heaviness and pain, she prayed.
God, help us meet again in Your time, please.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro