Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

"FAYE, baby ko!" tili ni Alexandra nang makababa siya sa apartment.

Mabilis siyang pumasok sa kotse nito at hanggang nasa biyahe sila, walang tigil ang kadaldalan ng kaibigan. Siya naman nanatiling tahimik lang at nakatingin sa bintana.

"Excited na ako, Faye. Ang guwapo pa naman ni doc. Sarap akitin." Humalakhak ito habang nagda-drive.

"Baka may girlfriend na 'yon."

"Hoy, excuse me. Nagre-research ako before ako nagkakagusto sa isang tao, 'no!"

Tumango naman siya at nag-thumbs up. "Goods 'yan."

Sinulyapan siya nito. "Ba't ba ang depressed ng mukha mo ngayon? Nag-away ba kayo ni Corin?"

Umiling siya.

"Then, bakit parang broken ka r'yan?"

"Wala. Hindi ko alam."

Hindi naman sumagot si Alexandra at nagpatugtog na lang ito. Sinasabayan pa nito ang kanta ni Taylor Swift habang siya nanatili lang na nakatunganga.

Nang makarating sila sa ospital, umupo siya sa upuan kung saan siya umupo last time. Si Alexandra naman ay pumasok na sa loob. Naghintay lang siya sa labas hanggang sa mapunta ang tingin niya sa Neurology Section.

Tumayo siya at naglakad papunta roon. May apat na rooms ang nandoon, office ng mga doctors. Mabagal siyang naglakad habang napapatingin sa bintana ngunit wala naman siyang makita dahil may venetian blinds na nakatakip.

She sighed.

Simula kahapon, matapos ang call, hindi na sila nagkausap pa ni Corin. Hindi rin ito nag-message sa kaniya. She wondered what he was doing right now. Sana okay lang ito. Sana nasa seminar nga ito kagaya ng sinabi sa kaniya.

Napahawak siya sa kaniyang buhok at tinanggal ang butterfly hair clip na binigay sa kaniya ng lalaki. Pinagmasdan niya ito. The butterfly had a shade of navy blue and black, her favorite color combination.

Nasa pang-apat na ng room si Faye nang bigla na lang itong magbukas kaya napatigil siya sa paglalakad. Napunta ang tingin niya sa lalaking lumabas mula roon dahilan para magitla siya.

Nabitawan niya ang hair clip. Nagsalubong ang kanilang paningin at halata rin sa mukha nito ang gulat. Kagaya niya, hindi ito nakagalaw.

"Faye," he uttered.

Napakuyom ang kaniyang kamao. "Seminar pala, ha."

"Faye, I--"

Hindi niya ito pinatapos at tumalikod na. Patakbo siyang naglakad palayo habang pinipigilan ang panginginit sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Faye, wait!"

Nakalabas na siya ng ospital at kanina pa siya tinatawag ni Corin pero hindi siya nakinig. Napatigil lang siya nang maramdaman ang mga kamay nitong hinawakan ang kaniyang braso.

"Faye."

Winaksi niya ang pagkakahawak ng lalaki bago ito nilingon. "Ano? Anong idadahilan mo? Magsisinungaling ka na naman ba sa akin?"

Umiling ito. "Hear me out. I didn't want to lie to you but--"

"Pero ginawa mo pa rin!" sigaw niya. Natahimik naman si Corin. "Bakit, Corin? Bakit mo pa kailangang sabihin sa akin na nasa seminar ka para lang pumunta rito? Anong tinatago mo sa 'kin?"

Pumiyok ang boses ni Faye habang nakatingin sa namumutlang si Corin. Pagod ang mga mata nito at namumula na para bang ilang araw itong hindi nakatulog.

"Anong nangyayari sa 'yo? Ba't ayaw mong sabihin sa akin? Last week ka pa balik nang balik dito. Ano bang nangyayari?" pumiyok ang boses niya. Nag-unahang tumulo ang mga luha niya.

Napakurap naman ito. "A-alam mo?"

"Oo, kasi nandoon ako. Nakita ka ni Alexandra. Kaya nga ilang beses kung tinanong sa 'yo kung nasaan ka dahil umaasa akong sasabihin mo sa 'kin ang totoo! Pero hindi! Nagsinungaling ka sa akin!"

"I'm sorry." Nilapitan siya nito at hinawakan ang kaniyang kamay. Pain crossed his eyes as he stared at her. Ilang beses itong napalunok bago magsalita. "I'm really sorry. Hindi ko lang kayang sabihin sa 'yo. I'm so sorry."

"Ano ba kasi iyon? Nakakainis ka na!" Habol-habol niya ang hininga. Sinuntok niya ang dibdib nito dahil sa inis.

"I . . ." Napapikit ang lalaki at inangat ang tingin sa kalangitan. "I'm getting worse, Faye."

"Saan? Saan, Corin? Ayusin mo!" Hinawakan niya ang manggas ng damit nito at niyugyog. Kanina pa kumakabog nang mabilis ang kaniyang dibdib sa kaba.

Sana mali ang iniisip niya. Sana. Sana . . .

"I have a traumatic brain injury due to the car accident two years ago. Naagapan naman ako at akala ko okay na ako." Hindi pa rin makatingin si Corin sa kaniya. "Pero last year, I experienced hearing loss, sumasakit ang ulo ko at nahihilo rin ako kaya nagpa-check ako."

Tumigil ito sa pagsasalita nang pumiyok ang boses nito. Napatakip ito sa mukha nang magsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata.

Natigilan si Faye. Parang may tumusok na karayom sa puso niya. Hindi niya kayang makitang umiiyak si Corin. She had seen him crying but not this way of crying. This time, Corin was in pain. He was not okay. Ang Corin na palaging nakangiti ay nahihirapan at umiiyak ngayon sa harapan niya.

"Nagpa-CT scan ako and then, when I got the result, the doctor told me na may blood clot na na-form sa ulo ko."

Nabato naman si Faye sa narinig. "M-maalis naman 'yan, 'di ba?"

Tumango naman si Corin dahilan para mapahinga siya nang maluwag.

"Maaalis naman pala so bakit kailangan mo pang itago sa akin? Tinakot mo 'ko, bwisit ka!" Mahina niyang sinapak ito sa braso.

Ilang minuto ang lumipas at hindi nagsalita ang lalaki. Tumahan na siya pero tuloy pa rin sa pag-iyak si Corin.

"Hoy," tawag niya rito pero hindi pa rin ito tumatahan kaya muling bumalik ang kaba niya.

May sasabihin pa ba ito sa kaniya?

"Pero kasi Faye . . ." Tinignan siya ng lalaki. Ang malalaking butil ng luha ay patuloy pa ring tumutulo. "Hindi lang 'yon ang problema. I found out recently that I have grade IV Glioblastoma."

Natigilan siya. Mabilis na nanginig ang mga kamay niya.

"This is why I don't want to tell you. Ayoko na masaktan kita. After I found out what happened to your family, natatakot ako na baka makadagdag lang ako sa sakit na nararamdaman mo. I don't want to hurt you, Faye. I'm sorry."

Niyakap siya nito habang paulit-ulit na humihingi ng tawad. Siya naman ay hindi nakagalaw. Muling pumasok sa isipan niya ang memorya ng kaniyang nakababatang kapatid, kung paano niya nakita ang paghihirap nito at kung paanong bigla na lang itong nawala sa kaniya.

Muling tumulo ang mga luha niyang kaninang tumahan na. Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya magawang yakapin ito pabalik.

Natatakot siya. Natatakot siya sa posibleng mangyari.

Bakit? Bakit ganito? Mawawalan na naman ba siya?

Humigpit ang yakap ng lalaki. "I'm so sorry, Faye."

Hinawakan niya ang dulo ng damit nito habang nanginginig ang mga palad. Gusto niyang lumuhod dahil nanghihinga ang kaniyang katawan. Hindi niya ito kayang tanggapin.

"Nagsisinungaling ka lang." Umiling siya at tinulak ang lalaki. "Hindi totoo ang sinasabi mo!"

Tumakbo siya paalis at iniwan si Corin. Bumalik siya sa kaniyang apartment at nagkulong sa loob ng kuwarto. Napaupo na lang siya sa sahig at doon binuhos ang lahat. Sinigaw niya ang lahat ng poot sa kaniyang dibdib.

Bakit? Bakit? Bakit? Bakit?

Sinambunutan niya ang kaniyang sarili hanggang sa malagas ang ilang hibla ng kaniyang buhok.

"Bakit Mo na naman ako sasaktan? Bakit?!" pagtangis niya. "Hindi pa ba sapat lahat ng kinuha Mo sa akin?!"

Muling umusbong ang galit niya na akala niya'y wala na. Sinira niya lahat ng bagay na nasa loob ng kaniyang kuwarto. Ang unan, kumot, mga libro, drawer at lahat ng mahahawakan niya. Binuhos niya lahat ng galit niya sa mga bagay sa paligid hanggang sa makuntento siya.

Mauulit na naman ang lahat sa dati. Babalik na naman siya sa buhay niyang hindi gumagalaw. Mabubuhay na naman siya ng sakit. At wala siyang puwede magawa para pigilan iyon.

Ayaw na niya. Hindi na niya kaya pa.

Hindi na niya kaya pang masaktan ulit. Pagod na pagod na siya.

Gusto na niyang mawala.

Huwag Mo 'kong pigilan sa pagkakataong 'to.

Lumabas siya sa kaniyang kuwarto at napagpasyahang pumunta sa Black River, ngunit napatigil siya matapos buksan ang pinto.

Naghihintay si Corin sa kaniya sa labas.

"Umalis ka rito!" sigaw niya at nilampasan ang lalaki.

Hinawakan naman siya nito. "Saan ka pupunta?"

"Wala kang pakialam kung saan ako pupunta! Huwag mo 'kong pakialaman! Huwag mo 'kong pigilan! Pagod na ako, Corin. Kung mawawala ka rin naman sa 'kin, mas mabuti nang ako ang mauuna!"

"Faye, please." Hinigpitan ni Corin ang pagkakahawak sa kaniya upang 'di siya makawala.

Ilang beses siyang nagpumiglas pero hinila siya nito sa isang yakap. Naramdaman niya ang labi nito sa kaniyang noo dahilan para tuluyan siyang manghina.

Niyakap niya rin ito nang mahigpit at doon nagpatuloy sa pag-iyak.

"Kagustuhan ba 'to ng Diyos mo, Corin? Sasaktan na naman Niya ba ako? Kukunin ka ba Niya sa akin? Ayoko! Ayoko no'n. Huwag mo 'kong iwan!"

"I don't want to leave you, too." Hinaplos nito ang kaniyang mga buhok. "We don't know what will happen in the future, Faye, so the best thing we can do right now is to trust Him."

"Nahihibang ka na ba? Tignan mo ang ginawa Niya sa'yo! Naghihirap ka na tapos ganiyan lang ang sasabihin mo? Kakapit ka pa rin sa Kaniya?"

"Unwell or not, I will continue to trust Him. I believe in His plans, Faye." Humiwalay ito sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Pinahid nito ang mga luhang tumutulo. "Lalaban ako, Faye. Para sa atin, kaya please, huwag ka munang sumuko. Huwag mo muna akong sukuan."

Patuloy lang siya sa pag-iyak habang nakikinig kay Corin.

"We'll be separated for some time because the doctor cannot treat me here. He needs to send me abroad."

"Kailan ka b-babalik?"

"I can't tell you either kasi hindi ko rin alam. They have to be very careful with me to prevent more complications. My Glioblastoma is at the highest grade. There's a possibility that I might . . . not be able to come back."

Mabilis siyang umiling. "Huwag mo 'kong iwan, please."

"I'll try the best that I can. I want to be with you as well. I want to spend the rest of my life with you. So if God will let the two of us to be together in the future, I believe it will happen." Hinalikan nitong muli ang kaniyang noo. "It will happen, Faye. So, can you wait for me until then?" Hinawakan nito ang kaniyang kamay at ito naman ang hinalikan. "But don't wait for me for too long. As much as I want to be the only man you'll ever love for the rest of your life, I want you to be happy. So, kung sa tingin mo, masiyado nang matagal, then don't expect me anymore. Kalimutan mo ako."

Hinawakan niya rin ang kamay nito. "Kailan ka aalis?"

"Bukas."

Napapikit siya at mariing pinisil ang palad ng lalaki.

"Babalikan mo ako at maghihintay ako sa 'yo. Maghihintay ako hangga't kaya ko kaya, please, bumalik ka." Pinakatitigan niya ang mukha nito, kinakabisado ang bawat kabuuan nito. Hindi niya kailanman nanaisin na kalimutan si Corin. "Don't tell me any updates about you. I want you to come to me personally, Corin. You . . ." Tinuro niya ito. "In front of me."

Corin nodded as his tears fell. 

"When I see you again, I want you to be well and okay. So, please, come back to me." Namamaos na ang kaniyang boses.

"If it's God's will, I will surely come back to you."

Muli nilang pinagmasdan ang isa't isa. Halatang walang may gustong bumitaw. Parehong gustong manatili sa isa't isa.

"I love you always." She leaned in to kiss him and so did he.

As her tears continued to fall, she savored the very last moment she had with Corin.

God, please don't take him away from me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro