Kabanata 21
HINDI nagawang makatulog ni Faye no'ng gabing iyon. Hindi mawala sa isipan niya ang nakita kagabi. At hindi niya rin matanggap kung bakit nagsinungaling sa kaniya ang lalaki.
Kinausap niyang muli si Corin kagabi sa chat. She asked the same question over and over again, and Corin replied the same thing which made her more upset. Ano ba ang tinatago nito sa kaniya na kahit ilang beses siyang magtanong ay ayaw talaga nitong sabihin?
Pabalik-balik ang lakad niya sa tapat ng kaniyang pinto habang hinihintay na dumating si Corin. Pupunta ito sa orphanage para magturo at tinanong din siya nito kung gusto niya bang sumama kaya um-oo naman kaagad siya.
Nakarinig siya ng doorbell kaya mabilis niya itong binuksan.
Nagulat pa ang mukha ng lalaki sa mabilis niyang pagbukas.
"Kanina ka pa ba naghihintay?" natatawa nitong sabi. Lumapit ito sa kaniya at hinila ang kaniyang baywang para sa isang yakap. Corin rested his head on her shoulder. "I miss you."
Niyakap niya rin ito pabalik.
What are you trying to keep from me?
Gusto niyang itanong iyon sa lalaki, subalit pinigilan niya ang sarili.
May tiwala siya rito at hihintayin niyang ito mismo ang magsasabi sa kaniya.
Nang humiwalay ito sa kaniya, hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. She studied his face like an art she yearned to make.
"Bakit namumutla ka?" she asked as he caressed his pale cheek. The skin below his eyes were dark and tired.
Hindi ba ito natulog kagabi?
Napatingin din siya sa tainga ng lalaki at may hearing aid na itong nakalagay, pero 'di kagaya ng dati na sa isang tainga lang. Dalawa na. Ang kaliwa at ang kanan.
"Talaga?" Napahawak din ito sa sariling mukha.
"Okay ka lang ba?"
Tumango naman ito at ngumiti sa kaniya. "I'm fine. Tara na?" Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila na paalis.
The smile that used to give her a sense of tingling happiness had now been turned into doubts. Hindi siya mapakali. Parang may nag-iba.
As much as she hated feeling doubtful, she couldn't stop thinking of the possibilities. Negative possibilities. She was scared that the hand that was holding her now might be gone without her doing anything.
Hanggang makarating siya sa orphanage, palagi niyang pinagmamasdan ang lalaki upang obserbahan ito. He was still the same old Corin yet the color of his skin was concerning her.
Ayaw rin siyang tigilan sa mga hearing aid na nakalagay sa tainga nito. Okay lang ba talaga si Corin? Okay lang na may hearing aid na ang dalawang tainga nito? Okay lang na ang putla-putla nito? Okay lang na kahit na nakangiti, kitang-kita pa rin niya ang pagod sa mga mata ng lalaki?
"Corin, ano bang naging cause ng problem sa hearing mo?" tanong niya habang kumakain sila ng meryenda kasama ang mga bata.
"Ahm . . ." Hindi agad ito nakasagot. Pilit niyang sinasalubong ang tingin subalit ito naman ang umiiwas. "I just had this."
"You mean, no'ng bata ka pa, mayroon ka niyan?"
"Can we not talk about it?" marahan nitong tanong at hinawakan ang kaniyang kamay. "For now, Faye. Let's not talk about it for now."
His eyes were pleading. The slight squeezing of her hand was a sign that Corin didn't want to talk about his condition.
He was definitely hiding something from her.
Wala siyang nagawa kundi ang um-oo na lang. Hindi na siya muling nagsalita pa hanggang sa matapos silang kumain at magturo muli si Corin. Sabi niya sa sarili na maghihintay siyang sabihin mismo ng lalaki kung ano man ang tinatago nito pero hindi niya mapigilang mainis kaya hindi na lang siya nangulit pa ulit.
Napansin ng lalaki ang pananahimik niya dahil ilang beses siya nitong sinusulyapan.
Hindi niya iyon pinansin.
Pauwi na sila at hindi pa rin siya kumikibo. Nauna siyang maglakad palabas habang nakasunod naman sa kaniya si Corin.
"Allow me," pigil nito nang bubuksan na niya sana ang pinto ng kotse.
Hinila iyon ni Corin pabukas pero bigla na lang itong nawala sa balanse. Kaagad siyang napalapit at hinawakan ang braso nito. Napahawak din ang lalaki nang mahigpit sa pinto para hindi matumba.
"Okay ka lang ba?" puno ng pag-aalalang tanong niya.
Hindi agad nakasagot ang lalaki at nanatiling nakayuko. Nagulo ang buhok nitong naka-slicked back. Sinilip niya ang mukha nito. Mariing nakapikit si Corin na para bang may iniinda itong sakit kaya bigla siyang naalarma.
"Corin?" Pinaupo niya ito sa loob ng kotse habang siya naman ay nasa labas pa rin. Binaba niya ang sarili upang makita nang maayos ang mukha ng lalaki.
Hinawakan niya ang mukha nito at inalis ang iilang hibla ng buhok na kumapit sa gilid ng mga mata. Namumuo ang pawis nito sa noo kaya kaagad niya itong pinahid gamit ang mga palad.
"Corin, ano ba talagang problema? Anong nangyayari sa 'yo?" tanong niya ulit pero hindi sumagot ang lalaki. Instead, he pulled her closer to him and hugged her.
Napaupo siya sa lap nito habang mahigpit ang hawak sa kaniya. Siniksik nito ang mukha sa kaniyang leeg habang nararamdaman ang panginginig ng mga braso.
Is he . . .crying?
Or rather, he was holding himself back from crying.
"Corinthians naman, magsalita ka," sabi niya na may halong inis at kaba.
Naiinis siya dahil ayaw nitong sabihin kung ano talaga ang iniinda nito. Halata naman na hindi okay ang kalagayan nito pero ayaw pa ring sabihin sa kaniya kaya panay ang kaba na nararamdaman niya.
Litong-lito na siya kung bakit nagiging ganito si Corin.
"I'm fine, Faye. I'm fine. Kailangan ko lang ng pahinga," mahina nitong sabi. He kissed her neck, a long while kiss to give her assurance.
But that didn't ease her worry. Paano siya maniniwalang okay lang ang lalaki kung kitang-kita niya mismo sa mukha nito ang pagod?
Bumuntonghininga na lang siya at niyakap din ito pabalik. Ilang minuto pa silang nagtagal sa posisyong iyon bago nila mapagdesisyunang umuwi.
---
MONDAY morning when the clouds were dark and heavy, she received a call from Corin. Nagising siya sa tawag nito dahil alas singko pa lang ng madaling araw itong tumawag.
"Faye, I'm sorry for calling this early. Did I wake you up?"
"Oo, ang ganda pa ng panaginip ko, e."
She heard him chuckled. "What's your dream?"
"Ikaw at ako, nasa Black River tapos may dalawang bata tayong kasama."
"Kids?"
"Oo. Anak natin," sagot niya at saka bumangon at umupo sa kama.
Natahimik naman ang kabilang linya. Napatawa nang mahina si Faye dahil alam niyang namumula na naman ang mukha nito.
"You're teasing me again."
"I'm not. Kasalanan ko bang 'yon talaga ang napanaginipan ko?" sabi niya sabay hikab. "Ano pa lang tinawag mo? Miss mo 'ko?"
"Yeah and I might miss you more in the coming days."
Natigil siya sa paghikab matapos iyong marinig. "Bakit?"
"I'll be away for a while, Faye. May three-day seminar akong kailangang puntahan kasama si Sir Eli."
"Ngayon na?"
"Hmm."
You're not lying to me, aren't you? The first thing that came to her mind. Napapikit siya dahil ayaw niyang mag-isip nang ganito. Corin was a good guy. He wouldn't do anything that would harm her, right? And she trusted him for that.
"Okay. I will miss you. I can still reach you on your social media account, right?"
"Yup! I love you, Faye. And . . ." Nanatili siyang tahimik at hinintay itong magsalita ulit. "I would love to have kids with you in the future. Bye!"
Corin ended the call before she could even respond. Siya naman ngayon ang natigilan. Napahiga siya sa kama habang napapangiti.
Nakakainis. Simpleng ganoon lang ni Corin, buo na agad ang araw niya.
Muli siyang nagtalukbong ng kumot at natulog ulit. Malay niya baka magtuloy-tuloy ulit ang panaginip niya.
Patulog na siya pero muli na namang tumunog ang kaniyang phone. Tinignan niya iyon at dalawang message ang natanggap niya. One from the writer Solomon and the other from Alexandra.
Inuna niyang tignan kay Alexandra.
Alexandra:
Faye, baby. Samahan mo 'ko bukas, ha? Babalik ako sa Depar ospital sa schedule ng sira kong ngipin.
Nasta:
Bukas ba 'yon?
Alexandra:
Oo. Kitakits! Sunduin kita.
Hindi nakunan ng ngipin si Alexandra no'ng pumunta ito dahil swollen at sumasakit ang kaniyang gilagid, kaya binigyan siya ng schedule nitong bumalik bukas.
Sunod niyang tinignan kay Solomon. Nag-thank you ito sa kaniya. Sobra nitong nagustuhan ang kaniyang gawa kaya ngiting-ngiti naman siyang ni-replyan ito. Nagpasalamat din siya rito dahil siya ang napili nitong magdisenyo sa mga characters sa upcoming novels ng manunulat.
Wow naman, ang aga pa, ang dami ko na agad blessings.
Matutulog na sana siyang muli pero napunta ang kaniyang tingin sa mga account na online ngayong oras. Nakita niyang online si Sir Eli. Bigla na lang pumasok sa isipan niyang i-message ito. Gusto niyang magtanong tungkol sa seminar na sinasabi ni Corin kanina.
She didn't want to doubt him but the what ifs couldn't shut her mind up.
Nasta:
Hi, Sir Eli! Magtatanong lang sana kung saan gaganapin ang seminar niyo ni Corin?
It took a while for Sir Eli to reply.
Eli:
What seminar?
Napakurap siya. Kumabog nang mabilis ang kaniyang dibdib. Napahigpit ang hawak niya sa phone. Ilang segundo niyang pinagmasdan ang message nito bago mag-type ng i-re-reply. I-se-send na niya sana pero muling nag-chat si Sir Eli.
Eli:
Ah, you mean the three-day seminar? Sa University next to this city.
Right after she read those words, she immediately typed, "Okay, thank you!" and threw her phone beside her. She didn't bother to check if she was able to send it or if her reply was too cold because the uneasiness had started to creep over her body and mind.
Sinubsob niya ang mukha sa unan habang nararamdaman na naman ang pamamawis at panginginig ng kaniyang kamay. Nag-uumpisa na namang tumakbo sa kung saan ang utak niya. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kaniya. Everything was good, but how did she end up in this situation?
Nagsinungaling sa kaniya si Corin no'ng nakaraan. Hindi rin nito sinabi hanggang ngayon kung bakit bigla na lang itong nahilo no'ng pauwi sila galing sa orphanage. Ngayon naman, three-day seminar na hindi siya sigurado kung totoo nga ba.
She wanted to not think too deep but she chose to not believe him. And as her doubt increased, she also, wasn't able to sleep again that day.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro