Kabanata 20
PINILING dalawin ni Faye ang kaniyang mga magulang at kapatid sa puntod nito, isang linggo matapos na magkalagnat si Corin.
Nilagay niya ang dala-dalang bulaklak at saka umupo. Wala siyang sinabi. Nanahimik lang siya habang nakasandal sa malaking puno na katabi lang ng mga lapeda nito.
Pinikit niya ang mga mata at hinayaang salubungin siya ng ihip ng hangin.
Mukhang napapadalas na yata ang paglabas niya. Hindi na siya nagkukulong pa sa kaniyang apartment.
Napaisip siya sa lahat ng mga nangyari sa kaniya no'ng nakaraan. Nanatili sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Corin at Sikre sa kaniya.
Those words made her realize something, but she was still hesitant.
Natatakot siya. Sa dami ng mga nasabi niyang hindi maganda, sa mga sumbat niya, hindi niya alam kung tatanggapin pa ba siya ulit ng Diyos.
Ma, Pa, Fred. Parang nakakayanan ko na na wala kayo. Parang gumagalaw na ulit ang mundo ko.
Masakit pa rin sa kaniya ang nangyari sa magulang subalit hindi na gaya ng dati. Masakit man pero nagagawa na niyang huminga. Dahan-dahan, alam niyang makakaya niyang lampasan ito.
Kakapit na siya. Susubukan niya ulit na mabuhay. Susubukan niya ulit na tignan ang mundo na parang isang guhit. Guhit na maganda, masaya at may pag-asa.
Tumayo na siya at pinagpag ang pantalon.
Pinagmasdan niya ang asul na asul na kalangitan. Ang ganda ng panahon ngayon. Maaraw pero mahangin kaya hindi siya naiinitan.
I'll try again for You.
Naglakad na siya paalis. Biglang humangin nang malakas dahilan para lumipad ang nakalugay niyang buhok at matanggal ang butterfly hair clip na binigay ni Corin. Kaagad niya itong pinulot at hinipan dahil may kumapit na mga damo.
Speaking of Corin, isang linggo na niya itong hindi nakikita. Palagi naman silang nag-uusap ng lalaki sa chat kaya updated pa rin siya sa lahat ng mga ganap nito sa buhay. Ngayong araw lang siya walang natanggap mula sa lalaki.
Nang makapasok siya sa taxi, kinuha niya ang phone sa bulsa ng kaniyang hoodie at tinawagan si Corin. Ilang beses itong nag-ring. Hinintay niyang sagutin ito ng lalaki pero wala. Sinubukan niya ulit pero wala pa rin talaga.
Baka nagtuturo? Pero Friday afternoon ngayon at wala itong classes.
Siguro nga busy lang ang lalaki. Malay niya may iba itong ginagawa.
Nagkibit-balikat na lang siya at nilagay ulit ang phone sa hoodie. Magcha-chat naman iyon sa kaniya kung may problema or kung may ginagawa ito kaya hihintayin na lang niya.
Dumating ang gabi pero wala pa rin siyang natanggap mula kay Corin.
Kumakain siya ng hapunan. Kagat-kagat niya ang niluto niyang itlog habang paulit-ulit na tinitignan ang phone. Hindi niya na rin mabilang kung ilang beaes niyang ni-reload ang messaging app dahil baka may problema lang ito pero no'ng ch-in-at niya si Alexandra, mabilis naman itong nag-reply at mabilis niya ring natanggap ang messages.
Nasta:
Are you busy?
Her message was only marked as sent and not delivered. Offline si Corin at hindi nga nito nakita ang kaniyang mensahe.
Tinapos na lang niya ang kaniyang pagkain, naghugas ng plato, pagkatapos pumasok na sa kuwarto. Scroll lang siya nang scroll sa social media hanggang sa biglang pumasok sa isipan niya ang bouquet of compounds na binigay sa kaniya ni Corin.
"Ano kaya ibig sabihin no'n?" Niyakap niya ang kaniyang unan.
Napatingin siya sa drawer niya. Naalala niya bigla ang Bible na sinira niya. Binuksan niya iyon at bumungad sa kaniya ang sira-sira ng libro.
Hindi niya ito tinapon dahil hindi niya kaya. Bukod sa lumaki siyang kasama ito, regalo ito sa kaniya ng mga magulang niya na pinapahalagahan niya nang sobra.
Binuksan niya ang mga pahina nito at hindi na ito kompleto. Regrets crept into her heart as she saw how the pages were torn. Gusto niya ulit magbasa pero putol-putol na. Pati ang ibang annotations niya, wala na rin.
"Sorry," mahina niyang sabi at napanguso.
Niyakap niya na lang ito. Nakita niya rin sa drawer ang panyo na binigay sa kaniya ni Corin. Kinuha niya iyon at mahigpit na hinawakan hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Paggising niya, tinignan niya kaagad ang kaniyang phone, nagbabakasakaling may chat si Corin. At hindi nga siya nabigo.
5 messages from Corinthians Nicholas Abuelo.
Corinthians:
Fayeee!
I'm sorry I was busy the whole day. Midterm na rin kasi
Do you miss me? I miss you na rin :<
I wish I could see you :<
See you soon, Faye. I just need to fix things up. I love you (つ≧▽≦)つ
Napangiti siya habang binabasa ang messages ng lalaki. Kahit sa chat napapangiti pa rin talaga siya. Paano ba naman kasi, ang sweet. Ang suwerte niya.
Nasta:
How's your hearing? Sabi mo nagpa-check ka no'ng Wednesday, 'di ba? Anong sabi ng doctor?
Corinthians:
It's fine. I will be fine sooner or later. Don't worry ლ(・﹏・ლ)
Nasta:
Okay! See you soon. I love you <3
Pumasok na siya sa banyo para sana maligo. Bubuksan na niya ang shower pero bigla na lang siyang natigilan nang biglang kumabog nang mabilis ang kaniyang dibdib.
Napahawak siya rito.
May nerbyos ba ako? E, hindi naman ako palaging umiinom ng kape.
Napailing na lang siya at pinagpatuloy na ang ginagawa. Pero habang naliligo siya hindi ito nawala sa kaniyang isipan, lalo na't no'ng kinabahan siya, ang unang pumasok sa isip niya ay si Corinthians.
Hanggang sa gumuguhit siya ng kaniyang mga commissions, nasa isip niya pa rin ang lalaki. Palagi naman talaga niyang iniisip si Corin pero iba ang ang nararamdaman niya sa pagkakataong ito. Parang naramdaman na niya ito dati. Isang pakiramdam na hindi na niya nais pang muling maranasan.
Hindi siya mapakali kaya muli niyang ch-in-at si Corin.
Nasta:
Corin, where are you right now?
Online si Corin. Ilang saglit pa siyang naghintay bago makatanggap ng reply.
Corinthians:
Nasa department ako, nagfi-finalize ng mga questionnaires.
Why?
Nasta:
Okay ka lang ba ryan?
Corinthians:
Yes (✿^‿^)
Napahinga naman siya nang maluwag. She overthought for a second. Mukhang okay lang naman ito kaya binalik na niya ang pokus sa kaniyang ginuguhit.
Wala na sanang babagabag sa isipan niya pero bigla namang may nag-chat.
Tinignan niya iyon at si Alexandra pala. She sent her a picture kaya binuksan niya naman ito.
Alexandra:
Sent a photo.
Jowa mo oh.
Napakunot ang noo ni Faye at tinignan nang mabuti ang lalaking naka-side view at may kausap na nurse sa counter.
Nasta:
Nasaan ka? Ngayon mo lang ba iyan kinunan?
Alexandra:
Oo. Kakarating ko lang sa Depar Hospital. Magpapatanggal ng ngipin sa poging doctor hehe.
Napasandal si Faye sa sofa at muling tinanong si Corin kung nasaan ito. Katulad lang ng kanina ang sinagot nito. Tinawanan pa nga siya dahil dalawang beses na raw siyang nagtanong.
Did he lie to her?
Baka nagkamali lang si Alexandra. Muli niyang tinignan ang picture at z-in-oom in pa ito pero si Corin talaga. Kahit naka-side view ito, kilalang-kilala niya ang lalaki. Anong ginawa nito sa hospital ngayon? Bakit hindi ito nagsabi nang totoo sa kaniya?
Hindi mapakali si Faye kaya pumunta siya sa ospital. Pagkapasok niya, nandoon si Alexandra sa waiting area ng dentistry section.
"Faye, baby ko!" Lumapit ito sa kaniya at binigyan siya ng yakap.
"Where's Corin?" tanong niya matapos bumitaw sa yakap.
"Pumasok doon." Turo nito ang unahan ng counter na katapat lang ng tinatayuan nila. Sa unahan, nakahilara doon ang mga office ng neurology section.
"D'yan?" Tinuro niya ang office.
Umiling si Alexandra. "Iyong isa pa sa left side."
Hindi niya nagawang makita ang office na sinasabi nito dahil natatakpan ito ng pader. She could only see one office and one horizontal lane.
"Why? Hindi niya ba sinabi sa 'yo?"
Umiling siya.
Umupo siya katabi sa inuupuan ni Alexandra kanina. Dumoble ang pagtataka na nararamdaman niya. Kinakabahan siya. Tinapik-tapik niya nang paulit ang mga paa sa sahig habang nakatingin lang sa neurology section, hinihintay na dumaan ang pigura ng isang lalaki.
Sana nagkakamali lang si Alexandra.
"Oh, no, bakit hindi niya sinabi? Baka may ayaw lang siguro itong malaman mo?"
"Hindi ko alam, Alex. Hindi ko alam." Napahawak siya sa kaniyang kamay dahil nagsisimula na naman siyang manginig.
She was starting to overthink.
Niyakap naman siya ni Alexandra at hinaplos ang kaniyang likuran.
"Don't conclude yet. Kilala mo naman si Sir Corin, 'di ba? Hindi naman siguro siya gagawa ng bagay na ikakasakit mo. So, don't conclude anything and wait for him."
Right. Corin wouldn't do such thing. Si Corin 'yan, e.
Muli niyang sinulyapan ang section.
Halos malaglag ang puso niya nang makita nga ang lalaki. Dumaan ito sa horizontal lane kaya mabilis itong nawala sa paningin niya. Hindi niya nakita ang ekspresyon nito subalit napansin niya ang pagbagsak ng balikat ng lalaki habang naglalakad.
What was he doing here?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro