Kabanata 2
Trigger warning: This chapter contains strong language, violence and suicide attempt.
FAYE woke up with a head aching as if it wanted to break. Kahit late na siyang nakatulog at least nakatulog siya. Kahit two hours lang, okay na lang 'yon sa kaniya. Gusto niya pa sanang matulog ngunit hinihila na siya ng mga commissions. Kahit na freelancer lang siya at hawak niya ang oras pero dahil sa dami nang nagpapagawa sa kaniya, para na rin siyang palaging nag-o-overtime. Mas malala pa nga roon.
Pumipikit pa ang isa niyang mata habang nagtitimpla ng kape. Inamoy niya ang sarili dahil dalawang araw na siyang 'di pa nakakaligo.
Bakit pa siya maliligo? Wala naman siyang kikitain na kahit sino at siya lang mag-isa ang nakatira sa apartment niya.
Habang nagkakape siya may biglang nag-door bell. Napakunot naman ang kaniyang noo dahil wala naman siyang inaasahang bibisita sa kaniya. Wala rin siyang delivery order. Alas siyete pa nga nang umaga, may mangbubulabog na agad sa kaniya.
Napabilis ang lakad niya papuntang pintuan dahil parang galit ang nagdo-doorbell. Ang agresibo kulang na lang ata wasakin nito ang pintuan sa paulit-ulit na pagdo-doorbell.
Binuksan niya ang pintuan at magsasalita na sana ngunit natigilan siya sa mabigat na bagay na tumama sa kaniyang mukha.
"Putangina mo!" Sinampal siya sa mukha gamit ang hawak-hawak na canvas sa kamay nito. "Anong klaseng commission 'yan? Ang pangit-pangit!"
Napahawak siya sa kaniyang mukha dahil sa sakit. Ramdam niya ang likidong tumulo sa kaniyang ilong habang nasa baba ang tingin. Napako siya nang makita ang wasak na portrait na pinaghirapan niyang tapusin kagabi.
"Ibalik mo ang binayad ko sa 'yo. Ang pangit ng gawa mo. Hindi nagustuhan ng boyfriend ko kasi ang pangit-pangit! Sabi ko gawin mong maliwanag ba't parang depressed naman ito?" matinis nitong sigaw habang nakaduro pa sa kaniya. "Ibalik mo binayad ko!"
Hindi siya sumagot. Nanatili ang kaniyang tingin sa wasak na portrait. Ang pinaghirapan niya. Ang minadali niyang tapusin ngunit buong ingat na ginuhit ay wasak na dahil sa paghampas ng babae sa kaniya.
Napakuyom ang kaniyang kamao at salubong ang mga kilay na tinignan ang babae.
"Mawalang galang na po sa inyo pero pinaghirapan ko po 'yang ginawa ko. Kung may problema kayo, sana po sinabi niyo sa akin nang maayos, hindi 'yong ihahambalos niyo sa pagmumukha ko ang gawa ko. At para sabihin ko sa 'yo hindi mo pa ako binabayaran nang buo." Dinuro niya rin ang mukha nitong puting-puti sa foundation. "Sabi mo sa 'kin kagabi na babayaran mo agad ako 'pag na-deliver na sa inyo 'yong portrait pero nasaan na, ha? Kahit nga 'yong partial payment mo kulang pero tinanggap ko pa rin 'yon dahil ayaw mo 'kong tantanan kaka-chat."
Hindi naman ito makasagot at umiwas ng tingin.
"Oh, anong tinitingin-tingin mo d'yan sa labas? Wala kang makukuhang sagot d'yan, uy! Kausapin mo 'ko!" sigaw niya habang nanginginig ang mga kamay.
Hayop na babaeng ito. Ang sarap katayin.
"Pangit ng gawa mo. Mana sa pagmumukha mo," sagot nito.
"Ang sabihin mo wala ka lang mabayad talaga kaya ka nagdadahilan ng ganyan. Ang kapal ng mukha mo, mana sa foundation mo!" She raised her middle finger. Tinapat niya talaga ito sa mukha niya at kita niya kung paano namilog ang mga mata nito sa gulat.
Tinabing nito ang kaniyang kamay. "Wala kang respeto! Sino ka ba sa tingin mong babae ka? Artist ka lang naman, pa-drawing drawing ka lang d'yan kaya 'wag kang umasta na parang kung sino. Ang dali lang ng pinapapagawa sa 'yo pero 'di mo pa magawa nang maayos!" Sumugod ito sa kaniya at akmang hihilahin nito ang buhok niya pero mabilis niya itong tinulak nang malakas.
Dahil sa heels, nawala ito sa balanse at napasalampak ito sahig.
"Ikaw ang walang respeto! Kung madali lang pala, ba't 'di ikaw ang gumawa?!" hihiningal niyang sigaw. Nanuyo ang kaniyang balat dahil sa sunod-sunod niyang pagsigaw. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya na para bang kumakawala lahat ng mga emosyong kinikimkim niya. "Lumayas ka rito! Kay aga-aga binubwisit mo ako!"
Dali-dali naman itong tumayo at pinulot ang bag na nalaglag. Inirapan siya nito bago tuluyang naglakad paalis.
"Putangina mo!" habol pa nito.
"Putangina mo rin!"
Pinakalma niya muna ang sarili bago pinulot ang nawasak na canvas. Matibay naman ang kahoy na nakasuporta pero mas matigas yata ang mukha niya dahil ito ang nasira. Tsk.
Fucking good morning to me!
Padabog niyang sinira ang pintuan at pumuntang salas. Nilagay niya ang nasirang portrait sa kutson at pinagmasdan ito. Agad niyang pinagsisihan ang ginawa dahil nakaramdam na naman siya ng pagkadisgusto. Sinipa niya ito nang malakas upang mawala sa paningin niya.
She didn't like how the broken pieces looked. Fucking annoying. The lines, the shadings and the colors that she perfected had now been messed up and it was giving her the creeps.
Wala na ba talagang magandang mangyayari sa buhay niya?
Kay aga-aga dumudugo na agad ilong niya. Mukhang magkakabukol pa nga siya nito sa noo dahil kanina. Bwisit talaga!
Pumasok siya sa kaniyang kuwarto at tinignan ang cellphone kung fully charged na ba ito. Sakto naman pagbukas niya, may nag-message sa kaniyang client.
Chloe:
Hi, Nasta! Can you send me again your account so that I can send you my payment? By the way, I really love it. Sa uulitan, ha? Thank you!
Kahit papaano, napangiti siya sa nabasa niya. Ito 'yong digital art na ginuguhit niya kagabi. She requested an art of a mermaid with wings and a sword. Her client was a writer and her request was one of her characters.
S-in-end naman niya kaagad ang account niya.
Humiga muna siya sa kama.
Umaga pa lang nakakapagod na. And everyday, she needed to repeat this process. Draw. Eat a little. Sleep a little. Her daily routine that mostly just drawing.
It was just funny how she tried to make ends meet but her health was deteriorating. Baka isang araw, hindi na lang siya magising.
Way better.
She decided to go back to the kitchen and finished her coffee. Hinugasan ang baso, pagkatapos ay naghilamos. Muli siyang pumasok sa kuwarto para magbihis nang makitang naka-on ang screen ng kaniyang phone.
May notification.
Binuksan niya naman iyon at halos malaglag ang panga niya sa nakita.
The email connected to her financial account sent her a message that she successfully withdraw all her money.
"Fuck!"
Mabilis niyang binuksan ang account niya at kaagad siyang napahilamos sa mukha nang makitang wala na itong laman. Sunod-sunod ang mura niya nang ma-realize na may nakapasok sa kaniyang account. Naalala niya ang client niyang nanghingi ng kaniyang account kanina-kanina lang dahilan para mapasabunot siya sa buhok.
Someone hacked her account. She was scammed.
"Fuck it!" Dali-dali niyang tinignan ang client na nag-message sa kaniya at may iniwan itong message.
Chloe:
I already sent my payment. Thank you :)
That was the client's last message and she couldn't reply because the client blocked her.
"Fuck it! Fuck it! Putangina talaga!"
Buong puwersa niyang tinapon ang cellphone. Buti na lang sa kama ito tumama dahil kung hindi, paniguradong basag ito.
Umalingawngaw ang sigaw niya habang sunod-sunod ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Wala na bang mas sasama pa sa umaga niya? Una, may sumugod sa kaniya at sa pagkakataong ito, na-scam siya. Ubos lahat ng pera niya.
Ang inipon niyang pera sa mga gastusin niya ay nawala lahat. Fuck! It was two-hundred thousand for fucking sake. At wala man lang tinira sa kaniya kahit piso.
"What should I do?" bulong niya sa sarili. Hila-hila niya ang kaniyang buhok at wala siyang pakialam kung malagas pa ito.
Pakiramdam niya'y pinagkakaisahan talaga siya ng mundo. Palagi na lang ganito. Palagi na lang siyang minamalas. Palagi na lang may nawawala sa kaniya. Hindi pa ba sapat ang mga pagdurusa niya?
Sumagi sa isipan niya ang sinabi ng magulang dahilan para mas lalo lang sumama ang pakiramdam niya.
"Walang Diyos! Putangina kasi!" Napaupo siya sa sahig at sumandal sa kaniyang kama.
Siniksik niya ang mukha sa pagitan ng kaniyang tuhod habang tuloy pa rin sa pag-iyak. Pagod na pagod na siya. Wala man lang siyang kahit na sinong makakapitan.
Kumapit ka sa Diyos, anak.
"Paano ako kakapit sa bagay na 'di ko nga makita at maramdaman, Ma?" she bawled.
Suko na siya. Sukong-suko na siya sa buhay niya. Ayaw na niya. Kung ganito lang naman pala ang mangyayari sa kaniya, mas mabuti pang mawala na lang siya.
Tama. Hindi na niya kaya pang magtiis sa walang kuwentang buhay na ito. Why would she need to deal with all of this? She never wanted this life! Why did she need to be in here!
---
BUONG araw siyang nagmukmok sa kaniyang kuwarto at wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak at murahin ang kaniyang sarili. Nakasalampak siya sa sahig at wala siyang gana na tumayo.
"Gusto ko nang mawala."
She hadn't attempted to end herself today because she was still thinking of ways to off herself without any interruptions.
Don't even try to stop me today.
She didn't know whom she was talking but it was likely the Supreme Being that her parents used to praise so much. After everything that happened, they still chose to praise Him.
Napatawa siya. He wasn't real so why was she even saying that? But still, there was a part of her that wanted to challenge the Unknown. Even if she didn't believe His existence, she wanted to see for herself of what His capable of doing.
Ngumisi siya at tumayo.
Masakit ang kaniyang ulo dulot ng gutom at walang pahinga pero lumabas pa rin siya. Sinadya niyang iwan ang cellphone upang walang makaisturbo sa gagawin niya. Madilim na ang paligid at patakbo siyang nagtungo sa lugar kung saan siya nakakaramdam ng kapayapaan.
To the Black River.
Ngumisi siya. Nang makarating, naglakad siya papalapit at hindi nagdalawang-isip na itapak ang mga paa sa tubig. Napaigtad pa siya sa lamig pero 'di siya nagpatinag.
Kung totoo Ka nga, magagawa Mo akong pigilan.
Bakas sa mukha ni Faye ang pagod at kalungkutan habang patuloy siya sa paglalakad. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang ilog pero hula niya, hindi ito lalampas sa ulo.
Napakuyom ang kaniyang kamao habang binabalikan ng kaniyang isipan ang nakaraan. Ang mga memorya na pilit niyang kinakalimutan. Ang mga memorya na puno ng kasiyahan ngunit sa tuwing naiisip niya ay gusto niya na lang na masuka.
She closed her eyes as tears rolled down her cheeks. She wanted to challenge the Unknown, but this time she pleaded instead.
Kung totoo Ka man. Please, give me a blessing. Iligtas Mo ako.
She didn't know why she asked that when all she wanted at the moment was to die.
Paakyat nang paakyat ang tubig sa kaniyang mga paa habang papunta siya sa kalagitnaan ng ilog. The sand-like soil was holding her feet. Humakbang pa siya at nagulantang siya nang madulas ang kaniyang paa. Nawala siya sa balanse at napahiga sa ilog subalit sa pagtumba niya ay wala na rin siyang maramdaman sa ilalim ng kaniyang mga paa.
She was sinking.
Nababasa na ang kaniyang katawan. Tinaas niya ang mga kamay upang hilahin ang sarili ngunit wala siyang mahawakan.
What the hell? Hanggang tuhod pa lang ang tubig kanina pero ngayon hanggang tainga na niya.
Walang ibang maririnig sa ilog kundi ang ingay ng kaniyang mga kamay na kumakapa sa tubig. Sumipa rin siya nang ilang beses upang iangat ang sarili subalit palubog lang siya nang palubog.
Ito na ba ang katapusan niya?
Well, she wanted this, didn't she? Maybe it was time for her end.
She gave up on struggling and let herself be embraced by the coldness of the river. As she closed her eyes, she hoped that she wouldn't look terrible if the people would find her dead tomorrow, floating in the river.
Nilamon na siya. Ramdam na niya ang mala-yelong lamig sa kaniyang mukha. Sinuko na niya ang lahat subalit may katiting na pitik sa kaniyang puso ang kumakapit.
She was ready to accept death when she felt a warmth on her hand.
It was warm that it made her eyes open. Mahigpit ang kapit nito sa kaniyang kamay at hinila siya pataas. Naramdaman niya ang paghawak nito sa kaniyang bewang at binuhat siya paalis sa ilog.
Sunod-sunod ang kaniyang paghinga nang mailagay siya nito sa damuhan.
Napakuyom ang kaniyang mga kamay sa mga damo dahil 'di niya maipaliwanag ang nararamdaman.
She was relieved. But she was in pain.
"Are you okay?"
Napaangat ang kaniyang tingin sa nagsalita.
Her attempt on ending herself had failed again. But this time, she was saved by a stranger.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro