Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

HANGGANG sa hindi siya tumahan, hindi rin siya binitawan ni Corin. Basang-basa na sila sa ulan. Bigla niyang naalala ang mga dala-dala nitong pagkain.

"Iyong niluto mo."

"Iyon ba?" pasigaw nitong sabi at tinuro ang direksyon kung saan naroroon ang mga tupperware. "Okay lang 'yon. Hindi 'yon mababasa."

Bumitaw siya at inangat ang tingin kay Corin. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok nitong tumatakip sa mga mata. Ganoon din ang ginawa ni Corin sa kaniya.

"Mukha ka ng basang sisiw!" sigaw niya dahil sa lakas ng ulan.

"Ikaw rin!" ganti nito."Sisiw ko!"

Ilang saglit siyang natigilan pero agad ding napahagalpak ng tawa. "Wow! Kailan ka pa natutong bumanat, ha? Nako, professor, ang lakas naman ng tama mo sa 'kin."

Pinisil nito ang magkabila niyang pisngi. "Matagal na!"

Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila siya paalis ng tulay. Ililigpit na sana ng lalaki ang tela na nakalatag sa damuhan na basang-basa pati na ang mga tupperware pero pinigilan niya ito.

"Why?" tanong nito.

"Isayaw mo ako!" sigaw niya.

Kunot-noo siya nitong tinignan. "Isako?"

"Pfft. Anong isako? Sabi ko, isayaw mo ako! Pangarap kong maisayaw sa ilalim ng ulan!"

Napa-oh naman ito pero hindi niya marinig dahil sa unos ng ulan.

"Wait here!" Binitawan siya nito. Pinulupot nito ang mga tupperware sa tela bago tumakbo paalis ng Black River.

Just like he said, Faye waited. Hindi siya humakbang o maglakad man lang at nanatili lang na nakatayo hanggang sa makabalik ang lalaki. Ilang beses siyang napahilamos dahil sa tubig na tumutulo sa kaniyang mukha.

Pagbalik nito, may dala na itong malaki at pabilog na speaker.

"Ba't may speaker ka?" turo niya.

Ngumiti ito bago sumagot. "Hindi ko rin maintindihan kanina kung bakit pinadala ni Lord ang speaker ko pero ngayon gets ko na!" Napatalon pa ito bago nilagay ang speaker sa tabi nila.

Napatawa na lang din si Faye habang napapailing. "Ang lakas mo talaga sa Diyos, 'no? Anyway, hindi ba 'yan masisira? Nababasa na, e!"

"Ewan ko rin!" sagot nito at tumawa. Binuksan nito ang speaker at kinuha ang phone sa bulsa. He connected the two through bluetooth before playing a music.

Ang lakas ng ulan pero mas malakas ang tunog ng speaker. Naka-full volume pa.

Napangiti siya dahil nagustuhan niya ang musika. The music screamed the old age, the vintage dresses and walls and decors. She was taken back by the time when the balls where still present.

She liked it.

"Will you dance with me?" Nilahad nito ang kamay.

She imagined Corin as a prince, asking her to have her first dance.

"Yes."

Hinalikan nito ang likod ng kaniyang palad matapos niya itong tanggapin.

They started gliding while staring at each other, exchanging looks as if they knew no one except each other's identity. They owned the world, the nature, the rain, the river and everything that surrounded them.

Katatapos niya lang umiyak pero mukhang maiiyak na naman ulit siya. She was too moved that she couldn't help but to tear up. She never expected to experience this in her life. As the music went on to its climax, the more her heart beats crazy with joy as she continually stared at the universe in the man's eyes. Her man.

She was falling deeply. He was too good for her that she, also, wanted to try her best to be better. She wanted to fight again. She wanted to live again.

She wanted to experience life again, but this time, with Corin.

As they continue to get drowned by the remix of the rain and of old age, she prayed.

God, please do not take this man away from me.

---

"MALAPIT na ako. Kakababa ko lang sa taxi," saad ni Faye sa phone call.

Kausap niya si Corin at papunta siya ngayon sa bahay ng lalaki. Tumawag ito kaninang alas singko ng umaga at sinabing may lagnat ito.

Dahil yata sa pagpapaulan nila kahapon kaya nagkasakit ang lalaki. She felt bad for laughing earlier because he kept on throwing a tantrum on her. Gusto raw siya nitong makita at kanina pa nangungulit sa kaniya kung nasaan na siya.

Ilang beses din siya nitong pinilit na dalhan niya ito ng homemade na pagkain kaya ilang beses din siyang umayaw dahil hindi nga siya marunong magluto. In the end, she was defeated. Wala siyang nagawa kundi um-oo dahil ayaw talaga siyang tigilan ni Corin.

"Kakainin ko 'yan kahit malason pa ako sa sama ng lasa. Promise!" naalala niya pa ang sinabi nito kanina.

At dahil ayaw naman niyang malason ang lalaki, ilang beses pa siyang nag-trial and error para lang makapagluto ng matinong Sunny-Side Up. Iyan lang ang nakaya niya ngayong araw.

"Ikaw itong healthy living tapos ikaw pa nagkasakit," sabi niya sa linya.

She heard a groan over the line. "I am weak, I guess."

Nakarating na siya sa labas ng pinto nito. Kaka-doorbell lang niya pero kaagad itong binuksan ng lalaki.

"Kanina ka pa naghihintay r'yan?" sabi niya sa lalaking nakatayo sa pintuan. May kumot pa itong nakayakap sa balikat at may hawak na phone.

"Faye!" He ended the call and rushed towards her. Mabilis siya nitong niyakap at siniksik ang mukha sa kaniyang leeg. "Faye, I miss you."

"Kaka-date lang kaya natin kahapon," sagot niya.

Ramdam niya ang init ni Corin kaya hinawakan niya ang noo nito. Bahagya niya itong tinulak para makita ang namumula nitong mukha.

"Gutom na ako," sabi pa nito habang nakanguso.

"Oo, ito na nga. Kunting-tiis na lang, bata," natatawa niyang sabi.

Habang naglalakad siya papasok, hindi pa rin siya binibitawan ng lalaki. Nasa likuran niya at nakayakap sa kaniyang bewang. Nakabuntot ito habang naglalakad siya sa salas ng bahay nito.

Ang linis.

Kulay gray, black at puti ang pinta ng buong apartment. May tatlong sofa rin na nakapalibot sa isang glass table. Kita niya rin si Neuro na natutulog sa pinakamahabang sofa at si Shima naman na nasa loob ng cage ay nakatuntong sa isang wooden table na nasa gilid lang ng sofa na tinutulugan ni Neuro.

Naupo si Faye sa black na sofa na katapat ni Neuro at nilapag ang dala-dalang pagkain sa glass table. Naupo rin si Corin sa tabi niya habang nakayakap pa rin.

"Hindi ako bata. I'm even two years older than you," sabi nito.

"Oo nga, pero mukha kang bata ngayon." Inalis niya sa bag ang box na nilagyan ng kaniyang mga niluto. "Clingy ka pala kapag nilalagnat ka, prof."

"I'm not your professor. I'm your boyfriend," reklamo nito habang hinahalikan ang kaniyang leeg.

Bumitaw ito sa kaniya nang maamoy ang ulam matapos niya itong buksan.

"Sunny-Side up, Yey! Gusto ko 'to!"

Akala niya magpapasubo pa ito sa kaniya pero ito na mismo ang kumuha sa box at kutsara at nag-umpisa nang kumain.

Pinagmasdan niya ito habang siya rin ay nag-umpisa ng kumain.

"Faye?"

"Yeah?"

Tinignan siya nito. "If you don't mind me asking, what happened to your parents? You said you lost them, right?"

"Ah. My mom and dad were poisoned by their co-worker. Pareho silang nagta-trabaho sa isang fashion company. One day, nagkaroon ng alitan sa pagitan nila ng isang co-worker. Sabi ni mom, he was blaspheming God kaya pinagsabihan nila ito." Kumuha muna siya ng maliit na parte ng egg bago ulit nagsalita. "Mom told him to respect God and it's not necessary for him to talk bad about Him pero mas nagalit lang ito sa kanila. Kung bakit daw namimilit sina mama at papa sa gusto nila, kung bakit daw preach sila nang preach sa kanila. Pero sa katunayan never pinilit ng parents ko ang Diyos sa kanila. Kasalanan ba nina mom at dad kung gusto ng ibang co-workers na makinig sa salita ng Diyos?"

Habang naaalala niya ang mukha ng co-worker na iyon ay hindi niya mapigilang magalit. "Palibhasa kasi insecure iyon. Feeling ko nga hindi lang dahil doon kung bakit nagawa niya iyon sa parents ko. Nagseselos iyon, e, kasi palaging napupuri sina mom at dad ng boss nila."

Hindi niya sinulyapan si Corin at patuloy lang siya sa pagkain. "Ilang linggo ring nagtagal ang alitan nila. Medyo kinabahan na rin ako no'n kaya palagi kong tinatanong si mom kung galit pa rin ba ito sa kanila. Iba na rin kasi talaga kutob ko no'n. Feeling ko parang may mangyayaring hindi maganda. Sinabihan ko sila na 'wag na lang sumalungat sa lalaking 'yon, na hayaan na lang nila kung ano man ang sabihin nito sa Diyos pero ayaw nilang makinig sa akin.

Patuloy pa rin sila sa pagpapahayag sa iba nilang kasamahan kung gaano kabuti ang Diyos. Hindi nila pinatulan kung ano man ang masasamang sinasabi ng co-worker tungkol sa kanila. At ayon nga, dumating nga 'yong araw na gumawa na nga ito ng krimen, nilason niya ang parents ko sa isang event pagkatapos ma-promote sa higher position si mom at dad. Nasa university ako no'n pero bigla na lang akong nakatanggap ng call na sinugod sina mama at papa sa ospital at yeah, dead on arrival. Wala na. Ilang araw rin matapos mangyari ang trahedyang iyon, umamin mismo ang lalaki at sinuko ang sarili sa presinto dahil hindi nito nakayanan ang konsensya." Tumahimik muna saglit si Faye habang ang mga alaalang naging rason kung bakit humantong sa ganito ang kaniyang buhay ay nagsimula nang maglaro sa kaniyang isipan.

"Lugmok na lugmok ako no'n. Kami na lang ng kapatid ko ang natira. Scholar ako sa Maranatha pero nagbalak akong tumigil sa pag-aaral no'n para sa kapatid kong nasa high school pa lang. I thought I have experienced the worst pero may sumunod pa pala. My brother was diagnosed with grade IV Glioblastoma.  Nakaka--"

Hindi natapos ni Faye ang pagkukuwento nang makarinig siya ng mga hikbi. Napalingon siya at nakita niya ang umiiyak na Corin habang nakatingin sa kaniya. Nakapatong ang baunan nito sa lap habang humihikbi.

"C-continue. Don't mind m-me," sabi nito.

Nilagay niya ang baunan sa table at pinahid ang mga luha nito gamit ang kaniyang palad.

"Tama nga si Sir Eli. Iyakin ka nga."

"No. I'm not," sagot pa nito.

"Yes, you are."

"No!" tanggi nito at pinadyak pa ang paa sa sahig.

"Ewan ko sa 'yo, Corinthians," napapailing niyang sabi. "Pagkatapos mong kumain, inumin mo agad 'to, ha?" Pinakita niya ang hawak ng gamot at saka nilapag sa lamesa.

"Okay pero hindi ako iyakin."

"Sige, kung saan ka masaya, oo na lang," natatawa pa rin niyang sabi habang inaayos ang gulo-gulo nitong buhok. Tumayo siya at kinuha kung saan nakalagay ang suklay nito at saka pumunta sa likuran ng lalaki.

Hinayaan siya nitong paglaruan ang buhok habang nagpatuloy lang ito sa pagkain.

"Ang lambot ng buhok mo. Sana lahat," komento niya pero wala yata itong narinig dahil walang reaksyon ang lalaki.

"Corin?" Hinawakan niya ang balikat nito at doon lang siya nito nilingon.

"Hmm?"

"Wala ka pa ring hearing aid?"

Umiling ito. "Sa Monday pa yata dadating iyon. Why?"

"May sinabi ako kanina pero hindi mo ako narinig."

"Ha? Nakinig ako ng alin?" kunot-noong tanong nito at lumapit pa sa kaniya.

Nilakasan niya naman ang kaniyang boses. "Ang sabi ko may sinabi ako sa 'yo kanina pero hindi mo ako narinig."

"Oh, really?"

She nodded. "Don't you think your hearing is . . . uhm . . . getting worse?" she asked, worried, but Corin just smiled at her.

"It's nothing serious. I'll be fine. Wala lang akong hearing aid."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro