Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

FAYE touched her butterfly hair clip as she waited for Alexandra to meet her outside the university.

Nagyaya itong makipag-date sa kaniya ngayong araw dahil miss na raw siya nito. Para namang sampung taon silang hindi nagkita. Tsk. Anyway, hindi rin naman siya makakahindi sa babaeng iyon.

She made herself extra presentable today. She wore the pink dress she had, braid her hair like a mermaid's tale and tried to do a make up, though, she wasn't sure to call it a makeover for she was not good at putting something on her face.

She may be an artist but she sucked at doing art on her face.

On her hand, she was holding a flower made out of paper. She made it while waiting for Alexandra. Nakapulot lang siya ng isang colored pink bondpaper sa bench na inuupuan niya ngayon, naiwan siguro ng isa sa mga students. Dahil wala naman siyang ibang magawa, inaliw niya na lang ang sarili sa paggawa ng Origami Rose.

"Hi, Nasta!" Napaangat ang kaniyang tingin nang may pigurang nakatayo sa kaniyang harapan.

Kaagad siyang napatayo nang makilala ito.

"Sir Eli," bati niya.

Ngumiti naman ito. "What are you doing out here? Are you waiting for your boyfriend?"

Iiling na sana siya pero bigla siyang napatigil sa sinabi nito. "Boyfriend?"

"Yeah. Corinthians."

"Paano mo na--"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil humagikhik si Sir Eli. "Hindi ako pinatulog kagabi ni Corin kakakuwento sa nangyari sa inyo kaya I know what's the score between you two." May hawak itong parang briefcase at sinapok-sapok pa ito nang lalaki habang tumatawa. "Anyway, congratulations. I'm happy for the both you. Don't you ever hurt him, okay? Iyakin pa naman 'yon."

Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo at tumango. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil naunahan na siya ng hiya. She was not used to this kind of conversation. After all, she never got herself a boyfriend before Corin.

"Why don't you come in kaysa naman maghintay ka lang dito?" He gestured his hand to follow him.

"Sige." At sumunod siya papasok.

Kahit hindi naman talaga si Corin ang pinunta niya ngayon, gusto niya rin itong makita.

Nagtungo sila sa Chemistry Department. Excited na siyang makita ang lalaki. Kahit kahapon pa lang silang nagkasama, pakiramdam niya'y miss na niya kaagad ito.

Biglang pumasok sa isipan niya ang kiss nila.

Napatakip siya sa kaniyang bibig habang pinipigilan ang sariling ngumiti. Nasa unahan niya si Sir Eli baka masabihan pa siyang baliw kapag nakita siya nitong ngumingiting mag-isa.

"Good morning, sir." Isang estudyante ang bumati kay Sir Eli.

Mabilis na nawala ang kilig na naramdaman niya nang makilala kung sino ito. Napaturo din ito sa kaniya habang unti-unting ngumiti nang nakakaloko.

Hays. Nandito na naman ang mapang-asar na estudyante ni Corin.

"Hello, miss. Hanap mo ulit si Professor Corin?"

Sumingit naman si Sir Eli sa usapan bago pa siya makasagot. "Iwan na kita sa kaniya, Nasta, ah? Estudyante 'to ni Corin, siya na lang maghatid sa 'yo. Doon sa kabila klase ko, e." Turo nito sa katapat na pasilyo, kaliwang bahagi sa kinatatayuan nila.

"Okay lang. Thank you, Sir Eli."

He nodded before leaving.

"Uy, miss--"

"Huwag mo 'kong simulan, bata," pigil niya rito at saka naglakad.

Sinabayan naman siya nito habang ang mga kamay ay nakahawak sa backpack. "Ang blooming mo yata ngayon, miss. Iba talaga mag-alaga si Prof. Corin. Yiee!"

She just snorted and didn't reply. Napunta ang tingin niya sa braso nito na may malaking peklat. Mula sa siko hanggang sa mga daliri nito.

"Anong nangyari d'yan?"

"Ang alin?" Lumingon ito sa kaniya. Napansin nitong nakatingin siya sa braso ng lalaki. "Ah, ito po ba? Sa aksidente 'to no'ng high school pa ako."

"What's your name?"

"Sikre po."

Nakarating na sila sa laboratory room pero sarado pa ito. Wala si Corin at wala pang ibang estudyante bukod sa kasama niya.

"Anong oras ba start ng class niyo?"

"Mamayang nine," sagot nito at umupo sa ibabaw ng railing sabay sandal sa bakal na poste ng building.

Siya naman ay sumandal lang. 8:30 pa, kaya siguro wala pang tao.

"Ang aga mo, ha. 'Di halata sa ugali mo."

Tumawa naman ito. "Grabe ka naman po, miss." Binuksan nito ang bag, may kinuha at inabot sa kaniya. "Gusto mo po? Ibibigay ko sana 'to kay Prof. pero sa'yo na lang."

"Ba't may taho ka sa bag?" tanong niya matapos abutin ang baso na may takip at pagkatapos itong buksan.

May hawak din itong isa pang baso na mukhang taho rin ang laman. "Bumili ako kanina. Kagagaling ko lang po sa church, e. Tapos nakita ko si manong na nagtitinda kaya bumili po ako. Sarap, 'no?"

"Wow! Church. Good boy ka pala?" sarkastiko niyang sagot at umakto pang nagulat sa sinabi ng lalaki.

"Grabe talaga 'to si miss, oh. Sumbong kita kay professor mamaya. Bawal bang mag-thank you kay Lord dahil hanggang ngayon buhay pa ako?"

Hindi niya pinansin ang mga huling sinabi nito at nilihis ang usapan. "Bakit walang natawag ng doctor kay Corin sa inyo? He is a Ph. D., right?"

"Ayaw magpatawag ng doctor, e. Masiyado raw fancy, 'di bagay sa kaniya."

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Nais niya pang magtanong tungkol kay Corin subalit gumugulo sa sa isipan niya ang sinabi ng lalaki na binalewala niya kanina.

Tinungga niya ang taho na para bang tubig lang ito. "So . . . Bakit ka nagtha-thank you sa Kaniya?"

"Kanino po?"

"God."

"Ah. Niligtas Niya po kasi ako. Kung 'di dahil sa kaniya siguro po kasama ko na rin sina mama at papa sa kabilang buhay. Ito . . ." Tinuro nito ang peklat. "Sa car accident ko 'to nakuha kasama sina mama at papa. Bigla na lang kaming nasiraan in the middle of driving, napunta kami sa kabilang lane tapos may malaking truck na papunta sa amin kaya ayon po. Grabe, miss, 'kala ko talaga good bye world na ako ro'n. Pero bigla kong naisip si Lord tapos nag-wish ako tapos ayon nagising na lang ako sa isang kuwarto ng ospital."

"Ang mama at papa mo?"

"Wala na po sila."

"And you still thank Him despite losing your parents? How can you do that when He took everything from you?" kunot-noo niyang tanong.

Ngumiti naman ang lalaki habang pinaglalaruan ang baso ng taho na wala nang laman. "Nawalan man po ako pero hindi naman po lahat. Hindi Niya naman po ako iniwan, e. Oo, nalungkot ako nang sobra at naghinagpis nang malaman ko na wala na sina mama at papa pero hindi po ako nagalit sa Kaniya kasi po Siya ang rason kung bakit ako nandito ngayon. Hindi ko man maintindihan ang lahat ng plano Niya sa buhay ko sa ngayon pero alam ko po na, balang araw, maiintindihan ko po 'yon."

"I don't get it." Hinarap niya ito. "After all that happened to you, bakit kumakapit ka pa rin sa Kaniya? Kahit na ang pait ng ginawa Niya sa buhay mo, paano mo nagagawang magtiwala pa rin sa Kaniya?"

"Hindi naman po ako kumakapit sa Kaniya kapag maganda lang ang nangyayari sa buhay ko. Maganda o hindi, magtitiwala't magtitiwala pa rin ako sa mga plano Niya."

Natahimik siya sa sinabi nito. She wasn't able to say a word.

After Sikre said those, a bible verse her Dad always told her about played on her mind.

"Professor!" Biglang tumalon sa railing si Sikre at naglakad papunta sa likuran niya.

Hindi niya napansin na nakarating na pala si Corin.

Nilingon niya ito at nakita niyang nagmano si Sikre kay Corin. "Kanina ka pa po hinihintay ni miss, prof. Miss ka na raw niya." At tumawa nang malakas.

"Is that so?" Nakangiti naman siyang sinulyapan ni Corin. Nilapitan siya ng lalaki at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Huwag kang maniwala sa sinasabi ng estudyante mo," bulong niya kay Corin at niyakap din ito pabalik.

Sinandal niya ang ulo sa dibdib nito. Ang bango, ayaw na niyang bumitaw.

"So, you didn't miss me?"

"Medyo."

Natawa naman ito at hinalikan ang kaniyang noo bago bumitaw sa yakap.

"Naks! Ang sweet. Oh my!" tili ni Sikre na nasa likuran lang ni Corin. May patakip-takip pa ng mukha itong nalalaman.

"Ang ingay. Manahimik ka nga!" sita niya rito. Nag-e-echo ang boses nito sa buong pasilyo.

"Ano pa lang ginagawa mo rito?" tanong ni Corin habang ang isang kamay ay pinaglalaruan ang hair clip sa kaniyang buhok. "You're so cute today."

She tried to keep a straight face but her emotion said otherwise. Nauna nang ngumiti ang labi niya bago niya pa mapigilan ang sarili.

"Pupuntahan ko si Alexandra. Sabi raw may kukunin lang daw siya sa classroom niya bago kami mag-date."

"Hmm. Date . . . How about us? When are we having our first date?" He stared at her, gazing at her lovingly.

Sasagot na dapat siya pero nasapawan siya ng tili ni Sikre. Napakunot na lang ang kaniyang noo at hindi ito pinansin.

"Friday afternoon, how's that? Wala ka namang schedule, 'di ba?"

"Hmm? Ano ulit?" Nilapit nito ang mukha sa kaniya.

Napakunot naman ang noo ni Faye dahil malakas naman ang pagkakasabi niya at nasa harapan niya lang ang lalaki kaya imposibleng hindi siya nito naririnig. Nanunukso ba 'to? Kung plano nitong akitin siya sa kaguwapuhan ng pagmumukha nito, aba! Effective.

"Sabi ko sa Friday afternoon. Wala ka namang pasok sa hapon, 'di ba?"

Mabilis naman itong tumango. Naningkit ang mga mata nito habang ngumingiti. "Yes!"

Ang guwapo talaga nito. Kahit ilang beses niya itong titigan, hindi talaga siya nagsasawa.

Pinisil niya ang pisngi ni Corin at pinanggigilan. "Ang guwapo naman ng mukhang 'to."

Corin's cheek immediately blushed. "Stop teasing me."

"Totoo naman ang sinabi ko." Bumitaw siya at kinuha sa isang kamay na may hawak na baso ang origami na ginawa niya kanina.

Nilagay niya iyon sa bulsa ng coat ni Corin na nasa bandang dibdib.

Yumuko naman ang lalaki para tignan iyon. "Did you make this?"

She nodded. "Good luck sa class mo. Alis na ako, ah?"

"Good luck on your date as well, Faye." She really loved it everytime he says her name.

It sounded so magical. She wanted to hear those more often.

Niyakap siya nitong muli.

Pagkatapos niyang kumalas sa yakap ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng lalaki, hinila papalapit sa kaniya at ninakawan niya ito ng halik sa labi.

"See you, Corinthians," she smiled at the man who was now staring at her, shocked and was completely caught off guard by what she did.

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad palayo. Natawa na lang siya nang umalingawngaw ang tili ni Sikre sa buong pasilyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro