Kabanata 16
TWO weeks had passed. Hindi pa rin sila nagkikita ni Corin. Hindi pa rin ito pumunta sa apartment niya.
Faye was busy as well. Abala siya sa commission ni Solomon dahil sampung character ang i-d-draw niya. Hindi na niya mabilang pa kung nakailang sketch na siya bago makuntento sa kaniyang guhit.
Corin, on the other hand, was still busy after the field trip. Papalapit na ang proposal defense at isa ito sa mga research adviser. Madalang lang sila nakapag-uusap at minsan nahuhuli pa ang kanilang replies dahil nga abala sila sa kanilang mga responsibilidad.
But they were fine.
Wala itong problema kay Faye. Makakahintay naman siya. Sa ngayon, uunahin niya muna ang commission niya.
Dapat lang na maging maganda ito, perpekto at higit sa lahat, saktong-sakto sa deskripsiyon na binigay ni Solomon.
She was in the middle of rendering when her hand shook. A sudden impulse made her put an undesirable line from the cheek of the character, Yparea, a fae who had the power to control the land and water.
"Tangi--" Muntik na siyang mapamura pero pinigilan niya ang sarili. Before she gets annoyed, she immediately tapped both of her finger on the screen to remove the unnecessary line.
Maganda ang araw niya kaya hindi niya hahayaang mabuwisit siya sa kaniyang pagiging perfectionist.
Muli siyang nagpatuloy sa pagre-render. Sa tuwing tinitignan niya ang guhit, napapangiti siya. Ilang araw niya rin itong pinagplanuhan nang mabuti. Kahit na nakakapagod, nababawi naman lahat ng iyon kapag nakikita na niya ang kaniyang gawa.
Yparea had eyes of an evergreen tree. Her hair, one side had the color of a mud and the other one was painted like the sky. While on top of her head was a globe burning with blue fire.
Above all the characters, she enjoyed drawing Yparea the most.
Inabot niya ang phone para kumuha ng picture sa d-in-rawing niya at i-se-send sana kay Corin pero naunahan siya nitong mag-message. He sent her a photo of his cat.
Corinthians:
Tapos na kumain si Neuro ng lunch. Ikaw ba?
Napailing siya sabay ngiti. Busy na nga lahat pero walang mintis sa pag-u-update sa kaniya kung anong ganap ng mga alaga nito.
Nasta:
Hindi pa. Walang professor na magluluto sa 'kin, e. Btw, ang taba ni Neuro parang buntis, overfeeding na 'yan.
Corin:
I'm not overfeeding him ರ╭╮ರ
You like my cooking?
Nasta:
Oo. Baka naman, Corinthians Nicholas Abuelo, Ph. D., ipagluto mo ulit ako.
Her message had been delivered but Corin didn't open it. Siguro busy na naman 'yon sa class. Kumuha na lang siya ng litrato sa drawing niya at s-in-end kay Corin.
Tinapos niya muna ang pagre-render kay Yparea bago humilata sa kaniyang kutson at nag-unat.
Ah. That felt good. Ang sakit ng likod niya. Kailangan na niya yata talagang mag-ensayo.
"Try ko bukas," sabi niya sa kaniyang sarili at saka umidlip.
Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog dahil nagising na lang siya sa ingay ng kaniyang door bell at ang pagbu-buzz ng kaniyang cellphone.
Inabot niya ang phone habang kinukusot pa ang mga mata, tumayo at naglakad papalapit sa pintuan. Bago niya buksan ang pinto, tinignan niya muna kung sino ang nag-message.
20 messages from Corinthians.
Corinthians:
Faye?
Faye, I'm outside.
Umalis ka ba? Wala ka ba sa apartment niyo?
Faye!
Faye :<
Faye, ang bigat na ni Neuro. Buksan mo na ang pinto.
Lalamig na 'tong niluto ko.
Faye :<
Delivered lang messages ko.
Nagd-drawing ka pa ba?
Fayeeeee
Fayeeee Anastasiaaaa
Fayeee Anastasia Faithhhh
Miss artisstttt
Nastaaaaa
Dito lang ako sa labassss
Faye, are you asleep?
:<
Adobo ko, malamig na :<
Napangiti si Faye pero agad ding nataranta nang mapagtantong si Corin itong nagdo-door bell sa labas. Shit! Bakit ngayon pa na hindi siya nakapaghanda? Kakagising niya pa lang baka may muta pa siya.
Dali-dali niyang tinignan ang mukha mula sa screen ng cellphone habang naglalakad papalapit sa pinto. Muling tumunog ang door bell kaya pinihit niya ang pinto pabukas.
Nasilaw siya sa liwanag mula sa labas. Idagdag pa ang matingkad na mukha ni Corin na agad na ngumiti nang makita siya. Karga-karga nito si Neuro sa kaliwang kamay habang sa kabila naman ay hawak ang phone at isang tupperware.
"Faye!" bati nito at saka naglakad papalapit sa kaniya pero napatigil din. "Uh, can I come in?"
She nodded. "Sorry. Kakagising ko lang."
Kinuha niya si Neuro at siya ang kumarga nito. Pinisil niya pa ang tiyan nitong mataba at malambot.
Naglakad sila papuntang kusina.
"I can see that. Your hair is like a bird's nest." He chuckled. "Anyway, let's eat?" Tinaas nito ang dalang tupperware.
"Teka. Wala ka bang pasok?"
"It's Friday on the afternoon. Wala akong schedule. And uh . . ." He scratched his nape. Pansin niyang hindi ito mapakali at 'di rin makatingin nang diretso sa kaniya.
"Okay ka lang?"tanong niya.
Nilagay muna nito ang tupperware sa lamesa bago naglakad papalapit sa kaniya. Nasa harapan na niya ang lalaki ngunit hindi ito makatingin nang diretso sa kaniya. Namumula ang leeg at pisngi habang may kinuha ito sa bulsa.
When Corin chose to lay his eyes on her, she was caged by his caramel orbs, failing her to realize that he was already touching her messy hair. He tucked some strands at the back of her ear which made her feel a little dizzy. That small gesture made her feel like she got drunk again.
A clipping sound above her head turned up. Nilagyan ng hair clip ni Corin ang kaniyang buhok.
"There," saad nito habang nakatingin sa clip.
She touched it while remembering the thing she needed last week. "Did your God tell you I need a hair clip?"
Corin just gave her a smile. Kinuha nito si Neuro sa kaniyang mga braso at nilagay sa sahig.
Nagtaka pa siya at sinundan ng tingin ang naglalakad na si Neuro palayo pero mabilis ding napabalik ang atensyon kay Corin nang hawakan nito ang kaniyang mga kamay.
His warm hands pressing against hers made her heart jumped a little.
"Faye, sorry kung pinaghintay kita. I just got busy."
Napalunok si Faye. Was he talking about his answer?
Bigla siyang kinabahan. "O-okay lang."
"Can you say those again to me?"
"Ngayon na?"
Corin nodded.
Napakagat naman siya sa kaniyang labi. Shit. Hindi pa naman siya handa ngayong araw. Kung sinabi lang sana nito na pupunta pala ito ngayon, e di sana nakapag-practice siya.
Ngayon lang siya dinatnan ng hiya dahil hindi siya lasing. Madali lang naman 'yon sabihin pero kinakain siya ng kaba. Parang napasma ang kaniyang bibig at hindi masabi ang nais nitong sabihin para sa lalaki.
"A-ano ba 'yong sinabi ko?" Hindi niya alam kung anong mga salita ang uunahin niya.
Nawala naman ang ngiti sa labi ni Corin. "Hindi mo na naaalala?" mahina ang boses nitong tanong. Bagsak ang mga balikat nitong nakayuko habang pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri.
Bigla namang nataranta si Faye. She opened her mouth to say something but ended up closing it. She couldn't pick up her words.
"P-puwede bang kumain muna tayo? Gutom na ako, e," pag-iiba niya. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Corin sa kaniyang kamay at naunang maglakad papalapit sa lamesa.
"Okay."
Gustong sakalin ni Faye ang sarili matapos marinig ang matamlay nitong sagot.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang lalaki na naghahanda na ng mga plato. Nakaupo siya sa upuan katapat kung saan nakatayo si Corin at naghahanda.
Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon pero ano itong ginagawa niya? Nililihis niya ang usapan.
Kasi naman, e. Nabigla siya. Payapa siyang natutulog kanina tapos paggising niya, nandito na agad sa harapan niya si Corinthians.
Tahimik silang kumain dalawa. Magkaharap sila ngunit nakapokus lang ang tingin ng lalaki sa pagkain. Ni hindi man lang siya nito sinulyapan kahit isang beses. Subalit siya ay segu-segundong tinitignan si Corin dahil hindi siya mapakali. Ang sarap ng adobo pero hindi niya iyon ma-enjoy dahil ang isip niya ay na kay Corin.
Bumuntonghininga siya.
"Fine," mahina niyang sabi at binitawan ang kutsara at tinidor. Ayaw na niyang patagalin ito.
Inis niyang binagsak ang mga kamay sa lamesa at saka tumayo. Napaigtad naman si Corin sa kaniyang ginawa. Tumingin ito sa kaniya nang may halong pagtataka.
Naglakad siya papunta sa tabi ng lalaki at naupo.
"Faye?"
Hinawakan niya ang magkabila nitong balikat at sinalubong ang nakakalula nitong mga mata. Muli siyang huminga nang malalim.
"Gusto kita. Hulog na hulog na ako sa 'yo at--" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil natigilan siya nang makita ang ekspresyon ni Corin.
Faye thought for a second that experiencing a slowmo while looking at someone you love was just an exaggeration, but now, she might be wrong about it. Para siyang nawala sa sarili habang pinagmamasdan kung paano umangat ang mga labi nito. Even if she saw it already a lot of times, she still couldn't help but to be caught off guard.
What an art you are. So damn beautiful.
Napabalik sa diwa si Faye nang bigla siya nitong hilahin sa isang yakap. His arms around her waist and his head heavy on her shoulder.
"I thought you don't want my answer anymore," Corin whispered, his breath on her neck. "Thank you."
Hinigpitan ni Corin ang pagkakayakap sa kaniya at hinila siya papalapit dahilan para mapaupo siya sa lap nito. "I'm falling for you, too. Ever since that day, I have been drawn to you. Ever since that day, Faye."
Napakagat si Faye sa pang-ibabang labi at niyakap din ito pabalik. Kung gaano kahigpit ang binigay nitong yakap, iyon din ang ibinalik niya. Kumabog nang mabilis ang puso niya habang nagpabalik-balik sa isipan ang sinabi ni Corinthians.
He loved her too. Gusto rin siya ng lalaki. Hindi lang siya ang nahulog kundi pati si Corin.
Do I deserve this? Do I deserve to be loved by this man?
Faye couldn't help but to think about those questions, but the doubts weren't loud enough. It wasn't loud enough to make her feel terrible. Corin's confession overshadowed her own negative emotion. Masiyadong malakas ang pintig ng kaniyang puso para pagtuunan ng pansin ang sinasabi ng kaniyang isip.
Humiwalay siya sa yakap. Lumulubo ang pisngi sa lawak ng kaniyang ngiti.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng lalaki. "Be with me," she said. Her eyes locked on his, she caressed his cheeks as she waited for his reply.
Inabot ni Corin ang kaniyang palad at marahan itong hinalikan. Nagtaka si Faye dahil tinakpan nito ang mukha gamit ang kaniyang palad. Kita niya ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. Ilang saglit pa, narinig niyang itong humikbi. Unti-unti ring nababasa ang kaniyang palad.
He's crying?
"Corin? Bakit ka umiiyak?" alala niyang tanong. "
"It's just . . ." Binitawan nito ang kaniyang kamay at pinahid ang mga luha. Pinagmasdan siya ng lalaki na puno pa rin ng tubig ang mga mata. "I'm too happy."
He smiled at her and nodded. "Yes. Yes, I will be with you forever, Faye. Forever."
Parang siyang nabingi matapos marinig ang mga katagang iyon. Ang salitang hinintay niyang marinig mula kay Corin. Ang salitang hindi niya aakalaing lalabas sa bibig nito. Pakiramdam niya'y nalimutan niya lahat ng bigat at sakit na napagdaanan niya at napalitan ito ng emosyong matagal din niyang nais na maranasan ulit.
Kasiyahan.
So, this is how it felt to be happy again.
Hindi niya maalis ang tingin kay Corin at ganoon din ang lalaki. Patuloy pa rin ito sa pagluha kaya ginamit niya naman ang mga palad upang alisin ang bawat luhang tumatakas. Napababa ang tingin niya sa mapupula nitong labi.
Napalunok siya. She wanted those lips on her.
She leaned in and planted a kiss on his cheek up to the side of his eyes. It was warm and soft, the best thing she could press her lips on. She pulled away before she'd get drowned.
"Can I kiss you on this part now?" With her thumb, she touched his lips.
Mahina namang natawa si Corin. He held the back of her neck and pulled her closer, meeting his lips with hers.
She got drowned. Without the need of being saved.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro