Kabanata 15
NAPABALIKWAS sa kama si Faye nang bigla siyang mahulog sa kaniyang panaginip.
"Ang random." Napakamot siya sa kaniyang pisngi habang ang mata ay 'di pa dumidilat.
Muli siyang napahiga dahil kumirot ang kaniyang ulo. Argh. Ang dami nang nainom niya kagabi.
Kinapa niya ang phone na nasa ilalim ng unan habang iniisip ang mga pinaggagawa niya kagabi. Mabilis siyang natigilan nang pumasok si Corin sa isipan.
"But I want to kiss you."
"Ah!" Napahiyaw siya nang biglang maalala ang ginawa. Naglaro sa kaniyang utak ang mga pinagsasasabi niya, pati na rin kung paano niya hilahin ang lalaki palapit sa kaniya.
Napahawak siya sa mga labi. Shit! Muntik na niyang halikan si Corin.
Hindi lang 'yon. She even confessed to him. Nakakahiya. Ano na lang sasabihin niya kapag nagkita sila?
"Mag-usap tayo kapag hindi ka na lasing and say it to me again. I want to hear those words from you not drunk and completely sane. And then, I'll give you my answer."
Marami pang sinabi si Corin sa kaniya habang hinahatid siya nito pauwi kagabi, pero ang mga katagang iyon ang tumatak sa kaniyang isipan. Iisipin pa lang niya ang mga huling kataga ay napapatili na lang siya.
He would give her an answer and what could that be? Will she be heartbroken or will he accept her?
Her heart couldn't stop pounding hard. Okay na ba sila? Hindi na ba siya iiwasan ni Corin? Would they be the same again?
Napayakap na lang siya sa kaniyang unan. Ang aga pa, ayaw niyang mag-overthink.
A notification sound made Faye reached her phone. Binuksan niya iyon. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita ang mensahe.
It was Corin. Nandoon din ang message nito sa tanong niya kahapon bago siya naglasing.
Corinthians:
Fayeee! Sorry for the late reply. May emergency meeting kami. Yes, we can meet up. I'm always available on Fridays. Afternoon to be exact.
Sent: 7:01 P.M.
Good morning, Faye. Are you up? Masakit siguro ulo mo ngayon. Take a rest, hmm? Anyway, look at this! Congratulations, Faye!
Sent: 10:07 A.M.
May naka-attach na screenshot image sa message nito kaya tinignan niya iyon. Ilang beses pa siyang napakurap habang pinagmamasdan ang imahe.
She couldn't believe it.
Her art was featured. It was featured by a famous author, Solomon. Solomon was a fantasy and action writer, marami na itong na-publish na libro at marami na rin itong na-inspire na mga manunulat. Minsan na rin niyang nabasa ang mga akda ni Solomon at isa sa mga favorite niya ang Laws of Flame and Enigma. Bago pa maging isang sikat na writer si Solomon, senior niya ito sa Maranatha. First year siya that time habang si Solomon naman ay graduating na.
Bago pa maka-type ng reply si Faye sa mensahe ni Corin ay sumunod namang nag-chat sa kaniya si Alexandra at Laira. Nakita rin ng dalawa ang post ni Solomon at ngayon ay binabati siya.
Nauna niyang reply-an ang mga kaibigan bago si Corin. Muli niyang f-in-ollow ang lalaki at saka nag-type ng mensahe.
Nasta:
Good morning. Thank you.
Oo, masakit nga ulo ko. Ang dami ko pang kabaliwang nagawa kagabi sa 'yo. Pasensya na.
Wala pang isang minuto, nag-reply agad si Corin.
Corinthians:
Do you remember everything you said? You are not regretting it, are you? :<
Napakunot pa ang kaniyang noo nang makita ang emoticon. Isang maliit na tawa ang tumakas sa kaniya nang muli itong nag-send ng sad emoticon.
Corinthians:
Faye? You are not going to take it back, right? :<
Nasta:
No. What's with the :<
Corinthians:
Baka kasi bigla mong sabihin na joke lang lahat ng sinabi mo sa akin kagabi. Huwag naman sana :<
Nasta:
Hindi 'yon joke.
Although, she thought of taking it back, there was a part of her saying that she should not. At 'yon ang pinakinggan niya. Ayaw na niyang bawiin pa ang lahat ng sinabi niya kagabi. Papanindigan niya iyon. Bahala na kung masaktan man siya o hindi. She didn't want Corin to be her friend forever. Dahil simula pa lang, hindi kailanman pumasok sa isipan niya na maging kaibigan lang ang lalaki.
The moment she laid her eyes on him, she already felt different. She got his attention. Her heart, to be exact.
Nasta:
I'll be waiting for your answer. Hindi na ako lasing ngayon.
Corinthians:
May hangover ka pa. Take a rest first. Ako mismo pupunta sa 'yo.
Nasta:
I'll be waiting.
Bumangon na si Faye at kahit na kumikirot pa ang kaniyang ulo, hindi niya iyon pinansin at nagtungo papuntang kusina. Binuksan niya ang refrigerator at may limang itlog doon.
She was going to cook today. Kahit papaano marunong naman siyang magprito ng itlog.
Nagsaing muna siya bago sinimulang magprito. Ang akala niya perfect ang kaniyang Sunny-Side Up pero nasunog ang kabilang bahagi nito.
Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Nagtimpla muna siya ng kape bago kumain. Napangiwi pa siya dahil hindi niya pala nalagyan ng asin ang itlog.
Nasunog na nga, matabang pa.
Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Pagkatapos, naligo at nag-ayos ng sarili. Hindi siya nagmadali. She took the time to comb her hair, put on a powder and a pink lipstick.
Nakaupo siya sa kaniyang kama habang nakangiti sa salamin na nasa ibabaw ng drawer.
Parang kahapon lang wasted na wasted siya. Ngayon naman, nagagawa na niyang ngumiti. Iba talaga ang epekto ni Corin sa kaniya.
Binuksan niya ang pangalawang box ng kaniyang drawer upang maghanap sana ng hair clip pero wala siyang nakita kahit isa. Ang tanging mayroon lang siya ay ang itim niyang pantali.
Ano ba 'yan! Wala man lang siyang malagay sa kaniyang buhok. Napunta siya sa pangatlong box pero imbes na hair clip ang bumungad, ang panyo ni Corin at ang drawing nito na kinuha niya sa orphanage.
Inabot niya ang mga 'yon. Hindi niya pa pala nasusuli kay Corin ang panyo.
"Sa akin ka na lang. Hindi na kita isusuli."
Walang ibang ginawa si Faye kundi maglinis buong araw. Hindi siya gumawa ng mga commission dahil hinihintay niya si Corin. Masiyadong abala ang kaniyang puso at isip sa magiging sagot nito kaya naman hindi rin siya makapagpokus sa pagd-drawing.
Alas kuwatro na ng hapon pero wala pa rin si Corin. Naupo na lang siya sa kaniyang kutson at sumandal sa paanan ng sofa. Nilagay niya sa kaniyang lap ang drawing tablet at saka nagsimulang mag-doodle.
Kung ano-ano lang ang mga ginuguhit niya. Hindi niya namalayan na si Corin na pala ang naguguhit niya kaya napangiti siya.
"Ang guwapo mo talaga."
Biglang nag-beep ang kaniyang phone kaya mabilis niya iyong inabot sa kanyang tabi.
Binuksan niya ang mensahe na may ngiti sa mga labi pero agad ding nawala nang mabasa ito.
Corinthians:
Faye, I'm sorry, I can't meet you today. Nagkaroon ng meeting for next week's event. The faculty is planning to have a field trip para sa field work ng mga graduating students sa biology.
Nasta:
'Di ba chemistry professor ka?
Corinthians:
Yes. But I was invited to be one of the assigned teacher na maggu-guide sa mga students since kinulang ng magfa-facilitate. Kilala ko rin ang mga estudyante kasi nakapagturo din ako ng organic at inorganic chemistry sa kanila noong first and second year pa lang sila.
Nasta:
Kinulang pala tapos ang lakas ng loob magpatupad ng field trip.
Corinthians:
Are you mad? Don't worry, we'll see each other soon. I'll make sure of that. Kakausapin din naman kita from time to time so, can you wait for me?
Nasta:
Sige lang.
Corinthians:
Don't be mad, hmm? Look at Neuro and Shima, they're playing again. Ang cute nila, 'no?
Corin sent her a video of Neuro chasing Shima. Wala siyang nagawa kundi mapangiti na lang at mawala ang inis na nararamdaman niya kanina. Paano ba naman kasi niya matitiis ang lalaking 'to?
Kaya naman niyang maghintay at hindi rin naman siya nagmamadali.
She was just sad because all her effort of cleaning her apartment went to waste.
Pero okay lang. At least malinis ang bahay niya.
At dahil hindi makakapunta si Corin, gagawa na lang siya ng mga commission. Pinasok niya sa bulsa ang phone at naglakad papunta sa salas.
She was ready to start the traditional art commission which was due next week but then a message pop out of her notification.
Tinignan niya iyon at muntik na niyang matapon ang stylus na hawak-hawak nang makita kung sino ang nag-message.
It was Solomon.
solomon_but_of_no_wisdom started following you.
Solomon:
Hi, Nasta! Wow! Your art is really, really good. Super classy and detailed. Balak ko sanang magpagawa ng digital art sa 'yo for my characters in my upcoming story.
Also, do you make book covers as well? Can I also request an illustrated book cover?
Mabilis na napatili si Faye. Nabitawan niya ang phone at napapadyak-padyak pa sa sobrang saya. Hindi siya makapaniwala. Una, na-feature siya sa social media story nito at ngayon, 'di niya inaasahan na magme-message mismo sa kaniya ang author.
And he even followed her!
Hindi lang basta-bastang client si Solomon. Ito ay kilalang manunulat. At nais nitong magpa-commission sa kaniya! Sa kaniya mismo magpapagawa. Sa. Kaniya.
"Wah!" Muli siyang napatili.
Kinuha niya ang phone at habang nagta-type ng reply, hindi mawala-wala sa kaniyang labi ang ngiti. After sending her reply, she took a screenshot and sent it to Corin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro