Kabanata 14
ILANG beses nang sumama si Faye kay Alexandra sa university para lang makita at makausap si Corin. Mahigit isang linggo na niya itong ginagawa ngunit hindi pa rin sila nagkakaayos. Nakakasalubong niya ang lalaki pero wala naman siyang lakas ng loob na harapin ito. Kahit nag-practice na siya sa sasabihin, natatameme pa rin talaga siya.
Bukod doon, iniiwasan din siya ni Corin. Kapag nagkakasalubong sila, ito mismo ang lumalayo o umiiwas ng tingin. Mas lalo lang tuloy na bumibigat ang kaniyang pakiramdam.
Her day became silent and her night a cold stagnant evening. Parang bumalik lahat sa dati. Ang tahimik. Wala nang nanggugulo sa messages niya maliban sa kaniyang mga client. Wala nang nagse-send sa kaniya ng pictures para ibalita lang na kumain na ang mga alaga nito. Wala nang Corin na ngingiti sa kaniya to the point na masisilaw siya. Wala na.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa kaniyang kutson. Kakatapos niya lang sa commission na ginagawa niya kaya nag-unat muna siya dahil sumasakit na ang kaniyang likod.
She was still following the task list Corin gave her.
Napabuntonghininga na lang siya. Wala kahit ni isang segundo hindi niya naiisip ang lalaki. Pati pagtulog hanggang paggising, si Corin pa rin ang laman ng isip niya.
Miss na miss na niya si Corin.
Kinuha niya ang phone at tinignan ang social media account nito. Hindi niya pa pala na-fo-follow ito ulit.
Biglang nag-green ang gilid ng profile nito, nangangahulugang online ang lalaki.
Should she message him?
Ano namang sasabihin niya? Malamang, hihingi ng sorry. After all, it was her fault. Siya ang nagsabi na 'wag na itong magpakita sa kaniya pero ito siya ngayon, nagbabakasakaling magiging okay pa sila ulit.
'Corin, I'm sorry. I didn't mean to say those words . . .'
Mabilis niyang binura ang message dahil parang ang insincere pakinggan. She tried to compose again but she couldn't find the right words to say. She wanted to see him. She wanted to see that imperfectly perfect smile again. She wanted his presence to invade her life one more time, but she couldn't fit all those words in a chat. It might not reach how she longed to be with him again. It might not be enough to express her emotions well.
She wanted to say it personally.
'Corin, are you busy? Can we meet up?'
She hit the send button and waited for his reply. Napalunok siya habang napapaupo sa sofa. Ang puso niyang unti-unting bumibilis ang tibok ay nag-aalala sa kung anong isasagot ng lalaki. Napakagat siya sa kaniyang daliri habang nakatingin sa screen ng phone niyang nakalapag sa sofa.
The check mark darkened meant that her message had been delivered, but Corin didn't read it.
Bumagsak ang mga balikat niya nang mawala ang active status ng lalaki.
Corin ignored her.
Napasabunot na lang siya sa inis habang pinipigilan ang sariling umiyak.
She was completely devastated.
Ang bigat sa puso niya ay mas lalo pang dumoble. Parang pinagpipiraso ang kaniyang damdamin habang iniisip ang mga pag-iwas na ginawa sa kaniya ni Corin, pati na ang mensahe niyang hindi pinansin.
She heard a beep from her phone. Dali-dali niya itong tinignan, nagbabakasakaling nag-reply si Corin pero hindi. It was Alexandra.
Alexandra:
Faye, sama ka mamaya sa Green Eyed Bar. Naalala mo si Laira? Batchmate natin, kakauwi lang galing sa France, gusto raw mag-celebrate sa pagbalik niya kaya sumama ka, ha? Sunduin kita mamaya.
Nasta:
Sige.
Hindi na siya nagdalawang-isip pa na um-oo. Wala rin naman siyang gagawin. Bukod sa bigat ng nararamdaman, gusto niyang aliwin ang sarili para makalimutan kahit sandali ang puso niyang winasak ni Corin.
---
"OH, girl. Ito pa, oh! Kaya gustong-gusto kita kasi go nang go, e!"
Hindi pinansin ni Faye ang tinis sa boses ni Laira at tinungga ang binigay nitong inumin. Kanina pa siya umiinom at pakiramdam niya'y hindi naman siya nalalasing.
"Ano ba 'to? 'Kala ko ba alak 'to, ba't wala namang epekto sa akin?"
Rinig niya namang tumawa si Alexandra at Laira. Malalim na ang gabi o baka nga madaling araw na. Umuwi na rin ang iba nilang kasamahan kaya sila na lang tatlo ang naiwan. Pagmamay-ari ng pamilya ni Laira ang bar na ito kaya naman puwede silang mag-stay dito kahit gaano pa katagal.
"Gaga! Tignan mo nga 'yang mukha mo ang pula-pula na. Sure kang hindi ka pa lasing?" sagot naman ni Alexandra. Hindi siya sigurado kung nasa kanan o kaliwang bahagi ito nakaupo.
Ang ingay ng bar kanina. Idagdag pa ang nakakahilong lights na papalit-palit ang kulay. Definitely not her taste. Buti na lang at tahimik na ulit.
"Bigyan niyo ko ng ano . . ." Napatigil siya sa pagsasalita at napakamot sa kaniyang pisngi. "Iyong ano . . . 'yong tipong hindi ko na makikilala sarili ko."
"Tumigil ka nga! Lasing ka na. Laira, 'wag mo na 'tong bigyan."
"But she wanted more, e."
"Huwag na sabi."
Hindi niya pinansin ang nagtatalong si Laira at Alexandra at kinuha ang bote na nasa table sa harapan niya. Tinungga niya iyon. Ramdam niya ang pait ng lasa pero hindi sapat para matigil siya.
Nais niyang magpakalunod. Ayaw niya munang isipin si Corin pero hindi naman umaalis sa utak niya.
"Putangina!" Binagsak niya ang bote sa lamesa. "Puta talaga!"
"What's wrong, Faye?" Laira asked. Hindi niya masiyadong maaninag ang mukha nito kasi hindi na rin malinaw ang kaniyang paningin.
"Alam mo ba? Nakakaputa kasi itong inumin niyo, wala namang epekto. Naaalala ko pa rin ang lahat."
"Kailan pa nakapagbibigay ng amnesia ang alak?" patanong na sabi ni Laira.
"Ganoon 'yon sa mga movies," sagot naman Alexandra.
"Ah basta. Gusto kong makalimot kahit ngayon lang, please!" Sumandal siya sa inuupuan.
"Sino ba gusto mong kalimutan?"
Hindi niya pinansin ang tanong at saka nagsalita ulit. "Ayaw niyang umalis sa isipan ko. Nakakainis! Ayaw niya pa akong kausapin."
"Sino ba 'yan, girl? Jowa mo?"
"Baka si Professor Corinthians," nakangising saad ni Alexandra.
"Sino 'yan? Ba't parang ang bait ng name?"
"Mabait talaga ang putanginang iyon!" sigaw niya. "Sa sobrang bait gusto ko siyang kalimutan. Gusto kong mag-sorry. Gusto ko siya ulit makausap."
"Kakalimutan daw tapos gustong makausap. You're so malabo, Faye."
"Ano ba talaga nangyari sa inyo? Chika ka nga!" Naramdaman niya ang pagdutdot ni Alexandra sa tabi niya.
"Ganito kasi 'yon," simula niya. Hindi siya sigurado kung nakaharap ba siya sa kinakausap niya o nakatalikod. Ang alam niya lang ay may hawak na bote ang kamay niya. "Inaway ko siya. Tapos sabi ko, huwag na siyang magpapakita pa sa akin kahit kailan. Tapos sabi ko pa na nagsisi akong makilala siya pero s'yempre hindi 'yon totoo! Ako? Magsisisi na nakilala siya? Putangina ko naman kong gano'n!"
"Ah, kaya pala iniiwasan ka sa university. At kaya rin pala panay ang pagsama mo sa 'kin. Nako ka, Faye, ha! Kay Sir Corin ka lang pala kakalampag."
"Kakalampag? Tangina mo talaga, Alexandra."
Humalakhak lang ang kaniyang kaibigan bilang sagot.
"So, anong plano mo, girl? Are you going to talk to him ba? If you want na magkaayos kayo ulit, you should approach him."
"Ayon na nga, e! Ayaw nga akong pansinin. Chat ko nga kanina hindi binasa!" Napakagat siya sa pang-ibabang labi habang naalala ang kanina. Namuo ang mga luha sa mga mata niya at bago niya pa mapagtanto, nag-unahan na pala itong tumakas. "Nakakainis. Hindi na niya ako kinakausap. Ayaw niya na ba sa akin? Kung sabagay, sino ba naman ako."
"Wow, sad girl 'yan?" sagot ni Alexandra. May kinakalikot ito sa phone pero 'di niya iyon pinansin.
"Bakit naman kasi bigla-bigla na lang pumapasok sa buhay ko tapos mawawala rin? Pero kasalanan ko rin naman 'yon!" ngawa niya habang sinisipa ang lamesa na nasa harapan.
"My gosh, girl. You look so wasted. Kaya I don't want to fall in love, e, kasi baka maging ganito rin ako."
Patuloy lang siya sa pag-iyak habang si Laira naman ay patuloy rin sa pagpahid ng mga luha niya gamit ang tissue.
"In love ba ako?"
"Yes, girl."
Mas lalo lang siyang naiyak. Hinawakan niya ang dalawang braso ni Laira at niyugyog ito nang paulit-ulit. She couldn't even deny it because her heart was saying yes.
"Uwi na ako, Laira. Ikaw muna bahala kay Faye."
"Huh? Hindi mo 'ko isasama?" sagot niya habang napapadighay pa.
"Hindi. May susundo sa 'yong iba. Laira, ha? Ikaw muna bahala."
"Makakaasa ka, girl."
Nagyakapan pa ang dalawa bago tuluyang umalis si Alexandra.
Tangina talaga nito. Iwan ba naman ako!
"Uwi na rin ako." Tumayo si Faye ngunit mabilis ding napaupo dahil nawala siya sa balanse.
"Sit ka lang d'yan, girl, at hintayin mo ang bebe mo."
"Bebe ko? Ano 'yon?"
"Oh, mukhang iyon na ata." May tinuro si Laira sa pintuan kaya napalingon siya sa harapan.
Hindi niya naman ito makita nang maayos dahil umiikot ang mundo niya. May pigurang papalapit sa kanila.
"Are you Professor Corinthians?"
"Yes."
"Nice meeting you, Sir. I'm Laira. And ito na siya, puwede mo na siyang kunin."
"Corin?" Kinusot-kusot niya ang mga mata pero hindi pa rin talaga malinaw ang kanyiang bisyon. Litse na alak 'to! Kung kailan gusto niyang makakita nang maayos, saka naman eepekto.
"Faye, can you walk?"
Sinubukan niyang tumayo pero kagaya kanina ay nawalan siya ng balanse. Buti na lang ay nahawakan ni Corin ang kaniyang braso. Inalalayan siya nito maglakad palabas ng bar.
"Anong ginagawa mo rito?" she asked, looking up to the face of the man she could barely see.
"Ma'am Alexandra sent me a text message." His voice, calm as usual.
She missed it so much.
"Wow! Sana lahat binabasa ang text." Tumigil siya sa paglalakad at winaksi ang pagkakahawak ng lalaki. "Lumayo ka nga sa 'kin. Matapos mo 'kong iwasan at i-ni-gnore ang chat ko, lalapitan mo ako ngayon?"
"Well, you told me not to bother you again. And I didn't ignore your message. I replied, but you haven't read it yet." Lumapit ang lalaki sa kaniya at inalalayan ulit siya.
Marahan siya nitong hinila pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.
"Galit ka ba? Galit ka sa akin?" tanong niya.
"I'm not mad at you."
"Then why didn't you talk to me for the whole week?"
"Like I said, you told me not to bother you. And I . . . might have become an annoyance to you. I'm sorry."
Inabot niya naman ang kuwelyo nito. "At ginawa mo naman? Sa tingin mo ba gusto ko talagang lumayo ka sa akin?" Inalog-alog niya ang pagkakahawak sa kuwelyo ng lalaki. "Hindi ko naman 'yon sinasadya, e. Tapos tignan mo, ikaw pa nagso-sorry imbes na ako. Nakakainis! Huwag kang mag-sorry. Ako dapat ang nagsasabi ng gano'n."
"Faye--"
"I'm sorry. Sorry sa lahat ng nasabi ko. Hindi ko 'yon sinasadya. Sorry kung nasaktan kita. Sorry talaga. Huwag mo na akong iwasan, please." Hindi niya alam kung anong pagmumukha niya ngayon pero wala na siyang paki ro'n dahil wala siyang ibang gusto kundi ang magkaayos sila. Nagpapasalamat siya kahit papaano sa alak dahil nakapag-sorry na rin siya sa lalaki.
Naramdaman niya naman ang kamay nito sa kaniyang pulso. "You didn't regret meeting me?"
"S'yempre hindi. Hindi nga 'yon totoo lahat ng sinabi ko. Gustong-gusto kita palagi na nasa tabi ko kaya 'wag mo na akong iwasan."
Hindi sumagot si Corin. Pansin niyang natigilan ang lalaki kaya napatigil siya pag-alog nito.
"G-gusto mo akong palagi sa tabi mo?"
"Oo."
He sighed. "You're just drunk, aren't you? I don't want to believe in false hope."
"False hope? Paasa ba ako?" Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kuwelyo nito at hinila ang lalaki papalapit sa kaniya.
"Faye, what are--"
"Tangina, ang guwapo mo talaga," saad niya habang nakatitig sa mukha ni Corin. Parang kanina lang hindi siya makakita nang maayos pero ngayong sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa, kitang-kita niya ang maganda nitong mata.
"Gustong-gusto kita, Corin." Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi. "Nahuhulog na ako sa 'yo. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa 'kin pero puwede bang manatili ka na lang sa tabi ko palagi? Puwede ba 'yon, Corinthians?"
Ramdam ni Faye ang hininga nito kaya napababa ang kaniyang tingin sa mga labi ng lalaki.
"Bakit hindi ka nagsasalita? May nararamdaman ka rin ba para sa 'kin? Kasi kung wala, sabihin mo na agad."
"Wait, Faye. Let go of me first."
"But I want to kiss you."
Tatanggalin na sana ni Corin ang pagkakahawak niya pero natigilan ito sa kaniyang sinabi.
"H-ha? Teka--" Mas lalo niya pang inilapit ang mukha nila hanggang sa magkadikit na ang kanilang ilong.
She closed her eyes. She was ready to meet his lips with hers but she was stopped. Tinakpan ni Corin ang kaniyang mga labi gamit ang palad nito.
"Mag-usap tayo kapag hindi ka na lasing and say it to me again. I want to hear those words from you not drunk and completely sane. Then, I'll give you my answer."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro